Nang matapos kaming kumain ay naisipan namin ni Louise na tumambay na lang sa coliseum, sa may bench. Hindi na kaso namin matiis ang ka-toxican sa loob ng cafeteria.
Pagkadating namin dun ay saktong laro naman ng soccer. Hindi pa nagiistart ang laro.
Sa di kalayuan ay may nakita akong lalaking naka-soccer uniform habang nakaway sa akin. Sobra-sobra ito makakakaway, parang wala nang bukas eh. Hindi ko nga sure kung para sa kin ba talaga yung kaway na yun. Mamaya feeler lang pala ako. "Alex, may nakaway ata sa iyo." pukaw sa akin ni Louise.
"Sa akin?" tanong ko habang nakatingin sa taong nakaway. "Hindi noh! Mamaya hindi sa akin yan, mapahiya pa ako."
Hindi nagtagal ay nagtatalon na ito habang nakaway. Tumingin ako sa likod ko at wala namang tao kaya baka nga sa akin yun. Itinuro ko ang sarili ko na para bang nagtatanong sa kanya kung ako ba yung kinakawayan niya.
Bigla na lang itong tumango. Syet! Akin nga!
Tinitigan ko siyang mabuti. Pucha si Ross pala, hindi ko kasi masyadong makita, malayo kami masyado sa soccer field. "Kayo ba ni Ross?"
Halos mabulunan ako nang sarili kong laway nang sandaling itanong sa akin yun ni Louise. "H-ha?! Hindi noh! Malay ko ba diyan!"
Jusko, mapapahamak talaga ako sa ginagawa ni Ross ay.
Sa kabilang banda ng bench ay may nagsigawang mga babae. Isinisigaw nila ang mg pangalang, Raven, Ross, Skye, Brixian, Zeus, Max, Turbo at marami pang iba. Hindi ko na nga maintindihan yung iba eh.
"Ano bang meron dito?" curios kong tanong kay Louise.
"Soccer Match, natalo kasi last year ang Knights."
"Knights?! The f**k ano yun?"
"Mukhang wala ka pang kaalam-alam sa nangyayari sa palagid mo."
Habang naguusap ang mg manlalaro sa iba ay sinimulan na ni Louise ang pagpapakilala sa kanilang lahat.
"To have a brief summary, ang paguusapan natin ngayon ay ang Lucky 5 at The Knights"
Tangina ano na namang kalokohan ang ginawa ng school??
"Lucky 5 and The Knights are the most influential boy group in this school. Palagi silang magkalaban sa lahat. Sports, intelligence, girls, fanclubs, bands and etc. Para silang enemies ganurn. Matagal na silang nandito. Nagsimula ang grupo nila noong 2nd Sem ng first year."
Wow rivals lang ganurn?
"So magistart muna ako sa grupo ng The Knights." sabi niya sabay turo ng grupo na nagpapractice sa kaliwang parte ng soccer field. Nakasuot sila ng blue na uniform at meron din silang fanclub (if fanclub nga ang tawag dun) sa likuran nila.
"Let's start with Leondelle Sy." sabi ni Louise sabay turo sa isang lalaki na matangkad at may napakagandang ngiti. "He is the former Student Council President, year 2018-2019. Sobrang talino niya. As in. In fact he joined international contest. He even do modeling kapag may spare time siya. He is the son of the owner of the biggest mall in the Philippines. Mayaman din siya."
Actually gwapo siya na medyo timid lang kumilos. Nakikipagkamay din siya sa mga babae sa iba kaya yung mga babae mas lalong naghiyawan. Yung isa nahimatay pa ata.
"Next is Maximus Zollinger." ani ni Louise sabay turo sa lalaking kasama ni Leondelle. Inakbayan siya nito at tsaka sila ay nagtawanan. "He is called the 'CheckMate' you know why?"
"Hulaan ko, magaling siya sa chess?"
"BINGO!" jusko obvious naman. "Napakagaling niya sa chess. Well, dun lang siya magaling. At... Maybe maggitara? Wala naman masyodong maipagmamalaki sa kanya. Just the typical boy next door."
Kitang kita ko ngayon si Maximus na nakikipagusap sa mga teammate niya. Mukhang tama nga si Louise, wala nga sigurong maipagmamalaki sa lalaking ito. Yung tipong, feeling magaling?
