NAGISNG akong nangangalay ang aking mga braso. Ang mga paa ko naman ay hindi ko maigalaw. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Upang alamin kung anong nangyayari sa akin? At ang tumambad sa aking paningin ay ang hindi kalakihang kwarto. Wala rin akong makitang gamit. Agad n akong bumaling sa katawan at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong nakatali ako at nakaupo sa isang upuan. Teka, anong nangyayari? Bakit nakagapos ako? Ang tanging natandaan ko lang ay kasaam ko si Attorney Anderson. Sa kusina kami dumaan. Ngunit bigla akong nanghina at nawalan ng malay tao. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Gulong-gulo tuloy ang isipan ko. Bakit ako nandito? Bakit ginapos ako ng lalaking Abogado na ‘yun? Ano’ng dahilan? Wala naman akong kasalanan sa ka

