
bata pa lamang si nena ng sya ay maulila , pumanaw ang kanyang ina noong sya ay pinanganak nito , ang kanyang ama naman ang nag alaga sa kanya ,dahil sa mahirap lang sila at walang sapat na trabaho ang ama ni nena, kaya naisipan nitong ipaampon si nena sa isang kaibigan nung itong 3 buwan pa lamang ..
(lumipas ang sampung taon ,malaki na si nena .....)
Nennaaaa!!! (sigaw ng kanyang inang na umampon sa kanya pangalan nya ay linda 35 anyos, kababata ng kanyang ama )
inang bakit po? (sagot ni nena)
abay nagtanong ka pa talagang bata ka , baka nakakalimutan mong darating ang aking nobyo at hindi ka pa naglilinis ng bahay!
ah... eh inang pasensya na po kayo inuna ko po kase labhan at tapusin ang maruruming damit
(takot na sagot nito , sinasaktan at inaalipin kase sya ni linda)
at talagang nagdadahilan kapa ha halika ditong bata ka ,(hinili nya si nena papuntang kusina at tinulak si nena na halos masubsob sa sahig)
wag kang tatamad tamad ha ,kapag tumira na dito ang nobyo ko hindi kana pwedeng mag gaganyan ang bagal bagal mong kumilos!!
opo inang ,, mangiyak ngiyak na sagot nito ,
dahil sa takot ni nena ay kahit pagod na sya sa paglalaba ay minamadali nyang tapusin ang gawaing bahay bago dumating ang nobyo ng knyang inang
(knock knock)
uy mahal kanina pa kita hinihintay ,, "salubong ng linda sakanyang nobyo. "
pasensya na mahal , may dinaanan pa kase akong kaibigan , "sagot ng kanyang nobyo "
halina't sa kwarto ng makapahinga ka muna mahal mukang pagod ka sa byahe
pagkapasok ng dalwa sa kwarto e dahan dahan si nena lumapit sa lamesa at kumain " pasadong alas kwatro na kase ng hapon pero di pa sya nanananghalian , ganun kalupit si linda kay nena "