"Third one is Turbo Pyus Wayne." she pointed at the man with the neon green hair. "People call him 'Mountain Dew'"
Napabuntong hininga ako, paano ba naman? Yung kulay ng buhok niya parang kulay ng bote ng Mountain Dew na Neon. Ang weird talaga. "Kahit ganan g buhok niya, he is very good at Car Racing. Iyon ang hobby niya bukod din sa mangolekta ng kotse."
Nakaupo ngayon si Turbo habang nainom ng... mountaim dew?! Look at him drinking himself.
"Fourth, si Lightning Hemmings. Well... Matinik siya sa mga babae. Kaya niyang pagsabay-sabayin ang 5 babae sa isang relasyon. Kaya kapag nahuhuli siya, may 5 din siyang sampal sa mukha. Hindi siya nawawalan ng red mark sa pisngi niya at iyon ay dahil sa sampal ng mga girlfriend niya."
Well, kapansin-pansin nga ang mapula niyang kanang pisngi. Serves him right for being a jerk! May kausap siyang babae ngayon tapos nagulat ako nang bigla na lang siyang batuhin ng isang babae mula sa bench. Binato siya ng isang box ng condom! Huta! "Fun Fact, sabi sa isang article na gawa ng isang estudyante dito, 10% of the girl's population here in this school ay naging jowa na ni Lightning"
Fuck! That son of the b***h!
"And lastly... Ang leader nila na si Mark Tracer Villamoral. Siya ang pinakamatino sa grupo nila, kung maitatanong mo. He almost have everything except for the ones Raven Tyler have. Palagi siyang naiinggit kay Raven kaya sobra na lang laki ng galit niya dito. Chismis pa nga ng iba na hindi daw titigil si Raven hangga't hindi niya nakukuha ang lahat ng meron si Raven."
That's quite tough though.
"Ang sunod ko namang ipapakilala sa iyo ang Lucky 5. Kaya ka naissue agad sa twitter dahil bihirang-bihira lang na makalapit ang mga babae sa kanila. I am sure, sa buong pasukan na nandito ka, sa iyo lang iikot ang atensyon ng mga estudyante dito."
Akalain mo nga naman. Instant sikat ako dito. Damn!
"Okay... So tingin ka sa kanang parte ng soccer field." nandun naman ang mga lalaking naka-itim na uniform. "Sila ang Lucky 5"
Ang baduy naman ng pangalan nila. "Magsisimula tayo kay Zeus Feddingfields." sabi niya sabay turo sa isang lalaking may pinapagalitan ngayon. "People call him, 'The Fucker'. Paano ba naman, sa bawat pangungusap na binibigkas niya ay hindi mawawalan ng mura. Mas malutong pa kaysa sa chicharon ang sinasabi niya sa tao. Sobrang igsi din ng pisi niya kaya madalas siyang may napapagalitan o kaya naman may nakakasagutan at nakakalaban. He is also good at debates."
Napatitig ako kay Zeus na hanggang ngayon ay may pinapagalitan pa rin. Napapasabunot na nga siya sa ulo niya dahil sa sobrang inis eh.
"Next is Brixian Montaña." napatingin ako kay Brixian na nakaupo sa bench habang may kaakbay na dalawang babae. Halinhinan niya iyong hinahalikan. Aa nakakadiri siya! At paano naman kaya naatim ng dalawang babaeng iyon na pinagsasabay sila? "Ang tawag sa kanya ay 'Libido' well. Sa nakikita mo naman ngayon, hindi niya talaga mapigilan ang libog niya."
Hindi ko na kinakaya ang nga nasasaksihan ko. Para na akong nanonood ng live porn eh. Kung halikan ba naman ni Brix yung babaeng nasa kanan habag ang mga kamay niya ay nasa boobs nung kaliwang babae. Aa bullshit.
"kahit saan siya abutan, gagawin niya yun. Minsan pa nga nahuli siya ng prof niya na nagmamasturbate habang nakatingin sa boobs nung babae. At minsan kapag may important event, he will sneak out just to have sex."
Kinikilabutan ako kay Brix eh. Hintayin ko na lang yung magiging sakit niya sa future.
"Next is... Skye Mendoza V." napansin ko ang pagiging kakaiba ni Louise habanh ikinuwento si Skye. "He is the most perfect man I know. Sobrang talino niya, mas matalino pa kay Leondelle pero ang problema sa kanya ay hindi siya nasali sa mga contest. In short, lowkey lang ang pagiging matalino niya. He is also such a gentleman. Siya ang pinakamatino sa grupo nila ay halos sa lahat ng lalaki dito sa school. He almost know everything, he is also very skilled in every aspect. He is an epitome of a man."
Nang matapos si Louise sa pagkukwento niya kay Skye ay napatitig na lang siya sa lalaking nakasalamin habang nakikinig ng music sa bench. "Ehem..." tumikhim ako para makuha ko ang atensyon ni Louise. Halos maluwa na kasi ang mata niya kakatitig eh. "Sorry..." agad sabi nito.
Tinaasan ko siya ng kilay "Mukhang may isang biggest fan dito si Skye ah..."
"Ha?! Hindi noh!" sabi ni Louise sabay ayos ng salamin niya sa mata. "Hindi ko lang maimagine na may isang lalaking nageexist pala na tulad niya."
Binigyan ko siya Weh-look "Ano ba... Totoo kasi..." Tumikhim siya. "So nasan na ba ako... Ay ito na! Ang kambal na Montellago. Kay Ross muna tayo." sabi nito sabay taas ng kanyang kilay sa akin. Binigyan niya ako ng uy-ikukwento-ko-na-jowa-mo-listen-carefully-look.
Inirapan ko siya at napatingn na lang kay Ross na kasalukuyan ding nakatingin sa akin. "Siya si Ross Tylex Montellago. Masiyahin at bunso ng grupo. Palagi siya natotrouble, kung napapansin mo, I mean magkasama kayo diba?" binigyan ko siya ng ewan-ko-sa-iyo-look kaya napatawa naman siya.
"May pahid siya minsan, I mean, all the time. Kakaiba siya kumilos kung ikukumpara mo sa kakambal niya. Kasi totoong magtataka ka naman talaga. Siguro mapagkakamalan mo lang silang magkapatid dahil sa sobrang pagkakaparehas mukha nila pero kung ugali ang pagbabasehan, parang galing sa ibang pamilya si Ross."
Totoo naman ang sinasabi niya. Kaya mga akala ko nung una na baka may split personality nga si Ross pero si Raven pala yung nakakausap ko. Kung tutuusin, wala talaga halos pinagkaiba ang mukha nila. As in. Para silang nanalamin, clone ganun pero kapag nakausap mo na sila, dun mo nakikita ang pagkakaiba.
Kinawayan muli ako ni Ross pero nagulat ako ng bigla siyang sapukin ni Raven sa ulo na parang sinasabi na pumunta na siya sa pwesto niya. Wala nang nagawa si Ross kung hindi ang sumunod sa kapatid niya.
Napatingin naman si Raven sa gawi kung saan kumakaway si Ross at nakita niya ako. At kahit malayo ako, ramdam ko na inirapan niya ako. Tangina talaga niya! Para siyang babae eh!
"At ang pinakahuli, si Raven Tyler Montellago, ang leader ng grupo." umalis si Raven sa pwesto niya at sumama na sa kanyang mga kagrupo. "He is very cold. Sobrang kabaliktaran niya ang kapatid niya. Hindi siya nangiti, ni halos hindi na siya kumibo. Maikli din ang pisi niya kaya halos walang nalapit sa kanya. Pero he is good at many things. Fun fact again. Gustong gusto ni Xylene si Raven. Para siyang kapit-tuko dito. Nung nalaman nga ni Xylene na tatakbo si Raven sa pagiging Vice President ay hindi siya nagatubili na tumakbo bilang secretary para palagi silang magkasama."
Kahit pa magaling siya sa halos lahat ng mga bagay, he cannot change the fact na masama ang ugali niya. Tsaka tama na rin na magsama sila nung haliparot na si Xylene tutal, parehas naman silang may masamang ugali.
Pumito ng pagkahaba haba ang referee, hudyat na simula na amg laro. "Ano kamusta ang pagpapakilala ko sa kanila? Ayos ba? Halos hindi ka naman nagsalita eh"
"Ano namam ang sasabihin ko aber? Tsaka paano mo naman nalaman ang mga impormasyong iyan?"
"I have been studying in this school for 4 years now, I am sure I know a lot of things about them."
Patingin-tingin sa gawi ko si Ross. Mukhang hindi siya makapagconcentrate sa laro dahil sa akin. Tumingin ako sa relo ko at buti na lang malapit nang magstart ang classes ko.
Kinuha ko yung gamit ko "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Louise.
"May klase pa ako, I have to---"
"teka, iiwan mo ako dito? Sasama ako!"
***
6 pm na nang matapos ang klase ko ngayong araw. Hindi ko na rin nakita pa si Louise dahil may ginawa na lang itong assignment sa library. Hindi ko rin naman siya napuntahan doon kaso may klase nga ako.
Naglalakad ako papunta sa dorm ko nang biglang may sumabay sa akin sa paglalakad. "Nawala ka kanina..."
Nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala si Ross. Mukhang galing itong training dahil nakasuot la ito ng jersey. "May klase kasi ako." simpleng sagot ko kanina
"Sayang hindi mo ako napanood kahit talo kami."
Napatigil ako sa paglalakad "Talo kayo?" tanong ko sa kanya
Tumango siya at malungkot akong tiningnan. "Kasalanan mo lahat."
Pucha! Napatigil ako sa paglalakad tsaka napatingin sa kanya. "Aba! Ba't ko naman naging kasalanan aber?! Umalis na nga ako dun---"
"Ayun na nga eh. Umalis ka, hindi tuloy ako makapagconcentrate sa laro."
I gave him what-are-you-talking-about-look. Napamewang ako at tsaka muling nagsalita. "Alam mo wala akong panahon para makipaglokohan sa iyo. eímai kourasménos (I'm tired)"
"You really look sexy speaking in greek." sabi niya kaya inirapan ko siya tsaka akmanh aalis na pero hinawakam niya ang braso ko.
I stopped walking and faced him. "Ito naman, biro lang naman yun ih. Ganito na lang, kain na lang tayo ng Ice Cream"
Hindi masama yun, I have been craving Ice Cream since yesterday. "Sasama lang ako kapag... Libre mo."
"entáxei! (Okay!)"
Hindi na kami nagtagal pa dun at dumiretso na agad kami sa convenience store at bumili ng Ice Cream. Syempre dahil libre ito nilubos ko na, 1 pint ang kinuha ko. Nakita kong pumunta siya sa beverage station habang ako naman ay nagaantay sa counter
Nang sandaling makabalik siya ay agad na niyang binayaran ang lahat ng pinamili namin.
Umupo kami sa isang bakanteng mesa dun. "Ubos mo yan?" nagtatakang tanong niya
"Oo! I have been craving ice cream so don't judge me."
He chuckled. "You know, I love teasing you."
Inirapan ko siya
I was busy eating my ice cream when I notice that he was staring at me. "Nagkakilala na ba tayo dati?" nabigla ako sa kanyang sinabi.
Umiling ako. Hindi naman talaga eh, sa sama ba naman ng ugali ng kapatid niya eh baka nasa bahay lang sila or what. "Hindi pa naman siguro."
"Why do you look so familiar? It makes my heart ache so much."
I knew that time, my heart was in its right condition. Si Ross lang ang nakakagawa nito.
"I felt like I've known you for quite some time."
Alam kong pabigat na ng pabigat ang sinasabi niya kaya pinagaan ko ito. "Ano ka ba? Maganda kaya ako kaya I'm sure na marami kang mamumukhaan sa akin." sabi ko sabay pilit na tumawa.
"baka nga..."
Mukhang naconvince naman siya sa sinabi ko.
The man who always laugh, you never fails to make me laugh.
Napatingin siya sa akin tsaka niya ako nginitian so I smiled back but there is something uncertain in my heart.
***
Hindi ko pa rin malimutan ang sinabi sa akin ni Ross nung isang araw. Buti na lang at halfday ako kahapon kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto kahapon.
At ngayon, wala na naman akong magagawa dahil may klase ako. Marketing pa naman yun, hindi ko dapat palampasin lalo pa at heavy subject. Literal na heavy.
Alas tres na ng hapon at himalang wala pa ring nangugulo sa akin. Walang Ross, si Louise may klase pa hanggang ngayon. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. Ayoko namang bumalik agad sa dorm ko dahil baka maluka na ako kakatambay dun. Wala akong ibang kausap kung hindi ang sarili ko at yung cellphone ko.
Pupunta sana ako ng library para tumambay since malamig naman dun. Papasok na sana ako nang bigla akong harangan ng isang lalaki. Akala ko nagkamali lang siya ng pasok kaya umisod ako sa kanan para dumaan pero hinarangan niya pa din ako. "Ano bang problema mo?!" tanong ko sa taong yun.
Pero nanigas ako sa pagkakatayo ko nang malaman ko na si Mark Tracer Villamoral pala iyon. Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. "The Great Alex Furrer."
Nakatunghay ako sa kanya dahil sobrang tangkad niyang lalaki. Parang hanggang leeg niya lang ako eh. "It's an honor meeting you here."
"ki esý (you too.)" sabi ko sabay akmang papasok na ulit na library. Hindi ako makakatagal sa harapan niya. Pero bago ko pa man magawa iyon ay hinarangan niya agad ako. "poio eínai to próvli̱má sas (What's your problem?)"
"Just like what I've expected, Feisty" he crossed his arms. "I've heard a lot from you and that also includes what happen in the ladies' room"
Alam niya yung nangyari sa Comfort Room? Damn this man! He sure have a lot of connections. "Hanga ako sa ginawa mo Ms. Furrer or shall I call you Alex?"
"Alex." simpleng sabi ko
"So Alex. Just like her name, very strong. You have made an impression right after you stepped in the school."
Is that a good thing or a bad thing? "May I invite you for a meal? It will not be so long." sabi nito. "and I will not accept 'no' for an answer."
So ayun nga mga kaibigan, wala na akong nagawa. Pumayag na ako kaya nagpunta kami ng cafeteria. At pagkarating na pagkarating pa lang namin dun ay bigla na lang nagbulungan ang mga tao na nandun.
"Talagang makati ano?"
"Pati ba naman si Mark? Paano na si Ross nan?"
"Slut!"
Ayun lang halos ang naririnig ko sa buong cafeteria pero iginaya ako ni Mark papunta sa counter. "Order ka. My treat for accompanying me here."
Napatingin ako sa mga tao na mainit ang tingin sa amin. "Huwag na lang kaya. Busog pa naman ako." where in fact, isang kasinungalingan kasi medyo nagugutom na rin ako at hindi la ako nakakapagmeryenda.
"Nope. I told you, I will not take 'no' for an answer." nagulat ako nang bigla itong lumapit at yumuko sa akin tsaka ako binulungan sa tenga "and please I am asking you to please don't mind those bitches, they were just like this... Very jealous. I never go out with other girls so being with you is very new to them." sabi nito sabay tunghay
Bakit kasi sa dinami-dami ng babae, kailangang ako pa? Porkit ba sikat ako sa twitter ngayon? "C'mon doll, may mga nakapila pa sa likod" sabi sa akin ni Mark.
"ah-eh kahit ano na lang na orderin mo. Ayos na sa akin yun."
"Well then," ani nito sabay tingin sa babaeng nakuha ng orders. "I'll take 2 cheeseburgers and 2 orange juice. Add banana for the dessert."
"Is that all sir?" tanong sa kanyaa ng tindera.
"Yes." napatingin siya sa akin "Or perhaps you wanted to add more. Don't worry, my treat."
Gusto ko sanang sabihin na gusto ko ng Ice Cream kaso nahiya naman ako dahil hindi pa naman kami masyadong magkakilala. He knew me just because of that stupid issue but deeper than that? I doubt it.
Muli akong napatingin sa gwapo nitong mukha na ngayon ay nagaantay ng sagot ko. "Wala na, ayos na yan. Masyado na ngang madami."
Ngumiti ito sa akin bago binayaran ang binili niya.
Sa dulong parte ng counter ay nandun na yung inorder niya. Kukunin ko na sana iyon mamg bigla niya akong inunahan. "I don't like girls bringing things that I should bring."
Natahimik na lang ako at sinundan siya papunta sa table kung saan siya nilapag ang tray. Umupo kami sa upuan tsaka siya muling nagsalita. "I never thought you would be this quiet." Wika niya habang inaayos ang pagkain namin.
Inilagay niya ang burger at orange juice ko sa harapan ko. "Iba kasi ang pagkakarinig ko sa nangyari sa C.R. some people said you have a nasty mouth." sabi niya at napahalaklak ng mahina.
Ikinuwento ba ni Xylene ang nangyari sa C.R nun? At ano pavictim siya ganun? "You don't mind being with me, right? Hindi naman magagalit ang boyfriend mo diba?" paniniguradong tanong niya
"Boyfriend? Wala akong boyfriend." sabi ko sabay sumubo ng burger.
