Hindi ako makapagsalita. Nakamasid lamang ako sa lalaki. Teka, ano bang nasabi ko? pumayag ba akong maghapong magsasayaw? Ako ba ang nagsalita na 'yun? Parang ibang kakalukuwa yata 'yun, ah. Hanggang sa bigla akong napatingin sa aking relo at nakita kong alas-once pa lang ng umaga. Peste! Mahaba-habang oras pala akong magsasayaw sa harap ng kumag na ito. "Hey! Ms. Bombie. Are you okay? Bakit natulala ka na riyan? Nagbago na ba ang isip? Walang ganoon. Kapag nagsalita dapat tutuhanin, tama ba ako...?" pabulong na tanong sa akin ni Attorney Anderson. Tumingin naman ako sa mukha nito. At nakikita kong nakangisi ang lalaki. Itinaas din nito ang kamay niya para alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kurbata nitong hila-hila ko pa rin pala. "Hindi ka na puwedeng umatras, Ms. Bombie. Na

