KABANATA 10

2467 Words
Pagdating niya sa kanilang bahay ay hinanap niya kaagad si Miaka. Nakita naman niya ang dalaga sa may terrace ng kanilang bahay. Nabigla pa nga siya kung sino ang kausap nito. "Bro", nakangiting kumaway ito sa kanya. Nilapitan niya ang dalawa. "Why are you here?", tanong niya kay Brian. "Ah, Galing kasi ako sa area kung saan magtatayo si Dadi ng panibagong Hospital, kaya dumaan ako dito naisip ko kasing pasyalan si nanay Tina. Hindi naman kasi kalayuan 'tong sa inyo. Nabigla nga ako ng makita ko si Miaka ng papasok na siya ng bahay. Hindi ko alam na nandito pala kayo.", mahabang paliwanag nito. "Ganoon ba? so, kanina ka pa?", aniya. "Medyo. Bro, pwede bang makiusap na lang ako na dito na lang muna tumuloy tutal nandito ka na rin lang. Tsaka isa pa, na miss ko na rin ang luto ni nanay Tina eh", nakangiting pahayag nito kung kaya't lalo pang sumingkit ang mata nito. "Oo naman bro,walang problema sa'kin iyon.", aniyang tinapik pa ang kaibigan sa balikat . Samantalang si Miaka ay nagpaalam sa kanila. Tutulungan raw nito si nanay Tina sa pagluluto. "Mia, sarapan mo ha", ani Brian. "Oo naman.", nakangiting pahayag ng dalaga. Pagkuwa'y tumalikod na rin. "Close pala kayo ni Mia?"; seryosong pahayag niya sa kaibigan. "Hindi naman gaano bro", anito. "Kailan pa?", kunot noong tanong niya. "Huwag mo na kasing alamin. Bakit ba interesado ka? teka nga! alam ko ang mga titig na iyan. Nagseselos ka ba?", "Baliw! hindi ah.", aniya ng nakapamulsa. "Talaga lang ha", Maya-maya'y tinawag na rin sila ni Miaka para maghapunan. Wala pa rin silang imikan na dalawa. Sinubukan niya namang kausapin ang dalaga tuwing may pagkakataon siya kaya lang ay umiiwas ito. Hindi naman iyon nahahalata ng kasama nila sa bahay. Matapos silang maghapunan ay nagpaiwan si Miaka sa kusina kasama ni nanay Tina para hugasan ang mga pinggan. Habang sila ni Brian ay nasa terrace nagpapahangin at tinatanaw ang nagkikislapang mga bituin. "Grabe bro, ang ganda talaga ng view rito lalo na 'pag gabi.", ani Brian. "Oo nga bro, kaya nga narerelax ako kapag nandito ako", aniya. Naputol ang kanilang pag-uusap ng may marinig silag parang nabasag sa may gawi ng kusina. Kaya naman, pareho silang sumugod sa kusina. "My god Mia!", wika niya ng makitang duguan ang ang isang binti ni Miaka natalsikan kasi itong ng basag na baso. Lalapit na sana siya kay Mia kaya lang nauna ng makalapit rito si Brian. "Calm down Mia, huwag kang gagalaw, kukunin ko muna ang gamit ko nasa loob ng kotse.", ani Brian matapos alalayang makaupo si Mia. "Ano pong nangyari nay?", pagkuwa'y tanong niya kay nanay Tina. "Dadalhan niya sana dapat kayo ng maiinom kaya lang ay nadulas siya. Hayan tuloy. naku!", nag-aalalang wika ng matanda. "Okay lang ako nay, huwag kayong mag-alala. Maliit lang naman ito.", anito. "Hindi ka na sana nag- abala pa. Tingnan mo tuloy", aniyang nag-aalala sa kalagayan nito. Saka namang pagbalik ni Brian dala-dala ang mga gamit nito. "Buti na lang talaga doctor 'tong kaibigan mo", ani nanay Tina. Tango lang ang iginanti niya rito. Matapos linisin at gamutin ni Brian ang sugat ni Mia ay nakahinga siya ng malalim. "Buti na lang talaga hindi malalim ang sugat mo", ani Brian na inalalayang makatayo si Miaka. "Oo nga eh, salamat nga pala Brian", nakangiting pahayag ng dalaga. "You're always welcome Mia", nakangiting pahayag ng doctor. Habang siya naman ay nakatingin lang sa dalawang nag ngingitian. Aminado siyang may kirot siyang nararamdaman sa puso niya. Alam niyang mali na pagselosan ang kaibigan niya, kaya lang ay hindi naman niya sinasadya. "Kaya mo bang maglakad?", aniya. "Kaya ko naman, maliit lang naman