Dollar's POV
Kinisap-kisap ko ang mga mabibigat kong mata.
Tanghali na.
Mataas na ang sikat ng araw na nakikita ko mula sa labas ng sliding door ng balcony ng kwarto. Ni Rion. Yep, kwarto ni Rion.
Nag-inat ako at humikab. At namaluktot. At humiga ulit. Inaantok pa 'ko sa totoo lang. Pero kailangan ko ng mag-empake. Ayoko ng abutan pa 'ko ni Rion dito.
At hindi niya kailangang malaman na sa mismong kama niya ako humilata at natulog buong gabi. I don't know... hindi naman ako umasa ni gatiting na babalik siya at madadatnan niya 'ko sa kama, pero inviting kasi tingnan ang kama at ayoko ng mahulog mula sa sofa kahit pa nga kasyang-kasya ako doon. And his bed is very comforting. At least sa gamit man lang niya ay bumawi si Rion kahit di niya alam.
I smiled drily.
Pinagpag ko ang mattres at sinuguradong maayos ang lapat.
Then I headed to the bath room only to curse my reflection in the mirror. Dahil hindi ako mukhang modelo nito. Suot ko pa din ang dress ko dahil hindi na 'ko nakapagpalit sa sobrang pagod. Mugto ang mga mata ko dahil sa sobrang pagtulog, magulo at sabog na buhok na nanlalagkit at may trace pa nga ng laway sa pisngi ko. Gross. Tsk. Tsk.
Tiyak na mapapangiwi si Shamari kapag nakita niya ang hitsura ng mukha ko. Kung gagawin kong morning selfie to at ipapakalat sa internet tiyak bababa ang benta ng Astra. I smiled. Again. At nakakapagtakang nakakangiti ako sa mga ganitong kababawan. At nasa mismong bahay at isla ako ni Rion!
I think that would be a good start. Ang makangiti akong mag-isa sa sarili ko. I will be fine, I'm sure.
Napabuntong-hininga ako at nagsimulang mag-shower.
*************
Binubuhat ko pababa ang luggage ko nang may matanaw akong tao sa balcony sa first floor.
(O_O)?
Iniwan ko muna ang gamit ko sa sala at naglakad papunta doon. At nagkasalubong na talaga ang lahat ng dapat magkasalubong sakin nang makita ko na may babaeng nakaupo doon.
Naka-upo siya sa isa sa mga rattan at nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Surely, hindi siya isa sa mga empleyado ng island resort dahil mukha siyang sopistikada. At sa tangkad at morenang kulay ng balat ay baka pa nga may ibang lahi. Mukhang kanina pa siya nandito base sa relaxed na pagkakaupo niya.
"Uhm, excuse me." Tawag pansin ko sa kanya at saka pa lang siya lumingon sakin.
At parang gusto kong magsisi kung bakit hindi man lang ako naglagay ng make-up kanina sa taas! Nagpasalamat din ako na hindi ako bumaba kaninang bagong gising ako at mukha pa 'kong uligba.
Latina beauty ang babae. Mapupungay ang mga mata na may malalantik at itim na mga pilik na bagay sa mahaba at maitim niyang buhok. Pang-modelo, hindi lang cosmetic model pwede ring runway model.
Haay... narinig ko na ang ganyang description ah. My exact opposite description.
"Hello." Bati niya at tumayo. The greeting is not warm, hindi nga siya totoong ngumingiti pero nag-spark naman ang mga mata, parang recognition? I even noticed that she gave me a quick once-over.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pa sa kanya. At wala rin akong balak itanong kung bakit nandito siya sa bahay ni Rion at hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko kapag tinanong niya ako kung bakit ako nandito. Well, pinayagan ako ni Rion di ba? Pwede na ba yong sagot? Pero kaanu-ano kaya siya ni Rion? Itatanong ko ba? Hmp... 'yoko nga. Ayokong makipag-tsikahan sa kanya.
"Okay, bye." Mabilis ko siyang nginitian at tumalikod na. Medyo rude pero mabigat ang dugo ko sa kanya. For the record, hindi ako nagseselos sa kanya, basta... Iba eh.
"I've heard so much about you, Dollar."
Narinig kong sabi niya, napahinto ako sa pagpasok sa bahay. Aha... so gusto niyang makipag-tsikahan ha.
Humarap ako sa kanya na nakangiti. "Really? I hope all are positive things."
And then she smiled, knowingly. Parang in-imply ng ngiting yon na may alam siya na hindi ko alam. Sabagay, alam niya nga ang name ko di ba? At wala akong balak alamin kung paano. Sikat din naman ako. Baka nakita niya sa monthly issue ng Astra magazine na ako ang cover.
"Rion... We are together for years now... So I made it a business to know everything about him. Including his past." I swear, her smile that I am seeing now is evil.
Pero konting bagay lang ang nagre-replay sa utak ko.
Together for years now.
His past.
Ngayon lang nangyari na may naglapat ng sound sa kung ano ako sa buhay ni Rion. No one dares before. Not even me kahit lasing ako. All was only in my mind. The nerve of this girl!
At kahit galit ako kay Rion, hindi ako naniniwala na ikukwento niya ako sa ibang babae. So this girl must be really a b***h to dig up everything about me. Threatened siguro sa 'past' na katulad ko. Ah! Wala akong pakelam sa kanya. Nangako na nga ako sa papalayong yate ni Rion kagabi na magmo-move-on na 'ko. At pitong taon ko nang New Year's resolution iyon. Seseryosohin ko na talaga this time kahit malayo pa ang New Year.
"Okay, bye." Ulit ko lang at binigay ko sa kanya ang pinaka-nakakainis kong ngiti at kinuha ang pink luggage ko at lumabas ng bahay.
Together for years na pala ha. Ba't ako ang ininvite ni Rion na maglayag kagabi? At kung sumama lang ako sa kanya kagabi, hindi mo 'ko madadatnan dito. Hmp!
Lintek na pagmo-move-on to, o.
*************
Rion's POV
Tiningala ko mula dito sa yate ko ang cessna na papataas palang sa ere. Iyon ang maghahatid sa mga guests pabalik sa Manila. At kabilang doon si Dollar.
I sighed.
Departure is an ugly word in my own dictionary. Dahil walang magandang pag-alis ang nangyari sa buhay ko. Ako man ang umalis o ang mga taong mahahalaga sakin...
Mula sa pagtingala ay tinanaw ko naman ang isla na papalaki na ng papalaki sa tingin ko habang lumalapit ang yate sa daungan.
Kagabi ay hindi ko naman talaga inaasahan na sasama sakin si Dollar. Kumakapit na lang ako sa maliliit na tsansa.. At nang sabihin niya na sa bahay ko pa din siya matutulog ay napalagay ako. Lalo na at safe ang buong isla.
But not for minutes now. Dahil ini-radyo sakin na dumating si Nyssa at iyon ang dahilan ng agarang pagputol ko ng paglalayag ko. Pero kahit yata languyin ko pabalik sa isla o magpasundo ako gamit ang chopper ay hindi ko pa din mapipigilang pumunta si Nyssa sa bahay ko at makita si Dollar.
She really poses a serious danger to Dollar. And I really want to kill her for that. If only I could.
Damn.
Buti na lang at sinigurado ni Zilv na siya mismo ang sumundo kay Dollar sa bahay at naghatid papunta sa clearing at nagsakay sa cessna. Hindi doon matatapos ang proteksyon na kailangan kahit nakalayo na si Dollar kay Nyssa. At wala akong karapatang ideklara ang sarili ko para bantayan siya ng bente kwatro oras. Right? I do not have the fuckng rights to do that after everything. So I guess I have to deal with the threat, and that is Nyssa St. Martin.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ng pantalon ko. I sighed when I saw the caller and I hit the answer button.
"Nothing to worry, Ma'am. She's bound to Manila now." I assured the woman on the other line.
Walang sagot ng ilang minuto pero alam kong nasa kabilang linya pa din siya. "M-Make her safe, Rion... hindi ako nagtiis ng ganito para lang mapahamak siya ulit mula kay Vladimir... and now Nyssa..."
At ako ang saksi sa mga pagtitiis na yon. I myself endure a lot. And willing to endure more...
"Yes, Ma'am." I answered darkly.
At pinutol ng nasa kabilang linya ang tawag. I stared on the screen for minutes. There is no caller photo on the screen and I named the middle-aged woman as 'Ma'am'. Dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kanya kahit pa alam kong naiilang siya na tinatawag ko siyang Ma'am sa iilang pagkakataon na nagkita kami at nagkausap.
I sighed. Isa siya sa mga sikretong dinadala ko. At ang pagtatago ng sikretong ito ay isa sa mga pagtitiis na ginagawa ko.
I wish that things are only simple. Kung pwede nga lang na ang lahat ng sikreto ko ay maidadaan ko lang sa ilang salita o kanta.
Just like before.
Just like that one evening... Na kumanta ako at nagpahayag ng damdamin sa isang babaeng nagtatago sa ilalim ng lamesa...
Then she came to my room and jumped to my bed to hug me. Tightly. That is one of the best feelings that only she can give.
If only I can duplicate my actions before and expect the same result...
Dollar.