Mahigpit pa rin akong nakayakap sa lalaki. Wala naman itong reklamo. Hinaplos pa nga nito ang aking likod. Hindi rin ito umangal na mabigat ako. Bagsuk ay tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad paakyat sa hagdan. Hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng kwarto ko. Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama. Pero hindi pa rin akong bumitaw sa lalaki. Kaya ang labas ay sabay kaming nahiga sa kama. Labis akong natatakot, baka kasi nandiyan lang ang ahas. At nakasunod pala sa akin. Hinihintay lang na mapag-isa ako. Jusko po! Hindi talaga ako makakatulog ng maayos nito. Kailangang may kasama ako rito sa kama ko. “Huwag mo akong iiwan Attorney,” nakikiusap na sabi ko sa binata. “Okay…” bulong nito sa may punong tainga ko. Ramdam ko rin ang paghalik niya sa aking buhok. Hindi ko na lang pin