to", anitong hindi nakatingin sa kanya . "Ano ba kasing problema ng babaeng 'to sa'kin? wala naman akong ginawa para ikagalit niya ng ganyan", sa isip-isip ni Tristan. Tapik sa balikat ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Tristan. "Ang mabuti pa, matulog na tayo bro",anito sa kanya. "Sige lang, susunod ako bro.mauna ka na. Ipinahanda ko na kay nanay ang tutulugan mo. "Sige, napagod talaga ako kanina eh, maiwan ko na muna kayo Mia, bro, tara nay ." Tawag ni Brian sa matanda. "Sige", halos magkasabay na wika nilang dalawa. "Don't worry nay, ako nang bahala kay Mia.", aniya ng makitang kumunot ang noo ng matanda. Alam niya kaagad ang ibig sabihin nito kaya inunahan na niya. Ngumiti naman ito ng marinig ang sinabi niya. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito sa kanila. nasa ibabang bahagi kasi ng bahay ang guest room nila kaya doon muna si Brian. NAmayani sa kanila ang katahimikan ng sila na lang dalawa ang naiwan. "Are you okay?", umpisa niya. "Oo naman", tipid na sagot nito. "Still mad at me?", "Hindi nga ako galit", "Eh, bakit ka ganyan?", "Ano ba, hindi nga! ang kulit mo.", "Naninibago kasi ako. Hindi ka naman ganyan kanina. Tapos may paiyak-iyak ka pa.", "Ewan ko sa'yo! bakit ba ganyan ka? matutulog na ako",paalam nito. "Bakit ba kasi ang sungit mo?", kunot noo niyang sabi. "Bahala ka na diyan", anito pagkuwa'y iniwan na naman siya. Hinayaan na lang niya ang dalaga, baka rin kasi pagod ito sa byahe kung kaya't mainit ang ulo nito. Kinabukasan pagkagising niya ay dali-dali siyang naligo. Pagkabukas niya ng pinto mula sa kanyang kwarto ay natuon ang kanyang paningin sa katapat na kwarto. "gising na kaya siya?", sa isip-isip niya.", pagkuwa'y bumaba na rin siya. Ng makababa siya ay nagtungo siya sa labas para mag jogging, kaya lang nakita niya si Brian at Miaka sa labas ng bahay nakaupo at nagkakape at nakaharap sa pool. Kaya naman, nilapitan niya ang mga ito. "Good morning! nakagiting bati niya sa mga ito.", "Good Morning bro", si Brian. Habang si Miaka naman ay humigop lang ng kape. "Parang gusto ko ang amoy ng kape mo Mia, patikim nga", sabay kuha sa kape ng dalaga. "Ano bang problema mo?", sita nito sa kanya. Humigop muna siya ng kape saka nagsalita. "Sabi na, masarap nga siya", aniya. Si Brian naman ay nagpipigil na matawa. First time kasing umakto ng ganoon ang kaibigan niya. "Gusto mo bang ipagtimpla kita ng coffee?", alok ni Mia. "No need", tanggi niya. "Sayo na lang iyang kape ko", anito. "Hindi na, hindi naman talaga ako mahilig sa coffee. tinikman ko lang parang masarap kasi.", aniyang nakangiti. "Ganoon, ba?", Anang dalaga. Maya-maya'y nagpaalam itong sagutin ang tawag ng cellphone nito. Naiwan silang dalawa ni Brian sa mesa. "Alam mo bro, kahit kailan ang baduy mo", anito sa kanya saka humigop ng kape. "Hindi nga?", aniyang nagsalubong ang kilay. "Oo, hari ka ng kabaduyan.", anito na humalakhak pa ng tawa "Nga pala, balita ko 3 days ka na raw nagti- train doon sa company niyo ah. So, how was it?", "That's true bro, busy ako this past few days. Kaya nga nag rerelax ako ngayon dito kasama si Mia kasi 3 days ko rin siyang hindi nakita. Na miss ko siya ng sobra. "Kaya naman pala, inamin mo na ba sa kanya?", "Hindi pa nga eh", malungkot niyang saad. "Naku naman! ano pa bang hinihintay mo bro, aminin mo na sa kanya bago pa mahuli ang lahat. Tulad na lang ngayon, malay mo lalaki naman pala ang kausap niya.. naku! patay ka diyan bro", anito na bahagya pang tinapik ang balikat niya. Napaisip pa tuloy siya kung sino ang kausap ng dalaga na kinailangan pa nitong lumayo. Maya-maya'y nagbalik na rin si Mia. "Sinong kausap mo?", salubong niya agad sa dalaga. "Ah-eh, iyon ba .. Ah, si ano.. Iyong manliligaw ko noon sa Canada. "Manliligaw?", kunot ang noo niya. "O-oo. nandito siya sa pilipinas at makikipagkita sa akin", "Makikipagkita ka ba?", Inis niyang tanong rito. "Sabi ko kasi sa kanya na nasa bakasyon ako.", "Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko, makikipagkita ka ba sa kanya? aniya sa galit na tono. "Oo", tipid nitong ganti. "Okay, good luck! aniya kapagkuwa'y mabilis na iniwan si Miaka at Brian. Nagbalik si Tristan sa kanyang kwarto na inis na inis. Pabagsak siyang naupo sa kanyang kama. Oo nagseselos siya, ang ganda pa naman sana ng umaga niya, maaga siyang nagising para makita si Miaka iyon pala malaman-laman lang niya na makikipagkita ito sa manliligaw nito. Sunod- sunod na katok sa pinto ang pumukaw sa pag-iisip ni Tristan. "Tristan, can you please open the door?", "Anong kailangan mo?" ,aniya na galit pa rin. "Magpapaalam lang sana ako.", Saka naman pagbukas niya ng pinto. Natigilan si Mia dahil inilapit niya ang mukha niya sa dalaga. "Come in", alok niya. Sumunod naman ang dalaga. Isinara niya ang pinto ng kanyang kwarto. "Magpapaalam ka na aalis ka na rito at kikitain mo ang suitor mo hindi ba? sige, umalis ka. "Ano bang--", "Alam ko naman na iyon ang dahilan kaya nandito ka. "Eh", "Umalis ka na, kung gusto mo", aniya. Bumuntong hininga muna si Mia bago nagsalita. "Okay, sige maiwan na nga kita ang gulo mo kausap! ", anito pagkuwa'y lumabas ng kanyang kwarto. Habang siya naman ay nakuyom ang mga kamao, dahil sa isiping aalis na ito, hindi man lang niya masabi ang nararamdaman niya para sa dalaga. Hindi mapakali si Tristan. Palakad lakad siya sa kanyang kwarto. Lakad dito, lakad doon. Kung anu-ano ang naiisip niya paano kung magkita na si Mia at manliligaw nito, paano kung sagutin ito bigla ni Mia, paano na siya? Magtitiis na naman ba siya ng mahabang panahon? Dahil lang sa hindi niya kayang sabihin ang nararamdaman niya rito? Iyon ay isang katangahan. Hinding-hindi na siya makakapayag na sa pangalawang pagkakataon mawala si Mia sa buhay niya. Kaya naman dali-dali siyang bumaba sa kanyang kwarto at hinanap ang dalaga. Nagpa ikot-ikot siya sa buong bahay kaya lang wala na ang dalaga. Laglag ang kanyang mga balikat na umupo malapit sa pool. "Bro! Wow! ang lupit mo magselos ha, may pa walk out ka pang nalalaman." si Brian na tinapik ang balikat niya. "hay! aniya saka bumuntong hininga. "Ang tamlay mo naman yata? may problema ba?", "Wala na bro", aniya. "huh? what do you mean?", "Wala na siya, nakaalis na! Iniwan na niya ako, huli na talaga ang lahat.", aniyang nakayuko. "Si Mia ba ang tinutukoy mo?", nakangiting pahayag nito. Tumango lang ang binata. "Hindi pa huli ang lahat bro, may pag-asa ka pa.", "Nagpapatawa ka naman bro, paanong hindi pa huli ang lahat eh, umalis na nga siya iniwan na niya ako at makikipagkita siya sa lalaking iyon.", "Sino ba kasing nagsabi sa'yong umalis na siya?", anito. "Huh? don't tell me? ", aniyang di makapaniwala. "Oo, hindi siya umalis", "Kung ganoon, nasaan siya? bro, tell me.", "Ang sabi kasi niya sa akin kanina, magpapaalam dapat siya sa'yo na pupuntahan niya iyong lugar kung saan mo siya dinala. Kaya lang, hindi ka naman nakikinig sa kanya kaya, hayun. Malamang alam mo naman kung saan ang lugar na iyon. "Salamat bro.", masayang pahayag niya. Saka nagpaalam sa kaibigan. Pupuntahan niya ang babaeng mahal niya. Kahit anong mangyari hinding-hindi na niya pakakawalan pa si Mia. Humihingal si Tristan ng makarating sa Tree House. Habang nakahawak ang isang kamay niya sa puno ay sinubukan niyang i-angat ang kanyang paningin sa itaas ng puno, upang siguruhin kung naroroon nga ang babaeng mahal niya. At hindi nga siya nagkakamali, Naupo ito habang minamasdan ang mga tanawin. "Mia?", tanging nasabi niya ng makaharap na niya ang dalaga. "Tristan?", nakangiting pahayag nito. Hindi na napigil ni Tristan ang nararamdaman at niyakap niya ang dalaga. "Akala ko iniwan mo na ako", aniya na mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa dalaga." I Love You Mia, mahal na mahal kita! aniya kapagkuwa'y hinalikan sa noo ang dalaga. Hindi nakakibo ang dalaga, sa halip ay tumulo ang mga luha nito. "Bakit ngayon mo lang sinabi?", anitong bahagya pang sinuntok ng mahina ang dibdib ng binata. "Natakot ako noon, wala akong lakas ng loob. "Nakakainis ka naman eh", umiiyak pa rin ang dalaga. "Akala ko talaga iniwan mo na ako! 'pag nagkataon hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko", aniya na hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga . "Mahal na mahal kita Mia.", aniyang hinalikan ang dalaga sa noo at niyakap muli. "Mahal na mahal din kita Tristan, Mahal na mahal.", anang dalaga saka gumanti ito ng yakap sa kanya. "kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito Tristan. "I'm sorry Mia, Pinagsisisihan ko ang mga panahong nasayang para sa'ting dalawa. Kaya naman , babawi ako sa'yo. Ipaparamdam ko sa'yo kung gaano kita ka mahal. At araw-araw kitang liligawan at pasasayahin." "Masaya na ako Tristan, makasama ka lang. Ipapadama ko rin sa'yo ang pagmamahal ko na nakakulong ng mahabang panahon.", "What do you mean?", kunot noong pahayag niya. "Noon pa man mahal na kita, kaya nga sinabi ko sa'yong boyfriend ko si Rain para naman magtapat ka sa akin kung may gusto ka rin ba sa akin. Kaya lang, nagkamali ako doon, kasi nilayuan mo naman ako. At hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako.", "Oh, Mia! Patawad hindi ko iyon nalaman kaagad. Kung sana pala hindi ako sumuko kaagad ng sinabi mong may boyfriend ka na. I'm so sorry Mia", "Mga bata pa tayo noon, Kalimutan na lang natin ang mga mapait at masakit na alaala noon Tristan, Ang importante, ay ang ngayon. "Oo nga, tama ka. Magsisimula tayo ng panibagong mga alaala. I Love You Mia", "I Love You too Tristan", anang dalaga. Pagkuwa'y masuyong sinakop ng binata ang mga labi ng dalaga. "Teka nga lang, bakit ba ang sungit mo sa'kin kahapon?", anang binata. "Nagseselos ako sa Maddy na iyon, gets mo? mataray nitong sabi. Dahilan para kiligin siya ng husto. Kaya naman siniil niya ito ng halik. "Wala kang dapat ipagselos doon, kaya lang naman ako bumaba kasi nga sinabihan ko siya na tigilan na ako wala siyang mapapala kasi may girlfriend na ako", aniya. "Girlfriend?", kunot noong pahayag nito. May girlfriend ka na pala hindi mo man lang sinabi sa'kin? "Oo, ikaw iyon! nakangiting pahayag niya. "Huh? "Kaya nga ako bumaba diba, para hindi mo marinig.", Saka lang siya tumawa ng malakas. "Sira ka talaga", nakangiti na ring pahayag nito. "Ikaw ba, ba't ang sungit mo kanina? kulang na lang ipagtulakan mo ako ah.", anitong kumalas sa kanya. "Obviously, I'm jealous with that boy! subukan niyang lapitan 'tong girlfriend ko, makakatikim siya sa'kin!! "Kinilig ako sa part na iyon", pabiro nitong sabi. "Dapat lang, mas kikiligin ka pa sa mga susunod pang mga araw.", aniya na hinagkan sa noo ang kasintahan. "Salamat Mahal.", anito sa kanya. "Wow! ganito pala ang magka girlfriend? ang sarap naman. Ulitin mo nga.", "Mahal", anito. "I Love You mahal?", aniya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. "I Love You too Mahal.", anito pagkuwa'y siniil na naman niya ito ng halik. *********WAKAS*********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD