Dollar's POV
Kinapa ko ang switch ng ilaw sa dingding at bumaha ang liwanag sa kwarto.
Ang kwarto ng batang Dollar.
It's funny how I separate myself from the younger Dollar. Siguro dahil gusto ko nang isipin na magkaibang tao ang dalawa.
Humakbang ako papasok at muntikan na akong madapa kung hindi ako nakabalanse agad.
Tss...
Tumungo ako sa sahig at wala naman akong nakitang kung ano na nasagi ko.
Siguro dahil lasing pa din ako. Nasa sistema ko pa din ang alcohol. Sabagay ay alas tres pa lang ng madaling araw at kagagaling ko lang sa Al's. Pagkatapos kong ipamigay ang tatlong alahas sa mga nanalo at dalawa pa sa kung sino lang na nakita ko sa parking ay ilang minuto lang akong umidlip sa loob ng sasakyan ko. At nang maalimpungatan ay nag-drive na ako papunta dito sa dati naming bahay na ilang metro lang ang layo mula sa Al's.
Kung itinawag ko ang pagdating ko dito sa Flaviejo ay siguradong madadatnan kong may pagkain at malinis ang bahay dahil linggo-linggong may nagpupunta dito para maglinis. Pero hindi kailangang abalahin si Uncle at baka mamaya ay mapauwi sila ni Cheiaki para lang samahan akong magbakasyon dito.
Umupo ako sa gitna ng kama ko. At katulad ng reaksyon ko nang makita ang kabuuan ng Al's ay napalinga-linga ako na namamangha. Dahil walang pinagbago ang kwarto ko seven years ago...
Kulay peach pa din ang pintura. Nakasabit pa din sa likod ng pinto ang cork board na personal kong ginawa at resulta ng hindi ko pagiging artistic. Sa isang panig ng dingding na kaharap ng kama naman ay ang pallet wood sign na may nakasulat na 'Wake up and be Awesome'. Sa dresser ay nandoon pa din ang accessories holder. At sa malaking salamin ay nasa gilid ang iba't ibang origami at ilang pictures namin ni Rion na hindi na nailagay sa photo albums. Sa isang sulok ay nakasabit sa tatlong tali ng yarn na ginawa ko ang marami pang origami na rosas na naka-bitin mula sa kisame at halos lumalaylay sa sahig. All were made by Rion, at araw-araw na ginagawa niya at ibinibigay sa akin dati. Lumipas na ang kulay ng mga papel at medyo pumusyaw na at may konting alikabok na din. Ang toy chest ay nasa paanan ng kama, lumapit ako doon at medyo inangat ang takip ng chest. Dito ko tinago ang mga powerpuffy pillows. Samantalang sa kisame ay ang ceiling art ng buwan at mga bituin. Ang nawala lamang at patunay na hindi nagagamit ang kwarto ay ang mga kurtina at kubrekama.
But in all, it is still a room of a sweet and in love eighteen-year-old girl with a very colorful youth.
Noong panahong nagluluksa ako dahil sa pag-iwan sakin ni Rion ay hindi ko nagawang itapon lahat ng mga gamit na galing sa kanya o baguhin man lang ang ayos ng kwarto ko. At nang yayain ako ni Shamari na magmodelo para sa kompanya niya at na-destino sa France ay hinayaan ko lang ang kwarto at iniwan na ganito pa din ang ayos. Maski si Uncle Al bago sila mag-migrate ni Cheiaki ay hindi pinagalaw ang mga gamit ko pero nagbilin at nag-hire ng tao na maglilinis ng buong bahay linggo-linggo kasama ang kwarto ko.
At sa iilang beses na pag-uwi ko dito para dalawin si Lolo ay sa villa ako tumutuloy na hindi naman lumalagpas ng dalawang gabi dahil lage din akong umuuwi agad. It was as if the devil of the past is right after me.
I admit I've been neglecting this town for years now because of our past. Pero kahit maraming halu-halong alaala dito ay hindi ko naman maitanggi sa sarili na na-miss ko ang lugar na ito. Sobra.
Siguro pagkatapos ng gagawin ko na pag-dispatsa sa mga gamit ko ay lilinisin ko din ang buong bahay at mananatili pa dito ng ilang araw. Flaviejo is a rising town. Mas marami ng atraksyon na pwede kong pasyalan. Bibisitahin ko din si Don Marionello dahil alam kong malalaman niya na dumating ako at magtatampo iyon ng sobra kapag hindi ako bumisita sa kanya. At syempre, bibisitahin ko din ang mga magulang ko sa puntod nila.
Lumapit ako sa dresser at kinutingting ang mga abubot ko doon. May nakita akong clamp. Habang pinupusod ko ang buhok ko ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. In my peripheral vision, I could see the old yellowish photos of me and Rion attached to the side of the mirror. Pero mas gusto kong tingnan ang determinasyon sa mukha ko habang tinataas ang mahaba kong buhok.
I exhaled and then grin at my reflection.
Kailangan ko ng simulan ang paglilinis ng kwarto ko. Dapat bago sumikat ang araw ay naipon ko na ang mga gamit na kailangan kong i-dispose.
Tapos ko ng palitan ang memory ng billiards sa ginawa ko kanina sa Al's. At ngayon ay ang sunrise naman. I don't want to hate the sunrise anymore. The rising and setting of the sun is an everyday process of the universe and hating them is like hating to live.
I don't want to hate anyone or anything now. I don't want to be numb or act like nothing happened. Imposibleng humiling ng bagong puso o isip na hindi makaalala.
I just want to have a fresh new start.
I just want that sooner I could sing, 'I remember the boy but I don't remember the feelings anymore.'
Unti-unti kong inalis ang mga litrato sa salamin...
***************
Pinatay ko ang makina ng kotse ko at bumaba. Binuksan ko ang pinto sa likod at nilabas ang malaking chest kung saan ko nilagay ang lahat ng gamit na binigay ni Rion o ginawa ko para saming dalawa. Ang scrapbook, photo albums, ang mga powerpuffy pillows, mga paper origamis, couple shirts, couple sunglasses at kung ano pang anik-anik. Air-tight ang chest container at nilagyan ko din ng padlock. Wala akong balak na buksan pa ang chest kaya may padlock dahil itatapon ko din ang susi. It was just for security purposes. Ayokong mabuksan ng ibang tao. At sana ay wala ng makakita pa ng iba sa chest lalo na at nakatadhana itong maitapon at mabulok sa ilalim ng dagat.
Yeah, right. Iyon ang balak kong gawin.
Pahirapan kong binaba ang chest at hinila sa lupa. Hiningal ako dahil sa sobrang bigat at tagaktak na din ang pawis ko.
Sandali akong nagpahinga at nilinga ang paligid. Kung walang naging pagbabago sa Al's at sa kwarto ko, gayundin ang tagong parteng ito ng University. Nahaharangan pa din ng barb wire na ginapangan ng mga baging ang daan papunta. Buti na lamang at nakapag-park ako ng maayos sa ilalim ng puno bago ang mga harang.
Kumuha ako ng kahoy at lumapit sa natatandaan kong parte kung saan may butas na pwedeng daanan. Hinawi ko ang mga baging at nakita ang dati kong dinadaanan. Siguro ay hindi na pinagtuunan ng pansin ng nakabili ng lupa na ayusin ang barb wire dahil nasa tago at dulo ang lugar at walang nagpupuntang mga estudyante dahil sa takot sa ahas na maaring nagtatago sa matataas na d**o. At wala rin namang kakaibang makikita sa kabila ng harang.
Pero meron para sa estudyante na si Dollar.
Ang bleacher.
Nang makagawa ng dadaanan ay binalikan ko ang chest at hinila ulit at itinawid sa harang. Ilang kembot pa at nasa tabi na ako ng bleacher na nakatanaw sa dagat.
I stopped again and breathed. Habang nagpapahinga ng ilang segundo ay tiningala ko ang mataas na bleacher. Bukod sa na nabubulok na ang mga kahoy at nagtataasan lalo ang mga d**o ay walang pinagbago ang lugar. Nagbibigay pa din ng lilim ang mga punong nakapalibot sa gilid at nakatunghay sa bleacher. Napakatahimik at payapa pa din ng lugar at napakasarap pa din ng hangin. Malapit ng sumikat ang araw at nagkukulay orange na ang buong paligid. Naririnig ko din ang masayang huni ng mga ibon.
Aah, it will be a perfect day.
Tinungo ko uli ang chest at tinulak palapit sa dulong bahagi na ang ibaba ay tubig na ng dagat.
Pero nagulat ako nang parang hindi pantay ang lupang dinadaanan ng tinutulak ko. Bumwelo ulit ako at tumulak nang biglang nahulog ang chest sa malalim na lupa at dahil nakahawak ako ay napasama ako sa pagbulusok noon pababa.
Napasigaw ako sa gulat. Malaking tunog ang nilikha ng chest na nahulog sa lupa at kasunod niyon ay ang pagtunog din ng buto ko sa siko na nadaganan ng gilid ng chest na unang bumagsak.
"Ouch!" Napamulagat ako sa sakit.
At dahil wala pa din sa balanse ay hindi ko natantiya ang pagbagsak ng katawan ko kaya naipon ang bigat ko sa napaluhod kong kaliwang tuhod.
I groaned in pain and in fear.
God! Am I still alive?
Ramdam na ramdam ko ang sakit lalo na nang makapa ko ang tuhod ko kaya buhay pa nga yata ako.
Ilang minuto kong ininda ang sakit. Napatingala ako sa ibabaw na nasisikatan ng araw. Pero sampung talampakan yata ang lalim nito kaya hindi nakakaabot ang liwanag sa pinagkalugmukan ko. Napakadilim at nararamdaman ko na ang mga kagat ng lamok.
Kung nakita ko ang balon kanina ay okay lang na dito ko na ihulog ang kahon. Pero bakit nakasama pa ako?
Naramdaman ko ulit ang sakit ng katawan ko at napaungol ako sa sakit.
Syet! Paano ako makakaalis dito?