Ikalawang kabanata

3013 Words
Matapos kong maparada ang aking sasakyan ay agad naman akong bumaba. “Here, Av” Tawag sa akin ni Rayven na naka sandal sa harap ng kanyang sasakyan. “Wala pa ba ang iba” Sabi ko pertaining to our friends. “No ikaw na lang ang kulang. They head inside already at iniwan lang ako dito para antayin ka.” Sabi niya sabay simangot. “Sorry.” Sabi ko naman pag dating kasi sa pagmamaneho ay talagang mabagal ako kasi naman para iwas disgrasya. “Tara na.” Sabay akbay sa akin pero hinawi ko yung braso niya na nasa balikat ko. “Napaka arte” Sabay akbay ulit, hinawi ko naman uli, tapos inakbayan niya na naman ako kaya hinawi ko na naman. Nang inamba niya nman ulit na akbayan ako ay hinampas ko na siya. Hindi naman siya nagpatinag kayo lumayo ako pero sumunod talaga siya. “Magtigil ka nga.” Pakita ko ng kamao ko sa kanya sabay takbo palayo, humabol naman siya naka extend pa talaga yung mga kamay niya. Kaya para kaming bata na tumatakbo papasok mabuti nalang at walang paki-alam yung mga tao doon. At anag nakaupo na ako ay nakita ko ang magandang set up sa garden there are lights, a stage, and a bunch of flower decorations. There are also foods, drinks and a 3 layered cake and another bunch of cakes. Umupo si Rayven sa katabing upuan. "Tumigil ka na huh kundi sasakalin talaga kita." sabi ko agad kay Rayven nang iamba niya naman na aakbayan ako. "Oii ano yan, nag aaway na naman ba kayo?" Sabi ni John na naka-upo sa tabi ni Andrea. Round table kasi ito. Ako tapos ang katabi ko ay si Andrea, at sa kabila naman ay si Rayven, katabi ni Rayven si Christine tapos si Bon tapos, tabi ni Bon si Jhon. Ibinaba naman ni Andrea ang Sleeve ng damit ko. "Huwag mo ngang itataas yan ginawa yan bilang off shoulder kaya suotin mo nang off shoulder." Pangaral niya sa akin. Sa amin kasing magkakaibigan siya ang pinaka fashionita. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya kumuha ng kurso na related sa fashion designing eh gayong magaling naman siya pagdating sa ganoong bagay. Business Management kasi ang kinuha niyang kurso, ganon din si Rayven at Trish. Nga naman at parehas silang may mga family business kaya tiyak na mapapakinabangan din nila iyon sa pagpapalakad nito. "Napagalitan ka tuloy ma'am" Natatawang sabi ni Bon. "Kaya nga sir eh" Sagot ko naman sa kanya. Parehas kasi kami nag kinuhang kurso, Education. Ang pibagkaiba lang ay Elementary education ang sa kanya ang akin ay BTLEd. Saka isa din sa dahilan kung bakit niya kinuha siguro iyon ay dahil sa mayroon silang sariling private school. "Tama si Andrea huwag mo ngang insultohin ang damit kay ganda pa naman ng design." Sabi naman ni John. Si John ay isang Accountant he is also into fashion designing. "Ano Tine baka may idadagdag ka pa sa pagpapaalala sa akin?" Sabi ko naman kay Christine kasi sa mga ganitong bagay siya lageh ang may nasasabi eh. "Sangayon ako sa kanila pero, hindi ko na dadagdagan ang comment nila about sa damit kasi baka masaktan ka lang. Yung akin lang ay ang ganda mo ngayon sanayin mo lang ang sarili mo na mag suot ng make up." sagot niya naman. Tinuruan naman kami na mag ayos dahil kailangan presentable kami dahil nga sa aming kurso, saka naglalagay naman ako ng mild make-up ah. "Naglalagay naman ako ng make up kapag pumapasok." sagot ko. At ang tanging sagot niya lang ay isang simpleng "sige." Si Christine ay isang tourism student, future FA namin yan kaya alam na alam din kung paano mag ayos. Nag-aaral kami sa ibat-ibang Unibersidad pero naging close kami dahil kaklase ko sila simula grade 5 hanggag gumraduate kami ng high school. Yayamanin ang school na pinapasukan nila syempre at kung paano ako nakapasok ay dahil iyon sa may scholarship ako. They are the type of mayayaman na hindi matapobre. The fact that they let me into their circle just shows that do not base on life status. We talked a lot. Since the couple is not yet around may nag peperform sa stage to entertain the guest. The waiter also served some food but not the main course though. "Guys na uuhaw ako kuha muna akong maiinom." Paalam ko sa kanila. "sige" Medyo may kalayuan din kung saan nakalagay ang mga inumomin. "Sino sa inyo ang gustong mag-alay ng kanta habang hinihintay natin ang bagong kasal" Narinig kong sabi ng emcee. May hiyawan akong narinig malapit lang sa kung saan ako naroroon, hindi lang ako nag abala pa na tingnanan that just probably a circle of friend teasing a friend to sing in front. "Sir, huwag kang mahiya showcase your talent." Sabi ng emcee. Medyo ingat naman ako sa lakad ko kasi may mga bata na naglalaro baka ma banga ko. Napahinto naman ako ng lumakas na talaga ang hiyawan. Titingnan ko na sana dahil naging kyuryoso na ako. Nasa bandang gilid na di naman ako kaya hindi na nakakahiya kung hihinto ako sa paglalakad nang biglang may nakabungo sa akin na bata. Sinubukan ko talaga na ma balanse ang sarili kaya hinawakan ko na ang kahit ano mang pwede kong hawakan. Meron naman kaya lang braso ito ng isang lalaki. Habang hawak ko ang braso niya ay ramdam ko nanan ang hawak niya sa bewang ko. Ramdam ko ang biglaang pagtahimik ng mga guest. Baka naglalakad na papunta sa harap ang magpeperform? “Ang gwapo.” Napatakip agad ako ng aking bibig. Hindi ko akalain na maisasatinig ko ang aking iniisip. Nakakahiya wala naman sigurong nakarinig maliban sa kanya. “Ayos ka lang ba miss?” Natatawa niyang tanong. Ang lalim ng boses. Agad naman akong napatayo at inayos ang sarili. “Oo ayos lang, salamat nga pala at pasensya na.” sabi ko sa kanya . “Nako Nathan sabi ko naman sayo na huwag kang magtatatakbo.” Napabaling naman ako sa tumatakbong nakauniporme na babae, nanny yata ng batang nakabanga sa akin kanina. “Ma’am pasensya na.” Paghihingi ng tawad ng babae sa akin. “Nathan say sorry.” Sabi ng babae guilty naman ang itsura ng batang lalaki. “Sorry ate hindi ko sadya.” Sabi ng bata habang nakayuko. Umupo naman ako para magka level yung paningin namin. Not literally na umupo sa damohan it was like bending my knees tas naglapat yung likod ng legs at binti ko, ganon. Hinawakan ko nag mga kamay niya para tingnan niya ako. “Ate is fine, how about you? Are you hurt?” Tanong ko sa kanya while inspecting if he is hurt or not. “No ate I am not hurt.” Ngitian ko naman siya. “Careful okay?” Tumango naman siya at nginitian ako. Nang masiguro ko na hindi naman siya nasaktan ay saka ako tumayo ng matuwid. Nginitian naman ako ng nanny niya bago niya dinala ang alaga niya sa kung nasaan man siguro ang magulang ng bata. Paglingon ko sa likuran ko ay andoon pa pala yung lalaki na nakasalo sa akin kanina. He’s just staring at me, nginitian ko naman siya. Awkward. “Sige hinatayin muna natin na matapos ang pag-uusap nila,” Sabi bigla ng emcee kaya napatingin naman ako sa harap kung nasaaan siya. And that is when I realize na nasa amin pala ang lahat ng atensyon. “Pre, ano na? Nakalimutan mo na yata na kakanta ka pa.” Biglaang sigaw naman ng isang lalaki na nasa table sa likurang banda. Oh my gosh don’t tell me na siya ang mag peperform. Nakakahiya naman na delay pa tuloy dahil sa nangyaring disgrasya. Napangiti lang siya tsaka umiiling-iling sa lalaking sumigaw. “May I know your name, miss?” Tanong niya. Samantala ay hindi ko nagustuhan ang nakukuha naming atensyon. “Salamat uli.” Sabi ko nalang tapos umalis na ako para kumuha ng inumin ko. I know it will look like I am rude pero gusto ko lang talaga na makawala sa eksenang iyon. “Ayon tapos na din pa akyat na siya. Palakpakan naman diyan.” Mainagay na sabi ng emcee parang kasalanan ko pa kung bakit na delay ang performance niya ah. Dumagundong naman ang maingay na palakpakan. Hindi ko na tiningnan pa kung ano ang nagyayari sa harap dala na rin ng hiya. “Ano ang nagyari doon sir? Bakit medyo natagalan tayo sa pag akyat, nagka aksidente ba?” Parang gusto kong sabunutan ang emcee ah kunyaring hindi niya nakita eh kung pagbabasehan ang pwesto niya kita naman kung ano ang nangyayari sa ibaba. “Ah oo isang magandang aksidente.” Narinig ko naman ang hiyawan pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang iyon. Pilit kong ayaw na ngumiti kasi kaharap ko ang isa sa mga caterer na naka assign sa beverage area. Ang hirap mag pigil ng ngiti lalo na kung yung kaharap ko ay grabe kung makangisi sa akin. Nagsimula naman ang pagtugtog ng banda if I am not mistaken the song is Tulad mo by Tj Monterde. “Ma’am ito na po ang iyong inumin.” Sabi niya na may malaking ngiti na ka plaster sa mukha. Nginitian ko siya sabay kuha. “Thank you.” Sabay lakad pabalik sa kinauupan. “Miss.” Sabi ng lalaki na nasa intablado napahinto ako pero agad din naman na naglakad pabalik kasi ayaw ko mag assume na ako yung tinatawag niya. Narinig ko naman ang hiyawan ng mga guest lalo na yung mga nasa ka edaran ko. Nagsimula na siya sa pagkanta. Napapikit naman ako dahil sa lyrics ng kanta, parang yung tanong niya lang kanina ah. Ang ganda ng boses. Alam kong hindi ako ang kinakantahan pero kinikilig ako. Enebe may tinatago ka palang kalaindian Avi huh. Unang beses na nangyari to sa ilang taon ko dito sa mundo. Nang makaupo naman ako ay panay ang tukso nila sa akin. “Hoii ano yun? Magandang aksidente pala huh.” Sabi agad ni Rayven. “Naku-naku namumula pa, unang beses kitang nakita na nagkaganyan huh.” Sabi naman ni John edi syempre magiging defensive ako. “Huh anong nagkaganyan? First time mo akong nakita na umi-inom ng juice?” napailing lang siya sa sagot ko. Patuloy lang sa pagkanta ng lalaking nasa entablado. Sakto naman na ang kinauupuan ko ay naka harap mismo sa kung saan ang entablado. Nang ibaling ko ang atensyon ko sa stage ay nakita ko na nakatingin siya sa banda ko. Nakita ko ang pag porma ng ngiti sa mga labi niya. Ang ganda ng hulma ng mukha niya, yung panga pormang porma, yung mata niya ay malalalim at kung hindi ako nagkakamali sa nakita ko kanina ang kulay nito ay light brown na bumagay sa mahahaba at maiitim niyang pilik- mata, yung kilay niya makapal pero nakahulma na, matatangos na ilong at katatamtamang kulay ng balat. Nakasuot siya ng polo na hapit na hapit sa katawan niya kaya kitang kita mo naman na maganda ang built niya. “Ay wala na, pwede nang hindi kumain si Avi busog na busog na sa katitig. Ano Av masarap ba titigan?” sabi ni Bon “Oo” Sabay halakhak ko. “Joke lang.” Sabi ko naman para bawiin ang sinabi ko kanina. Kita pa rin sa mukha nila ang windang dahil sa sinabi ko nakita ko rin ang pag ngisi ni Christine. “Totoo yun ano? Ano bet mo?” Tanong ni Christine sa akin. Ginalaaw galaw ko lang ang aking kiilay. Kaya ayun ang mga kaibigan ko ay agad na nagsigawan . “Unang beses yan huh tsaka inamin mo talaga.” Dagdag pa ni Andrea. “Joke nga lang.” Natatawa kong sabi sa kanila. “Hindi walang joke-joke dito, sabi nila kung ano yung unang sinabi yun ang totoo.” Dagdag pa ni Rayven “Bahala kayo.” Sabi ko naman sa kanila . “Nagdadalaga yern? Nagsisimula ng kumerengkeng push mo yan te minsanan lang yan kung mangyari.”Supportive naman na sabi ni Bon. Bahala kayo sa buhay niyo. Nagpatuloy naman kami sa panonood. Hindi ko nga alam kung nakikipag staring contest ba siya kasi naman habang kumakanta siya ay naktitig lang siya sa akin. At yun lang ang ginawa niya hanggang sa matapos ang kanta niya. “Nice singing voice sir. May I know your name?” tanong naman ng emcee halata mo din na interesado talaga siya sa binata. “Tristan James Avinilla.” Sabi niya pero hindi talaga siya nagbitaw ng tingin sa akin. Ayaw kong mag assume dahil baka bakla pala ito at gusto niya lang yung pagkakamake-up sa akin. “Ang ganda ng name huh” Komento naman ni Andrea. “Ito naman may nagpapatanong kasi kung single ka pa ba daw?” Tanong naman ulit ng emcee. Nagsigawan naman yung mga babae may nakita pa nga ako na pinipigilan yung jowa niya sa kasisigaw. “Single” Sagot niya na mas nagpalakas sa hiyawan ng mga babae. Nang ibalik ko nag tingin ko sa kanya ay nasa akin pa rin ang paningin niya. Tinitigan ko lang siya hindi maka ngiti o makagapakita ng kahit anong emosyon. “Ayon single daw ti.” Sabi naman ni John. “MAY SINGLE DIN KAMI DITO TRISTAN.” Sigaw ni Rayven sabay turo sa akin, nagulat naman ako kaya hinampas ko nga. Napatingin din sa banda ko ang iba pang guest, nagsitawanan naman ang mga kasama ko sa mesa. “Single dad ako okay lang ba yun sayo miss?” Sabi niya naman habang nasa entablado at naka microphone yun huh kaya rinig nang lahat. PWEDE YUN SINGLE TITA NAMAN TONG KAIBIGAN KO” sigaw naman ni Jhon na siyang nagpahiyaw sa mga guests. Parang gusto kong sabunutan yung mga kaibigan ko. Sana bumuka yung lupa at lamunin ako sobrang nakakahiya ang mga pangyayari. “Hala may namumuong bagong pagmamahalan sa kasalang ito ah.” Sabi namn ng emcee, actually wala naman talaga malisyosa lang kayo. Oo at nagagwapohan ako sa tao pero hindi naman yun agad pagmamahal. “Joke lang yung single dad, single lang talaga.” Sabi ni Tristan. Medyo mataas na oras din ang ginugol nila para asarin kami at g na g naman si Tristan basta ako walang kibo,yung mga kaibigan ko lang talaga ang nagsasalita nag mistula tuloy silang spokesperson ko. Dumating na ang mag-asawa kaya tuluyan na natigil ang asaran. Kumain muna kami bago ang seremonyas. May mga nag serve ng pagkain sa amin. “Ma’am ipinapabigay po ni sir Tristan sa inyo.” Biglaan sabi ng isa sa mga nag seserve ng pagkain at saka niya iniabot ang panyo ko na siguro ay napulot niya kanina. “Pakisabi salamat.” Sabi ko pagkatapos kong kunin ang panyo at nagpatuloy sa pagkain. “KISS, KISS, KISS” sigaw ng mga guest saka may nag iingayan pang glass . Ginawaran naman ni Brandon ng isang mahaba at matatamis na halik si Trish. Pagkatapos ng kainan ay nagyari ang mga seremonya kagaya ng paghati ng cake, pag inom ng wine, at syempre hindi mawawala ang mga palaro. May mga laro na nakalaan sa mga bata, mayroon rin para sa mag asawa at syempre mayroon din para sa mag single nna kagaya ko. “Okay lahat ng mga single na babae o mga babae na hindi pa kasal maari ba kayong pumunta sa harapan para sumalo ng boquet na itatapon ng bride? Sa pagkaka-alam ko ay ginagawa iyon sa labas ng simabahan pero baka maari rin naman sa reception. Hindi na sana ako sasali pa kasi tinatamad ako pero napagalitan ako ni Tine kaya no choice ako. “Ano ka ba huwag ka nagang KJ kahit para kay Trish lang. Kahit na tumayo ka nalang.” Sabi niya sino ba naman ang hindi makokonsensya niyan. Kaya heto ako nakikihalo sa tumpok ng mga babae na hindi pa kasal ang iba ay game na game at gustong gusto ma kuha ang boquet. Goodluck na lang sa mga boyfriend nito. “One, Two, Three.” Sabay na bilang ni Trish at ng emcee. Pagkabilang ng tatlo ay saka niya itinapon iyon. Hindi na talaga sana ako makikiagaw pa pero kahit na nakatayo lang ako ay talagang saktong nag land ang bulaklak sa kamay ko. Kung pagbabasehan ang tradisyon ay kung sino ang makakakuha ng bulaklak ay siya ang sunod na ikakasal na... napakalabong mangyari sa akin. Medyo dismayado naman ang iba kasi gustong gusto talaga nila na mapasakanila ang bulaklak pero anong magagawa ko ang bulaklak na mismo ang nag land sa mga palad ko. Naka destined na talaga ito na maging akin. “Oii congrats ikaw ang susunod na ikakasal.” Sabi naman ni Andrea nang maupo kami. “Oo nga invited kayo kahit na wala pa naman akong jowa.” Pabiro kong sabi. “Di mo sure baka ngayon na ang simula ng storyang pag-ibig mo, lovelife is waving.” Tinawanan ko lang ang sinabi ni Christine. Ang sunod na ginawa naman ay ang tradisyonal na pagkuha ng wedding band mula sa legs ni Trish. Nakakatuwa dahil ang nais ni Brandon ay gamit sana ang bibig niya pero dahil sa may bata ay minarapat na lang nila na kamay lang ang gamit sa pagkuha. Napuno naman ng sigawan dahil sa mayroon pa talagang pasayaw si Brandon bago niya simulan na kunin ang wedding band. Pagkatapos niya itong makuha ay ang mga Bachelors naman ang pinapunta sa harap para saluhin ang nakuha na wedding band. At ang nakakuha noon ay si Tristan, pumalakpak pa ako noong una pero hindi ko akalain na matitigil ako dahil sa sinabi ng emcee. “Sino nga ulit iyong nakakuha ng boquet?” Tanong niya tinuro naman ako ng mga kaibigan ko. “Ay si ma’am pala, naks lakas maka destiny. Ang gagawin lang ay kailangan lang isuot ni sir Tristan sayo ang wedding band na nasalo niya.” “Naks naman Av meant to be.” Sabi ni Andrea. Wait lang parang gusto ko ihagis ang bulakalak na hawak ko para naman masalo naman ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD