Linggo ng araw na iyon, Kasalukuyan lang na nasa bahay si Miaka. Mag aalas-nuebe na ng umaga kaya lang ay nasa loob pa siya ng kanyang kwarto at wala siyang balak na lumabas roon. Masyado kasing mabigat ang pakiramdam niya, Dagdag pa sa kanyang iniisip na nagkamabutihan na si Maddy at Tristan. Iniisip niya pa lang parang ang bigat na sa pakiramdam. Tatlong araw na rin simula ng huli silang magkita ng binata. Gustong-gusto na niya itong makita, masyado na niya itong nami-miss, kaya lang ay tiniis niyang huwag na munang abalahin ang binata. Sobrang saya niya ng malaman mismo kay Brian na may gusto rin pala si Tristan sa kanya noon. Kung nalaman lang sana niya ng mas maaga. Kaya lang, nag aalinlangan na siya ngayon kung may puwang pa ba siya sa puso ng binata. Gayong may Maddy ng umaaligid dito. Kaya, hindi na muna niya guguluhin ang binata sigurado namang masaya na ito kasama si Maddy.
Maya-maya'y tumunog ang kanyang cellphone. Agad naman niya kinuha sa side table na naroroon at walang pag-aalinlangan sinagot. Hindi man lang niya tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Hello?", wala sa isip na sagot niya.
Bumuntong hininga muna ang nasa kabilang linya saka nagsalita.
"Busy ka ba ngayon?", anito sa mahinahong tono.
Nahulaan niya kaagad base na rin sa boses nito kung sino ang tumawag. Saka lang niya tiningnan ang screen ng kanyang cellphone. Hindi ito naka rehistro. Napaisip tuloy siya hindi man lang pala sila nagkapalitan ng numero ng magkita sila. Kung paano nito nakuha ang numero niya hindi na niya iyon ipinagtaka dahil nga sa maimpluwensyang tao ito.
"Ahm, pwede ba tayong magkita?", anito ng hindi siya sumagot.
"A-ano, si-sige." aniya ng makabawi sa pagkabigla.
"OKAY, papunta na ako diyan sa inyo susunduin kita." , anito saka busy tone na ang narinig niya pagkatapos.
"Ano ba naman iyan? agad-agad? hindi pa nga ako nakapag ayos! " ,aniya sa sarili habang dali-dali siyang kumilos para mag ayos.
Naglagay lang siya ng kunting make-up ng sa ganoon ay hindi rin siya gaanong maputla. O mas tamang sabihin, gusto lang talaga niyang maging maganda sa mata ni Tristan. Isang simpleng black Cocktail dress ang kanyang sinuot. Dahilan para malantad ang kanyang kaputian. Pagkatapos niyang tumayo panandalian sa kanyang salamin at umikot-ikot. Pagkuwa'y nag desisyon na siyang bumaba. Pagbaba niya ng hagdan nahagip agad ng kanyang mga mata ang nakaupong binata sa kanilang sala. Kausap ang kanyang mommy. Nagsalubong ang kanilang paningin, habang pababa siya ng hagdan. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso sa mga mata nito. Ang gwapo pa naman nito bagay na bagay rito ang business suit na suot.
"Ma, magpapaalam nga po pala ako sa inyo",
"Hija, nagpaalam na itong si Tristan sa akin, mag-iingat kayo ha.
"Oo naman tita", sagot ni Tristan.
Akalain mo bang mas lalong naging gwapo ang batang ito oh, habang lumalaki. ", nakangiting pahayag ng kanyang ina.
"Hindi naman po tita ", nakangiting pahayag ng binata.
Agad namang tumayo ang binata ng makababa siya, bumeso siya sa kanyang ina pagkatapos ay nagpaalam na rin. Wala rin naman ang kanyang ama sa bahay nila ng oras na iyon kung kaya't sa kanyang ina siya nagpaalam.
Pareho na silang nasa sasakyan ng mamayani sa kanila ang katahimikan.
" Ahm, Tristan pasensiya ka na pala no'ng birthday mo hindi naging maayos dahil do'n sa nangyari.",
"Okay, lang Mia", nakangiting pahayag nito.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" ,
"Kailan man, hindi ako magagalit saiyo.", anitong bahagya pang lumingon sa kanya. "Oo, nagalit ako, pero hindi sa'yo, sa sarili ko mismo. Galit ako sa sarili ko, kung bakit nga ba ganito ako. Kung sana sinubukan ko na lang noon, di sana .." seryosong pahayag nito, saka tinabi at hininto ang kotse.
"Di sana ano? Anong sinubukan? ", kunot noong turan niya.
"Wala, kalimutan mo na..", anito pagkuwa'y pinaandar na naman ang kotse nito.
Hindi na rin siya umimik pa. Dinala siya ng binata sa bahay bakasyunan ng pamilya nito sa probinsya. Mahigit tatlong oras din ang kanilang byahe. Tapik sa balikat ang nagpagising kay Miaka. Pagmulat niya ay mukha ng binata ang kanyang nakita. Grabe ang kaba niya sa ganoong sitwasyon nila.
"Ahm, nandito na ba tayo?", aniya na inilipat sa kabilang side ang paningin.
"O-oo, baba na tayo", alok ng binata.
Pagkababa nila mula sa kotse ay sariwang hangin agad ang sumalubong sa kanya. Nagustuhan niya ang lugar, malamig at malinis. Mahusay at maganda ang pagkagawa ng bahay ng mga ito.
"Halika, pumasok ka", yaya nito sa kanya.
Palinga-linga siya sa paligid.
"Don't worry, may kasama tayo dito.", saka naman paglabas ng isang babae na sa tingin niya nasa lampas singkwenta na ang edad. Ipinakilala siya ng binata. At nalaman niyang ito pala ang mama ni Marco ang boyfriend ng bestfriend niya. Sa tingin niya ay magkakasundo si Nicole at ang magiging byanan nito kung sakali. Halata naman kasi na mabait ang mama ni Marco.
"Hija, kung may kailangan ka, sabihin mo lang ha."magluluto muna ako para sa tanghalian natin.", bilin pa nito bago bumalik sa kusina.
" Sige, po tita..", nakangiting pahayag ng dalaga.
"Nay, iyong paborito ko ang lutuin mo ha", wika ni Marco.
"Oo naman Hijo, pwede ba namang hindi." anito saka tumalikod na.
Silang dalawa na lang ang naiwan.
"Si Nanay Tina pala, para ko na rin siyang tunay na ina. Bukod sa mabait na si Nanay, masyado ring maalaga.", umpisa pa nito.
"Oo nga eh, halata naman kasi sa kanya. Anyway, bakit nga pala tayo nandito?", tanong niya.
" Gusto ko lang mag relax na kasama ka.",nakangiting pahayag nito.
"Ganoon? hali ka, sulitin na natin ng sa ganoon mahaba haba pa ang oras natin.", aniya saka biglang tumayo. "Maglakad-lakad tayo sa banda roon. "; turo pa niya.
"Teka, relax! hinawakan nito ang kamay niya. Marami pa naman tayong oras."
"Ano? eh, uuwi na tayo mamaya ah",
"Hindi tayo uuwi.",
"Ano??",
"Kailangan ko pa bang ulitin sa'yo Mia na hindi tayo uuwi?" anitong bahagya pang inilapit ang mukha sa mukha niya.
"Paanong? si Mommy at Daddy siguradong magagalit iyon. Nababaliw ka na ba?",
"Naipagpaalam na nga kita kay Tita hindi ba?",
"Ibig sabihin ba no'n alam niya na hindi tayo uuwi?" takang tanong niya.
"Exactly!",
"Ano ba ang nangyayari hindi ko maintindihan. Ang akala ko lalabas lang tayo. Bakit hindi mo sinabi? bakit walang sinabi si Mommy?"
"Hindi ka naman kasi nagtanong.",
"Paano na si Daddy magagalit iyon",
"Naipagpaalam na rin kita sa kanya.",
"Di nga? seryoso? hindi man lang ba nagalit? Paano naman kayo nag-usap eh wala siya sa bahay ng umalis tayo",
"Nakipagkita ako sa kanya nong nakaraang araw. Pumayag naman siya kasi nga may tiwala siya sa akin. Saka matagal naman na tayong magkaibigan kaya kilala na raw niya ang pagkatao ko.
"Wow! so, ako na lang pala ang walang alam dito? ", aniya na pabagsak na naupo.
"I'm sorry, hindi ko nasabi kaagad. " seryosong pahayag ng binata.
Tango lang ang isinagot ng dalaga. Inihatid muna ni Tristan si Miaka sa magiging silid nito. Habang ang katapat naman ay ang silid niya. Nagbihis muna sila saka bumaba para sa tanghalian. Paglabas ni Mia ay nakita niyang nasa tapat si Tristan ng kanyang pinto.
"Kakatok na sana ako para sabay na tayong bumaba.", anito.
"Okay," tipid niyang ganti kapag kuwa'y sabay na silang bumaba.
Kararating lang nila sa hapag kainan, nakahanda na ang lahat ng putaheng niluto ni Nanay Tina. At niyaya na sila nitong maupo. May kasama itong sa tingin niya ang asawa nito. Sa tingin niya ay hindi rin nagkakalayo ang edad ng mga ito. Pinakilala siya ni Tristan sa tinatawag nitong Tatay Toper.
"Ikinagagalak kong makilala ka hija", anito na bahagya pang tinapunan ng tingin si Tristan.
"Ganoon naman po ako tito", nakangiti niyang pahayag.
"O siya, kakain na tayo umupo na kayo", wika ni Nanay Tina.
Nagsiupo na rin sila. Magkatabi silang dalawa ni Tristan habang katapat naman nila ang dalawang matanda. Panay ang lagay ni Tristan sa kanyang plato ng ulam. At nahalata naman niyang kinikilig ang dalawang matanda.
"This is my favorite, chicken adobo. ", anito pagkuway inilagay sa kanyang plato.
"Kumain ka na kaya", aniya na halatang nahihiya sa dalawang matanda. "Grabe naman kasi ang pag-aasikaso ng gwapong nilalang na ito. "
"Alam mo bang kahit kailan, wala pang dinalang babae dito si Tristan Hija? Ikaw pa lang ang nag-iisang babae na dinala niya rito.", natutuwang pahayag ni Tatay Toper.
"Hindi ko po iyon alam Tito. ", aniya. Para bang gusto niyang tumalon sa sobrang saya dahil sa narinig niya.
"Naku! ewan ko ba 'tong batang to Hija, sa tinagal-tagal ng panahon ngayon lang may pinakilala sa amin. " ani Nanay Tina.
"Nay, naman sobra na kayo, magtatampo na ako sa inyo n'yan ah.," pabirong pahayag ni Tristan .
Nagkatawanan lang sila.
Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain. Nagkapalagayan agad ang loob nila ni Nanay Tina. Mahaba-haba rin ang kanilang ginugol sa pagku-kwentuhan.
Bandang alas kuwatro ng hapon ay niyaya siya ni Tristan na maglibot libot sa malawak na lupain ng pamilya nito. Saktong hindi na mainit kaya naman naglakad-lakad lang sila. Medyo malayo-layo rin ang nilakad nila saka nila narating ang isang bahay na gawa sa kahoy na nakapatong sa puno ng mangga. Inalalayan siya ng binata habang paakyat. Napahanga pa siya ng makarating na sila sa itaas. Malinis ang loob ng bahay at kay gandang pagmasdan ng tanawin, at dama niya ang sobrang lamig at preskong hangin na dumadampi sa kanyang balat.
"Nagustuhan mo ba?", nakangiting pahayag nito saka sinalubong ang tingin niya.
Kasalukuyan silang nakatayo habang nakatingin sa ibaba.
"Oo naman, sobra. ang galing nito.", nakangiting pahayag niya. Saka tinapunan ng tingin ang binata.
"Ang ganda talaga", wika pa rin nito habang titig na titig sa kanya.
"Oo nga eh, ang ganda ng place sobra.", aniya na nasa baba lang ang tingin.
Nabigla pa siya ng bigla itong tumawa ng malakas. Kunot noong sinulyapan niya ang binata.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?",
Nakangiti itong bumaling sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Alam mo minsan, hindi ka rin pala marunong makaramdam ano?", anito.
"Ano?", Sa pagkakataong iyon, lalo pa tuloy nangunot ang noo niya dahil sa hindi niya maintindihan ang pinag- sasabi ng gwapong binata.
"Ang ganda mo Mia", seryosong pahayag nito sa kanya.
Nabigla siya ng marinig ang sinabi ng binata. Ang weird lang kasi ng pinapakita nito sa kanya, simula pa ng kanina. At ngayon ay seryoso pa itong nakatitig sa kanya, aminado siyang naninibago siya. Ngayon. lang kasi niya nakita ang ganito ka seryosong mukha ni Tristan.
Magsasalita pa sana siya kaya lang ay hindi natuloy dahil sa tumunog ang cellphone nito. Rinig pa niya na tinawag nitong Maddy ang kausap kung kaya't nagngingit-ngit naman siya sa galit dahil sa babaeng iyon. Lalo pa't kinailangan nitong bumaba dahil sa pag-uusap ng mga ito. Nagpaalam naman ito sa kanya kaya lang ay, hindi niya maiwasang maging masama ang loob. Tanaw niya ang binata mula sa itaas, Sa tingin niya siguro gusto nito ng privacy kung kaya't nagmamadali itong bumaba. Duda siyang nagkakamabutihan na ang dalawa. Sa isiping iyon, siguradong masasaktan siya ng husto. Ngayon pa nga lang ay nag-uumpisa ng tumulo ang kanyang mga luha kaya naman ay nagmamadali siyang bumaba.
Dahil sa nakayuko lamang siya habang pababa ay hindi niya namalayan na nasa harap na niya ito. Gulat pa siya ng nakaharang ito sa daraanan niya. Kunot ang mga noo nitong nakapamewang at sinalubong ang mga tingin niya.
"And where do you think you're going?"
Bigla siyang nanghina ng magkatitigan sila. Bigla rin naman siyang yumuko dahil sa pinipigilan niyang umiyak.
"Uuwi na ako",
"Akala ko ba gusto mo rito?", kunot pa rin ang noo nito.
"Oo nga eh, kaso gusto ko ng magpahinga.",
"Teka, galit ka ba sa'kin?", anito kapagkuwa'y hinawakan ang braso niya.
"Hindi ako galit okay! so please, let me go Tristan. Pagod na ako", aniya na halatang galit pa rin.
" Ano bang nagawa ko para magalit ka ng ganyan?", anito na hindi pa rin umaalis sa harap niya.
"Hindi nga ako galit okay? Gusto ko lang magpahinga.", aniya kapagkuwa'y sinubukang kumawala rito. Kaya lang malakas ang binata wala rin siyang nagawa.
"Hindi ka galit, pero ganyan ang inaasal mo?", anito.
"Anong bang problema mo Tristan?", Pagod na nga ako di ba? pagod na ako, pagod na pagod na ako!",aniya na hindi na napigilan ang mga luha. kusa na lang itong nag-uunahan sa pagpatak.
"Sssh.. I'm so sorry, kung may nagawa man akong kasalanan sa'yo. ", alo nito sa kanya. Kapagkuwa'y hinalikan ang noo niya niyakap siya ng binata.
Nagtataka man ay masuyong niyakap ni Tristan ang umiiyak na dalaga. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang naging emosyonal ang dalaga. Nasasaktan siyang nakikita itong umiiyak. Pilit niya itong tinatanong kung anong nangyari, hindi naman ito kumikibo. Samantalang masaya pa naman ito kanina bago siya nagpaalam para sagutin ang tawag ni Maddy. Bumaba lang naman siya para sabihin sa kausap na tigilan na siya, at kung pwede ay huwag na itong magtangkang tumawag pa sa kanya. Dahilan niya ay may girlfriend na siya. Kaya naman ay sinadya niya talagang hindi ito marinig ni Miaka baka kasi ano pang isipin nito sa kanya. Pagkatapos ay pinatay niya kaagad ang cellphone ng makitang nagmamadaling bumaba ng hagdan ang dalaga.
Ang plano niya, kaya niya dinala ang dalaga roon ay para sana magtapat na siya ng kanyang nararamdaman para rito kaya lang pinangungunahan na naman siya ng kaba.
Bigla itong kumalas sa kanya at bigla na lang nagyaya na umuwi na. Iiling-iling na sinundan niya ng tingin ang dalaga. Pagkuwa'y sumunod na rin siya sa dalaga.