Vaughn's POV
"I want to meet your father, Bon Bon." Pagkuway sabi ni Dollar nang hindi lumilingon sakin. Her eyes are fixed on the game we are both playing online, determinadong talunin ako.
We're sitting here on my sofa here in my unit at kanina pa kaming naglalaro. Katulad ng mga araw na binubulabog namin ang isa't isa.
Her hair is in a messy ponytail. She's wearing a huge varsity T-shirt and shorts. Magkaiba pa ang tsinelas na parang iyon ang unang nakita at hindi na hinanap ang tamang pares. At alam kong hindi pa siya naliligo. She came straight from her bed in her condo unit on the next floor and came banging my door to look for breakfast. At nauwi nga kami sa paglalaro hanggang ngayong tanghali.
"Bakit naman kita ipapakilala, hindi naman kita girlfriend." I joked and she chuckles. And that's my favorite sound in the world.
"Sabi ko gusto ko siyang makilala hindi ko naman sinabing ipakilala mo 'ko." Her eyes still fixed on the theatre at ayoko ding lingunin siya dahil ayokong malingat sa nilalaro namin kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya.
It has been the first time that we're talking about my father. At hindi ko gusto ang pupuntahan ng paguusap na 'to. Because my hell of a father is greatly connected to Rion. Rion brought the entire Flaviejos empire to the US after he left seven years ago. Pero ang pangunahing business ng tatay ko na Cruise Line ay partner nito si Rion. Si Rion na kine-claim ng ama ko na anak niya. And Rion seemed to be playing the role of a son. Hindi ko alam kung parte ng plano niya na paniwalain si Vladimir na siya ang ama nito. Maski kung bakit hindi ko pa nababalitaan ang plano niyang paghihiganti sa pamilya ko. Wala nga kasi akong pakelam. But not until now. Not until now, that Dollar is showing interest in the two.
Isipin pa na ilang araw nanatili noong nakaraang linggo sa La Felinovine si Dollar. I am sure that they saw each other again there. Pero wala rin naman akong ibang napapansing pagbabago kay Dollar simula nang umuwi siya galing sa isla.
"Why?" I asked nonchalantly, silently hoping that the topic will just go away.
"Gusto ko siyang makilala dahil gusto kong malaman kung bakit ini-invite ako ng White Saints Cruise Lines na maging model ng promotion para sa Carribean cruise package na bubuksan nila."
Fvck.
This is not good.
"I can't believe you even take that to consideration. You can easily say no to that, baby. Hindi linya ng pagmomodelo mo ang pagpromote ng isang company, moreover a Cruise Line. Models who do that are the party socialite bitches and everyone's mistress with long legs and little clothing. Hindi bagay sa'yo." Medyo naiinis kong sabi. But I can't deny that I'm nervous inside. Paano kung tanggapin niya ang offer?
At ano ang gustong mangyari ng demonyong tatay ko para imbitahin si Dollar na maging modelo?
"You're right. Hindi ako bagay doon. I've seen the concepts and it's cheap."
I silently release a breath. At nagconcentrate sa paglalaro.
"But I'm still going to meet him personally and decline the offer. Sa party na iho-host niya next month." Sabi niya mayamaya.
"What for?" I asked darkly. Hindi ko na maitago ang inis ko. At kung lilingunin niya 'ko, makikita niya na nagsasalubong ang kilay ko.
"Para hindi na niya 'ko imbitahin ulit. Ayaw niya yatang maniwala sa mga pinapadala kong sulat. He's been pursuing me for a year now."
I suddenly lose my focus that's why Dollar beat me on the game in few clicks.
Isang taon na siyang iniimbitahan ni Vladimir St. Martin?
"Yes! That's two in a row!" Dollar exclaimed happily at humigop ng tomato juice.
Initsa ko ang control sa center table. I leaned against the sofa and spread my arms. Konti na lang at pwede ko ng mahawakan ang balikat niya at kabigin siya palapit sakin. But I wouldn't dare. Not when I'm still fuming for my father for what I've learned just now. At mas nakakainis pa dahil alam kong wala akong karapatan na pigilan siya.
Nilingon niya 'ko mayamaya at kiniling ang ulo, as if to question my obvious sudden change of mood.
"Bon, di ako nagpapaalam sa'yo. I just told you that out of the blue. Alam mo namang hindi mo 'ko mapipigilan, di ba."
Iyon na nga ang sinasabi ko. Wala akong karapatan. Damn it.
"I know that." That irritates me more. "Can I go with you?"
Dollar is slowly rolling her eyes as if considering my question while sipping her juice.
"Sige." Sagot niya.
"Will you be meeting Rion too?" Hindi ko napigilang tanong.
"I don't know." Nagkibit-balikat lang siya. Mukhang hindi nagulat sa tanong ko at hindi man lang nagbago ang ekspresyon nang marinig ang pangalan ni Rion.
"So you're the loser, Bon and you'll be cooking dinner." Iyon ang huling sinabi niya bago lumabas ng condo ko.
Inunat ko ng tuluyan ang mga braso ko sa sandalan ng kaninang inuupuan ni Dollar at napapagod na sinandal ang ulo ko sa sofa.
I think everything can run smoothly now. Masaya ako at tanggap ko ang posisyon ko sa buhay ni Dollar as long as masaya din siya.
But I'm having this feeling that everything will be broken to pieces again. At masama ang pinapahiwatig ng imbitasyon sa party ni Vladimir. I'm betting on that...
Seven years ago.
Dollar will be graduating today... And I'm so proud that she really made it.
Dalawang taon na ang nakalipas simula nang umalis si Rion. And the first year of Rion's absence in her life has been the darkest time not only to Dollar but also to those around her. Dahil walang makatulong sa kanya sa kalungkutan na binigay ni Rion. Not even her family and best friends. Ni hindi rin nakatulong ang obsession niya sa apoy. She only gets more suicidal and rebellious.
But after months of shutting herself out and tear floods, she stood up and get back to normality.
Bumalik siya sa University nang magbukas ang bagong semester at tinuloy ang course niyang BS in Chemistry kahit huminto siya ng isang sem.
Parang walang nangyari. Naglalakad pa din siya minsan papasok o pauwi. Nagbabasa sa library, nageexperiment sa laboratory sa school o sa laboratory na niregalo sa kanya ni Don Marionello na napa-ayos na at regular na bumibisita sa mansyon ng matanda. At tumatambay pa din ng ilang minuto sa bleachers. Ngumingiti, tumatawa, nakikipagbiruan at nakikipagkwentuhan.
Dollar was never a loner before. She surely makes some friends kahit saan siya pumunta. At kung ganoon na siya dati, lahat bumalik yon ngayon.
Kaya walang nakakaalam kung saan niya nilagay ang pagluluksa niya kay Rion o kung sinisikap na niyang makalimot. No one dare ask or open the topic.
But I seem to know everything about Dollar to miss that there's something on her that remains blank, cold and sad. Siguro nakikita ko sa mga mata nya 'yon kapag katapos niyang tumawa na saglit mawawalan ng buhay ang mga mata niya at magkikibit-balikat na lang siya. But those times became rare. She's really improving, nagiging normal na ulit ang takbo ng buhay niya.
It was as if after she shut herself out from the world and came alive was then she shut all Rion's memories away from her. Hindi niya na inalam kung nasaang lupalop si Rion o nagtangka mang hanapin ito. Pero sabi ko nga, walang nakakaalam kung saan nilagay ni Dollar ang pagluluksa niya. It may be like a volcano. Na naghihintay lang kung kelan ulit sasabog.
Alam ko lahat ng 'yon dahil matagal ko ng tinalaga ang sarili ko bilang guardian ni Dollar. Kahit hindi niya alam. At kahit din sa loob ng dalawang taon ay hindi ko siya nilapitan o kinausap man lang. Hindi naman ako masyadong martir para i-insert ang sarili ko dahil nawala si Rion. I'm also not a helpful person to help her recover, I just let her on her own way. At alam ko naman kasi na hindi ko mapapalitan ang gagong 'yon at hindi ako ma-e-entertain ni Dollar sa panahon ng pagluluksa niya. At hindi ganoong klase ng babae si Dollar para isipin ko na ibabaling niya sakin ang tingin niya oras na mawala si Rion.
But now that Rion is totally out of the picture and Dollar is really recovering I decided to come to her as a friend. Yeah, friend and guardian. No more pushing. Ako ang mangingibig na hindi martir. Alam kong hindi ko makukuha ang puso ni Dollar.
Naiinis akong nagkamot ng ulo at bumaba sa kotse at lumapit kay Dollar na kasama ang Uncle niya at ang anak nito.
"Hey, congrats!" At inabot ko sa kanya ang dala kong bulaklak.
Dollar smiled at me and seem not shocked seeing me here.
"Salamat, Bon."
"Vaughn." I corrected at mabilis na pinisil ang pisngi niya.
"Whatever. Sumunod ka samin sa Al's, may konting celebration kami." Sabi niya bago pumasok sa kotse niya.
"Yeah, sure." Sabi ko. Nandun din sigurado sina Moi at Zilv. But so what? Dollar invited me. Baka hindi na maulit kapag hindi ako nagpaunlak.
This will be the best time to resume our friendship...
After graduation, Shamari asked Dollar to join Astra, ang kompanyang tinayo ni Shamari. Astra is a house of cosmetics based in France. Na gumagawa na din ng pangalan at nakikilala na sa European market. And Dollar has been the face of Astra as its legit model.
And because of her Euro-Asian blood that reflects on her sweet pretty face plus the fact that she is a Filipino model were one of the reasons why the fashion industry embraced her and became one of the most-sought-after-celebrity.
At lalo lang sumikat ang Astra dahil sa balitang dadalhin ito ni Shamari sa Philippine market with Dollar still as the model.
The next following years after Dollar's graduation had been very busy for her. She had been the cover of different international magazines. Bukod pa sa monthly issue ng Astra magazine na nagtuturo ng ibat ibang paraan ng pagme-make-up mula sa mga teenagers at career women. It's been a hit because of the quality of the products, kahit hindi pang-masa ang mga presyo nito.
Meron ding mga clothing line na nag-offer kay Dollar na maging modelo kahit hindi siya ramp model. She agrees to some of it. Ang tinanggihan lang ni Dollar ay ang mga TV guestings, interviews at ang mga talent company na nagooffer sa kanyang mag-artista.
Naging hobby lang talaga ni Dollar ang pagmomodelo. Pero lalo lang naging misteryo sa mga paparazzi ang pag-iwas niya sa limelight at pagtanggi sa mga TV exposure, and that means no privacy for her.
But Dollar seemed not to care if she's on the broadsheet the following day after being spent in the last night's party. She may have the prettiest and sweetest face with or without cosmetics but the personality doesn't go with how her face looks. That's why she's always been tagged as a brat. Pero hindi niya yon tinatago. And that's what the paparazzi love the most.
Well, alam ko lahat ng 'yon hindi dahil regular akong bumibili ng issue ng magazine kung saan siya ang cover o dahil kinokolekta ng tagalinis ng condo ko ang mga broadsheet kung saan nasa society page si Dollar o dahil may kakilala akong media man na follower ni Dollar o dahil karamihan sa mga empleyado ko ay patron ng Astra.
Alam ko ang lahat ng yon dahil ang araw ng paglapit ko sa graduation niya ay simula pa ng isang mas matibay na pagkakaibigan.
The friendship that everybody thinks has leveled up to a more romantic one. But Dollar and I neither deny nor confirm it. Naging private joke na lang naming dalawa kahit alam naman niya ang totoong nararamdaman ko sa kanya.
Nagkaroon ng conclusion ang mga tao dahil constant date ako ni Dollar sa mga party na ina-attend-an niya..
If only they will know her story with a man before... before I entered the scene...
I sighed at napamura na naman nang maalala ang sinabi ni Dollar kanina.
A party hosted by my evil father? That will be a bad omen.