Nang mawala sa aking paningin si Attorney, ay nang hihinang napaupo ako sa upuan. Pagkatapos ay malalim akong nagbuntonghininga. Hanggang sa magdesisyon na akong ipagpatuloy ang pagkain ko. Hindi nagtagal ay tuluyan akong nakatapos kumain. Iniligpit ko muna ang mga pinagkainan. Medyo sinipag ako kaya hinugasan ko na rin. Pagkatapos ko rito sa kusina ay muli akong bumalik sa kwarto para magtoothbrush. Inilock ko pa nga ang pinto, baka kasi pumasok ang lalaki. “Bombie! Bakit naka-lock itong pinto?!” Maliksi akong bumaling sa pintuan. Lalo na nang marinig ko ang sigaw ni Attorney. Kasabay rin nang malalakas na katok nito na para bang gustong gibain ng sara ng kwarto. “Sandali lang, Attorney! Puwede bang lumayo ka muna sa pinto. Mga sampung diba! At bubuksan ko ang pintuan!” pasigaw na

