The Couple and the Uncoupled

2930 Words
Rion's POV "SA HOTEL KA MATUTULOG NO?" Text ni Moi sa 'kin. Kahit nagda-drive ay nag-type ako ng reply. Wala akong kasalubong dahil sarili ko ang daan at kabisado ko ang rough terrain sa silangang bahaging ito ng isla. "NO, I'M ON MY WAY TO JR-EAST." I hit the send button. Ideya ni Zilv na bigyan namin ng code ang sarili naming mga bahay na nasa pribadong gubat na off-limits sa mga guests. Para na rin sa privacy para kahit mga staff ay hindi matukoy kung sino ang may-ari ng bahay na regular na nililinisan nila kapag wala kami. At hango sa mga dati naming codename ang mga code ng bahay, mine is JR from Jaguar plus the location, east. Nag-beep ang phone ko at si Moi ang nagtext ulit. "UHM.. OHKAAAY, HAVE A GOOD NIGHT SLEEP *WINKING EMOJI." I frowned. What's  with him? Nakakapagtaka na naisingit niya pa na i-text ako sa oras na 'to. O baka hindi lang siya makatulog dahil sa excitement para sa madaliang kasal nila ni Gracy bukas? Initsa ko ang phone sa dashboard at mayamaya lang ay ginagarahe ko na ang pick-up sa gilid ng bahay ko. After savoring the calmness of the night, I headed toward the main door. At gamit ang sarili kong susi ay mabilis kong nabuksan ang pinto. Hindi ako nag-abalang magbukas ng ilaw at didiretso na sana sa hagdan paakyat sa kwarto ko nang mahagip ng tingin ko ang matingkad na kulay pink na malaking bagay na malapit sa sofa. I frowned and slowly walked to it. Then my eyes travel to the figure lying on my sofa. So this is why Moi wished me a good night sleep, eh? I doubt if I will have one tonight... Dollar... *************** Dollar's POV Nagising ako sa ring ng alarm ng phone ko. Tinatamad man ay pinilit ko pa ding umupo at nag-inat. Lahat ng unan at kalahati ng kumot ko ay nasa sahig na. Ang sarap ng tulog ko. Natural na lamig ng lugar ang naramdaman ko at napakatahimik ng gabi. Bihira ko na ngayon maranasan iyon, minsan na lang kapag nasa Flaviejo ako. Natatanaw ko na medyo madilim pa sa labas. Kita dahil sa glass door na papunta sa balkonahe. Tuluyan na 'kong bumangon bago pa 'ko tamarin. Ligo lang ang katapat nito. Nang umahon ako mula sa sofa ay naramdaman ko ang natural na lamig ng paligid lalo na at manipis na lingerie lang ang suot ko. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Dahil ako lang naman ang tao, lalabas ako nang nakahubad. Pero nahiya naman ako sa nakasabit na twalya sa gilid ng pinto kaya kinuha ko iyon at pinulupot sa katawan ko. Maliit lang ang twalya at umabot lang sa kalahati ng mga hita ko. Kinuskos ko lang nang mabilis ang buhok ko gamit ang isa pang twalya at nilugay na ulit at hinayaang matuyo ng kanya. Imbes na mag-ayos ng sarili at magbungkal ng isusuot ay dumiretso ako sa balcony. Hindi ko na-appreciate kagabi ang view ng dagat mula sa bahay dahil madilim na. Pero dahil sumusungaw na ang araw ay makikita na ang tanawin. And it is breathtaking! Mataas ang location ng bahay at kitang kita ang dagat ilang metro ang layo mula sa bahay. Humahati sa dagat at bahay ang malagong kagubatan. Narinig kong tumutunog ulit ang alarm ko mula sa sala. Quarter to 6 naka-set ang sunod na alarm, kailangan ko ng mag-ayos para hindi ako mahuli sa kasal ni Moi. Saktong inaayos ko ang pagkakapulupot ng twalya sa katawan ko nang mapatingala ako sa balkonahe sa taas. At hindi ko man nailabas ang sigaw ko dahil sa gulat, alam kong sumigaw ako nang malakas sa isip ko! I stared with wide eyes at the man leaning on the railings above. At tinaas niya lang ang mug ng kape bilang pagbati. Deym! ************** Talagang sasakalin ko muna si Moi mamaya pag nakita ko siya bago siya ikasal. Damn it! Bakit hindi ako kinutuban na hindi ito bahay ni Zilv? Dahil lahat ng bahay ni Zilv, hindi nawawalan ng library o painting ng mga aso! I quickly did my face with a fresh make-up look and brushed my hair. Kanda buhol ako ng twalya sa katawan ko maya't maya, sobrang kabado ako dahil nasa paligid si Rion at ganito ang ayos ko!? Ugh! Asar! Bahay niya itong tinulugan ko?! Nang makapagbungkal ako ng susuuting cream satin dress at undies sa luggage ko ay namroblema naman ako kung paano ako magpapalit. Nasa banyo si Rion. Naririnig ko pa ang lagaslas ng tubig. Luminga-linga ako sa paligid. Nasa gilid ng bahay ang nagi-isang banyo na nakahati sa una at pangalawang palapag at may daan mula sa first floor sa papamagitan ng ilang steps na hagdan at meron din sa kwarto sa itaas. At dahil nakadungaw sa buong bahay ang kwarto makikita niya 'ko pag lumabas siya sa banyo. Naglakad ako sa likod ng malaking ref at nagmamadali pero maingat na nagsuot ng damit. Iniiwasan ko ang mukha ko at delicate din ang tela kaya maingat kong sinuot iyon. Inaayos ko na lang ang nakapilipit na strap nang tumigil ang tubig sa banyo, napamadali tuloy lalo ang pagkilos ko. Pero dahil sumabit ang laylayan ng damit sa panty ko ay kandaabot ako niyon sa likod ko para ayusin. Bumukas ang ref at nakikita ko ang paa ni Rion sa sahig. Pati ang paglagok ng tubig naririnig ko. Nang sinarado niya ang ref ay napalingon pa siya sa akin sa gilid ng ref pero hindi naman nagulat. "Anong ginagawa mo dito?" simula ko. Hindi ko naman siya nakompronta kanina dahil alangan namang sugudin ko siya sa kwarto niya nang nakatapis lang ako ng twalya? At hanga na talaga ako sa kakapalan ng mukha ko dahil ako pa ang nagtanong kung ano ang ginagawa niya dito sa bahay niya. Nagkibit siya ng balikat habang tinatakluban ang bottled water. "Sharing my house with you." Napahiya naman ako. Naiisip ko na din kanina na baka bahay niya nga talaga to, pero in denial pa 'ko. Baka naman kasi sinundan niya lang ako dito. Pero asa pa 'ko. "I didn't know that this is your house, 'kala ko kay Zilv." Hindi ko siya tiningnan hindi dahil nahihiya ako. Kundi dahil may hinahanap ako mula sa bukas na long sleeve polo na puti na suot nya. Naka khaki na pantalon naman siya sa pang-ibaba at naka-paa lang. Hindi ko maaninag ang kaliwang dibdib niya para makita ang hinahanap ko. "It's okay. I'll be done in a minute sumabay ka na sa 'kin." Sinasabi niya iyon habang binubutones ang polo kaya napatingala ako sa kanya bago niya mahalata ang ginagawa ko. At bago pa 'ko makasagot ay umakyat na siya ng kwarto niya. Sasabay ba ko? Kung makapagyaya siya ay akala mo hindi ako ang babaeng iniwan niya! Na para bang isa akong kakilala lang at utos ng magandang asal kaya niya ako niyaya! Napailing ako.  