"Attorney, puwede ba, umalis ka sa aking harapan. Saka, nagugutom na ako," nakikiusap na sabi ko sa binata. Sakto namang nag-ingay ang aking tiyan. "Oh! I see," turan ng lalaki. Ngunit bago umalis sa harap ko'y inilapit muna nito ang mukha sa akin. Halos dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. "A-Attorney." Sabay takip ng bibig ko gamit ang aking palad. Baka kasi bigla akong halikan ng kumag na ito. Nakalaan lang ang unang halik ko sa magiging asawa ko. "Hindi ka pa tapos magsayaw. At mamayang gabi mo iyon tatapusin..." bulong nito sa akin. Pagkatapos ay tumalikod na siya para lumapit sa center table, na kung saan naroon ang mga pagkain. Parang naiilang tuloy akong lumapit sa lalaki. "Attorney, hindi na pala ako kakain, busog na po pala ako,"anas ko. Pagkatapos ay nagtatakbo papa

