Today is Monday maaga akong bumiyahe galing sa bahay kasi nasa karatig bayan pa ang uniberisidad na aking pinapasukan. Medyo magiging busy kami this week sa paghahanda sa exam na madalas naming tawaging "hell week" na magaganap na sa susunod na linggo.
Alas sais na nang makarating ako sa paaralan, nang nasa gate na ako ay ibinaba ko ang bintana saka ipinakita ang aking id, nang makita ni kuya guard na isa ako sa mag-aaral ay binuksan naman niya ang gate.
“Salamat kuya.” Sabi ko sa kanya saka nagmaneho papasok at saka ko ipinarada ang sasakyan sa student parking area.
Plano ko sana na pumunta sa library pero minabuti ko na huwag na lang. Bukod sa masyado pang maaga ay gusto kong rin na i-check ang cottage/dorm na pinamamaliagian ko sa paaralang ito. Hindi maman masyandong kalayuan malalakad lang. Tinahak ko ang pinkamalapit na daan papunta sa cottages ng unibersidad. Buti na lang at umaga pa hindi pa mainit although may mga puno naman hindi mo pa rin naman maiiwasan na madama ang init kapag tanghali na. Aabutin siguro ng limang minuto o mahigit kapag nilakad mo mula sa parking ang cottage.
“OII AV GOOD MORNING” sigaw ni Bea na nakasakay sa kaniyang bike.
“Good morning” Bati ko naman sa kanya pabalik.
Mag-iikot na naman siguro yun sa buong unibersidad, gawain niya kasi iyon, ehersisyo niya daw sa umaga. Si Bea ay nasa cottage 18 samantala ako naman ay nasa cottage 17, bale sa isang cottage mayroong tatlong rooms, isang sala, kitchen, common bathroom at laundry area. Magkatabi lang ang mga cottages so para ka rin lang nasa isang village o community. So the cottages here is what we call dorm, I get that it is totally different from other dormitories where most of the students are in one big establishment just having separate rooms and has a common area, ours are more like houses inside the university.
Nakabahagi syempre ang girls cottage sa boys cottage para maiwasan ang landian na baka humantong sa pagkabuo ng isang bata. Ngunit maari naman na dumaan ang mga lalaki sakaling nag nagjo-jogging ito o nagbibisekleta. Wala rin namang masyadong nagagawi na lalaki dahil nasa kabilang dulo naman ng unibersidad ang sa kanila, malayo talaga. Sa gabi naman ay para masiguro na walang lalandi-landi ay may nag i-inspect sa bawat cottages para masiguro na walang lalaki at para sa siguridad. Heavy guarded din ito sa gabi kaya wala namang panggaba, sa halos magtatatlong taon ko na dito ay wala namang naipapabalita na nadisgrasya o kung ano man.
Nang makarating naman ako sa cottage namin ay nadatnan ko ang hindi ko masabi kong kakagising ba o walang tulog na kasamahan.
“Magandang umaga Av.” Bati ni Gia habang kinukusot kusot ang mga mata .
“Magandang umaga din sayo.” Bati ko sa kaniya pabalik.
“Av andiyan ka na pala, magadang umaga.” Sabi naman ni Shen ng nakadungaw sa hamba ng pintuan ng kusina.
“Magandang umaga.”
“Yung mga pusa mo pala napakain ko na.”
“Naku, salamat at saka pasesnsya na talaga Shen sa pagpapaalaga ko sayo ng mga pusa.” Nahihiyang sabi ko.
Mayroon kasi akong tatlong pusa na ina-alagaan nakita ko ito sa daan isang araw na maulan habang pauwi ako galing sa isang mall. Nakasilid ang mga malilit at basang kuting sa isang karton at nanginginig dahil sa ginaw. Kawawa naman at nasa gilid lang ng kalsada at unuulanan kaya naisipan ko na iuwi dito. Buti nalang at pwede namang alaga at saka hindi naman nagalit ang mga kasamahan ko. Kinabukasan matapos ko silang iuwi ay bumili ako agad ng kailangan nila gaya ng gatas at feeding bottle. Inuuwi ko din ito sa bahay namin, isang araw nga napagpasyahan ko na iwanan sana sila sa pangangalaga ni mama pero wala pang isang linggo binalikan ko rin saka dinala ulit dito, nasanay na din kasi ako sa kanila.
“Ming, ming” Tawag ko naman pero as usual wala man lang ni isa sa mga pusa ko ang nag atubili na lapitan ako. In raising a cat you really need a lot of patience. I heard this somewhere nga eh na cat persons are more patient compared to those dog person because when the owner of the dog comes home ang gagawin ng aso ay lalapitan niya agad yung owner niya, compared to cat na kapag umuwi ang nag-aalaga sa kanila most of them will just stare so dapat ikaw talaga ang lumapit sa kanila that is why cat person daw is more patient. I don’t know if that is true though I didn’t read a study or reaserch about that.
“All they did yesterday was sleep, then wake up to eat. Kinagabihan naman ay nakita ko dumaan sa bintana't pumasok sa silid mo at doon natulog sa kwarto mo. Spoiled.” Sabi niya sabay tawa.
“Kaya nga eh.I love spoiling them baka sila pa nga ang maging dahilan para maghirap ako lalo.” I was sitting in the couch while petting my ash cat na ngayon ay nakahiga sa kandungan ko. Ang dalawang itim na pusa naman ay pumwesto sa may paanan ko.
“Are you done making your reviewer Av?” Tanong ni Gia. Gia was referring to my exam reviewer, gumagawa kasi ako ng reviewers para naman may magait ako tuwing nag rereview. Nakasanayan ko na rin.
“It is ready for printing na. Maybe later pupunta na ako sa printing office to print it na. Do you need a copy ba?” sagot ko sa kanaya.
and I are on the same course and program pati year level.. So, kung ano yung courses ko ganon din yung sa kanya ang pinagkaiba lang namin ay schedule and magakaiba din kami ng iiliang professors pero may mga times naman na magkaklase kami.
“Yes please if okay lang sayo?”
“Of course okay lang ano ka ba para ka namang iba sa akin.” Sabay ngiti sa kaniya.
“Salamat Av.”
“Anyway did you even sleep?” tanong ko sa kanya mukha talga siyang antok na antok.
“Hay naku Av hindi iyan natulog. Alam mo kung anong ginawa? Naku, nagbasa yan kagabi tas may pasok pa yata ngayon. Napaka tapang na mag-aaral.” Singit naman ni Shen na nag-aayos na ngayon sa mesa at inilaalagay ang kanyang mga niluto para sa agahan.
“Ano naman ang binasa mo? At inabot ka talaga ng umaga?” tanong ko naman sa kanya.
“Yung paborito ko kasing author ang dami ng kwentong nailimbag sa kaniyang online platform at medyo late na ako sa updates kaya napagpasyahan ko na magbasa. Ang plano ko lang sana ay kahit limang chapters lang pero na enganyo ako kaya ayun lumampas ako ng 5 chapters, inumaga.” Pagkukwento niya naman.
Kumain na sila , inanyaya pa ako pero dahil sa hindi naman ako gutom ay hindi na ako kumain pa.
Mamaya pang alas 9 ang schedule ko samantala ang mga kasama ko yata ay mamayamaya pa o baka mamayang hapon pa kasi pa alis na ako ng mag aalas otso na ay hindi pa sila nakahanda.
Tinahak ko naman ang daan mula sa cottage ng girls patungo sa library. Bago pa ako makapunta sa library ay nadaanan ko pa ang department ng tourism students at nursing. May nakaksalubong akong tourism students, ang tatangkad. Walang panama ang 5’6 kong height sa kanila panigurado, idagdag mo pa ang presentable nilang hitsura at pananamit. Meron akong nakita na naka uniporme may hawak na flag tapos ay madami namang naka sunod sa kanya kaya feeling ko ay nag to tour siya. Sa malayo naman ay kita ang nakatingin na professor, so probably they are having an activity or training.
Nang madaanan ko naman ang department ng Nursing ay napakalinis nakakahiya na makihalo sa kanila kasi nakaputi silang lahat. Lumiko naman ako at nakita ko na ang malaking libarary. May isang oras pa ako para sa klase ko ngayong umaga kaya sa library muna ako tatambay at mag babasa kung mayroon man na magustuhan. Inwan ko naman ang bag ko sa parang bag counter sa labas pero nag dala ako ng isang notebook at pen para incase na mapagdisisyonan ko na mag –aral. Pagkapasok ko naman sa loob medyo madami na ring estudyante mas rarami pa ito next week.
Naglibot-libot naman ako at nagtitingin-tingin sa bookshelf at nang may nakita ako na libro related sa isa sa courses namin ngayon ay kinuha ko ito at naghanap ng mauupan. Yung malayo sa aircon para hindi ako antukin. Yung iba nga kahit umaga pa ay may nakikita na akong ina-antok.
Sa kalagitnaan ng pag-aaral ko ay may naupo sa upuan na katapat ko. Pag-anagt ko ng tingin ay ka klase ko pala sa isang course subject.
“Nakita kita habang naghahanap ng ma uupuan, kaya makikiupo ako huh.” Sabi pa niya. Tumango lang ako saka bumalik sa pag-aaral.
“Avi.” Mahinang tawag niya kaya napabalik sa kanya ang atensyon ko.
“May reviewer ka na ba?” tanong niya.
“Ah oo may file na ako ipapaprint ko nalang.” Sagot ko naman sa kaniya. Awkward naman siyang nagkamot ng ulo niya.
“Baka kapag andiyan na ay baka lang naman pwedeng makahingi ng kopya.”
“Oo naman.”
“Salamat.”
“Saka ka na magpasalamat kapag andiyan na.”
“HAHAHA kahit wala pa ay magpapasalamat na ako ng una.”
Iyon lang naman ang naging usapan namin ni Drake. Si Drake ang isa sa mga kaklase ko, matalino at gwapo kasanayan kapag may mga pageant ay siya ang ipinapanlaban. Nang malapit nang mag alas nuebe ay napagpasyahan ko ng tumayo. Napatingin naman siya sa akin.
“Mauna na ako, ibibigay ko na lang ang kopya ng reviewer sayo bukas.” Sabi ko sa kanya at saka kinuha ang gamit at aalis na sana ng pigilan niya ako.
“Sandali lang, sabay na tayo ka klase tayo ngayon eh.”
“Ah oo nga pala, sige.” Sagot ko nalang.
Naglalakad lang kami papunta sa ITED1 na classroom. Nang makarating kami sa classroom ay napatigin naman ang mga ka klase namin sa amin.
“Oii pare dito.” Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Drake.
Tiningann niya pa ako sabay turo sa mga kaibigan niya tumanago lang ako sa kanya at naupo sa upuan kung saan ako madalas na nakaupo, malapit sa bintana. Nasa ikatlong floor pala nag ITED1 kaya kita ko mula dito ang kiosk ng aming institute may mga upuan at table at mag estudyante na busy, ang iba ay tumatakbo pa, late na siguro. Kita din mula dito sa itaas ang magandang fountain.
“OIi Charlotta magkasama kayo ni Drake ah.” Biglaang tanong ng babaeng nakaupo sa harapan ko, si Gema.
“Ah nagkataon na nagkita kami kanina sa library habang may pinag-aaralan ako kaya nag sabay na lang din kami na pumunta dito since parehas lang din naman kami ng schedule."
“Talaga? Wala bang namamagitan sa inyo?” Obvious naman sa tono ng pananalita niya na galit siya at duda sa akin. Tinaasan ko na nga lang ng kilay. Nakuha naman niya na medyo galit na ako sa inasta niya kaya tinalikuran niya na ako.
Isa na namang babae ang handang magalit sa kapwa niya babae dahil lang sa lalaki ang nakasalamuha ko sa araw na ito. Napailing ako at tinanaw ang tanawin sa labas, mas mabuti na iyon kesa makipagplastikan sa mga tao dito lalo na sa dalawang babae na nakaupo sa harapan ko.
Ang dating maingay na classroom ay naging tahimik isang hudyat na dumating na si Prof. Jessa.
“Good morning class” The voice seems familiar pero baka professor lang na namali ng pinasukan na classroom kaya hindi ko na iginiya ang paningin ko sa harap.
Natutuwa ako sa natatanaw ko sa ibaba na group of friends, probably on their first year. Two of them ay naghahabulan habang yung iba naman ay nakikitawa, para silang nag papatentero.
“I am the substitute teacher of Professor Jessa Manansala so she currently on leave kasi malapit na siyang manganak."
Narinig kong sabi nang professor sa harap pero hindi ko talaga maibaling ang tingin sa kanya dahil naaaliw talaga ako sa aking nakikita. Naisipan nang ibalik ng lalaki ang kinuha niya sa babae, hinapas pa niya eto at may sinabi naman ang lalaki na ikinataawa na iba pero hindi ko marinig. Pero mas nagulat ako nang ang lalaki kanina ay biglaang rumampa ala Catriona Grey shocks ang galing kuhang kuha.
“So my name is Tristan James Avinilla.” So ayon na nga ang nagpabawi ng tingin ko sa ibaba at agad na napabaling sa harapan. Pagkakita ko sa kaniya ay gusto kong magtago shems. Kaya pala pamilyar ang boses.
“Since I do not know you students let me do a roll call and as I mention your surname kindly acknowledge so that I could familiarize you all. Am I understood?” Sabi ni Tristan. No I must not call him Tristan that is so unprofessional and so disrespectful he is our substitute teacher so I must call him properly and it should be Professor Avinilla. He probably haven’t notice me yet since nasa pinaka gilid ako at may tatlo na nakaharang sa akin.
“He look young, how old is he kaya?” narinig kong tanong ni Joy sa katabi niya na si Gema.
“Maybe on his 20’s pa.” sagot naman sa kanya nito. Oo nga ano now I am wondering how old is he kasi akala ko he’s still studying like maybe graduating ganon. But I guess I am wrong.
“Andrade, Kervin” nagsisimula na na mag tawag si sir ng pangalan.
“Sir Present.” Nagtaas naman ng kamay ang lalaki na nasa unahan naka salamin at halata mo na nagpupursige sa pag-aaral. I do not want to call him a nerd because that might be an insult for him but that is what my other clasmmates used to call him.
“Anstey, Clifford Klen”
“Sir.” Sabi ni Klen at saka nagtaas ng kamay. Klen is Scottish why is he here? I don’t know, but one thing is for sure he is rich, I mean almost everyone in here is rich. It’s either their parents are politicians or businessman or a famous artist, you name it. Kaya hindi talaga maiiwasan na sa bawat araw ay may madadaanan ka na mapagmata na tao but there are still some kids in here who are very rich but like to keep their profile lowkey but most like to brag their wealth.
“Did I pronounce your name correctly?” Tanong ni sir sa kanya.
“Yes sir” Sagot naman niya. Well as for this man he is the type of mayaman who never boast.
“If perhaps I have mispronounced your name kindly correct me okay?” sabi ni sir Tristan sa isang matigas na Ingles.
“Aguilar, Albert”
“Sir” Sagot naman ni Albert.
Albert is the person who is very big, malaki siya in the sense na matipuno ang pangangatawan niya hindi siya mataba but despite the figure that he possesses it was like his spirit was a cute little girl you know what I mean? His personality was the opposite of what he looks like. He is so calm, so quiet, and girly sometimes.
“Bridgeton, Calvin”
“Sir” sagot namn ng lalaking napakaputi and he is a Germaphobe. He like to sanitize all the time, mayroon talaga siyang bottles of alcohol sa bag niya and a ton of wipes. At kung mapapansin naman sa surname niya he is foreigner. But he knows how to speak tagalog, more likely if he wanted to work here in the Philippines he must know the basics of tagalog for communicaton purposes at saka may classes din naman kami na Filipino ang mode of delivery.
“Castro, Daniel” Tawag ni sir at nagtaas naman ng kamay si Daniel na naka upo sa bandang likuran ko. Yumuko naman ako at agad na tinabuanan ng buhok ang aking mukha. Hidni ko nga alam kung bakit ko iyon ginawa basta ang alam ko lang ayaw ko na makita ako ni sir kahit na alam ko naman na imposible iyon dahil nga teacher namin siya at nagtatawag siya kaya sure ako namatatawag din ako mamaya. Ilang sandali pa ng magtawag na si sir ng iba pang pangalan ay saka lang ako tumunghay.
“Caralos, Edgar"
“Clemente, Dave” sabi ni sir narinig ko naman ang impit na pasigaw ni Gema, kilig yarn?
“Sir.” Sabi ni Dave.
“Pangalan palang gwapo na.” Hindi ko alam kung bulong ba 'yon kasi narinig ko naman.
“Escobar, Kenneth"
“Santos. Darwin"
“Torino, Carlo”
“Tajeros, Meagan Jay” Yes it sounds like a name for a girl but it isn’t.
And that’s it for the boys.
“Okay next is Anderson, Joy” agad naman na nagtaas ng kamay si Joy na katabi ni Gema.
“Sir, present” Sabay narinig ko pa ang pahalakhak niya.
“Buenavista, Avi Charlotta” Ako na ang tinawag. Ngtaas naman ako ng kamay. Hindi ko alam kung ano yung reaction niya kasi hindi ko siya tiningnan. Nakayuko lang ako habang nakataas yung kamay ko.
“Is there a problem miss Buenavista?” tanong niya
“No sir.” Sabi ko naman sabay sulyap sa kanya. Madali lang naman hindi na rin nagtagal. Hindi naman makikita sa mukha niya ang pagkagulat. Yumuko pa ako para sa wala, hindi niya pa rin pala ako makikilala.
“Okay.” Sabi niya saka nagbawi ng tingin at ibinalik ito sa kanyang laptop. And that’s it, hindi na ako nakinig pa sa attendance niya't binusog ko nalang ang mata ko ng mga tanawin na makikita mula dito sa bintana ko.
Maliit lang din naman nag population namin kay madali lang din natapos ang roll call.
“Okay ang sabi ni professor Jessa ay tapos na din naman talaga kayo sa discussions ninyo so I will just give you na lang a quiz and for the remaining sessions maybe we will do some reviews in preparation sa exam ninyo. Any questions?” sabi niya
“Sir how old are you?" Deretsahang tanong ni Joy. Narinig ko naman ang pag-sangayon ng iba kong Mga ka klase. Sila yung mga interesadong malaman ang edad niya.
“okay shh” sabi niya ng medyo ma ingay na.
“I am 24” sabi niya.
“Ano Joy okay lang ba sayo ang age?” tanong pa ni Gema
“Oo saktong sakto” Sagot pa niya.
Joy is petit girl with a rosy skin , then yung features niya si for Korean artist, magandang balat, matangos pero cute na ilong, medyo singkit na mata na kapag ngumingiti ay nawawala, mahahabang pilik-mata at rosy na lips at hanggang balikat na buhok. No wonder madaming lalaki ang nakaaligid sa kanya, maraming suitors plus she pleases almost every girl in my class kasi friendly siya pero sa hindi malamang kadahilanan ay parang mainit yung dugo niya sa akin.
“Any question yung related sa course niyo?” tanong naman ni Sir Tristan I saw him smile but that was only for a moment, balik naman siya sa dati kaya parang ang suplado niya tuloy na tingnan.
“Single ka pa sir?” Tanong ng babae sa likuran banda hindi ko maalala kung sino siya. Basta mayroon siyang mahahabang kinulot na buhok at may kolorete sa mukha. Very related sa course namin yung tanong niya ah.
“Single dad.” Sabi ko naman ng maalala ko yung sagot niya noong nasa kasal kami.
“Ano?” Gulantang naman na sagot ni Themarie, yung katabi ko. Narining niya siguro niya yung sinabi ko. Napatingin naman banda namin ang lahat. Nakakahiya yun ah.
“Yes miss Santos? right? What is the problem?” tanong ni Sir Tristan nakakhiya sana huwag niyang sabihin. Napabaling naman sa akin si Themarie kaya lumipat din ang tingin ni sir sa akin.
“Sabi kasi ni Avi sir n-” hinidi naman tuluyan na natuloy ang sasabihin niya ng nagsalita ako.
“AH TINANAONG KO KASI SIR KUNG KELAN YUNG NABANGIT MONG QUIZ KANINA?” Medyo mataas na boses kong sinabi. Napalingon naman sa akin si Themarie nginitian ko nalang, mabuti at hindi na siya nagsalita pa. Minsan talaga ay ako mismo ang nagpapahamak sa sarili ko eh.
“Good question that will happen today.” Sagot ni sir sa tanong ko. Medyo narinig ko naman nag pagkadismaya nang iba.
“Pero sir bago tayo magsimula paano naman yung tanong ko?” Singit pa noong babae kanina. Halata mo naman na hindi din siya dismayado kahit pa sinabi na ni sir na may quiz. Ang importante lang talaga sa kanya ay ang masagot ang tanong niya.
“Yes I am single.” Narinig ko naman ang pagsaya ng girls habang boys ay nakikinig lang. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas hindi na nagkaroon pa ng interes kasi alam ko na naman din iyon.
“Single dad” Sabi pa niya, alam kong pabiro lang yun pero sa paraan ng pagkakasabi niya ay napakaseryoso. Kinalabit naman ako ni Thesamarie. Nilingon ko naman.
“Tama ka.” Sabi niya pa.
“Hindi totoo yun.” Sabi ko naman medyo naguluhan siya sa sinabi ko. Ipinagsawalang bahala ko naman iyon kasi alam ko naman na babawiin lang din niya ang sinabi niyang single dad siya.
“Talaga ba sir ibig sabihin ba niyan ay iniwan ka ng ina ng bata?” Tanong naman ni Edgar na hindi man lang pina unlakan ni sir ng sagot. Muntikan na akong humagalpak ng tawa pinipigilan ko lang talaga na hindi.
Habang ang ibang mga babae ay nagpahayag naman ng kanilang pagkadismaya. At nang masyado nang naging maingay sa klase dahil sa kanya-kanya nilang suhestyon ay nagsalita na si sir.
“Kidding aside I am single.”
Eventually, their questions didn’t stop there, after that relationship status they eventually dig into something more like how many girlfriends did she have? Is he currently courting someone? A more personal question like that was thrown into him even though he tried to explain that they should be asking a not so very, very personal questions but I guess my classmates just really like asking juicy questions. And I think that lasted for minutes.
“Okay, I hope you that by answering those questions you've all gotten to know me more. As promised kindly get a paper and pen for we are about to have our quiz.”
“Ah, sir can we do that next session?” tanong ni Venice.
“I am sorry but no, kasi mag kakaroon tayo ng review next session .” paliwanag ni sir kaya wala na talaga kaming nagawa pa.
The quiz ended with 30 questions. Luckily at may na retain na knowledge sa akin and I must say that creating a reviewer did help me.
“Okay pass the paper, I hope that all of you did pass this.”
“One thing is for sure sir I did pass.” Sabi ni Joy.
“Very good miss Anderson.” Sabi ni sir.
Kanina ko pa napapansin na kahit kanina lang nakilala ni sir yung mga ka klase ko, everytime na nag a-acknowledge siya kilala niya, ibjg sabihin maganda yung memorya niya. Kaya bakit hindi niya ako nakilala kanina, haler kasama kaya niya ako kahapon.
Mabutii pa siya at matalas mag memeorya ng mga tao, samantala ako ay halos mag tatalong taon na nakasama sila pero may mga time pa din talaga na nalilimutan ko panagalan nila. Don’t get me wrong I can recognise the face I just forget the name.
“Ilan ka sa quiz?” Biglaang tanong ni Joy na talaganag sinadya pa talaga na umikot para lang ma tingnan ako.
“Ayan na naman siya.” Narinig kong sabi ni Them.
“Naipasa ko naman.” Yun lang ang sinabi ko alam kong masyadong vague yung sagot ko pero ayaw ko kasi na mag-isip na naman siya ng masama sa akin.
“You just probably got 22 or 23 and that is just like 75 percent correct, oo nga naman at pasado pa rin iyon.” That is the reason why I hate saying my score kasi she always thinks that we are on a competition when in fact siya lang ang nag iisip non. Ayaw niya kasi na malamangan ko siya.