Ikatlong Kabanata

2582 Words
Pinapunta na kami sa harap. Nakita ko naman na tawang tawa si Trish at Brandon. Masayang masaya sila sa mga dinaranas ko ah.  Binigyan naman kami ng tig-iisang microphone. Tiningnan ko naman ito nagtataka kung para saan ito. "Kakanta ba ako?" tanong ko sa emcee. "Pwede din naman, GUSTO NIYO BA IYON?" tanong niya pa sa guests. At talagang nag sigawan pa talaga sila. Ano to dadagdagan niyo pa ba ang paghihirap ko sa araw na ito? "Pwede din naman iyon basta ba ako lang ang kakanta tapos hindi ako ang susuotan ng wedding band, deal?" Negotiate ko pa sa kanila. Pero gaya ng ina-asahan dahil gusto talaga nila ng kilig kilig ay talagang ipupush nila nag pagsusuot ng wedding band. "NO" Sigawan nila. "Aba hindi pwede yun mas maganda yata kung ikaw ang kakanta habang nagsasayaw ako at isinusuot ko ito sa iyo hindi ba?" at talagang mas lumakas ang hiwayan nila. "Trish itapon mo nalang ulit. Please" Pagsusumamo ko sa kanya pero parang wala lang talaga iyon. Alam mo yung sinenyasan niya lang ako na wala siyang magagawa. "Ito ay katuwaan lang naman, kung ayaw mo ay pwede naman na hindi na natin gawin." Sabi sa akin ni Tristan na katabi ko lang pero seympre hindi siya naka microphone. "Talaga ba?" sagot ko sa kanya nabuhayan naman ako ng loob. "Oo pero ma aatim mo ba na ma dismaya ang mag-asawa at guest dahil lang sa ayaw mo? Ikaw din desisyon mo yan." akala ko pa naman ay papayag na siya na huwag na lang subalit parang kinokonsensya naman yata ako. Yung emcee naman ay ina aliw pa ang manonood habang may pag-uusap na nagaganap sa pagitan namin ni Tristan. "Don't worry hindi kita mamanyakin, kung sabihin mo na na stop ay titigil naman agad ako. This is just really for fun." "Sige na nga gawin na natin to nang matapos na." "Okay na napapayag ko na.” Swabeng sabi niya sa emcee. “Hala napapayaag saan?” Sagot naman nito sa kaniya. “Kami na.” Nabigla naman ako sa sinabi niya, kaya agad ako na nagsalita. “Teka lang walang ganyang nangyari.” Natawa naman siya. “Eto naman biruan lang.” Sabi niya pa. “Hindi ko alam kung anong namamagitan sa inyong dalawa pero talaga ba na hindi kayo magkakilala?” Tanong pa ng emcee. “Hindi .” sagot ko naman. “O sige habang ina-ayaos pa ang music at ang uupuuan ni ma'am, ano muna ang pangalan mo ma’am?” sabi ng emcee. “Avi Charlotta Buenavista.” Sagot ko naman sa kanya. “Eh yung numero mo ano?” singit pa bigla ni Tristan. “Yiee ayan na siya. Sandali! Mga kaibigan hindi na yata ako kailangan dito.  Parang gusto na yatang palitan ni sir Tristan nyung pwesto ko." Kilig na sabi ng Emcee na ikinasigaw ng lahat. “Bakit lo-loadan mo ba?” tanong ko pabalik sa kanya. Matapang ako ngayon kaya kong makipagtitigan sa kanya. “Sige magkano ba gusto mo?” Char may-ari yata ito ng loading center ah. “AKO TRISTAN MAY NUMERO DIN AKO BAKA GUSTO MO DIN LOADAN?” Sigaw ng babaeng nasa lamesa nila. “Hindi naman ikaw ang gusto ko kaya bakit ko hihingin ang numero mo? ” Harsh niyang sabi natawa naman yung mga kasama nila pero kita ko ang pagkakapahiya ng babae kanina. “Harsh naman non.” Sabi ko sa kanya dahil naawa talaga ako. “Okay lang yun, sanay na man na sila.” Gusto ko pa sana na umapila pero naalala ko ngayon ko pa pala siya nakilala. “Sige na ma’am Avi maari ka nag umupo sa upuan, tapos sir Tristan mag ready ka na.” Pahayag ng emcee at yun nga ang ginawa ko. Nang nagsimula naman ang tugtog ay nagsimula naman siyang mag sexy dance sa harapan ko. “Oh my gosh.” Sabi ko at napatakip ng mukha. “Bakit? Hindi ka ba sanay?” Tanong niya pa pero syempre kami lang ang nakakarinig dahil sa malakas ang musika at idagdag mo pa ang lakas ng sigawan ng mga guest. Sa klase ng tanong niya parang sanay siya ah. Saka niya ako ginaya patayo galing sa pagkakaupo ko sa upuan. “Isusuot ko na sa binti mo itong wedding band huh” pagpapa-alam niya muna. Ipinatong ko naman ang kaliwang paa ko sa upuan. “Hoii baka I judge mo ako huh hindi ako nakapagpa manicure kasi.” Nahihiyang sabi ko pa sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. “Ayos lang ano ba.” Sagot pa niya sa akin saka niya tinangal ang sapin ko sa paa. Itinaas ko naman ang palda ng aking suot na dress hanggang sa tuhod. Nag simulan na niya ang pagsusot nito ay naghiyawn naman ang lahat. “HIGHEG, HIGHER, HIGHER, HIGHER.” Kita ko pang nangunguna sa pag sigaw ang mga kaibigan ko. Tinalo pa nila ang cheerleader sa kakasigaw nila, nginiwian ko nga. “Tama na.” Sabi ko sa kanya ng nasa bandang tuhod na, at gaya nga ng sabi niya kanina ay agad nga naman siyang tumigil at umayos sa pagkakatayo. May narinig naman ako na nadismaya pero kalaunan ay nakarinig din ako ng palakpakan. “Salamat sa pagiging sport kahit na medyo alangan ka noong una ay ginawa mo parin.” “Salamat din.” Sagot ko naman sa kanya. Inextend niya ang kamay niya para makipagshake hands. Tinangap ko naman. “Salamat sa maliit na moment na iyon pero sobrang nakakkilig naman. Pero bago kayo bumalik sa inyong upuan ay tangagpin niyo itong monting token galing sa bagong kasal.” Sabi ng emcee sabay may nag-abot sa amin ng maliit na paper-bag. “Picture muna kayo.” Sabi naman niya uli medyo nag bow down naman ako saka nagpasalamat sa kaniya. Lumapit naman kami sa bride at groom para makuhanan na ng litrato. “Congrats.”sabi agad ni Trish nang makalapit ako saka ako bineso. “Congrats pare.” Rinig ko naman na sabi ni Brandon kay Tristan. Pumwesto naman kami, napapagitnaan namin ni Tristan sila Trish at Brandon. “O kayo naman dalawa ni Avi pare.” Sabi ni Brandon ng natapos na makuhanan kaming apat ng litrato. Ang dalawa ay bumaik naman sa upuan na nakalaan sa kanila naramdaman ko pa na hinagod ni Trish ang likod ko bago kami tuluyan na iwanan  na dalawa para kuhanan ng litrato. “Closer” sabi ng photographer ng makita ang malaking agawat sa pagitan naming dalawa. “Okay lang ba?" Tanong niya, ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. Pagkatapos ng ilang litrato bumaba na kami sa munting entablado, inalalayan niya pa ako. Pagkadaring ko sa lamesa namin ay sinalubong ako ng malesyosang titig at ngiti ng mga kaibigan ko. “Ano ibinigay mo ba ang numero mo?” tanong ni Jhon “Hindi.” Sagot ko naman. “BAKIT?” malakas na tanong ni Andrea “Kasi ayaw ko.” “Ano ba yan akala ko pa naman ay simula na ng kwento ng pag-ibig mo.” Dismayado na sambit ni Tine. “Akala ko ba bet mo?” Tanong pa ni Rayven “Eh hindi naman ibig sabihin na magbibigay agad ako ng numero.” Sagot ko pa. “Eh paano ka niya ma kokontak niyan?” Tanong naman ni Bon. “Bakit naman ako kokontakin ng tao? Saka hindi lang talaga siya KJ. Ginawa niya lang ang lahat ng iyon kanina para magpasaya...To entertain. ” Sabi ko naman. “Malabo yun, sa dinig ko kanina ng mapadaan ako sa table nila ay suplado daw talaga yun, tsaka yung kanina yung pinapakanta daw siya sa harapan ay uma-aayaw talaga nagagalit na nga kita niyo naman kanina diba? Pero sa hindi malaman na kadahilanan ay biglaan na lang siyang tumayo at ayun na nag nagperform.” Sabi naman ni Rayven. Malalaman mo talaga kung sino ang tsismoso sa amin ano. Kung sino pa ang lalaki siya pa talaga yung mahilig makichismis. “So anong point mo?” Tanong ko sa kanya. “Na nakikichismis siya ano ka ba.” Sabi naman ni John na ikinatawa ng lahat. “Hindi, ang point ko kasi ay iba siya kung makitungo pagdating sayo.” Pangangatwiran pa niya. “O ano ngayon?” Tanong ko sa kaniya. “Interesado siya sayo.” Sa paraan ng pagkakasabi niya kumbinsidong kumbinsido talaga siya. “Gusto ko siya pero hindi pa ako interesado sa pagbo-boyfriend. May tamang panahon para diyan hindi iyan minamadali. Ilang taon pa ba tayo ngayon? Ako 19 ang pinakamatanda sa atin 20, mga bata pa tayo marami pang taon para diyan. Saka sabi nga ni papa pasasaan pa at pag nakatapos na sa pag-aaral ay ang mga lalaki na ang maghahabol satin. Priority ko muna sa ngayon ay pag-aaral saka na 'yan. Hindi pa naman lagpas sa kalendaryo yung edad ko.” Sagot ko sa kaniya. “O sige na. Kalian ka pa ba kasi susubok kapag matanda ka na? Pag nagkataon na gusto mo na yung mga lalaki tapos siya naman ang may ayaw sayo? Hindi naman kasi ibig sabihin na magjo-jowa ka ay mabubuntis o mapapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Ang amin lang ay try mo, for experience. Kasi pag nasa seryoso ka nang relasyon alam mo na yung gagawin, hindi ka na maloloko pa ng ibang lalaki.”sabi pa ni Andrea. “Kung nakatadhana ka talagang lokohin maloloko at maloloko ta talaga. Nasasayo na rin naman kung magpapaloko ka. Hindi din naman yan magbabase sa bilang ng lalaki na nagdaan sa buhay mo, kasi hinding-hindi mo naman makikita ang true intention ng tao sayo eh.” Sagot ko nalang. “Antayin na lang natin kung kelan tayo ready kasi hindi naman na pupwede na susubukan mo kahit na ayaw mo pa naman pala. Mas maganda kasi kapag kusa itong dumating, kagaya ng pagkain mas masarap ito pag hindi minamadali.” Dagdag ko pa. “May point ka diyaan, saka kung sino yung nakatadhana sayo darating at darating iyon huwag ng madaliin.” Pag-sang ayon pa sa akin ni Bon. “Pero hindi naman eto daratIng kung hindi mo hahanapin. Naku Av baka para sayo na talaga yun pero dahil diyan sa prinsipyo mo na hindi magiba-giba ay baka ma-agaw pa ng iba.” Katuwiran pa ni John. “Kung saakin man talaga iyon nakalaan ay hinding- hindi iyon magpapa-agaw sa iba.” Natatawa kong sagot sa kaniya. “At saka kung ma-agaw man ng iba diba Av, pwede mo namang agawin pabalik.” Sabi ni Tine sabay halakhak.  Siguro nga kahit magkaibigan kami ay may iba-iba kaming pananaaw o opinion. Kung ako yun ay hahayaan ko yung tao na mamili. May isip na man na yung tao hayaan na na mag decide. Saka kung magpapa-agaw siya in the middle of courting me or habang kami pa edi sumama na siya doon sa iba niya, hindi ako maghahabol pa sa kaniya. I know my worth. Medyo marami-rami rin an naging katuwaan. Kinagabihan ay nagkayayaan na na mag-inuman ang ilang kalalakihan. At ayon na nga sumama muna si Rayven sa ibang grupo kasi hindi naman umiinom masyado ang mga kaibigan ko sa ibang venue, yung kami kami lang. Nang sumapit ang alas otso ay napagpasyahan na naming umuwi. “Trish, Brandon salamat sa araw na ito huh, nag-enjoy talaga ako at best wishes.” Sabi ko sabay hug sa kanilang dalawa. Ang iba ko pa namang kabigan ay nag paalam na din. Magpapa alam din sana kami kay Rayven pero bigla na lang itong nawala. “Hatid na namin kayo.” Sabi pa ni Brandon. “Ano ka ba huwag na andyan lang naman yung sasakyan namin.” Saad ni Andrea sabay turo sa tanaw lang namin na sasakyan. “Sandali lang guys pupunta muna akong CR saglit.” Paalam ko sa kanila. “Sige antayin ka namin.” Ayon na nga nagtanong pa ako sa kasambahay nila kung nasaan ang daanan patungong CR, itinuro naman nila. Nang palabas na ako may narinig akong boses na nangangalig sa isang pasilyo. Hindi ko akalain na madadatnan ko si Rayven at Beverly. Malayo naman ako sa kanil akaya hindi nila ako napansin. “Kaya pala wala ka doon sa labas loverboy huh.” Nakangisi kong sabi sa sarili pero mahina lang para hind nila rinig. Aalis na sana ako.  “SI AVI, SI AVI NA NAMAN BA?" Galit na sigaw ni Beverly kay Rayven. Wait, what me? Napabalik ang tingin ko sa kanila.  Anong kinalaman ko sa relasyon nila? “Akala mo hindi ko napansin ang titig mo sa kanya kanina? Ano? Kaya ba nakipaghiwalay ka sa akin dahil sa kanya?” Dagdag na sabi ni Beverly. I’m out, ayaw kong madawit ang panagalan ko sa away nilang dalawa. Pero there is a part of me na nais manatili. The fact that Beverly mentioned my name made me curious. “Hindi walang kinalaman dito si Avi, talagang hindi na kita mahal.” Sagot ni Rayven. Narinig ko naman ang pag-iyak ni Beverly. Hindi ko akalain na darating sa punto na may-iiyak dahil sa kaibigan ko. Ina-amin ko may itsura naman si Rayven malamlam na mga mata, mapulang labi, at mahahabang pilikmata, bonus pa na maganda ang pangangatawan at estado sa buhay. Marami din ang nagkakandarapa sa kanya, kahit na nabibilad iyan sa araw ay halata mong naalagaan ang kustis, maputi. Hindi ko lang akalain na pati si Beverly ay iiyakan siya. Maganda si Beverly kung ano ang ikina lumanay ng features ni Trish, iyon naman ang ikinatigas ng kay Beverly. Kung ikukumpara ay parang badass version ni Trish si Beverly. Pero sa kabila noon ay nakilala namin si Beverly na sweet, mabait, at caring kaya napakalaking loko ng kaibigan ko kasi pinaiyak niya ito. “Hindi eh alam ko talaga na may lihim na pagtingin ka sa kanya, noon pa man sa mga lakad natin ay palagi mo siyang nababangit, sa tuwing naguusap tayo ay lagi na mo siyang naisisingit.” Lokong Rayven to ah idinawit pa ako sa away nila. Hindi ko na lang pinakinggan pa ang isasagot ni Rayven at naglakad na ako palabas. “Ano hindi niyo ba talaga nakita si Rayven?” Nadatnan kong tanong ni Bon. “Hindi eh I text na lang kaya natin.” Sabi ni Tine Ginawa naman ni John ang suhestyon ni Tine. “Tara na.” Sabi ko, hindi niyo mahahagilap iyon dito dahil nasa loob pa. “Tara.” Sabi nila saka nagpa-alam ulit sa mag-asawa na lalakad na. Nang makarating kami sa kanya kanyang sasakyan ay may biglaan na lang na sumigaw. “OII, HINDI PA KAYO NAGPAPAALAM SA AKIN.” Pasigaw na sabi ni Rayven habang papunta sa banda namin. “Eh sa hindi ka namin mahagilap, sige lalakad na kami alam naman namin na magpapaiwan ka.” Sabi ni Bon. “Sige ingat kayo.” Sabi niya at nang mapadaan ang tingin niya sa akin ay sinamaan ko nga ng tingin. Itong lalaking ito idinawit pa ang panagalan ko sa gulo niya. “ANO?” maangas na tanong nito. “Ano ba 'yan away na naman? sige na alis na tayo.” Sabi ni Andrea. Iyon ang naging hudyat ng lahat sa pagpasok sa kani- kanilang sasakyan. Bumusina pa kami isang beses bago tuluyang umalis. Sa bahay ako uuwi ngayon hindi na ako aabot pa kung sa dorm ako uuwi napagsaraduhan na ako at nasa karating bayan pa ito malayo masyado ng delikado kung babyahe pa ako ng gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD