Dollar's POV
Surely, I cannot escape dinner, it would look so childish if I make excuses only not to see Rion. At bakit ko naman siya iiwasan?
Hindi ko sinasadyang makatulog kaya hindi ako nakasabay sa tanghalian kanina and I'm really thankful na walang gumising sa akin. I've rested well and feel refreshed now.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Kahit nahihirapan sa pagkilos dahil sa braso at tuhod ko ay nag-ayos pa din ako ng sarili. I settled to a simple white Benetton tee and tucked it in a high-waist mint blue acid-washed shorts.
Sinusuklay ko ang buhok ko pataas at itatali na sana nang mapatigil ako. Kinapa ng isang kamay ko ang batok ko. At hindi ko man nakikita ay alam ko kung saan naka-marka ang tattoo ko.
The running jaguar shadow...
Binaba ko ang mga kamay ko at sumunod ang pagbagsak ng mahaba kong buhok.
Kung titigil ako ng ilang araw dito ay kailangan kong masanay na nakalugay ang buhok ko. Hindi kailangang malaman ni Rion na naka-marka pa din sakin ang codename niya. Saka ko na lang pag-iisipan kung ano ang gagawin ko sa tattoo ko.
Napabuntong-hininga ako at tinuloy ang pagsusuklay. Nagwisik lang ako ng konting pabango at lumabas na ng kwarto kong kulay peach.
Yeah. Peach. I love the color.
Napalitan na ang nagwawalang kulay na pink sa kwarto. Pinabago na ni Lolo ang interior ng kwarto ko dito sa mansyon nang gr-um-aduate ako ng college. Si Lolo ang nag-suggest noon na inayunan ko naman. Hindi na daw kasi ako bata at saka na daw ang kulay pink kapag na-convert na ang kwarto ko sa isang nursery room para daw sa magiging anak naming babae ni Rion.
I rolled my eyes remembering those lines of Don Marionello. Lolo and his jokes...
Sa paningin niya ay hindi kami nag-break ng apo niya. Kahit kay Lolo ko iniiyak lahat noong iniwan ako ni Rion ay positive pa din siya at hindi nagbago ang pakikitungo sa akin.
There will always be a person in your world who sees things differently for you, who still remains hopeful because that is how they care.
Pagdating ko sa mezannine ay nakita ko si Rion sa ibaba sa tabi ng hagdan at diretsong nakatingin sa akin.
Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy sa mabagal na pagbaba. I didn't want to meet his dark eyes. Naka-focus ang tingin ko sa binababaan ko dahil ang huling gugustuhin kong mangyari ay madapa at gumulong pababa dahil sa katangahan.
Gusto kong mapabuntong-hininga.
Ilang beses bang nangyari sa nakaraan ang ganitong senaryo kung saan tuwing magde-date kami ay lage niya 'kong aabangan sa ibaba ng hagdan, kahit saang hagdan, sa bahay man o sa Al's, na parang magiting na prinsipe at hindi ininda ang isang oras na paghihintay dahil sa tagal kong magpaganda. At ako naman ay bababa na parang may pakpak ang mga paa, nakabukas ang mga bisig at tatalunin siya payakap.
Bakit kailangang ulitin ni Rion ang ganito? Gusto kong mapasimangot pero pinanatili ko ang mukha ko.
Nasa gitna na 'ko nang hagdan nang marinig ko ang mahinang tugtog. It is a sweet and slow music, na para lang yata sa mga lovers. Paboritong tugtugin ni Lolo mula sa antigong phonograph niya.
Hindi ko na napigilang mapasimangot.
Sinasadya ba 'to ni Rion?
Tumigil ako isang baitang bago ang sahig kaya halos magkapantay kami at hindi ko alam kung paano lalagpasan ang lalakeng 'to. Malawak ang b****a ng hagdan pero pinapakipot iyon ng malaki at bothering na presensya ni Rion.
Tumaas ang kamay niya sa harap ko. "Take my hand or I'll carry you again."
It was said with a hint of a threat yet I also heard a hint of tenderness and amusement on it. Kung paano niya iyon napaghalo, hindi ko alam.
Pero kung kanina pa 'kong nakasimangot ay ngayon naman ay pinagsalubong ko na ang mga kilay ko sa pagkakatingin sa nakalahad niyang kamay.
"Nakababa nga ako ng hagdan di ba? Mas kaya kong maglakad hanggang dining."
Nagkibit siya ng balikat at bago pa 'ko makapalag ay nakuha na niya ang kaliwang kamay ko sa tagiliran ko.
It's a firm grip. At magmumukha akong tanga kung makikipaghilahan ako ng kamay. Pero hindi ba't mas mukha akong tanga kung makikipag-holding hands pa din ako sa kanya. After seven years?!
I shot him with a dagger look.
"Let go of my hand," angal ko. It would be more foolish if I won't say something, right?
Hindi siya nagsalita pero sa sulok ng labi ay naglalaro ang isang ngiti.
Pinigilan kong mapasinghap. Bakit hindi tapatan ni Rion ang galit ko? Bakit kailangan niyang makipaglaro sa akin?
Marahan niya 'kong hinila kaya napahakbang ako pababa, hawak pa din ang kamay ko na tinaas niya sa kanang balikat niya. At ayokong kamustahin ang pakiramdam ng pagkakalapat ng kamay niya sa kamay ko dahil naiinis ako at magdidigmaan na naman ang taksil na reaksyon ng katawan ko laban sa kung anong gusto at dapat kong maramdaman.
Marahang humahakbang si Rion paatras dala pa din ang kamay ko kaya napilitan din akong humakbang pasunod sa kanya.
And if my glare could kill I'm sure Rion would be dead by now.
*****************
Rion's POV
I couldn't help it. I just couldn't.
Nadatnan ko na sa sala ang mahinang tugtugin mula sa lumang phonograph ni Don Marionello na malamyos na dinadala sa pandinig ko kasabay ng mahinang pag-ulan sa labas. Alas seis ng hapon at dahil umuulan kaya madilim na rin ang paligid bukod pa sa mapuno. Karaniwan na sa ganitong oras kapag si Lolo lang ang narito ay napakatahimik ng mansyon na parang inabandonado. But not this night.
Habang namimili kanina ng wine sa cellar para sa hapunan ay okupado pa din ni Dollar ang isip ko. Well, it didn't surprise me. Kailan ba hindi? Pero lalo lang tumindi dahil alam kong nasa malapit siya at abot kamay. At ang pag-aalalang may iniinda siya.
Nang marinig ko ang yabag niya mula sa taas ay namalayan ko na lang na naglalakad na 'ko palapit sa puno ng hagdan para abangan siya. Just like the old times... the sweetest one.
Nang makita kong sumimangot siya ay alam kong naaalala niya din ang nakaraan. I didn't mean that to happen. Alam kong negatibo na lahat ng nararamdaman niya sa akin. At may ideya ako sa dahilan ng mga pinaggagawa niya nitong mga nakaraang araw at hindi ko nakakalimutan ang mismong bagay na ginawa ko at siyang dahilan kung bakit ganito kami ngayon. But I can't just let this moment pass.
Even though I'm sure she'll retaliate but I know I have to hold her hand. Siguro ay nahihirapan pa din siyang kumilos kaya hindi makapalag sa pagkakahawak ko at di ko alam kung ipagpapasalamat ko iyon. Pero sa obvious na pagsimangot niya sa akin ay alam kong hindi siya natutuwa.
Ang intensyon ko ay alalayan siyang pumunta sa dining kahit pa nga sinabi niya at alam ko din na kaya niyang maglakad nang maayos. Still, I know I have to hold her. I have to feel and make sure that she is safe after falling to that damn well this afternoon.
Dinala ko ang kamay niya sa kanang balikat ko at marahang humakbang paatras sa gitna ng sala.
Dollar is frowning, namimilog ang mga mata at pinipigilang mag-pout dahil sa pinipigilang inis.
How could she carry that expression and still remain beautiful?
Tumingala ako sa kisame para pigilan ang lahat ng dapat pigilan at muli ring tinungo ang mukha niya. Kinuha ko ang isa pa niyang kamay at nilagay sa kaliwang balikat ko. I'm holding her hands to still them on my shoulders.
And having her this near brought too familiar feeling that I thought may only appear in my dreams of her. Na ang maramdaman na ganito kalapit ang katawan niya ay hindi na mangyayari.
So I just couldn't let this moment pass. Kahit alam kong nakaharang ang pitong taon sa amin at hindi niya makakalimutan iyon dahil lang sa ganitong pagkakataon ay mangangahas pa din ako. I'm a selfish bastard, right?
Just give this moment to me...
"Let's dance, Powerpuff."
****************
Dollar's POV
From pouting, I know I just drop my jaws on the floor because of what he said.
Hindi malakas ang ulan sa labas, at hindi rin malakas ang tugtog, kahit yata mauwi ang ulan sa bagyo o naka-speaker pa ang tugtog ay maririnig ko pa din ang sinabi niya dahil sa lapit ng distansya namin sa isa't isa. At dahil din wala akong choice kundi maging aware sa presensya niya dahil nga sa posisyon naming ito.
At ang tono ni Rion ay hindi nakikiusap at hindi rin nag-uutos, hindi rin pabale-walang sinabi at ayoko namang tanggapin na romantiko.
It was like the words of a younger Rion who is very much in love with his girlfriend and inviting her to dance is one of his many acts of love. Isa pa ay ginamit niya ang endearment niya sa akin. Pero hindi, matagal ng wala ang batang Rion at ang kaharap ko ay hinubog ng maraming taon at ayoko ng kilalanin pa.
Dance? With him? Here? Why? What the hell?
I regain my composure and rolled my eyes. Sa pamamagitan man lamang ng pag-ikot ng mga mata ay maalis ko ang tingin sa mukha niya. Pero tumingala ulit ako sa kanya at sumimangot.
"I-I don't dance." I said in a resigned tone. Is that the right words to say? Hell. Sumasayaw lang ako ng maharot kapag tinamaan na ako ng alak at napakabihira noon.
Pero anong magagawa ko ngayon gayong ni hindi ko mahila ang mga kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya.
Alright. Easy, Dollar. Hindi na 'ko bata para mang-away o mag-walk out pa. Naniniwala akong kaya kong pakibagayan ang sitwasyon. Kahit anong laro pa ang laruin ni Rion.
Gusto niya ng sayaw, sige.
Rion's eyes darkened and I thought I saw a shadow of a smile. Hindi ko lang sigurado. "I know." Sinimulan ni Rion ang paggalaw na ilang segundo pa bago ko masundan.
Humakbang ako sa kaliwa, hakbang sa kanan.
"What do you know? Na wala talaga 'kong talent? Pagkanta man o pagsayaw." I rolled my eyes again.
Niyaya lang akong sumayaw, hindi makipag-usap. But dancing only is really awkward, kailangan ng usapan, a verbal war, na dapat kong ipanalo. Para man lang maibangon ko ang sarili ko dahil hindi niya 'ko binigyan ng pagkakataon na tumanggi.
Habang sinasabi iyon ay nililibot ko ang mga mata sa sala para lang hindi mapatingin sa mukha ni Rion. Hinanap ng mga mata ko ang phonograph na salarin kung bakit naisipan ng lalakeng ito ang magsayaw.
I can't find the culprit so I shot my eyes back to Rion.
"I know that you don't dance, Dollar. Pareho tayo." He smiled or I thought so. O mga mata lang ba niya ang nakangiti? The smize thing. "We just used to stand facing each other, hugging and grinning on the dance floor."
That stopped me from moving. He then stopped too.
Aah, the past.
I exhaled.
Ano na nga bang balak ko sa mga nakaraan namin? Hindi ba at binubura ko na sa mundo ko lahat ng mga nakaraan namin. Pero heto siya at buhay, nasa harapan ko at ang pinanggalingan ng mga alaala at nakaraan.
He is the great challenge of my moving on.
"It seems na lahat ng pag-uusapan natin ay mauungkat lang ang nakaraan." Rion stated. Not in apologetic tone.
"You're right." Pagsang-ayon ko. At marahang hinila ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya. Rion let go of them.
At magkaharap na lang kaming nakatayo sa sala. The music is still playing. Pero hindi ko na marinig ang ulan. Ang humalili na lang ay tunog ng mga kubyertos na hinahanda ng mga kasambahay sa mahabang dining table.
"At meron akong way para hindi na mangyari 'yon." Seryosong sabi ko.
Hindi nagbago ang ekspresyon si Rion o nagpakita ng interes pero nilagay ang mga kamay sa bulsa ng mga pantalon at hindi inaalis ang tingin sakin. His silence urged me to go on.
"Para hindi na maungkat ang nakaraan... then huwag na lang tayong mag-usap kahit kelan. Easy, right? Kung nagawa natin iyon sa pitong taon then kaya din nating magawa iyon sa loob ng isa o dalawang linggo. And after that I will be out of this house at mas lalong wala ng dahilan para mag-usap tayo. Ever. No talking, for seven years, for a week and then forever. Yeah, right that will be the pattern." Less talk, less mistake, less miseries. Ngumiti ako, na alam kong hindi umabot sa mga mata ko.
While in Rion's eyes are longing, sadness, and deep emotions I couldn't name of. Na natigilan ako sandali at inisip na namalikmata ako.
"If that's what you want." Patamad niyang sabi pagkaraan ng ilang segundo at naging blangko ang ekspresyon. It was like hiding himself from the world again just like how the old Rion does before we become a couple.
Pakiramdam ko ngayong blangko ang ekspresyon niya ay parang ordinaryong tao lang ako sa paningin niya. At napakahirap niyang abutin. But that should be favorable for me. Kung hindi niya ako kikibuin at lalayo kami sa isa't isa kahit nasa iisang bahay kami ay madali ko ng mapagtitiisan ang ilang araw ko dito.
"That's what we need." I corrected.
Tumango-tango siya, hindi ko alam kung sumasang-ayon o may pinag-iisipang ibang bagay. Pagkuwan ay nilingon ang isa sa mga kasambahay na na nasa bungad ng dining na senyales na handa na ang hapunan.
"After you." Nilahad niya ang kamay sa direksyon ng dining.
Umingos lang ako at nilagpasan na siya.
***************
"Good evening Lo!" Hinila ko ang bangko at naupo sa kaliwa ni Lolo sa hapag.
After the sight of Rion or dancing with him, Lolo's presence is a comfort.
"Good evening, beautiful." Bati rin niya, kakaiba ang ngiti, puno ng sigla.
Napabuntong-hininga ako ng mahina. Kung wala ang nurse sa tabi niya iisipin kong walang iniinda si Lolo sa nakikita kong sigla niya ngayon. Nakakalungkot na ang nakapagpapasaya kay Lolo ay ang makita kami at makasama kaming dalawa ni Rion ulit na hindi rin naman magtatagal dahil kailangan ko ding umalis ganon din si Rion. Kaya siguro nandito pa din ako sa bahay ay dahil na rin kay Lolo kahit pa nga nakakainis pa din na si Rion ang nagpatigil sa akin dito.
Mayamaya ay pumasok na si Rion sa dining hall at umupo na din.
We uttered our grace then we started eating.
"Do you still eat rice, Dollar?" Tanong ni Rion sakin na hawak ang serving plate ng kanin sa direksyon ko.
Hindi ko inaasahan na papansinin niya 'ko dahil akala ko ay seseryosohin niya ang sinabi ko kanina, the 'no talking' thingy, remember?
But oh well, kanin lang 'to. I must not make a big deal out of this.
"Of course." Sagot ko.
Anong klaseng tanong yon?
"I just thought... You know, your modeling and all."
Inabot ko ang kanin ng nakangiti sa kanya at nagsalin sa plato ko.
"I may lose everything but never my appetite." Note the absence of sarcasm in my tone. Wala akong gustong i-imply sa kanya. Bahala na syang mag-interpret.
"Good." He seemed pleased to know.
Why? And what did he mean by that? Eh ano naman sa kanya kung kumakain pa din ako ng kanin o hindi? At bakit alam nyang nagmomodelo ako? Is he monitoring me? O ganun lang talaga ako kasikat? Oh, shut the nagging mind up, Dollar.
Dinamihan ko ang sinandok kong kanin at binalik yon sa kanya, iniiwasang magkadikit ang mga kamay namin.
And we eat in silence.
Mukha namang natapos na sa kanin ang palitan namin ni Rion ng sentences dahil hindi na nga niya ako pinansin. Si Lolo na lang ang kinausap sa pagitan ng pagkain, about business as usual. At dahil wala akong alam sa negosyo, na sesegundahan panigurado ni Shamari ay nanahimik na lang ako at konti lang ang sinasagot kapag sinasali ako ni Lolo sa usapan.
"How long will you be here, Rion?" Pagbabago ni Lolo sa usapan.
Na sana ay hindi ko na lang narinig para hindi ganitong inaabangan ko ang sagot niya.
I'm eating, right? Nag-concentrate ako sa pagsa-salvage sa mga kawawang gulay.
"Depends." Sagot ni Rion and I saw in the corner of my eyes that Rion take a quick glance at me and drink his water in a sexy way.
Erase, erase the sexy way. It's just the adam's apple.
Letse talaga, Dollar. Kain!
"I hope you extend your vacation, apo. Gusto kong buhayin ulit ang nakasanayan natin tuwing magpi-fiesta na magkaroon ng malaking handaan para sa mga trabahador sa rancho at niyugan. Ilang taon na ding hindi nangyayari iyon dahil hindi ko maasikaso."
At hindi na kailangang ulitin na dahil sa katandaan kaya hindi na mapangasiwaan ni Lolo ang malaking celebration.
"Don't worry about it, I will be hosting it." Sagot ni Rion na ikinangiti ng matanda.
The town fiesta is a week from now. Ganoon din katagal mawawala sa opisina si Rion. At kung magiging abala si Rion sa pagaasikaso para sa fiesta ay mas lalong walang dahilan para magkita kami ng madalas sa bahay.
Na-witness ko na dati kung paano magdaos ng fiesta ang Villa Flaviejo at hindi lang natatapos sa pagpapakain iyon at hindi naman kakaunti ang empleyado nila. Bukod sa mga trabahador sa rancho at niyugan ay imbitado din ang mga empleyado sa iba't ibang kumpanya sa bayan at sa ibang panig ng Pilipinas. Well, parang imbitado na din ang buong bayan. It was like a Christmas party for the employees. Reunion ng mga empleyado daw sabi ni Lolo dati. Isa daw paraan para magkaroon ng magandang relasyon sa mga empleyado. At sino sa mga empleyado ang tatanggi na maimbitahan sa villa at makapasok sa isa sa malalaking lupain sa Norte. It is a privilege. Kaya malaking selebrasyon talaga para sa napakaraming tao.
"You can ask Dollar to assist you, Rion." Si Lolo.
Napatigil ako sa pagnguya. Narinig ko ang pangalan ko. Assist. Rion.
Nakita kong nagkibit-balikat si Rion. "If she wants to." Sagot niya na kay Lolo nakatingin.
So I'm a third person now huh? As if wala ako sa paligid. Good.
Sa akin naman lumingon si Lolo. "Do you mind Dollar, hija kung i-aassist mo si Rion? Naniniwala akong maganda pa ding may idea na galing sa isang babae ang ganitong celebration." Naglalaro ang ngiti sa mga labi ni Lolo.
At paano ko ba matatanggihan kung kasiyahan na ni Lolo ang paglapitin kami ng apo niya. Pagbigyan.
"Sige, Lo. Okay lang po." I smiled genuinely.
"That settled then." At bumalik na ulit siya sa maganang pagkain.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin si Shamari, na kung nandito siya ay siya ang tutulong sa kapatid niya.
Pero kahit may assignment kami ni Rion, still kailangang mangyari ang no talking policy. At sa gagawin namin ko mapapatunayan na ang hindi namin pag-uusap ay isang step para magtuloy-tuloy na ang pagmo-move on ko.
Sinulyapan ko nang mabilis si Rion at madiing tinusok ang ang fish fillet.