Naghiwalay kami ni Mark ng may magandang estado. I mean is nakapagpaalam kami sa isa't isa ng ayos. Though napakacreepy pa rin niya talaga.
Nasa dorm na ako ngayon pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi maisip yung sinabi sa akin ni Mark. Syempre kahit ibang tao ang sabihan nun, for sure macucurious din siya.
Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong 7:34 na pala ng gabi. Sabi sa akin ni Mark, makikita ko daw yung sinasabi niya ng 8pm. Pupunta ba ako?
Pero papaano ko malalaman yung sikreto kung hindi ako pupunta?
Pero pwede ko rin namang itanong kay Ross yung secret ma sinasabi ni Mark. Teka, hindi ba parang magmumukha akong imbestigador nun?
O kaya naman aaminin ba sa akin ni Ross yung secret?
Ah pucha! Bahala na! Basta pupunta ako. Tumayo ako sa kama at kinuha ang cardigan at flashlight ko.
Lumabas ako ng kwarto. Basta dapat mga bago magnine pm nakauwi na ako. Alam mo naman, curfew. Baka mahuli na naman ako, kickout for good.
Hinanap ko muli yung pwesto kung saan kami dating nagpunta ni Ross. Sa di kalayuan ay nakarating din ako dun pero napili ko na lang na magtago sa isang puno medyo malayo sa kanila.
Nakita ko si Raven na nagsisigarilyo habang si Brixian ay may kasama na namang mga babae. Aa hihintayin ko talaga ang sakit ni Brixian. Sa kabilang banda ay nakita ko si Skye na may binabasang libro, at kasama nito si Ross na naglalaro ng bola. Pinapaikot niya ito sa kanyang kamay.
Tumingin ako sa relo sa pulso ko. 7:50 na, ilang minuto ay makikit ko na din yung sinasabi ni Mark.
Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang may dumating na mga lalaki dun sa apartment nila kaya agad na napaayos ng tayo si Raven at tinapon ang kanyanh sigarilyo sa damuhan. Inapakan niya iyon tsaka iginaya papasok sa terrrace ang tatlong lalaki.
Pumasok saglit si Raven sa loob pero lumabas ito na may hawak nang baseball bat at isang bakal na may ukit na 'L' sa dulo nito.
Ano ba ang gagawim nila dito?
Nakita kong tumayo si Brixian at mukhang pinapauwi na niya ang babae niya. Hinalikan niya muna ito, ng madiin, bago tuluyang pinaalis pero hindi papala yun tapos dahil pinalo niya sa pwet ang babae na lalong ikinatuwa ng babae. Yung totoo, sadista ba yung babaeng yun?
Kinindatan pa niya si Brixian eh bago tuluyan siyang umalis.
Nakita ko na parang nagaalala si Ross na lumapit kay Raven. Naguusap ang dalawa, sayang lang at hindi ko naririnig.
Mukhang nagalit si Raven kay Ross kaya dinaluhan siya ni Skye tsaka pinapasok sa loob ng apartment.
Si Brixian naman ay parang may inayos na bagay sa tagiliran, dala dala niya yung bakal. Nakita ko din ang pagkausap ni Raven sa tatlong lalaki. Binigyam niya ito ng tig-dadalawang panyo.
Umalis sila sa kanilang pwesto at pumunta sa damuhan. Piniringan ng mga lalaki ang kanilang mga mata at nilagay nila ang isang panyo sa kanilang bibig para kagatin. Tangina, bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito?
Humilera ang tatlong lalaki sa damuhan tsaka ito lumuhod. s**t! Ano bang gagawin nila?
Muling bumalik si Brixiam na nakasuot na ng thick gloves habang hawak hawak ang bakal na mapula na ang 'L' sa dulo nun.
Kinausap muli ni Raven ang tatlo pero nagulat ako nang bigla niyang hinampas ng baseball bat ang likod ng mga ito. Kita ko kung papaano niya ibinuwelo ang baseball bat na umabot pa sa likod niya at nagpataas rin ng kanyang paa.
Halos maputol na ang litid ng mga lalaking iyon nang sandaling hampasin sila ni Raven. Hindi pa ito nakuntento at inulit niya pa iyon ng apat na beses.
Nanlalamig na ang buong katawan ko dahil sa napapanood ko. Paano na lang kung mapatay ni Raven yung tatlong lalaki?
Hindi makasigaw ang mga lalaking iyon dahil sa panyo na kinakagat nila pero kitang kita ko yung litid nila sa leeg dahil sa pagiinda nila sa sobrang sakit na nararamdaman.
Napatakip ako sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Iniingatan ko din na hindi ako makagawa ng ingay.
Bakit nila ginagawa ito?
Bigla na lang tumawa si Brixian at gamit ang bakal ay inilihis niya ang damit ng tatlo upang pasuin sila ng nagbabagang bakal.
Yung isang lalaki ay natumba na mula sa pagkakaluhod dahil sa sakit na nadarama. Ikaw ba naman ang pasuin ng bakal na nagbabaga.
Hindi nagtagal ay biglang lumabas si Skye dala dala ang medicine kit. Kinausap niya saglit si Raven tsaka niya dinaluhan ang mga lalaking halos magkandahandusay na sa sahig. Ginagamot niya ito.
I shouldn't stay here any longer. This secret is beyond me. Dapat ko ba itong isumbong sa mga kinauukulan? Kaya ba sinabi aa akin ito ni Mark para paalalahanan ako tungkol kay Ross dahil nagawa sila ng ganito?
This isn't even humane!
Napaurong ako at balak na sanang bumalik ng dorm pero sa pagtalikod ko ay isanh malaking bulto ng lalaki ang humarang sa akin. "What the f**k are you doing here?" tiim na tanong niya sa akin.
Kahit madilim, aaninag ko pa rin ang mukha niya. Hindi ako nagkakamali, si Zeus Feddingfields ito! Naituro na sa akin ito ni Louise kaya naalala ko siya? "Are you f*****g deaf?!" nagtangis na ang panga nito dahil sa sobrang galit. Mukhang palamura nga siya.
Muli akong napaurong sa kanya. "I--Ahm...----"
Sa pagurong ko naman ay ang paglapit niya sa akin. "You are not f*****g allowed in this f*****g place! Get a grip motherfucker!"
Ang sakit sa tenga ng sinasabi niya. Kapag patuloy niya akong sinigawan baka mahuli ako dito na nakikinig ako.
I have so save my life so I kicked his balls.
Napadaing siya sa sakit. "f**k!!!!" nagpagulong-gulong pa ito habang nasigaw.
Mukhang nakuha ni Zeus ang atensyon ng mga kaibigan niya kaya papalapit na ito sa gawi namin. Nakita kong dala-dala pa rin ni Raven ang baseball bat niya at baka hampasin na lang niya akong bigla.
Gusto ko mang tulungan si Zeus at magsorry sa ginawa ko sa kanya pero gusto ko pa rin namang mabuhay kaya tumakbo na lang ako pabalik sa dorm.
Hingal na hingal ako nang maisarado ko yung pinto. Napasandal ako saglit sa may pinto. "s**t! Patay ako nito bukas..." bulong ko sa sarili ko.
***
Pinagiisipan ko kung papasok ba talaga ako ngayon dahil sa nakita ko. Baka kasi balikan ako ni Zeus at baka magsumbong siya kina Raven. Patay ako nan!
Pero wala na akong choice nung bigla na lang dumating si Louise na sinusundo ako sa dorm ko, sabay na daw kaming magalmusal sa canteen. At dahil mabait ang lola mo dahil gusto kong masamahan si Louise kahit saglit dahil baka may masama na namang mangyari sa kanya.
Buti na lang at nakabihis na ako nung dumating siya dahil baka bukas pa ako makalabas dahil sa pagaayos.