"Ross? He isn't your boyfriend?"
Umiling ako. "Those were just f*****g rumors."
Mukhang nagulat si Mark sa sinabi ko. "That's what I am waiting. Hearing you curse, really turn me on" ngisi nito sa akin
Ang bastos naman nitong lalaking ito.
Mukhang napansin niya na nabastusan ako sa sinabi niya kaya lumambot ang mukha nito at agad na humingi ng tawad sa akin. "oh! I am sorry for being rude. Hindi ko na naisip ang sinabi ko."
"Hindi-- ayos lang yun" sabi ko sabay pilit na ngumiti sa kanya. Kahit deep inside gusto ko nang umalis dito.
"I can't believe that you are really a cool girl." amuse na amuse na sabi nito sa akin. "By the way, have you heard something from me?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Like... Information? Or perhaps, facts about me?"
Marami nang nasabi sa akin si Louise kaya medyo marami na akong nalalaman tungkol sa kanya pero napili ko pa ring umiling dahil baka sabihin niya stalker ako. "I am trying to be lowkey here and it seems like nothing is interesting about you." maanghang na sabi ko sa kanya. Well hindi ko sinasadya na ganun na lang ang tabas ng dila ko.
Ikinagulat niya ang sinabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya at hindi siya makapaniwalang nasabi ko iyon sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung naoffend ko siya or what. "You are really one hell of a girl. Biruin mo, yung ibang babae nagkakadarapa makuha lang ang schedule ko sa isang araw at gagawa sila at gagawa ng paraan para makuha nila yung impormasyon tungkol sa akin but I never met a girl like you." napatigil ito sa pagsasalita. "--who haven't find me that much interesting"
Mukhang naoffend ko ata. "Sorry, hindi naman yun---yung ibig sabihin ko. Naoffend ba kita?"
Mabilis itong umiling. "No. I am just... Amused. I never met a girl like you. Ngayon lang."
May toyo siguro ang lalaking ito. Parang tuwang tuwa na merong isang babae na hindi nagkakaroon ng interes sa kanya. Napaiwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy na lang ang kinakain ko.
Medyo weird din pala na makasama si Mark. Naweweirduhan ako sa kanya.
"Just so you know, I am the leader of the Knights." sabi nitl matapos lunukin ang kinain niya. "at yung si Ross naman sa Lucky 5. Well, we both came from a group kaya sigurg ganun ka na lang naissue nung sandaling makasama mo amg alin man sa aming dalawa."
Gusto kong sabihin sa kanya na I have been fed up by Louise of those informations pero since mas marami pang sinasabi ang utak ko kaysa sa bibig ko ay hindi na lang ako nagsalita.
"But just to remind you, as a friend... Be careful with the Lucky 5, any members from it."
Wow! Coming from him pa talaga eh galing din naman siya sa isang boy group na malay ko pa kung parehas frat pala.
"They are a kind of.... Dangerous, I might say." sabi nito sabay inom ng juice. "I mean, I knew myself at alam ko na hindi ako gagawa ng kalokohan, even my members, I know them very well... But with the Lucky 5, I don't think so."
"Bakit mo naman nasasabi sa akin iyan?"
"Well... I am just concern about you. Bago ka pa naman dito. Tsaka napapansim ko din ang madalas kayong nagkakasama ni Ross Montellago."
"Bakit ka naman magiging concern sa akin? eh nakilala mo lang ako through Twitter." curious kong tanong
Sumersyoso ang mukha nito. "Let's just say that I am your guardian angel." bumuntong hininga ito "Mukhang hindi ka naniniwala sa akin. I am not asking you do to this." inilapit niya sa akin ang mukha niya at may ibunulong sa akin. "Later, 8pm. Alam kong alam mo ang tambayan nila. Go there and see for yourself. Bakit ko naman sasabihin sa iyo ito kung hindi totoo? If you think this is for revenge just because of our rivalry, that would be so childish."
Ano naman kasi ang pakielam ko sa grupong ito?
"I am saying this just to remind you and maybe magpasalamat ka pa sa akin sa future dahil sa sinabi ko. A rose can be deceiving. It may be beautiful but thorns are hiding from below." sabi nito sa akin sabay ngumiti "Eat up doll and go back to your dorm kung wala ka nang klase."