Dollar's POV
Pagkatapos naming kumain ng dinner ni Vaughn sa unit niya ay umakyat na din ako sa sarili kong unit. He will be busy managing his business from home through the web. At ayokong makagulo at isa pa inaantok na din ako.
At dahil isang floor lang naman ang pagitan ay nagha-hagdan lang ako kesa elevator. My sort of exercise. Papaliko na ako nang makita ko ang taong nagkakampo sa harap ng pintuan ko!
Napaatras ako ng lakad.
"I already saw you, Dollar!"
Kulog sa pandinig ko ang sigaw ni Shamari dahil sure ako na nagagalit siya. Kung mas gusto ko siyang inisin, tatakbo ako pabalik sa unit ni Vaughn. Pero naisip kong kailangan nga naming mag-usap.
"Okay, okay." I surrendered hands up in the air. At pagkatapos ko siyang pagmasdan at mapakunot-noo ay walang pagmamadali kong binuksan ang unit ko. I don't need to invite her in dahil kasunod ko na siya.
Nag-dive ako sa sofa at tiningnan si Shamari. Si Shamari na parang hindi si Shamari... Kahit pa nga usual na ang bad trip look sa mukha niya. She was silently scanning my place. Parang naghahanap ng makikitang mali pero parang hindi naman. If I will voice out my observation, sasabihin ko sa kanyang nagagalit siya sa ibang bagay kesa sa galit niya sakin dahil nga hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.
"Kakalinis ko lang, Shamari and take note, without help from the cleaning staff." Ngisi.
She crossed her arms. "So that's how you spend your day off? Ang maglinis? At ni hindi mo lang maangat ang phone mo para sagutin ang tawag ko?!"
I chuckled. "Eh day off ko nga di ba? So I wondered why my boss is trying to reach me given that she knew that it is my day off." Katwiran ko.
"So, day off pa din ba 'tong tawag mo dito pagkatapos mong i-email ang resignation letter mo sa 'kin?" Shamari is controlling her anger.
Pero sure talaga ako, hindi para sakin ang galit niya. Sakin niya lang madalas ipakita dahil ako ang available at alam niyang sanay na ako. Ako naman lage ang receiving end eh. And sometimes I want to hate Zilv for that. Yeah, Zilv. Though hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila. Hindi naman nakikipag-girl talk si Shamari at hindi pinapatulan ang pag-uusisa ko at mas lalong hindi ko mahagilap si Zilv.
"30 days notice, Shamaw. I'm willing to settle everything bago ako umalis. I told you before I go to the island, gusto ko ng mag-resign." Nayayamot ko ng sabi.
If only she will go away. Pero parang ayoko naman. Titiisin ko na nga lang na mag-away kami. Dahil noong huli kong makita ang ganyang mukha ni Shamari, pinulot ko siya sa isang bar at ako ang nagpala sa kalasingan niya. So see, I have my right to hate the always missing Zilv.
"It's Rion, right?" Derecho niya kong tiningnan.
"Yeah, one of the reasons." Amin ko.
"And the other personal reasons in your letter?" Nakataas-kilay na tanong niya.
I rolled my eyes. Sabi ko na nga ba, dapat inasahan ko na na susugod si Shamari dito dahil hindi niya tatanggapin ang 'personal reasons' hanggang hindi niya 'ko napipiga.
Umayos ako ng upo at tiningala siya na walang balak umupo sa tabi ko. "I thank you Shamari, really. Dahil utang ko lahat ng 'to sayo. I thought modeling is a sort of distraction for years pero hindi na ngayon. Gusto kong simulang gawin ang gusto ko."
"And that is?"
"G-gusto kong maging restaurateur katulad ni U-Uncle." I'm keeping my face look serious.
At pinandilatan ako ni Shamari. "Don't make me laugh, Dollar!"
"It's not a joke!" Damn it. Hindi ko nga pala maloloko ang bruhang 'to.
"I know you so well para malaman na nagsisinungaling ka. Anong alam mo sa pagma-manage ng restaurant ---."
"Pag-aaralan ko nga eh!" I pout.
"And let's give it two months sige pero pagkatapos ay ma-bo-bore ka na din. Don't let me recite all the business venture you tried and got bored with them after few months."
Ouch.
Sabi ko na nga ba mali yung sinabi ko sa kanya. Totoo namang wala akong balak maging restaurateur. Well not now, dahil part pa rin ako ng chains of resaurant ni Uncle. Tama siya, marami na ring business ang pinasok ko na nagiging partner na lang ako kinalaunan dahil kinasawaan ko ang pagma-manage niyon. Hindi naman failure na matatawag dahil nag-ooperate pa rin naman ang marami sa kanila pero totally detached na talaga ako sa pagma-manage.
Bakit ba kasi wala sa dugo ko ang pagiging businesswoman?
Samantalang lahat ng kaibigan ko, sina Moi at Zilv at lahat ng kakilala ko ay abala sa sariling negosyo nila. Lalo na si Shamari. Honestly, idol ko siya pagdating sa pagnenegosyo. Hindi nga ba at napalawak at napasikat niya ang Astra lalo na at hindi birong makipagsabayan sa mga international cosmetic lines.
Hindi naman sa nai-inggit ako o whatever. But I want to join the hype. Kahit pa nga sigurado ako na alam kong hindi ko pa din mahahanap ang calling ko doon at tama ulit siya, mabo-bore din ako pagkatapos ng ilang buwan.
"Maybe you just want to make yourself busy with starting a business. Pero hindi ba at busy ka naman din bilang mukha ng Astra? You are always fully booked. At alam kong nag-e-enjoy ka." Malumanay na ang tono ni Shamari, naririnig ko na ang tono na gusto niyang iparating na naiintindihan niya.
Haaay.
Humilata ulit ako sa sofa. Of course, nag-e-enjoy ako.
"Rion is one of the shareholders of Astra, right?" Tanong ko sa kanya. Walang tonong panunumbat kung bakit hindi niya sinabi sa'kin. Kelan ko lang nalaman bago ako pumunta sa isla. Though hindi ako magre-resign dahil lang sa bagay na yon pero dumagdag lang iyon sa mga dahilan na konektado kay Rion. Maybe I'm wrong. He is not just one of the reasons but a large part of it.
"Yeah... Alam mo kung gaano ako nahirapan simulan 'to. And I needed my brother's advice and financial help. At hindi ko sinabi sayo dahil baka nga maapektuhan ka na ipagtataka ko kung bakit lalo na at sigurado ako na gusto mo na syang iwasan. You must know na lage kong sinisigurado na hindi kayo magkikita kapag may board meeting na minsan lang din naman niya attend-an."
"Shamaw, it's nothing really. Nabanggit ko lang out of nowhere. Siguro gusto ko ding malaman mo na alam ko naman din." I shrugged.
"Yeah, I know you don't keep secrets from me. I told you I know you." Umupo sa tabi ko si Shamari. Kalmado na. Medyo hindi na din mukhang bothered at nawala na siguro pansamantala sa isip ang sariling problema.
I grin at her.
"So tell me all the personal reasons on why you are resigning."
Tinaas ko ang mga paa ko sa center table at nilingon si Shamari sa tabi ko. Tiningnan ko ang mga paa ko sa lamesa atsaka tiningnan ulit si Shamari. Tinatantya ko kung kapag sinabi ko sa kanya ay hindi niya 'ko babatukan. Pabalik-balik ang tingin ko sa paa ko at kay Shamari.
She's rolling her eyes as if containing her irritation.
"Tell me. Hindi ako aalis dito."
Yeah, kung may kapantay at katulad ako sa kakulitan, si Shamaw lang 'yon.
"Since ayaw mong tanggapin na gusto kong magnegosyo. Ulit. I think the next reason is... well, it's Rion again. He-he-he." I quickly took a glance at her.
"Elaborate."
"You just want to know my reasons, wala naman sa usapan natin na iexplain ko pa ah!"
"Dollar."may warning sa tono Shamari.
"Okay... tsk. How can I put it?" Nag-isip ako kung paano ko sasabihin kay Shamari ang bagay na hindi ko pa rin naman madesisyunan ng tapos. "Sa totoo lang Shamaw, kahit naman malaman ko pa na nasa iisang kumpanya kami ni Rion, okay lang as long as hindi kami nagkikita, I can function well but after La Felinovine..."
"At sino ba kasi ang nagpumilit na pumunta sa isla kahit na bawal ka doon?" Singhal ni Shamari.
"Okay, okay kasalanan ko!" Sabi ko na nga ba sakin babalik to eh. Kaya nga ayokong ipagkausap sa kahit na kanino. Pero may power kasi ang pagpapapamukha ni Shamari at tested ko na ang mga indirect advice niya, they really help.
"Continue!"
"Gusto ko ng mag-move on!"
"What?!" Nakamulagat si Shamari sakin.
Napamaang ako at nagtaka. "Bakit, mali ba ang gagawin ko?" Naguluhan ako. At nagkaroon ng pag-asa na may mga taong naniniwala pa samin ni Rion.
"You are so stupid!"
"Hey! Pauwiin kaya kita!" Sigaw ko sa kanya, nararamdaman ko na matitikman ko na naman ang bagsik ng sermon ni Shamari.
"Move on! Really? At sa pitong taon na lumipas pala ay hindi ka pa nag-mo-move on? Anong ginawa mo sa seven years na 'yon?!"
Napadausdos ako sa sofa, feeling ko nanliliit ako. Buti na lang si Shamari lang ang nakakaalam ng kwento ko at siya lang ang kausap ko ngayon. Pinagtatawanan na siguro ako ng iba.
"I mean... major move on this time." Bulong ko, nalulungkot at naguguluhan.
I heard her curse. Na bihira mangyari. Huminga siya ng malalim at nang magsalita ay malalim na.
"Okay... So you shut the part of Rion's in you these past seven years, pero hindi pagmo-move on iyon parang naging bulkan lang iyon na naghihintay sumabog. At sa pagkikita ninyo sa isla ay sumabog na nga, yeah that's it."
Trust Shamari to derive to an explanation like that. Na kahit sa field ng pag-ibig na hindi rin naman niya gamay ay iniisip niyang kaya niyang ipaliwanag at kumbinsihin ang sarili niya at ako. But she got a point.
"Or... wala namang sumabog na emosyon dahil nandoon pa din. Hindi nagbago. And upon seeing him, you just confirmed that you really love him and you are afraid to get hurt again or to try again dahil walang pinapakitang interes si Rion na makipag-ayos kaya naniniwala ka na pagmo-move on na lang ang dapat mong gawin, right?"
"Wow..." malungkot kong nasabi. Sa pagdausdos ko sa sofa ay nakaupo na ako sa carpet ngayon.
"So balik tayo sa pag-re-resign mo."
Of course, hindi makakalimutan ni Shamari ang topic kung bakit nandito siya.
"Bakit kailangan mo pa kasing mag-resign kung mag-mo-move on ka? Sisiguraduhin ko naman na hindi kayo magkikita ah at sisiguraduhin ko ding di ka na makakabalik sa isla o sa kahit saang lugar na may chance kayong magkita!"
"You don't understand, Shamaw." Tiningala ko siya. "Kahit hindi kami magkikita, maalala ko pa din sa lahat ng ginagawa ko at pupuntahan ko si Rion. At nakakalimutan mo bang kapatid ka niya?"
"That's unfair!"
"Gusto kong pumunta sa lugar na walang bagay na magkokonekta sa kanya, sa lugar na hindi ko makikita ang mga building na pag-aari niya o ang mga advertisement ng mga kompanya o produkto niya. Basta lahat."
"So including me?! And your friends? Because I know na magkakasosyo sila. And oh, si Vaughn din dahil kasosyo ng ama ni Vaughn si Rion. And of course, your Uncle na may communication pa din kay Rion. Si Mr. Agustin na ama ni Rion. At si Lolo, na apo si Rion. And Cheiaki, na ninong si Rion noong bininyagan siya sa star scout. And the list goes on. Lahat naman kasi ng kakilala at kaibigan mo ay kilala din si Rion. So saang lugar ka kaya pupunta nang walang magkokonekta sa kanya, aber? And can you give up all of us because of that stupid moving on of yours!" She ranted sarcastically.
Syempre hindi. Wala akong pamilya kundi sila. Tama na naman ang bruha.
"Alam mo ba ang problema, Dollar? Kahit naman makahanap ka ng lugar na walang magkokonekta kay Rion para sa letseng pagmo-move on mo ay hindi mo pa din magagawang hindi isipin siya right? Kaya sa loob ng pitong taon, hindi mo man siya nakita o wala mang nagbanggit sa kanya ay hindi mo pa din magawang mag-move on ay dahil nasa isip mo siya. At puso." Binulong ni Shamari ang huling dalawang words na nagpatingala sakin sa kanya. There was a catch on her voice. So hindi na lang ako ito. Kaya siguro ang dami niyang nasabi.
Pero tama na naman siya.
"So what do you suggest?" I asked her helplessly.
"You two must talk."
"Sira ka ba? Eh ayoko nga siyang makita!"
"Hindi naman mali na mag-move on ka Dollar, but you must do that systematically. Sa oras na 'to ikaw lang ang may balak na mag-move on, how about him?"
Inirapan ko siya. "Huwag mo kong paasahin sa ini-imply mong wala siyang balak mag-move on dahil may feelings pa siya sakin." s**t! Humihiwa sakin ang bawat sinabi ko dahil alam ko namang malabo iyon.
"No. Hindi iyon ang ini-imply ko. But before you move on, you two need to have closure!"
Closure?
"Closed na matagal na, seven years ago na." Naiinis kong sabi.
"Really? Kung naniniwala kang closed na eh di sana pitong taon ka na ding naka-move on."
I hate to admit that she has a point. Kainis.
"So anong gusto mong sabihin. Sige, mag-uusap kami at hihingi ako sa kanya ng basbas na magmo-move on na 'ko? Ganon?"
"Hmn.. yeah if you want to put it that way, yes."
"At kapag pumabor siya or hindi?" Tanong ko.
"Problemahin mo muna kung paano kayo mag-uusap bago mo isipin yan!"
"Sabi mo I have to be systematic so gusto kong planuhin ang next step pagkatapos ng outcome ng closure namin." There's a panic in my voice. Dahil kumaklaro na ang suggestion ni Shamari sakin pero may malaking kalakip iyon na takot. Paano kung gusto ni Rion maayos o hindi na? Aasa o masasaktan, iyon lang ang kakabagsakan ko.
"What? Do you think kaya mong arukin ang iniisip ni Rion at isasagot niya?"Mulagat sakin ni Shamari.
Sabagay, ano bang iniisip niya? Ano ba talaga ang nangyari? Ah... kailangan ko nga yata ng lintek na closure na yan!
"You have a point, Shamaw..."
"The only and possible point for highest consideration!"
"Okay. Okay. Pero hindi mo ba naisip na nakakainis sa part ko na parang nakasalalay kay Rion at sa pag-uusap about sa closure na yan ang pagmo-move on ko? Why can't I just move on on my own?" Inis at asar na talaga ako.
"Dalawa kayong nagsama sa relasyon di ba? Kaya dalawa rin kayong dapat mag-move kung wala na talaga! O kung naka-move on na siya dapat alamin mo para hindi ka silently hoping dyan at itodo mo na ang sakit para wala ka na talagang babalikan. At ayaw mo bang bulabugin si Rion para makaganti man lang sa kanya?"
Nagre-replay sakin ang mga sinabi ni Shamari. She's the best. Kailangan ko lang yata talagang masigawan ng isang taong may sense kausap at alam ang pinagdaanan ko.
I gave her a sideway glance. "Kanino ka ba talaga, Shamaw? Sa shareholder at kapatid mo o sa empleyado mo?" Napangisi ako. Well, changing moods in an unconventional conversation like this.
"I'm not taking sides, Dollar. Okay, I'm giving you a month. Gawin mo ang napag-usapan natin atsaka na ulit tayo mag-usap about sa resignation mo."
"I'm still considering the resignation at hindi pa naman ako pumapayag sa suggestion mo ah!" Malapit na.
"Ugh! Ikaw ang bahala basta isang buwan! But that doesn't mean na hindi na ulit ako magpapakita sa'yo, you still have projects at isang buwan din naman ang nilagay mong effectivity di ba?" Shamari stood up and walked to the door.
"Paano kung hindi ko gawin yang sinabi mo?" Hamon ko sa kanya. Sa totoo lang parang ayokong pag-isipan pa ang mga napag-usapan namin. Gusto ko ng layasan lahat ng 'to. Pero nakaka-tempt din...
Lumingon siya sakin mula sa pinto. "Nakakalimutan mo na yatang kapatid ko si Rion at kaya ko siyang kausapin anytime? I might as well suggest that to him. Malay mo ikaw ang puntahan niya." Shamari smiled sheepishly.
"And you believe na susunod siya sayo?"
"No. But at least malalaman ko pa din kung gusto niya din ng closure o hindi siya interesado. Sasabihin ko sayo iyon at bahala ka na ngang mag-move on mag-isa habang buhay."
And that hit a nerve. Dahil parang ganoon nga ang mangyayari, knowing Rion.
"Get out!" Binato ko sa kanya ang pillow na nasa sofa pero pintuan na lang ang natamaan niyon.
Binagsak ko ang sarili ko sa sofa. One minute Shamari is the fairy god mother pero mayamaya siya na ang reyna ng lagim. Kasingbaliw ni Zilv o ni Rion.
Ugh!
Kailangan ko nga ba talagang i-consider? What are the pros and the cons? Kaya ko bang mag-move on nang wala ngang closure at hindi nakakausap si Rion? Of course! Pero maatim ko ba na sa ibang tao pa dadaan o malalaman ko na ayaw niya 'kong kausapin tungkol sa closure. Pero kung ganoon na ang mga inakto ko sa isla dahil sa pagkikita namin, what more kung ang pag-uusapan pa ay tungkol samin? At paano kung hindi niya ako kausapin.
Shamari really made it a point na ako ang agrabyado kaya dapat ko ngang gawin ang sinabi niya dahil kung hindi, kakausapin niya si Rion at ipapamukha sakin ni Shamari kung anuman ang magiging reaksyon ni Rion na sigurado akong hindi papabor sakin. Aah, hindi ko yata matatanggap 'yon. Wag na nating isali ang isasakit ng dibdib ko pero pride na lang!
Bakit ba kasi niya 'ko iniwan nang hindi man lang kinakausap? At bakit hindi ko din siya tinanong noong nasa isla kami? Hindi kaya... inimbita niya akong maglayag dahil nasa isip na nga niya na kailangan nga naming mag-usap? Pero pinairal ko nga kasi ang kadramahan at kaartehan ko at daig ko pa ang hinahabol ng pitong elepante nang umalis ako sa isla kaya hindi ko na naisip .
Yup, tama! Kailangan kong ilista lahat ng mga itatanong sa kanya para kung sakaling puntahan ko siya (sakali pa lang) ay wala akong makalimutan. Siguro naman mas may karapatan akong magtanong at gawing interview ang magiging tagpo dahil ako ang iniwan at naghahanap ng closure, right? At siguro bago matapos ang paglilista ko ng mga itatanong sa kanya ay makakapag-decide na din ako kung pupuntahan ko nga siya o hindi. Matagal pa naman ang isang buwan...
Tumayo ako at kumuha ng papel at ballpen.
************
Shamari's POV
"What?" Tanong sakin ni Rion nang hindi man lang nag-aangat ng tingin mula sa mga pinipirmahan niyang mga dokumento.
"Why do I still need to get an appointment, with my brother?" Naiinis kong tanong sa kanya. Hell, ang hirap magpa-set ng appointment sa kanya. Even the security procedures done before entering his building are strict.
"Because you didn't call me before you go here." Inangat naman niya ang paningin sakin sandali at tinuon na ulit sa mga binabasang dokumento.
Right, kung tinawagan ko kasi siya ay itatanong niya kung bakit ko siya pupuntahan. At hindi ko naman ipagsisinungaling na si Dollar ang gusto kong ipakipag-usap sa kanya. And I know that he will hang up the phone when I speak of Dollar. Kaya dito na lang sa office para isipin niyang business ang pinunta ko.
"It's Dollar." Simula ko. I saw him stiffened for a while pero nagbasa na ulit ng mga dokumento.
"Anong tungkol sa kanya na nagpapunta pa sayo dito na hindi pwedeng itawag?" Initsa niya ang hawak na papel at sumandal sa headrest. He looked restless. Damn. Wala akong kilalang tao na katulad niyang magtrabaho. So focused, so goal-oriented. Kaya pilit ko man siyang pantayan ay hindi ko pa din magawa dahil iba ang nagtutulak sa kanyang magtrabaho ng halos bente-kwatro oras.
"You two need to talk." I said to him seriously.
He sighed and stood up. "If you're not here to discuss business then I have to attend to mine. I have a luncheon meeting in five minutes."
"Why can't you just give yourselves a try?!" Tumayo din ako at sumunod sa kanya. "Or at least give her the closure she deserves!"
Napahinto siya sa pagbukas ng pinto. Mayamaya ay nilingon niya 'ko. "Kahit hindi mo sabihin, Shamari sisiguraduhin kong mag-uusap kami ni Dollar. It's just a matter of time."
"Time? What? Another seven years? Well, two weeks na ang lumilipas nang magpunta 'ko sa kanya at sabihin din ang sinabi ko sa'yo. And I suggest that to her out of desperation pero sa totoo lang ikaw naman talaga dapat ang mag-initiate dahil ikaw ang may kasalanan!"
There. Kailangan talagang sabihun ng derecho. Nagsinungaling ako kay Dollar nang tinanong niya ako kung saang side ako. Hindi ko sinabi sa kanya na nasa panig niya ako. Of course, hindi lang dahil babae din ako. Pero saan mang anggulo ay ang kapatid ko pa din ang nang-iwan. If only he could explain his reasons why.
"Yeah, seven years, at ngayon ka lang nagsalita ng ganyan. I wonder why." He said blankly, hands in his pockets. Habit niya kapag nag-iisip siya ng malalim o may gustong i-solve na problema sa board noong nag-aaral kami.
"Dollar is resigning." Bulong ko. Naiinis kung bakit kailangan ko pang makisali sa kadramahan ng dalawa. Kung hindi ko lang kasi nararamdaman na seryoso si Dollar sa pagre-resign.
"Then let her. I told you before, hindi magandang ideya na kunin siyang modelo." Naiinis niyang sabi.
"But you must admit na malaking part siya ng success ng Astra."
"Of course. But--" parang nagbago siya ng isip at hindi tinuloy ang sasabihin.
He doesn't need to voice it out. Alam ko naman na tutol talaga siya, not because he doesn't believe that Dollar could charm the fashion industry, mas sure ako na dahil ayaw niya ng atensyon na nakukuha ni Dollar lalo na sa kalalakihan. He and Dollar maybe is now history but he is still a man with possessive tendencies.
"I could let her resign, Rion. Hindi ko siya mapipigil kapag ginusto niya pero alam mo bang sa pinapahiwatig niya ay wala na siyang balak bumalik at gusto niyang magpakalayu-layo?"
I saw him again stiffened. Pero pumormal din mayamaya ang mukha. "The board is waiting for me. Be safe." Binuksan niya ang pintuan at lumabas.
Damn, I can't believe him!
"Rion!"
Huminto siya bago pumasok sa conference room. "Saang lugar siya pwedeng pumunta na hindi ko siya mahahanap, Shamari?" His last words before he stepped into the room.
Natigilan ako. Ilang segundo rin akong nakatingin sa sarado ng pintuan na pinasukan niya nang makuha ko ang ibig niyang sabihin.
Is there hope in what he just said?