Dollar's POV
Tatlong oras na 'kong nandito.
Ayoko munang intindihin ang sakit sa siko ko dahil mas nangingibabaw sakin ang gutom. Hindi ako nag-almusal pagkatapos maligo kanina at umalis na agad ako.
Ilang beses kong sinubukang gumapang paakyat pero wala akong makapitan. Medyo malambot ang lupa at bumabagsak lang ulit ako. Kaya nang matanggap ko na ang kapalaran ko one hour ago ay nag-decide na 'ko na humingi ng tulong. Buti na lang talaga at dala ko ang phone ko at na-text ko si Lolo.
That was ten minutes ago. Wish ko lang ay nabasa agad ni Lolo ang text at makapagpadala agad ng search and rescue team.
Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga kaluskos sa ibabaw kaya napatayo ako.
Ang tulong ni Lolo!
"Hey! Help me! Dito!" Sigaw ko at tinaas ang mga kamay ko na parang makikita ng mga taong dumating.
Nakita ko sa ibabaw ang anino ng taong sumungaw at sumilip sa balon. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa araw pero nakita ko ang hagdan na unti-unti niyang binababa.
Habang palapit ng palapit ang paglapat ng steel ladder sa lupa ay lalo akong na-e-excite na makaalis. I'm gaping at the ladder like it was the most important thing in my life.
Pero bago ako makalapit sa hagdan ay bumaba mula doon ang savior ko at tinapat ang flashlight na hawak sa pagitan namin.
Hindi agad nakapag-adjust ang mga mata ko sa liwanag kaya napapikit ako.
"Are you alright?"
Bigla akong napamulat!
No, I'm not...
Not when I know that voice!
****************
Gustong mag-unahan ng isip ko na paanong nangyari at kasama ko dito sa balon si Rion. Si Lolo ang t-in-ext ko di ba? Alam kong hindi ko dapat asahan na si Lolo mismo ang makikita ko dahil sa katandaan ni Lolo ay hindi niya na kayang bumiyahe pa at mag-uutos na lang siya. Pero bakit naman kasi nasa Flaviejo si Rion sa araw na 'to at nalaman pa ang sitwasyon ko?
Asar!
Kinapa ng paa ko ang chest na nasa likod ko. Wish ko lang na hindi mapansin iyon ni Rion at itanong kung ano iyon. Hindi dahil gusto kong ipagsinungaling na mga gamit namin iyon. No. Pero ayoko lang na may mamagitang usapan samin. Hindi dito sa balon at hindi sa kahit saang lugar sa anumang pagkakataon.
"Oo naman." Nilagpasan ko siya at umakyat sa hagdan. Nakasampa na ang dalawang paa ko nang biglang gumewang iyon!
"Easy." Si Rion na naramdaman ko sa tabi ko at nakahawak na sa gilid ng hagdan.
Hindi ko siya nilingon at tinuloy ang pag-akyat kahit pa kumikirot ang tuhod at siko ko. Ilang segundo pa ang inabot bago ako makaakyat sa ibabaw.
Thank you, Lord!
Nilingon ko ang balon at sumungaw mula doon si Rion na nakaakyat na din.
Magpapasalamat ba 'ko sa kanya? Pero paano ko magagawa 'yon nang hindi rumerehistro sa mukha ko na ayaw ko siyang makita ngayon? Hindi dahil sa galit ako kundi dahil abala at seryoso ako sa misyon. Ngayon kung kelan hindi ko pa nakukumpleto ang misyon ko.
Pagkatapos makaakyat ay hinila niya ang steel ladder at tiniklop. Lumingon sakin at napakunot-noo.
"You're not okay."
Maski ako napakunot-noo sa sinabi niya. Kahit dati pa ay alam na niya agad na hindi ako okay. Pero hindi ko aaminin sa kanya na tama siya. "Of course, I am. I'm going. S-salamat." Mabilis akong nag-iwas ng paningin at naghandang umalis sa lugar na iyon.
Pero sa unang hakbang ko ay gumuhit na naman ang kirot sa tuhod ko at hindi ko napigilan ang mapasinghap.
Ouch!
****************
"I'll be okay." I stated firmly but didn't meet Rion's eyes.
Pero ang hudyo ay lalo lang lumapit sa kinauupuan kong mababang bahagi ng bleachers. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na binaba niya ang dala-dalang hagdan at tumalungko sa harap ko.
Bigla kong nilayo ang nakaunat kong mga binti nang akmang aabutin niya iyon.
Rion exhaled. At sa nakikita kong pagkunot ng noo niya ay alam kong malapit na siyang mainis. I can't blame him. Inabot na kami ng kalahating oras dito. Ilang hakbang lang ang nagawa ko palayo sa balon at dito na ako naupo sa bleachers.
Kanina pa niyang inaalok na buhatin ako papunta sa sasakyan, nagpakatanggi-tanggi lang ako.
Duh! I don't want to picture him carrying me like we are a newly wed couple. Kung gusto kong magmove on ay dapat kong iwasan ang mga ideya o pagkakataon na magkakadikit o magkakasama kami. Ang pagsulpot niya dito ay wala sa kontrol ko pero sisiguraduhin kong huli na 'to.
"Kailangang mapatingnan sa doktor ang mga masakit sa'yo, Dollar."
"I know." Sinubukan kong tumayo. Napatayo din siya at nasa tabi ko na agad. "At alam ko din na hindi ko kayang mag-drive pero kaya ko namang makapunta sa sasakyan mag-isa." I said with determination.
I hate to admit that I'll be asking his help to drive me home. Pero huli na talaga 'to, pramis.
Sinubukan kong humakbang at awtomatikong napahawak ako sa braso niya nang mawalan ako ng balanse.
"I got you." Humawak siya sa braso ko at inalalayan ako sa mabagal kong paghakbang.
Pilit kong tinatago ang pagngiwi ko sa tuwing gumuguhit ang sakit sa tuhod at binti ko sa bawat paghakbang ko. Samantalang ang katabi ko ay kaswal lang ang pagdadala ng hagdan at pagaalalay sakin.
And how's the feeling of his hand holding my arm? Ayokong kamustahin dahil nagiging pamilyar sakin ang ganitong pakiramdam. Ang pagtaas ng balahibo sa batok ko, ang pamumula ng balat ko dahil sa mga aktibong dugo ko at ang konting pamamawis ay ia-attribute ko na lang sa mataas na sikat ng araw at hindi dahil sa epekto ng lalakeng katabi ko. And oh, how about these damn butterflies in my stomach? Hmn... gutom lang 'to. Walang kinalaman ang init ng araw at lalong walang kinalaman si Rion sa ma lintek na mga paruparong 'to.
Saglit akong binitawan ni Rion para hawiin ang mga d**o sa butas sa barb wire na kasinlaki ng tao.
And suddenly my body's reaction drops low. I can hear my body cells booing for protest. Para bang ang kamay ni Rion na nakahawak sa balat ko ay ang lifeline nila para makapag-function nang maayos.
Maymaya lang ay nasa tabi ko na ulit si Rion para alalayan ako sa pagtawid sa kabilang bakod. At sa muling paglapat ng kamay niya ay biglang sumigla ang bawat himaymay ng katawan ko.
I'm picturing my body cells with faces grinning wide at me.
Haay... nababaliw na 'ko. Pero mas nakakabaliw ang amoy ni Rion...
Bago pa man kami humantong sa holding hands at maranasan na mahawakan ng kamay niya ang balat ko ay ang amoy na niya ang unang kina-adikan ko. At nakakainis na hindi pa din nagbabago ng cologne si Rion at maganda pa din ang kombinasyon niyon sa natural body smell niya.
Napailing ako.
This is bad.
Hayun at nasa balon pa din ang chest na naglalaman ng mga bagay na sinumpa kong itapon para lang makapag-move on sa lalakeng 'to ano at ngayon ay pati amoy niya ay iniintindi ko?
"Nahihilo ka ba?" Tanong niya na nakita yata ang pag-iling ko.
"H-Hindi." Bakit kailangan kong mautal? Bakit kung kausapin ko ang isip ko ay ang dami kong nasasabi tapos isang simpleng salita lang ay hindi ko pa masabi ng diretso? Dahil ba si Rion ang kausap ko at nahihiya akong malaman niya ang mga iniisip ko?
Tinuloy ko ang mabagal na paglalakad at pilit na hindi inintindi ang kamay niya. And his damn good smell.
It seems forever before we reach his pick-up. Oh wait, hindi ako dapat ini-incorporate ang salitang forever sa kahit anong bagay na kasama si Rion. Ang dali naman kasing kalkulahin na sampung minuto pa bago kami makarating sa pick up. I exaggerated in using the word 'forever'. Walang forever!
Matapos akong alalayan na makaupo sa passenger seat ay lumigid si Rion para ilagay ang steel ladder sa likod.
I'm watching him from the side mirror. Pero agad din akong pumikit.
Ang dali kong planuhin at gawin ang pagtatapon ng lahat ng bagay. Pero parang mababalewala na din ang pagmo-move on ko kung sa pagkakataon na magkakasama kami ay ang bawat kilos o katangian niya ang napapansin ko. Kailangan ko pa lageng labanan ang sarili ko.
It's a war within me. Na kailangan kong ipanalo.
***************
Pagkatapos naming pumunta sa ospital sa bayan ay sinubukan kong tulugan si Rion sa buong biyahe pauwi sa bahay ko. Kesa kausapin ko siya. O kausapin niya 'ko. O kausapin ko na naman ang sarili ko tungkol sa reaksyon ng katawan ko sa ganito kalapit na pwesto namin sa sasakyan.
Hayaan niyang isipin na nakakaantok ang mga pain reliever na ininom ko kanina. Buti na nga lang at hindi na-trauma ang tuhod ko o siko sa pagkabagsak ko o walang na-dislocate na buto. Namamaga lang ang muscles na natamaan. But the doctor said I will be good in a week. Ayon din sa doktor ay maswerte ako at iyon lang ang nangyari sakin samantalang 10 feet ang kinahulugan ko.
I'm a cat, I believe.
Nang huminto ang sasakyan niya ay hindi na 'ko nagkunwaring natutulog at hindi ko na hinintay na gisingin niya ko. At mula sa naka-recline na upuan ay bumangon ako para lang mapanganga.
"I asked you to take me home."
Balewalang nag-alis ng seatbelt si Rion at tiningnan ako. "This is also your home."
Of course. Villa Flaviejo is also my home. Mas madalas pa nga ako dito noon kesa sa bahay ni Uncle. Pero noon iyon. Hindi na ngayon lalo pa't dito din siya tumutuloy.
Sinamaan ko siya ng tingin."Sa bahay ni Uncle ang tinutukoy ko kanina." Dabog ko. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi na naging tahanan iyon para sakin simula nang nauna siyang umalis noon. Nang iwan niya 'ko.
"I know. Pero sa kalagayan mo ay hindi mo kayang tumigil doon nang mag-isa. Maraming katulong dito na aalalay sayo."
"Bakit? Hindi ko ba maiisip na kumuha din ng kikilos para sakin? Kaya kong magbayad." I snap at him. I know I'm being ungrateful but what the hell, I promised myself that it will be the last time I'll be seeing him. Pero ang tumigil sa villa ng ilang araw? Naman!
Rion knotted his forehead. "Huwag mong masamain ang sinabi ko."
"Uuwi ako samin!"
"You're being childish, Dollar." Rion twitched his lips in a dry smile.
Hindi ko alam kung ang sinabi niyang 'childish' o ang pagngiti niya kaya lalo akong nainis. O pareho, dahil ganoon din ang sinasabi niya noon kapag ayokong magpatalo o wala ako sa katwiran.
Inirapan ko siya at tumingin ako sa labas ng bintana.
Mayamaya ay narinig ko siyang bumuntong hininga. "Hindi lang dahil sa injury mo kaya kita dinala dito. It's about your safety."
"Wow." I whispered with sarcasm. What about my safety? Kailangan ko bang i-remind sa kanya na matagal na kaming hiwalay para problemahin niya pa ang kaligtasan ko?
Hindi ko pa din siya nililingon.
Safety, tss. At hindi ba't isa sa mga dahilan ng pag-alis niya ay ang kaligtasan ko? Wag siyang magkakamaling magsabi ng isa pang salita na may kaugnayan sa pag-iwan niya sakin at sigurado akong mauuwi ako sa panunumbat.
"After the stunt you pulled last night you must really think twice about staying alone."
Bigla ko siyang nilingon. The stunt I pulled last night?
Ayoko siyang tanungin kung ano ang tinutukoy niya pero nakumpirma ko pa rin na ang pagbibigay ng mga regalo niyang alahas sa bilyaran kagabi ang tinutukoy niya nang magsalita ulit siya.
"You caused a curiousity out of those men, baby. Bukod sa kung bakit may modelo sa Flaviejo na mag-isang umiinom sa lugar na katulad ng Al's ay may mga alahas pang binibigay. Kung ang mga nabigyan nga ay naghahangad pa, di lalo na ang mga hindi nanalo. They will look for you. At hindi mahirap alamin na ilang metro lang ang tinitigilan mong bahay mula sa bilyaran."
Ayokong intindihin ang panganib na ini-imply ni Rion mula sa mga lalakeng iyon. What my mind is processing right now is the fact that.. he was there?
Hinamig ko ang sarili ko sa ideya na nakita ni Rion ang pinaggagawa ko kagabi. O eh ano ngayon? Mas mabuti iyon para malaman niyang seryoso ako sa pagmo-move on ko. At hindi naman siguro siya masasaktan na pinamigay ko ang mga niregalo niya. At kung masaktan man siya... so? Hindi ko na dapat iniisip ang nararamdaman niya dahil hindi niya din inisip ang nararamdaman ko pagkatapos niya 'kong iwan.
Pero... ano nga bang naramdaman niya kagabi?
Tiningnan ko ang mga mata niya pero nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa labas ng windshield.
Fine kung hindi ko na malalaman.
"B-Basta. Kung ayaw mo 'kong ipagdrive maguutos ako ng iba!"
"No."
"Kaya ko naman eh!"
"Tell that to grandpa." At saka siya lumabas mula sa sasakyan.
Sa unahan ng kotse ay nakita kong pumasok sa garahe si Don Marionello para salubungin kami.
Knowing Lolo siguradong hindi rin niya 'ko pauuwiin.
Bumukas ang pinto sa gilid ko at nakita si Rion na nakalahad ang kamay.
Hindi ko pinansin iyon dahil sa inis at pinilit na bumaba mag-isa.
Hindi ako inalalayan ni Rion pero hindi rin umalis sa kinatatayuan ko kaya naging napakaliit ng space. Hustong mababa ko ang dalawa kong mga paa sa sahig nang pagpihit ko ay dibdib na ni Rion ang kaharap ko.
Tiningala ko siya na naiinis pa din. "Step back."
"Make me." He challenged.
Aba't!
"Anong nangyari, hija?" Si Lolo sa nag-aalalang mukha na nakalapit na samin. The saving grace, kung hindi ay pinatulan ko na si Rion.
"Just minor injury, Lo. Okay na po ako."
"And she needs to rest." Si Rion ulit.
"In my house." Dagdag ko.
Rion just eyed me lazily.
"Nonsense, dito ka titigil, Dollar." Segunda ng matanda.
Napakibit balikat na lang ako sa pagsuko. Of course, dehado ako. Kung nalaman ko lang sana kasi na dito ang way na tinahak ni Rion. Kung hindi ako natulog. Kainis.
"Aakyat na kami." Paalam ni Rion at bago pa 'ko makapagsalita ay balewala akong binuhat ni Rion.
Namalayan ko na lang na umangat ang katawan ko sa sahig at nakasampay na ang dalawa kong binti sa isang braso niya. And my arms automatically circled his shoulders.
"H-Hey! Ibaba mo 'ko!"
Hindi siya nagsalita at tuloy tuloy lang sa paglalakad kaya nagpupumiglas ako.
"'Lo!" Nilingon ko si Lolo na inaalalayan ng nurse niya. The old man is smiling. At nakuha pang kumindat sakin.
"I said put me down!"
Tinungo ako ni Rion at sa ginawa niya ay ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. That's when I stopped shouting. Hindi rin ako makapagpumiglas pa.
Nakakaduling ang matangos niyang ilong at nakakatunaw ang mga mata niyang nakatutok sakin. But the most distracting are his lips...
"Hindi mo kakayaning umakyat sa hagdan sa lagay mo at baka abutin ka ng isang taon kung magpipilit ka."
Binaling ko ang mukha ko sa ibang direksyon. "Ha! You are exaggerating. At eh ano kung abutin ako ng isang taon sa pag-akyat? O kahit seven years pa!" I burst out. Walang pakelam kung ano ang iisipin ni Rion sa ibig sabihin ng pagbanggit ko ng seven years. But I quickly glanced at him and saw his eyes clouded by some emotions at biglang lalo ding sumeryoso ang mukha.
Nang makarating kami sa landing sa mezannine ay naalala ko na ulit magpumiglas.
"Kaya ko na 'to!"
"No."
Ugh! The 'no-syndrome' again.
Lumiko kami sa isang pasilyo at kahit karga niya 'ko ay maayos niya pa ding napihit ang doorknob pabukas ng dati kong kwarto.
"Ibaba mo na 'ko!"
Pero parang wala siyang narinig at diretsong pumasok habang karga pa din ako.
Oh no! Not on the bed.
"Put me down!"
"Okay." At binaba nga niya ako sa mismong kama ko. At sa ginawa niya ay mas lalong lumapit ang mukha namin sa isa't isa. Isang kilos ko lang ay mahahalikan ko na siya sa pisngi. At kung lilingon siya sakin...
For the younger Dollar seven years ago this will be a perfect moment. Imagine, kami lang dito. Sa kwarto. Malamig. Medyo madilim. And with our faces almost an inch apart.
Yeah, ganoon mag-isip ang batang Dollar. Pero ang Dollar na nandito ngayon ay hindi magawang mag-isip ng kung ano sa mismong oras na 'to.
Him putting me down on the bed was like a slo-mo. Tinitingnan ko ang bawat pagkilos niya. I am amazed by the perfect beautiful side view of his face. Hindi ko mahila ang mga mata ko.
"There." Rion said.
And that break the spell.
Para din akong nakuryente at biglang inalis ang napatambay kong mga kamay sa balikat niya.
I exhaled. Ako ang binuhat pero parang ako ang napagod sa kung ano.
I am aware that Rion is watching me but I didn't meet his eyes. Hinila ko ang isa ko pang unan at umayos ako ng pagkakahiga.
Huwag sana siyang kikilos para hilahin ang comforter at ikumot sakin dahil bubuhayin niya lang ang mga multo namin. That was his habit a long time ago when he was making me sleep. In this same room.
At paano ko na ulit tatabunan iyon? Paano ko maitatapon ang alaalang iyon kung ngayon pa lang na hindi ko pa nakukumpleto ang pagmo-move on ko ay mauulit pa?
"Do you need anything?" Rion asked gently.
Gently... And his words are still the same.
Just like before. Kapag iniisip niyang may kailangan o gusto ako. And I always answered that it was him I ever need.
Pero ngayon, mas gusto kong mawala muna siya sa paningin ko para makondisyon ko ang sarili ko at bago ako tuluyang matalo sa digmaan na nangyayari sa buong pagkatao ko.
"I need to be back home tomorrow." Hinila ko ang sarili ko para maupo at sumandal sa headboard.
"Except that."
Naiinis ko siyang tiningala sa naniningkit na mga mata. "Alam mong mahirap para sating dalawa ang magsama bakit mo ba pipinilit?"
"It's not on my part." Rion tucked his hands on his jeans pocket.
Damn. The same habit again.
Lahat na lang ba? I wish nagbago man lang ang habit niya kahit konti.
At anong ibig sabihin niya na hindi mahirap para sa kanya na makasama ako? Bakit? Hindi ba siya guilty sa ginawa niya sakin? O iniisip niyang hindi mahirap para sa kanya dahil wala rin naman siyang balak na pansinin ako sa mga susunod na araw? He's really unfair. And I want to get even.
"Hindi rin para sakin." Tanggi ko na naiinis. Pero tama, pagkakataon ko na 'to para lalong makumpleto ang misyon ko at kung pumalpak ang mga pagtatapon ko sa lahat ng memorabilia, sasanayin ko na lang ang sarili ko na balewalain ang presensya niya. I can do that. I can be a total snob. At dahil snob din si Rion, then walang magiging problema.
"But I want you to know that one of the reasons why I'm doing this is because I believe I'm responsible for what happened to you."
Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya. Hindi ko kayang intindihin at ipaliwanag o bigyan ng katwiran sa isip ko ang kahulugan ng sinabi niya.
"W-What happened to me?" Ulit ko, "Are you talking about the fall or the past seven years?"
That damn seven years again.
Para bang signal iyon ng simula ng pagbabalik sa nakaraan.
"Both."
"Ha! Hindi ba huli na para dyan? Why not in the past years?" Hindi ko maiwasan ang tonong manumbat. At isa pang salita na sasabihin niya at sisimulan niya ang masasakit na salita na manggagaling sakin dala ng panunumbat ko. I think I'm now in the mood to talk about the f*****g seven years and before that. That time when he left me without saying goodbye.
Pero hindi kapantay ng ekspresyon ko ang mukha ni Rion. Wala sa mukha niya ang kahandaang labanan ang mga tanong ko. Ang nandoon ay tila pagkapagod at malalim na... kalungkutan.
"I know. I can't go back to the past. Pero kung hindi kita naiwasang saktan noon then let me just put you away from harm now." He said in gentle firmness.
"At sisimulan mo iyon sa pagsama sakin sa bahay mo, ganoon? No. Ayoko! Hindi mo ko responsibilidad."
"Yes, you are. Always."
Ilang sandaling katahimikan...
Na sa sobrang tahimik ay akala ko ay dinala lang sakin ng hangin ang mga salitang iyon at nakaringgan ko lang.
Wala akong balak itanong kung bakit niya ko responsibilidad at wag niya sanang dugtungan kung bakit.
And why does he have to say those words as if it is a promise?
Rion exhaled. At nakabadya na ulit sa mukha ang kapaguran. At gusto kong mabaghan sa nakikita kong iyon. May dinaramdam ba siya? Ako ba ang dahilan ng tila pagkapagod niya.
"You don't have a choice, you're under my roof now."
Gusto kong umalma ulit. Gusto kong matuloy ang pag-uusap namin tungkol sa nakaraan na nasimulan kanina para masabi ko lahat sa kanya ang galit ko. Gusto ko siyang masaktan sa mga sasabihin ko. Pero... gusto ko nga ba?
"Take a rest now. Ipapagising kita para sa tanghalian." Now he's back from being all business and in his serious mode.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang tumalikod at humakbang pero sandaling tumigil at humarap ulit sa akin. Hindi ko siya nilingon at pinakiramdaman na lang.
May dinukot siya sa bulsa ng pantalon niya. "The chest was slightly open. It may be slipped from it." Pinatong niya ang kung anong bagay na hawak niya sa side table at lumabas ng kwarto ko.
Nang makuha ko ang ibig sabihin niya ay mabilis akong lumapit sa gilid ng kama.
Dahan-dahan kong dinampot ang litrato.
It was a picture of the two of us in his bed. Nakaluhod ako sa sahig at kalahati ng katawan ay nasa kama habang tinatapat ko sa aming dalawa ang camera. Rion was pretending to be still sleeping, eyes closed but smiling. And the younger Dollar had that wide grin on her morning face.
Mabilis ko lang na tinanggal kanina ang picture na 'to sa salamin at basta na lang sinama sa mga itatapon kong gamit. Pero bakit ngayon ay nanginginig ang kamay ko sa paghawak niyon?
Bakit kailangan pang kunin ni Rion ang picture mula sa balon? At bakit kailangan niya pang ipakita at ibalik sakin? Anong ibig niyang ipahiwatig? At bakit hindi ko na naman maiwasang itanong sa sarili ko kung ano ang naramdaman niya nang malaman niya ang ginawa ko sa mga gamit na galing sa kanya.
Nalaman ko na lang na umiiyak na 'ko nang may pumatak na luha sa larawan. Dahil sa kalumaan ng picture ay mabilis na humalo ang luha at naghalu-halo ang mga kulay. Gone are the faces of a happy couple.
Nilamukos ko ang litrato.
The picture can't stay here. Kailangang sumama ito sa mga gamit na tinapon ko na.
At kung hinahamon ako ni Rion na ibalik ang mga bagay na tinapon ko na sa pamamagitan ng pagbibigay sakin ng larawan ay hindi mangyayari iyon.
I have to keep what I promise to myself. I have to continue my personal mission.
Binuksan ko ang drawer at mabilis na pinasok ang litrato. Marahas kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko at nahiga.