PROLOGO
THIRD PERSON's P O V
" Ano ba!? Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo!? " sigaw ni Joshua sa babaeng tila wala sa sarili dahil muntik na niyang masagasaan nang bigla itong tumawid.
Mabuti at nakapag preno agad siya. Kaya naman napa busina siya ng malakas dahil sa nerbyos.
Ibinaba lamang niya ang bintana at saka isinungaw ang ulo para pag sabihan nga ang babae.
" Pa- Pasensya na ho. " kiming hinging paumanhin nito at bahagya pang yumuko at nilakihan ang hakbang para makarating sa gilid ng kalsada.
" H'wag kang mang dadamay kung gusto mo nang sumunod sa mga nandirito! " bulyaw pa niyang wika at nagkaroon tuloy ng gitla sa kanyang makinis na noo.
" Nang hingi na nga ako ng pasensya, 'di ba!? Kung ano- ano pa 'yang sinasabi mo! Daig mo na ang babae kung maka talak ka! " sagot ding pabalang ni Magda
" Aba't! Talaga namang sumasagot ka pa e kasalanan mo naman! " patol pa ni Joshua kay Magda
" Kaya lang ako sumasagot dahil kung ano- ano pa 'yang sinambit mo! " katwiran pa ni Magda
" Ewan ko sa'yong babae ka! D'yan ka na nga! " napipikong wika ni Joshua at pina andar na ang kanyang sasakyan.
Kaya naiwanan kay Magda ang usok niyon.
" Lokong 'yon! Kasing itim ng ugali ang tambutso! Antipatiko! " inis pang wika ni Magda at bahagya pa siyang inubo.
Ilang sandali pa ay tinahak na niya ang pakay rito sa sementeryo. Nag- commute lang kasi siya patungo rito at sa gate lamang siya ibinaba ng Taxi Driver kaya kinailangan niyang mag lakad para tunguhin ang puntod ng asawa.
Hindi nga nag tagal ay nakarating na siya sa kanyang pakay at bumubulong na tila kinakausap ang namayapang kabiyak.
" Hayst! Love! Kakainis iyong lalaki kanina! Parang kakaunti na lang kayong mga gentleman! " sumbong niya habang nag sisindi ng kandila at pagkatapos at itinapon sa basurahan ang tuyong bulaklak na dala niya noong nakakaraan na nasa gilid ng lapida nito.
Nang matapos ay napa hugot siya ng malalim na buntong- hininga at biglang nag seryoso ang mukha.
" Ang daya mo, Love! Ang sabi mo sabay tayong tatanda! Ang dami nating pangarap! Hindi mo man lang ako iniwanan kahit isang anak na makakasama ko! " hinagpis na bulong ni Magda habang naka titig sa larawan nitong naka dikit sa lapida. " Miss na miss na kita, Love. "
Nanlalabo ang mga matang naka titig sa lapidang naka ukit ang pangalan ng asawa na may kulay ginto ang bawat titik, kung kailan ipinanganak at petsa ng kamatayan nito.
Saktong isang taon na itong namayapa at hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makapag- move on si Magda?
Namatay kasi si Dave dahil sa isang aksidente, kaya mula noon ay takot nang mag maneho si Magda. Kaya lamang sa kasamaang palad ay hindi pa rin natatagpuan ang Driver ng sasakyan na naka- aksidente kay Dave. Nag tatago ito sa madaling salita kaya hindi pa nakakamit ng asawa ni Magda ang hustisya.
" Hala! Ngayon pa umulan! Naku, Love! Uuwi na ko! Binabaha pa naman ang lugar natin kaunting ulan lang! Baka mahirapan akong makasakay! " kausap pa niya rito nang maramdaman ang patak ng ulan sa braso.
Bigla namang umihip ang malamig na hangin na dumapyo sa kanyang balat
Iyon siguro ang pinaka tugon ng namayapang asawa.
Kaya dali- dali siyang tumayo at saka isinukbit sa balikat ang sling bag at malalaki ang hakbang na tinahak ang patungo sa gate ng Memorial Park.
Saktong pag labas naman niya ay may dumaang taxi kaya pinara agad niya iyon at saka sumakay nang huminto.
Nang makauwi sa bahay ay kalungkutan na lamang ang sumalubong sa kanya. Hindi kalakihan ang kanilang bahay na nabili nilang mag- asawa pagkatapos ng kanilang kasal. Nasa isang hindi rin kilalang subdibisyon para mura.
Tatlong k'warto sa itaas dahil ang plano nilang mag- asawa ay dalawa lamang na anak. Simpleng sala at minimalist na may sofa, telebisyon, speakers at saka katabi niyon ang kusina na hapag kainan na rin. Nasa likod ang laundry area at sampayan palabas ng maliit na garden. Mayroon ding garahe na kasya ang isang kotse nga ni Dave subalit bakante na iyon ngayon dahil totally wrecked ang sasakya nito noong na aksidente. Ayaw naman niyang bumili ng para sa kanya dahil nga sa trauma.
Pa tamad siyang umakyat at pumasok sa kanilang silid tulugan para mag palit ng damit pam bahay.
" Kkrriinnggg! " napa buntong- hininga muna siya bago kuhanin ang cellphone na nasa loob pa ng sling bag at saka sinagot ang tumatawag.
" Hello! " tugon niya at isinabit itong bag at saka ipinatong lamang ang wallet sa ibabaw ng kanyang malambot at malapad na kama na rati nilang pinag saluhan ng kabiyak.
" Kumusta? Nasaan ka na? Malakas ang ulan? " sunod- sunod na tanong ng kaibigan kaya mahina siyang na tawa.
" Dito na sa bahay. Grabe! Daig mo pa ang Nanay ko kung makapag tanong! " pabirong wika niya sabay higa sa kama at yakap sa unan ng nasirang asawa.
Ginawa pa niyang punda ang huling suot nitong t- shirt para naaamoy niya palagi ito.
" Mag bakasyon naman tayo. Oh! Wala ka ng maira rason na hindi pwede! Nakaka babang luksa ka na! " aya nito sabay sopla agad sa ika katwiran niya kung sakali. .
Kaya mahina siyang na tawa bago sumagot.
" Saan ba? "
Matagal na siya nitong inaaya subalit ang dahilan nga niya ay wala pang isang taon na namamatay si Dave. Iniisip niya kasi ang sasabihin ng kanyang mga in- laws kapag nalaman ng mga itong nakapag bakasyon agad siya e hindi pa nga nila nakukuha ang hustisya para sa kanyang Mister.
" Yes! " mahinang tili nito sa kabilang linya at inisa- isa nang banggitin ang mga detalye ng kanilang pupuntahan.
" Bukas agad!? Akala ko naman sa isang linggo pa!? " gulat pa niyang wika nang tanungin kung kailan ang plano nitong bakasyon.
" Sus! No'ng isang linggo ko pa 'yon pina- reserved! " natatawang tugon nito, " Tawagan mo na lang ang Assistant mo. " bilin pa nito
" Ano pa nga ba!? " pairap na wika niya kahit hindi nakikita nang kausap.
Mayroon kasi siyang boutique sa pag labas lamang ng kanilang subdibisyon ang shop. Iyon ang naging libangan niya mula nang mamatay si Dave. Samantalang noong nabubuhay ito ay ayaw nito na nagta trabaho siya. Ngayon nga kasi ay wala na ito at kailangan niyang kumayod para sa sarili, kahit may nakuha siyang malaking halaga mula sa insurance nito. Para na rin sa kanyang mental health. Kaysa nga naman mag mukmok siya sa bahay o k'warto sa kakaisip sa asawang biglaan ang pagka wala.
KINABUKASAN . . .
" Ano!? Pambihira ka naman! Ikaw itong nag plano tapos, ikaw ang hindi susunod sa usapan!? " himutok niyang wika sa kausap sa cellphone.
Mahina lang ang boses ni Magda dahil nakakahiya sa makakarinig. Nandito lasi siya sa loob g convenient store at himihigop ng mainit na kape. Dito kasi ang usapn nila na dadaanan siya ng kaibigan patungo sa lugar na kanilang pagba bakasyunan.
Sa kasamaang palad ay hindi makakasama ang kaibigan — na nag- aya sa kanya — dahil daw may hospital emergency sa pamilya.
Dahil nga naka- impake na siya at binilinan na ang Assistant na ilang araw siyang mawawala ay itinuloy na niya ang bakasyon. Dahil nang hihinayang siya sa ni- deposit nito ay tumuloy na rin siya kahit mag- isa. At saka nagandahan din kasi siya sa lugar na pupuntahan nilang dalawa kung sakali nang ipadala nito kagabi sa kanya ang mga larawan.
Kaya naman sumakay siya ng taxi at nag pahatid sa bus terminal at sumakay roon na siyang mag dadala sa kanya sa lugar na pagba bakasyunan sana nila ng kaibigang si Pamela.
" Wow! Sulit ang mahabang byahe! Para akong nasa ibang bansa! " bulalas niyang wika pagka pasok pa lamang niya sa log cabin house at dumungaw sa bintana.
Luntian kapaligiran, mga bundok na may ulap na mababa pa sa gawing kanan niya ar malamig na dapyo ng hangin sa balat ang sumalubong sa kanya.
Inihatid siya ng staff pati na ang bag na bitbit niya. Dahil nandito ang susi.
" Maraming salamat. " kiming saad niya sa Staff nang maalalang kasunod nga pala niya ito kaya bumalik siya sa pinto para kuhanin na ang kanyang bag.
" Wala hong anuman, Ma'am. Enjoy your vacation here. " turan pa nito at bahagyang yumuko bago tumalikod
" Uy! Ayos! May katabi na ko ritong magba bakasyon! " dinig niyang wika sa katabing log cabin house kaya nag tatakang lumingon siya at na udlot ang pag pasok sa loob.
Malaki ang ngiting saad no'ng nag salita at naka tingin sa akin. Kaya alam niyang siya ang kausap nito. Natanaw pa niya ang mapuputing ngipin nito na pantay- pantay.
" I- Ikaw na naman!? " kunot noong sambit niya ng tila makilala ang lalaking nalingunan.
" Huh!? " waring nag taka rin ito sa narinig mula sa kanya na para bang hindi nito siya nakilala.
" Hhmmmpp! Sa dami rami naman ng makakatabi ko pa e iyong antipatiko pa 'yon!? " bubulong- bulong na wika niya sabay talikod dito at pasok at saka ini- locked ang pinto bago sumandal sa likod niyon.
" Miss! Uy! Hindi ko alam ang sinasabi mo! " dinig niya pang wika nito kaya itinakip niya na lang ang dalawang palad sa kanyang tainga para hindi marinig ang mahinang sigaw nito.
Hindi naman ito makakapasok dahil may harang na bakal ang terrace ngunit mababa lamang kaya pwede pa ring akyatin. May locked ang bawat pinto kaya hindi basta- basta makaka pasok ang sinuman.
" Hhmmmpp! Bahala ka riyang mamaos kakasigaw! " bulong pa niya at pumasok na sa isang silid at inayos ang kanyang mga dala- dalahin.
Bago na higa para umidlip sandali dahil nga maaga siyang bumangon kanina para hintayin ang kaibigan sa convenient store tapos hindi naman pala ito makakasama.
" Hayst! Baka imbis na peace ang makuha ko rito ay maging stress lang!? " pa buntong- hiningang bulong pa niya ng mag lubay sa kakatawag ang lalaki sa kabilang log cabin.
Hindi naman nag tagal ay naka tulog na siya dahil na rin sa puyat at pagod. Hindi niya kasing magawang umidlip sa bus dahil sa magagandang tanawin na kanyang nadadaanan.