Kumain kami ng almusal ni Louise sa Cafeteria pero nagaalangan pa ako nun dahil baka makita ako nina Raven.
"Alex? Ayos ka lang ba?" pukaw sa akin ni Louise. "Kanina ka pa parang may hinahanap eh"
Bakit naman kasi dito pa tayo kumain? "W-wala... Ano may hinahanap lang akong tao?"
"Hinahanap mo ba si Ross?"
"Ha?! Hindi noh! Iba yung hinahanap ko.... Yung ano... Yung president! Tama yung president ng student council!" jusko namamawis na yung kamay ko dahil sa kaba
"Yung President ng Student Council ang hinahanap mo?" tanong sa akin ni Louise sabay turo sa tabi namin. "Ito siya oh, kanina pa sila nandito."
Wtf! Pahiya ako!
"Kakausapin mo ba siya? Saglit at tatawagin---"
Pinigilan ko siya para hindi na niya matawag pa si Pres dahil suskoo! Wala naman akong itatanong at nagdadahilan lang naman ako. "W-wag na! Mamaya ko na lang siya kakausapin."
"Yung totoo... Ayos ka lang ba talaga? I mean kanina pa iyan eh. Kanina ka pang tulala."
Kumalma ako at nagbuntong hininga. "May iniisip lang kasi ako."
"Ano naman yun? Malay mo makatulong ako."
Iyan! Nagbigay ka pa kasi talaga ng clue kay Louise! Ang tanga mo talaga as a person Alex. Ayan siguradong pipilipitin ka nan, malalaman ang lang iniisip mo. "Sige na Alex, makikinig ako."
Hayssss bahala na. Makahingi na kang ng advice. "Papaano kung... Nakawitnesss ka ng isang masamang bagay... Like karumaldumal... Isusumbong mo ba iyon sa nakakataas?"
Naisip siya saglit bago nagsalita. "Mahirap na tanong iyan. Ganito, tulad ng nangyari sa akin. Hindi naman ako nakapagsumbong sa nakakataas ah kasi ako lang naman ang issue dun. Pero kung ang pagsusumbong na iyon ay magiging dahilan para iligtas ka or yung taong nainvolve dun sa gulo or yung future pa nilang mabibiktima, well... Isumbong mo na."
Hindi naman talaga ako involve though. Ang inaalala ko lang ay yung mga lalaking nakita ko kahapon tsaka baka may future pa silang mabiktima. Tsaka paano na lang kung ako yung nandun?
Si Mark din, baka sinasabi sa akin na baka ako ang instrumento para masumbong ang kanilang masamang ginagawa. "Huy... Ayos ka lang ba talaga? Nakakatakot ka na."
"Ah-eh oo. Ayos na..." napatutop ako sa bibig nang makita ko anh Lucky 5 na pababa na ng hagdan papuntang cafeteria. s**t! Mamatay na ba ako?
Tumigil sila saglit na para bang may hinahanap. May binulong si Zeus kay Raven at nang sandaling nilingon-lingon nila ag ulo nila ay nakita nila ako. Itinuro din ako ni Zeus. Pucha naman talaga oo!
Napayuko ako at napataklob sa mukha. "Huy! Alex ano ba?!---"
"Kailangan na nating makaalis dito!" impit na bulong ko sa kanya
"Ha? Bakit?"
Napatingin muli ako sa Lucky 5 at papunta na sila sa gawi namin. Magsimula nang maghiyawan amg mga tao sa pagdating nila.
Yung mga babae halos malaglagan na ng panty at maputol ang litid kasisigaw. Shitt malapit na sila dito!
Bigka akong tumayo pero nakatungo pa rin ako. Itinabon ko ang buhok ko sa unahan ng mukha ko. "Kailangan ko na talagang umalis."
"Ano?! Sasama ako---"
"Tara na!" bago pa man niya matapos ang sinabi niya ay hinigit ko na siya papalabas ng cafeteria.
Napatingin ako sa likod ko at nakita kong nagmamadali na rin sina Raven pala mahabol ako kaso ayun nga madaming babae ang naharang sa kanila.
Lakad-takbo kami ni Louise. "Huy! Saan ba tayo pupunta?" hingal na hingal na sabi nito.
"Kailangan nating makapunta sa DO."
"Bakit?!"
"Basta!"
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa D.O. at nang sandaling makapasok kami sa loob ay pawang nagulat si Sir Dela Mar sa pagpasok namin sa loob. "Ms. Furrer, Ms. Sevilla. What seems to be the problem? Hingal na hingal kayo---"
"Lucky 5! They were----They were doing something horrible! I saw it!" sigaw ko sa D.O.
"Huy, ano ba pinagsasabi mo-?" I cut Louise off and shouted at her. "Damn! I saw it! with my very own eyes! They were torturing men!"
Nagkatinginan si Louise at D.O. mukhang hindi sila naniniwala sa akin.
"Damn! I saw it! Believe me! You have to dismiss them, punish them for good!"
Kalma lang si Sir Dela Mar ay mukhang hindi talaga ito naniniwala sa akin. Kahit si Louise ay napapahiya na rin sa ginagawa ko. "Look. Ms. Furrer, there is no way that they would do something like---"
"f**k! I saw it! I saw it yesterday, exactly 8pm! They were like torturing---hitting men on their backs then burn them with very hot metal---" hindi na talaga ako mapakali. Bakit kasi hindi sila maniwala sa akin
"Ms. Furrer calm down---"
"No. I won't! Now that they will be coming for us!"
"Ms. Furrer, we cannot just give accusations to people. In fact it is really impossible for Mr. Raven Montellago to do such things, he is the Vice President of the Student Council. I am sure that he wouldn't do something stupid to destroy his reputation."
"f**k his reputation! I am a f*****g witness!"
"Well then..." kinuha niya ang telephone at inilagay ito sa tenga niya. "Let's call Raven Montellago and Skye Mendoza here."
"f**k no! He will f**k everything!"
"If you don't want to call Raven Montellago then gave me a solid proof that they have done such thing."
This is frustrating!
"Fine! I will find something at kapag meron akong nakuhang ebidensya, patatalsikin niyo ang Lucky 5 sa eskwelahang ito." banta ko sa kanya
"Okay. Well then."
Hindi na kami nagpaalam kay Sir Dela Mar at dire-diretsong lumabas ng office pero nang sandaling makalabas kami ay pinatigil ako ni Louise. "Are you out of your mind? Paano na yun? Tsaka kilala mo ba ang kinakalaban mo?"
"Oo puta kilala ko! At kapag nakakuha ako ng ebidensyang kailangan ni Sir Dela Mar, they will surely rot in hell."
Kinabukasan, mas pursigido akong makahanao ng ebidensya laban sa Lucky 5. Hindi naman na gusto kong maging hero o magpakabida-bida pero kahit sino namang makakita nun ay baka isuplong din nila sa nakakataas ang nakita nila.
For pete's sake! They were torturing men as if it was just a freaking game at hindi lang ako tatayo para walang gawin. I will do something. Wala din akong pakielam kung kasali si Ross sa grupong iyon. Mali pa rin amg ginagawa nila.
At tsaka kung wala siyang kinalaman, diba dapat nagsusumbong niya, isinusumbong niya dapat ang kapatid niya pero hindi dahil wala naman siyang ginawa.
I tried sneaking out before 8pm sa tambayan nila pero wala na akong nakita pa doon na bakas ni isa man sa kanilang lahat. Kung kailangan kong magcamping dito ng isang linggo, gagawin ko para lang maisumbong sila.
I need freaking proofs!
I am silently waiting when someone grabs me through my mouth. Hindi ako makasigaw dahil nakatakip ang kamay niya sa aking bibig. Hinigit niya ako hanggang sa makalayo kami sa tambayan ng Lucky 5
Nang sandaling tumigil kami ay humarap ako sa kanya at "What the f**k is your prob----ROSS?!"
"Alex..."
"What the f**k are you doing here?"
"Iyan dapat ang tinatanong ko sa iyo. Why are you here? Isang oras na lang, magsisimula na ang curfew, baka mahuli ka nila."
"I don't care! Tinatanong mo kung bakit ako nandito?" mapait akong napatawa. " I am here to bring you guys down."
Napasimangot si Ross. "Alex, it's dangerous to---"
"Bakit? Patatahimikin niyo ako ganun? Para hindi ako makapagsumbong? Kaya mo ako siguro hinala papaalis sa tambayan niyo para hindi ako makakakuha ng ebidensya laban sa inyo. Well... To tell you Mr. Montellago, I get what I want by hook or by crook."
Biglang sumeryoso ang mukha nito at napatingin sa akin. "Listen. I don't want you to be involve in this. Please Alex, do understand."
"No. I won't! I won't let this get away. I saw you, together with your brother. Nandun ka pero hindi mo sila pinigilan. And to think na baka gawin niyo rin iyon sa iba." madiing sabi ko sa kanya.
He sighed. "Magagalit sa iyo si Kuya kapag nalaman niya ito---"
"And I don't care." anas ko sa kanya. "Then let it be. Patunayan niya kung hanggang saan ang kaya niya." sabi ko sa kanya sabay alis na pabalik sa dorm.
Wala ako sa tamang katinuan para kausain siya ng ayos, baka mapatay ko lang ang lalaking iyon dahil sa kasakiman niya.
***
Kinabukasan, matapos ang first class ko ay nakita ko sa schedule ko na wala na pala akong next class kaya naisipan ko na tumambay muna sa coliseum. May klase si Louise kaya hindi niya ako masamsahan, wala din so Ross dahil galit ako sa kanya kaya ang ending ay ako na lang magisa.
I was busy staring at those star players when a man sat beside me "That is really brave of you." sabi nito sa akin
Napatingin ako sa kanya at nakita kong si Mark pala iyon. "I never thought it would be like that. Hindi tuloy ako nagsisisi na ipakita sa iyo ang sikreto nila."
Mark is perhaps a good man. Siguro nga ako yung naging instrumento niya para maisuplong ang Lucky 5. "Nasaan nga pala ang nga kaibigan mo?"
"Gusto mo bang sumama bukas? May party kami sa bahay. I mean kami lang kasama ang barkada at yung mga girlfriends nila and I will take you." ngiti nito sa akin
Damn, me, girlfriend?
Mukhang nakita niya na nailang ako sa sinabi niya kaya agad siya muling nagsalita. "No. No. What I meant is as a friend lang. Wala naman din akong dadalhin dun. I don't have any girlfriend as you can see. At ayoko naman na pumunta ako dun na naglalampungan sila kasama ng mga girlfriends nila tapos ako nainom lang ng alak."
I sighed. "Again, Lex. I will not take 'No' for an answer."
Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Louise at hinawakam ang kamay ko. "Oh, Louise nandito ka na pala."
Napatingin siya kay Mark at parang ito ay nagalangan. "S-samahan mo ako sa cafeteria. Nagugutom kasi ako." ungot nito sa akin.
"Well. I guess I will see you 6pm tomorrow? Sunduin kita sa mall." kinindatan muna ako nito sabay alis.
Bumaling naman ako kay Louise tsaka muling nagsalita. "Oh, akala ko mamaya pa yung awas mo---"
"Maaga kaming pinalabas ni Prof." pinakatitigan ako nito. "Hindi ka naman sasama dun di ba?"
"Saan? Dun sa party ni Mark--?"
"Yes and please don't go."
"Why is that?"
Biglang sumeryoso ang mukha nito sa akin. "We should not trust Mark. Still, he is a part of a group."
"Kung papipiliin man ako, mas gusto ko pang sumama kay Mark, kaysa naman sa mga lalaking nagtotorture na iyon. Baka kung ano pa ang gawin nila sa akin."
"I told you Alex, napakaimposible na gumawa si Raven ng ganun, he is the vice President----"
"Bakit ba hindi kayo naniniwala sa akin?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw sa kanya. "I had been a victim of bullying and I will not just stand here knowing that others maybe doing shitty things to other people. Tulad ng ginawa ko sa iyo, nung nasa kamay ka nina Xylene! I did not just stand there to do nothing, I helped you! At ganun din ang gagawin ko sa mga lalaking iyon na natorture!"
Louise kept her mouth shut until she heave for an air. "Okay fine. Sige susuportahan kita. Tulad ng pagtulong mo sa akin noon. Tama ka naman eh, hindi ko dapat binubulag ang sarili ko aa katotohanan diba?" she held my hand "But promise me to not go to that party."
"I will not promise. Dahil malay mo, makakuha pa ako ng ibang impormasyon dun tungkol sa Lucky 5, mas mapapadali ang pagkuha ko ng ebidensya diba?"
She looked uneasy. "I don't know..."
"Look Louise, I am not telling you to go with me but I can assure you that I can go there, with or without a companion."
Baka mas dun pa ako makakakuha ng impormasyon sa party. "Alam mo, sa halip na magisip ka pa diyan. Kumain na lang tayo." pinipilit kong pasayahin ang pagsasalita ko dahil sa kanya.
Mukhang wala na siyang nagawa kaya tumango na lang siya sa akin.
Agad kaming naglakad papunta sa Cafeteria kaso nakalimutan ko yung wallet ko sa locker ko kaya bumalik muna kami sa Hall A at pumunta sa locker ko.
Nang sandaling makarating ako dun ay nakakita ako ng kumpulan sa haralan ng locker ko. Teka, akin nga ba talaga yun? Parang may tinitingnan sila sa locker ko.
Iniwan ko ba yung bukas?
"Tabi!" pinaisod ko ang mga tao na nakapalibot dun at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
Tangina yung locker ko sira na! Laglag na yung pinto tapos may baseball bat na nakalagay sa ibaba nun. Mukha ito ang pinanghampas dun.
Puta! Ito yung baseball bat na ginamit sa pamamalo sa mga lalaki doon sa tambayan ng Lucky 5.
Naramdaman ko din si Louise sa likod ko at mukhang nagulat siya sa nakita niya. "Diyos ko, sinong gumawa nito?"
Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Tangina talaga nila. Alam kong naganti na sila sa akin dahil sa ginawa kong pagsumbong sa kanila. "Lucky 5."
"Ha? Anong sabi mo Alex?"
Kinuha ko yung baseball bat, itinulak ko muli yung mga tao at takbong takbo papalabas ng Hall A. "ALEX! SAN KA PUPUNTA?! HINTAYIN MO AKO!" Sinubukan akong habulin ni Louise pero hindi na niya nagawa.
Hindi matatapos ang araw na hindi ako nakakaganti sa mga hambog na iyan!
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa tambayan ng Lucky 5. Nakita ko doon sk Skye na nagbabasa ng libro, si Brixian na may kasama na namang babae, si Zeus na nagshashadow boxing, si Ross na naglalaro sa kanyang cellphone at si Raven na natutulog sa upuan.
Kumulo yung dugo ko nang sandaling makita ko si Raven. Tangina talaga siya!
Nang maramdaman ni Ross ang presensya ko ay napatingin ito sa akin at napatigil sa paglalaro. "Alex... Anong ginagawa mo dito?"
Nang sandaling magsalita si Ross ay napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at napatingin sa akin. Pati si Raven at natigil din sa pagtulog at tumitig sa akin.
Hindi na ako nakapagpigil pa at agad na pumasok sa loob para ihampas ang baseball bat sa bintana nila na naging dahilan para mabasag ito. "f**k!!!" narinig kong napamura si Zeus habang yung iba naman ay naalarma sa ginagawa ko.
Sumigaw naman yung babae sa tabi ni Brixian at nagtatakbo ito papalabas.
Hinampas ko muli ng isa pa ang bintana nila at dalawa na ang nabasag dito.
Naramdaman kong hinawakan ako at akma ko sanang hahampasin ang humawak sa akin pero napatigil ako nang makita ko na si Ross yun. Nagtaas siya ng dalawang kamay para ipakitang sumusuko siya. "WHAT THE f**k YOU HAVE DONE WITH MY LOCKER?!" galit kong sigaw sa kanila.
Napaawang ang bibig ni Ross at mukhang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko. "What do you mean?"
"Someone had broke my f*****g locker!" inilapit ko sa mukha ni Ross ang baseball bat "At nakita ko ito sa ibaba ng locker ko na nasira. Sa inyo ito diba? Ito yung pinanghampas niyo sa lalaki nung isang araw?!"
"Amin yan pero---" hindi na naituloy ni Ross ang sasabihin niya nang biglang inagaw sa akin ni Zeus ang bat. "What the f**k?! Give it back to me!"
"No fucker! Not unless you shut your f*****g mouth!" sigaw nito sa akin sabay dire-diretsong pumasok sa kwarto niya.
Napatingin muli ako sa gawi ni Ross at nandun naman si Raven na mukhang relax na relax pa. Mukhang nakabalik muli ito sa pagtulog. Tangina niya, hindi ba niya narinig yung pagbasag ng bintana niya.
Muli akong nainis kaya hinawi ko si Ross at agad na kinuwelyuhan si Raven "Stop acting like you don't know anything, Montellago! Hindi porkit Vice President ka ay magagawa mo na lahat ng gusto mo, think again!"
Sa halip na maalarma ito ay mukhang wala itong pakielam sa akin habang ako ay nagsasalita. He didn't even flinched. He was still sittimg there, relaxed.
"Hindi ka ba talaga magsasalita?!" muli kong sigaw sa kanya
"Alex, mukhang hindi magandang ideya yan--"
"SHUT UP ROSS!" sigaw ko kay Ross para hindi niya ako mapigilan sa gusto niyang gawin.
"You looked pathetic..."
Napatingin ako sa nagsalita at si Raven pala yun. "Ha?"
"You acted like a child, Miss Furrer." Raven looked at me intently kaya mas lalo akong napahigpit ang hawak sa kwelyo niya. "Ni hindi mo man lang inibestigahan ang nangyari. Napagbintangan mo na agad kami? You just showed me how pathetic you are" sabi nito sanay ngumisi sa akin
"You don't know nothing!"
"I do. I do know Alex. If you kept on being like that, hindi ko alam kung saan ka pupulutin---"
Hindo na niya natapos ang pagsasalita niya nang bigla ko soyang sinuntok sa ilong. Tumalsik ang ulo nito patalikod pero sa halip na mainis ay ngumisi lang ito.
Nakita kong dumugo ang ilong niya kaya pinunasan niya iyon. "Stop messing with me again, Mr. Montellago or else, you might not step in every corner you are into!"
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at dire-diretso na lang akong lumabas ng tambayan nila.
Tangina wala silamg karapatan na gawin iyon sa akin! Those damn bastards! They will definitely pay for what they did.
Sa paglalakad ko ay nakita ko si Louise at agad itong lumapit sa akin kahit pa ito'y hingal na hingal na. "Where have you been? Hinabol kita kanina pero hindi kita inabutan tapos nalamn ko na pumunta ka daw sa tambayan ng Lucky 5, bakit ka naman pumunta dun?"
"I broke their window, I punched Raven and threathen the Lucky 5 members."
"Ano?" mukhang hindi makapaniwala si Louise sa nagawa ko. "Talaga?"
Tumango ako "And I will make sure na hindi ako titigil hangga't hindi ko pa nalalaman ang buong katotohan sa kanila."