Masyado kong binibigyan ng ibang interpretasyon ang mga ginagawa niya. Ano bang gusto ko? Ang hindi niya ko pansinin at hayaan na lang akong umalis ng mag-isa sa bahay niya? Tama! Ganoon nga! Dapat naiilang siya sa akin dahil sinabi ko na nga kahapon na galit ako sa kanya. Dapat wala na siyang pakelam sa 'kin dahil nga iniwan niya 'ko! Pero sino ba namang niloko ko? Kelan ko ba matitigatig ang lalakeng iyon?! Kahit siguro World War III ang binanta ko sa kanya, ni hindi man lang siya magbabago ng mukha. Naiinis ako sa sarili ko dahil naghihimutok ako dahil lang sa pagyayaya niya sa 'kin para sumabay. Hindi ko dapat pinagninilayan ang mga letseng bagay na 'to. Hindi niya dapat malaman kahit kelan na ang simpleng pakikitungo niya sa 'kin ngayon ay nakakapagpapagalit sa akin. Tiningnan ko ang killer heels ko sa sahig at naawa naman ako kung maglalakad ako. At kung nakatulog ako ng buong gabi nang hindi namamalayan na kasama si Rion sa iisang bubong, mas matitiis ko naman siguro na makasama siya sa loob ng sasakyan nang ilang minuto. I will just completely ignore his presence. Hindi ko kailangang iparating sa kanya na affected ako sa presensya niya sa pamamagitan ng pag-iwas. Mas okay nga na magkasama kami sa iilang pagkakataon para lalo kong iparamdam sa kanya na galit ako sa kanya. Right, galit ako sa kanya, remember? Galit ako sa kanya, I chant to myself. *************** Rion is now sitting quietly behind the steering wheel while waiting for me to climb in the car. Nasa kabilang side ako sa labas ng sasakyan at nagkukunwaring chine-check ang purse ko. With my hands trembling... Ni hindi ko magawang igalaw ang katawan ko papasok sa sasakyan niya. I am so overwhelmed with the idea that I will once again sit beside him on the passenger seat. After seven years! Minumura ko na ang sarili ko sa isip ko dahil sa kagagahan kong ito. Bakit hindi ako makakilos at feeling ko pag pumasok ako sa loob ng sasakyan ay magbe-breakdown ako at hindi ko mapipigilan ang sarili kong umiyak? At ipapahiya ko ang sarili ko sa harap mismo ng taong gumagawa sa akin nito. Nakakainis lang din dahil ako lang ang nakakaramdam nito samantalang kampanteng nakaupo si Rion sa loob. It is so distressing! Kung ang mga nararamdaman kong ito ang kahulugan ng isang taong bitter na hindi maka-move-on, inaamin ko na talaga na nasa akin ang title ng pagiging bitter. At inaamin ko na din na hindi pa ko handa sa pagkikita naming ito... Tsamba lang iyong kahapon... Nakita ko sa salaming bintana na inabot ni Rion ang pinto ng passenger seat at bahagyang tinulak pabukas para sa akin. He didn't use button to unlock it. At ginawa niya iyon sa pinaka-relax na paraan na lalong nakapagpapainis sa 'kin dahil sa nararamdaman kong dilemna. "You don't want me to climb out of the car and hold the door for you, Dollar. Dati ay nakakalabas at nakakapasok ka ng sasakyan ko nang mag-isa, patalon-talon pa o sa maayos na paraan." He said that lazily and with a small smile forming in the corner of his lips. Ito pa lalo ang hindi ko inaasahan... ang pagbanggit niya ng nakaraan. Sa kaswal na paraan ulit na parang hindi niya winasak ang puso ko, iniwan ako at hindi nakita ng pitong taon! At bakit natatandaan pa niya iyon! "I didn't know what you're talking about, baka hindi ako iyon? This is the first time I saw you, Mister, but in fairness you look familiar." patutsada ko sa kanya at tumangu-tango pa ako at matalim ko siyang tinitigan. Syempre pagtataray ang panlaban sa kahihiyan. Kahihiyan dahil napansin niya yatang hindi ako mapakali sa labas. Pero hindi dapat ako nag-taray, dapat cool lang ako!  Padabog akong pumasok sa sasakyan na parang hindi kanina lang ay kung anu-ano pang kadramahan at panginginig ng tuhod ang naramdaman ko. Letse talaga. "Suit yourself," there is again a small smirk on his lips but the expression didn't reach his eyes. "Seatbelt." paalala niya at ini-start ang sasakyan. "Wala naman tayo sa highway." I rolled my eyes. Nang sulyapan ko siya ay nakakunot ang noo niya at kung ike-claim ko na kilalang-kilala ko pa din siya hanggang ngayon, iisipin ko na naiinis siya. Hindi ko siya inintindi pero naramdaman ko na lang na nakalapit na ang katawan niya sa 'kin. "What the--" Feeling ko hindi magkaintindihan ang mga senses ko sa pag-react dahil sa pagkakalapit naming ito pero wala pa man sa maximum level ang reaction ko ay mabilis na inabot na ni Rion mula sa gilid ko papunta sa kaliwa ko ang hugpungan ng seatbelt at ikinabit atsaka umayos ng upo at pinaandar ang sasakyan. Hindi man nakarating sa maximum level ang kaguluhan ng mga pandama ko pero nagtagal naman iyon ng ilang minuto. Lalo na ang malakas na kabog ng dibdib ko. Buti na lang at nakontrol ko ang paghinga ko at hindi ako mukhang tanga na humihingal dahil sa sarisaring emosyon. Pero hindi ba at nasa iisang sasakyan kami ni Rion at parehong hangin ang nalalanghap namin? Pati paghinga!  Nababaliw na yata ako. Oh God! Kailangan ko ng bumalik sa katinuan. Kailangan ko ng matapos ang araw na 'to dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung hanggang bukas ay makakasama ko siya. Inipon ko ang galit ko sa kanya para sa pagkikita naming ito at passes ko din ang galit na iyon para makalimutan siya. Pero ano at kahit konting kilos niya lang ay binibigyan ko ng kahulugan at hindi na ako magkaintindihan! This meeting with Rion is seriously dangerous to my mental health and of course to this stupid fragile muscle in my chest. Kung patatagalin ko pa ang pananatili dito, hindi ko na siguro makakayanan ulit. Uuwi ako mamaya! Pramis! I silently oath to myself and looked out of the window. ************ "I believe you can unfasten the seatbelt and get out of the car, safely." Idiniin ni Rion ang huling salita na ikinakunot ng noo ko. "O-Of course. " Yeah, shoot. So hindi lihim sa kanya ang uneasiness na nararamdaman ko at kailangan niya pang i-imply iyon? Bakit ba kasi ilang minuto lang ang biniyahe namin pero kung saan saang dimension na bumalik ang isip ko? Sa dimension kung saan masaya pa 'ko. Kami. Naiinis man pero mabilis kong inalis ang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Hindi ko siya hinintay at naglakad na palabas sa mabuhanging tabing dagat. Huminga ako nang malalim. Grabe, ang sarap ng simoy ng hangin. Feeling ko first time kong nakalanghap ng hangin mula sa delubyong damdamin na naranasan ko sa loob ng sasakyan ni Rion. "Good morning!" Mabilis akong lumingon kay Moi at sa naniningkit na mata ay nilapitan ko siya. "I'm gonna kill you!" "Oh no, not on my wedding day, Dollar." Itinaas niya ang dalawang kamay  at nakahandang tumakbo sana pero naabutan ko na siya at nahablot ang polo niya. Gusto ko siyang suntukin pero nagbago ang isip ko. It is a relief that I quickly distance myself from that man. At hindi ko kailangan na lalong ipakita kay Rion na apektado ako sa kanya sa pamamagitan ng pagganti sa ginawa ni Moi. Pero hindi pa din makakaligtas sa irap ko si Moi. Hinawakan ako ni Moi sa magkabilang balikat at hinarap. "Sorry na nga. Ayoko lang mag-isa ka sa bahay ni Zilv. Ayoko lang mag-isa ka kahit kelan lalo na at ikakasal na 'ko, it's my fault to think that it is about time that you two solve your issues, pero kayo nga lang pala talaga ang magde-decide kung kelan at paano. Sorry na." Napaka-gentle ng pagkakasabi ni Moi at sa mahinang tono na ako lang ang makakarinig. At sa sinabing iyon ni Moi parang mas gusto kong umiyak kesa magalit. Mas ngayon ko nararamdaman ang bigat ng implikasyon na magpapakasal siya. Mababawasan na ang mga panahon na pwede kaming magsama at damayan ako sa mga kadramahan ko. Though alam kong habang buhay kaming magiging mag-best friend may panahon na hindi ako ang nasa priority niya. At nakaka-touch din na kahit masaya siya, naisip niya pa 'ko. Pero tama siya, kami lang ni Rion ang makakapag-decide kung kelan namin balak ayusin ito. Pero may aayusin pa ba? Sa part niya parang wala nang dapat ayusin... Pero sa akin...? Imposible na, parang inisip ko na din kung paano bumuhay ng patay. Tumingala ako kay Moi sa nagsasalubong na kilay pero hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko sisirain ang araw ni Moi dahil lang sa mga letsugas na kadramahan ko. Saka na lang ulit. "Sorry accepted, pero dahil lang kasal mo ngayon." I laughed and Moi also did. "Congrats, Moi." I really mean it. "Thanks, Dukesa." habang pisil-pisil ang pisngi ko. Sabay kaming naglakad ni Moi papunta sa dalampasigan para hintayin ang pagdating ni Gracy. Bumuntong-hininga ako at inalis sa mga paa ko ang heels ko. Buhanginan ang dalampasigan kaya mukha naman akong tanga kung isusuot ko pa iyon. It was a minute after that I felt Rion's presence beside me. Mula sa gilid ko ay tiningala ko siya. The sun rays are on his back creating a silhouette on the side of his face that I silently gasp with the view of his frame. At hindi ko mapigilang hindi mapakunot-noo habang nililimi ang nararamdaman kong sakit. Hinahanap ko ang galit pero bakit mas nangingibabaw pa din sakin ang sakit? Sa background ay alam kong dumating na si Gracy and Moi on my side is staring at her with unexplained expression on his face. Memories of one sunset flooded my mind. Ang hapon na nangako siya sa akin at kinasal niya kaming dalawa saksi ang papalubog na araw. His sunset spell.. Na kahit palabuin ko sa alaala ko ay hindi ko pa din makalimutan ang bawat salitang sinabi niya dahil lahat ng iyon ay dinala ko sa puso ko. Hindi nga talaga madaling kalimutan ang isang bagay lalo na kapag matindi ang emosyon mo sa mga oras na iyon. "H-Hey."said Moi to his lovely bride. I swear I can see him trembling. At punong-puno ng pagmamahal na nakatitig kay Gracy. F-in-ocus ko na lang ang atensyon ko sa dalawang ikakasal at pinilit na hindi intindihin ang kung anu-anong alaala na binibigay sa 'kin ng lalakeng katabi ko. Nakakahiyang mahalata ng lahat na sa isang masayang okasyong ito ay heto ako at parang namatayan. Tumingala ako sa maaliwalas na kalangitan. It was a serene morning and rays of the morning sun promise a beautiful day ahead for the couple. Kung sana lang ay kaya ko pang i-appreciate ang sunrise o ang sunset at gawing positibo ang kahulugan nila sa buhay ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD