Message Alert!

2263 Words
Dollar's POV Nagising ako dahil sa isang ingay. Nayayamot kong hinanap ang tunog at nakita ko sa ibabaw ng side table ang phone ko na nanginginig at umiilaw. Naman! Naka-vibrate nga pala ang tinamaan. Patamad kong inabot iyon kahit alam kong text message lang 'yon. At in-unlock habang nag-aalis ng muta. Yawn. -GOOD MORNING- Numbers lang. Letse. Initsa ko pabalik sa side table ang Iphone at nag-inat. Pero mayamaya ay nag-vibrate na naman at kumisap-kisap iyon. Naiinis man pero inabot ko ulit iyon dahil baka sa ibang number na at importante ang message. -CARE TO JOIN US FOR THE PREPARATION?- Iyong number ulit ang nag-text at hindi ko maintindihan o baka naman wrong number ito. Hindi ako masipag magreply kakilala ko man o hindi ang numbers pero... sige. -HALOOW WHO DIZZ?- I typed and sent. Iiitsa ko na lang sana ulit pero nakita ko sa screen na tumatawag ang kaparehong number. Nakasalubong ang kilay na sinagot ko iyon. I frowned. "H-Hello?" "It's Rion." *Wide-eyes "O-Okay. Bye." In-end ko ang tawag at tinuloy kong iitsa ang phone sa side table na parang hindi ko dapat hawakan iyon. I'm gaping at it like it's the most impossible thing in the world. What the--- Bakit alam niya ang number ko? At bakit kailangan niya pa 'kong i-text? Sabagay, mas mabuti na iyon kesa naman katukin niya ako o basta na lang siya sumulpot sa balcony ko. Oh, then I remembered. Sinabi ko nga pala sa kanya na wag na kaming mag-usap. So text text na lang ganon? Hindi ko na dapat siya re-reply-an sa susunod, I mentally noted. Preparation daw. Oo nga pala, ia-aassist ko daw ang prinsipe ng lupaing ito para sa mga aktibidades sa fiesta. Fine. Tuluyan akong bumangon at inayos ang kama. I can smell the upcoming challenge for me. Napangiti ako. **************** Dala ko ang tinimpla kong kape at lumabas mula sa bahay. Tumanaw sa mga kalalakihang nagtutulungan sa pagtatayo ng napakalaking tolda sa harap ng malawak na solar ng villa. Alas-nueve na ng umaga at mukhang kanina pa sila nag-umpisa dahil kalahati na ang nase-set-up nila. Wala pang bubong pero nakatayo na ang kalahati ng skeleton ng mga bakal na suporta. Mga nasa higit benteng kalalakihan na mga tauhan ng rancho ang nabilang ko sa pagsu-survey sa kanila. Sa katawan ay halatang sanay sa ganito kabigat na gawain, nagkikislapan ang pawis mula sa katawan dahil sa papataas na sikat ng araw. Hininto ko ang paningin ko sa lalakeng nakatalikod, walang pang-itaas, ang pawis ay tumutulo mula sa likod pababa sa pantalong maong na naalikabukan na dahil sa pagbubungkal ng lupa. Anong sinabi ng mga leading men nila Rosalinda at Marimar? Imbes na nagbibigay ng utos ay isa siya sa nangungunang kumilos para matapos ang trabaho para sa araw na 'to. And I couldn't help but appreciate the act and oh, of course, the sight of Rion's body. Don't tell me it's wrong hearing that from a woman who declared major moving on from this man. Alangan namang i-deny ko na hindi maganda ang katawan niya? Magiging mali lang kung ieelaborate ko pa ang panghihinayang o pagnanasa ko. Panghihinayang. Pagnanasa. Hmn... Two big words. Iniwas ko ang tingin ko bago pa makapihit paharap sa akin si Rion. Iniisip ko kung anong magiging papel ko ngayong araw sa ganitong gawain. Alangan namang tumanghod lang ako maghapon sa kanila? O magmudmod ng juice? Hmn... magbungkal din kaya ako ng lupa? Habang umiinom ng kape ay binalik ko ang tingin ko kay Rion at nakita siyang tumigil sa ginagawa niya. He was not facing my direction kaya malaya ko siyang matitingnan. Then I saw him put his hands in his jeans pocket getting something. Nakita kong nilabas niya ang mobile niya at nagtype ng kung ano... Napakunot-noo ako. Is he texting me again? Pasimple kong kinapa ang mobile ko na naisipan kong ibulsa kanina. So, text text na lang nga kami? I think I'm getting excited about it, ewan ko din ba naman sa kabaliwan ko. Ilang minuto na ang lumipas at kanina pang binalik ni Rion ang phone niya sa bulsa at tinuloy ang ginagawa pero hindi ko pa din naririnig na nag-eeskandalo ang phone ko. Hmn... O baka naman hindi pala ako ang t-in-ext ni Rion, assuming lang ako? Naubos na ang kape ko at nararamdaman ko na din ang sikat ng araw sa pwesto ko bago ko maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Napapitlag ako, at ayokong alamin kung bakit kaya sinisi ko ang caffeinne sa sistema ko. Nilapag ko ang tasa sa pasimano at pasimpleng kinuha ang phone ko at t-in-ap ang screen. Tss.. Bwisit. Promo message lang pala ng postpaid network ko. Sunod na tinap ko ang message thread ng number ni Rion at hinintay na may mag-appear na message. Baka late lang dahil nasa mapuno kami. Pero naka-ilang minuto na at walang pa kong nare-receive na message. Hay... tama na ang kalokohang ito. Sinuksok ko ang phone ko sa bulsa ng short ko at binalik ang tingin kay Rion para lang lihim na mapasinghap dahil naglalakad na siya papunta sa direksyon ko. At nakatingin sa akin. Oh shoot! Did he see me checking my phone and waiting for his message? Iyon ba ang dahilan kung bakit parang may nasisilip akong konting ngiti sa mga mata niya. Did he tap on his phone so I'll check my own phone? Did he do that on purpose para malaman kung aabangan ko nga ang message niya? Or I'm just overanalyzing things? Damn the author for being a psychology major. Sinalubong ko ang tingin niya at binalewala ang mga bagay na gustong tumakbo sa utak ko. Pero minunura ko sa isip ang network ng sim ko dahil sa wrong timing na message. Alangan namang ipaliwanag ko sa kanya na may ibang nag-text sakin at na hindi ko inaabangan ang message niya? That will be foolishly unnecessary. And defensive. Hinanda ko ang sarili ko kung sakaling kausapin niya 'ko. Ipapaalala ko lang naman sa kanya na hindi na namin kailangang mag-usap kung mauungkat lang lage ang nakaraan. Pero bukod sa isang tungo ng pagbati ay wala na siyang sinabi at nilagpasan ako para pumasok sa bahay. Huh? Fine. Very well. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nayayamot ako. Hindi ko inaabangan ang text niya, for his information! ***************** Natapos ang tanghalian at ang tanging naging partisipasyon ko kanina ay tulungan ang mga kasambahay sa mansyon sa paghahanda ng tanghalian ng mga kalalakihang nagbayanihan para sa pagtatayo ng malaking tent. Nagsalu-salo kami sa mahabang hapag at napuno ang maganang tanghalian na 'yon ng pagkukwentuhan ng mga katiwalang lalake kasama sina Rion at Lolo. I speak a word or two when asked by Lolo. Magiliw ko ding sinagot ang mga pangungumusta ng mga nagtatrabaho sa rancho. At nagpa-picture pa ang ilang nakakilala sakin bilang modelo. Pero si Rion ay hindi na ako kinausap ni tiningnan hanggang matapos ang tanghalian. And I never felt an outcast before until this afternoon. Parang nanadya kasi eh... Pero kinakatwiran ko pa din sa isip ko na dapat ko ngang ikatuwa na mas okay na hindi nga kami mag-usap. Hmn.. pero nakakainis pa din kasi. Hindi tuloy ako matunawan. Kaya pagkatapos ng tanghalian at pahinga hanggang magpaalam ang mga trabahador ay umakyat na din ako sa kwarto ko at nahiga kahit busog pa 'ko. Nakatingala sa kisame at walang maisip na gawin sa hapong ito. Pero kahit ano naman kasing pwedeng gawin sa bahay ay may posibilidad na makasalubong ko si Rion at ayoko pa lalo na at naiinis pa 'ko. Narinig ko ang pag-ugong ng vibration ng phone ko sa side table pero hindi ko 'yon pinansin. Nang tumunog na naman iyon tanda na may pangalawang message ay nag-effort na 'kong lingunin ang nage-eskandalong Iphone pero hindi ako umalis sa pagkakahiga. Patamad kong inabot iyon. Pag promo message na naman ito galing sa network ng postpaid ko ay magpapalit na 'ko, naku! Napakunot-noo ako nang makitang sa same number 'yon na ginamit ni Rion kaninang umaga. Yep, wala akong balak i-save ang number niya kaya wala pang contact name na rumehistro sa screen. In-open ko ang message at major kunot-noo na talaga ang ginagawa ko. -HOW'S YOUR ARM?- At ang second message, -YOUR KNEE?- Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman pagkabasa sa message kaya hindi ko na nga ita-try na alamin. Ngayon ko lang din naman naalala na nahulog ako sa balon noong isang araw. Inunat ko ang braso ko at tinaas ang tuhod ko. May konting kirot pa pero okay na 'ko totally. Ni hindi ko nga ininda iyon kaninang umaga. Pano ko ba naman maalala eh kung anu-anong iniisip ko. My mind overpowered my body. Ang dapat na kinukumusta ko ay ang isip at puso ko di ba? Pero dahil ayoko ngang malaman pa ay wag na lang. Mas gusto ko pang maramdaman ang sakit ng katawan ko kesa intindihin ang mga nag-uunahan sa isip ko at mga lintek na nararamdaman ko. Pero hindi nga ganoon ang nangyayari ngayon. Haay... Binalik ko ang phone at nagpasyang wag magreply. Bakit ko naman kasi siya bibigyan ng update, aber? Pero muling nag-eskandalo ang phone ko at call ringtone ang naririnig ko. Nang silipin ko ang screen ay number ni Rion. What the--! Hindi ko sinagot at hinayaan ko lang na matapos ang ringtone. I tried to sleep but I shot my eyes open when I remembered Rion's habit. Baka pumunta iyon dito sa kwarto ko! Kung hindi pa nawawala ang habit niya na iyon ay malamang na pupunta siya dito malaman lamang ang sagot sa tanong nya. Naiinis kong hinagip ang phone at mabilis na nag-type ng reply. -Fine- Naghanap ako ng emoji na iinsert pero nagbago ang isip ko at mabilis na sinend ang message ko. Imbes na ipatong sa side table ay pinasok ko na iyon sa drawer niyon. Pero hindi ko pa man naisasara ang drawer ay may message alert na agad. I rolled my eyes. -K- I rolled my eyes. Again. ***************** "Your friends are getting married, hija." Napatigil ako sa pagsunod sa marahang paglalakad ni Lolo sa paligid ng villa. Pagkatapos kong itulog ang buong tanghali ay si Lolo na lang ang binarkada ko. Tutal narinig kong umalis si Rion. Kung saan nagpunta hindi ko alam at hindi rin nabanggit ni Lolo. Kung ayaw niya 'kong isama sa mga lakad niya sa pag-aasikaso sa fiesta, fine. Nilingon ko si Lolo. "Lucky for them." Napangiti ako. "Dati, akala ko ikaw ang mauuna..." And the old man laughs weakly. Napailing ako. Sa loob ng ilang taon kapag dinadalaw ko siya, hindi pwedeng lilipas ang araw na hindi siya nagbibiro ng tungkol samin ni Rion. Lolo is the biggest fan of our love team. Ang nag-iisa at natitirang umaasa na magkaka-ayos pa kami. Sa tingin ko, mas malaki pa ang pananampalataya ni Lolo kesa sa akin noong mga panahong mahal na mahal ko pa si Rion. Humantong kami ni Lolo sa ilalim ng puno ng mangga at umupo ako sa malaking sanga doon paharap kay Lolo. I looked at him. How I wish that his strength is still the same as bull. Pero sobrang tanda na ni Lolo. Kailangan na nyang mag-tungkod kapag gusto niyang mamasyal sa hacienda dahil mabilis na siyang mapagod. But I'm glad dahil hindi naman nagkakasakit si Lolo. Ang panghihina ay dala lang talaga ng katandaan. "Rion still loves you, hija." Inabot niya ang mga kamay ko at ngumiti. Ngumiti lang din ako. Ayoko ng makipagtalo sa kanya o kontrahin siya, pinagbibigyan ko na lang siya. "When I die..." panimula niya ulit. And dying is not my favorite topic. Hindi ko kaya kung siya ang mawawala sakin. Kaya hindi ko tinago ang pagsimangot ko sa kanya. "I will make an addendum to my last will that Rion has to marry you before he inherits his share." We both laughed. It was our private joke. At hindi yata napapagod si Lolo na ulitin yon kapag dumadalaw ako at napupunta kami sa topic ng walang kamatayang love team namin ni Rion. "Poor you, Lolo. Because Rion won't be threatened about your last will, why he's a lot richer than you now." Napatawa din si Lolo. "But he has to do that. Hindi niya kayang ibalewala ang mga pinaghirapan kong barya." Napailing na lang ulit ako. "If you die and you made that ridiculous statement, lalo lang akong magiging pinaka-nakakaawang nilalang sa mundo. Mawawala ka na nga tapos mapapakasal pa 'ko sa kanya na ang rason lang ay dahil sa last testament mo, don't do that to this pretty girl, please." Nangingiti kong sabi. "So Rion has to marry you before I die and that will be soon," Lolo said hopefully. Pinilit kong panatilihin ang ngiti sa mukha ko pero ang paningin ko naman ay naglalakbay na sa malayo. Sinabi na rin yan ni Lolo dati. It didn't came soon. Dahil lumipas na ang pitong taon. And the soon will never ever come. I'm just indulging the old man to this conversation. Kung ito lang ang makakapagpasaya sa kanya... Kung kaya ko lang sanang alalahanin at i-share kay Lolo na minsan ay nagpakasal na kami ni Rion sa ilalim ng panghapong araw. Na nangako na siya dati sakin... Pero malabo na sa alaala ko. At lalo ko lang bibigyan si Lolo ng dahilan na mangarap para saming dalawa... "Bumalik na tayo sa bahay, Lo. Pagabi na." "I'm telling you hija, the marriage will be soon." Si Lolo na ayaw paawat. "Marriage agad, Lo? Hindi ba pwedeng kiss and make-up muna?" Pabirong sabi ko sa kanya habang inaalalayan siya katulong ang nurse nito na makaupo sa wheelchair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD