Dollar's POV
Imbes na higupin ang kape ay nakipagtitigan muna ako doon. At napakunot-noo dahil imbes na purihin sa isip kung gaano kabango ang aroma niyon ay ang pagkawala ni Rion ang naisip ko.
Hindi namin siya kasabay na nag-dinner kagabi. At malamang na hindi rin siya umuwi dahil wala pa ang isang sasakyan niya.
Napakunot-noo ako ulit at nagkunwari sa sarili ko na hindi ko inisip ang lahat ng 'yon.
Hinigop ko ang lumalamig ng kape habang marahang nagduduyan dito sa swing sa likod ng bahay.
It was a cold morning. May mga hamog pa sa mga halaman at may fog pa akong natatanaw sa bundok na ang malaking bahagi ay pag-aari rin ng mga Flaviejo.
Nang maisip ko ang bundok ay may pilit na lumilitaw sa isip ko na isang bagay... Ang mga puno... Ang tree h---
Bigla akong nay narinig na kung ano. Pinigil ko maski ang paghinga ko para mapakinggan ang lumalapit na tunog.
Hmn... Ugong ng sasakyan...!
Tumayo ako mula sa duyan at mabilis na naglakad papunta sa garahe kesehodang lumiligwak ang kapeng hawak ko.
Hindi nga ako nagkamali, sasakyan nga base sa headlights na nakikita ko. Pinilit kong magtago sa isang gilid ng garahe na ang humaharang lamang sa labas ay mga halaman.
Pero nang lumalapit na ang sasakyan ay lumabas na din ako sa pagtatago dahil bukod sa nangangati na ako ay nakilala ko din kung kaninong sasakyan ang dumating.
Tss!
Tumigil ang Nissan Murano sa isa sa mga bakanteng spot at hindi pa tuluyang namamatay ang makina ay bumaba na ang reyna ng lagim.
"You looked disappointed." Sarkastikong sabi ni Shamari na hindi tumitingin sa akin at dire-diretsong gumilid sa sasakyan at nagmura.
Napangiwi ako. Feeling at home talaga siya sa presensya ko. Dahil sa paligid ko lang naman nagmumura ang napaka-composed na si Shamari.
Naki-usisa ako sa tinitingnan niya sa gilid ng sasakyan niya at napa-Oh nang makita ang mahabang gasgas ng kotse niya.
Déjà vu!
Nagasgasan na din dati ang kotse niya! Ano ba naman kasing ginagawa ni Shamari sa kalsada at lage nang ganoon ang inaabot ng kawawang sasakyan?
Tinampal ni Shamari ang kotse at doon ko nakita ang kumikinang sa daliri niya.
"Oh... no..."
"What?"Shamari snapped at me.
Lumapit ako sa kanya at pinatong ang kape sa hood ng kotse at inabot ang kaliwang kamay niya at itinaas.
Hindi niya binawi iyon at kahit sa kamay niya ako nakatingin at hindi sa mukha niya ay nakita ko pa din kung paano umikot ang nga mata niya.
"Is this a diamond engagement ring?" Mangha kong tanong.
"You always ask the obvious, Dollar."
"P-Pero paano? Kanino? Oh no! No no no! Not Zilv!" Genuine ang panghihilakbot ko.
Pero si Shamari ay tumalim lang ang mga mata nang banggitin ko ang pangalan ng lalakeng naisip ko na wala sa katinuan na mag-aalok ng kasal kay Shamari. Yeah, Zilv is a brother and I love him pero sasabihin ko pa ding wala siya sa katinuan kung inalok niya nga ng kasal si Shamari.
"Not that man!"Sigaw niya at sinipa naman ang gulong ng sasakyan.
"The who? The man-who-must-not-be-named?" Clueless ako pero medyo nakahinga ng maluwag nang malamang hindi si tatay Zilv.
"Drake."Balewala niyang sabi at nasa mukha pa din ang inis.
Lalo akong nanghilakbot at narinig ni Shamari ang pagsinghap ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "What? I'm engaged to Drake so what?"
Ang taray talaga ng lola mo.
"Your on-and-off-boyfriend?"
She rolled her eyes.
Kay Shamari mismo nanggaling ang salitang 'on-and-off-boyfriend' nang minsang tanungin ko siya sa pasulpot-sulpot na presensya ni Drake, isang respetadong businessman, mayaman, maginoo, ang tipo ng lalake ni Shamari at nababagay din sa kanya dahil boring sila pareho. That was my opinion na sinabi ko mismo sa kanya pagkatapos na pagkatapos ng unang pagkakataon na ma-meet ko si Drake. At wala namang violent reaction si Shamari sa sinabi kong boring sila at ang relasyon nila. I probably hit a nerve. At kapag sinabi ni Shamari na on-and-off-boyfriend, ibig sabihin ay wala siyang pakialam kung magkabalikan o sumulpot man o maunang makipagbati si Drake mula sa mga away na pupusta ako na si Shamari ang nagpasimula. The rocky relationship is not Drake's fault. It was Shamari's. Ang kasalanan lang ni Drake ay minamahal nito ang girlfriend na mas marami pang lamay na na-attend-an kesa sa date nila.
"Bakit mo tinanggap ang proposal niya? Sasaktan mo lang lalo iyong tao!" Concerned talaga ako, hindi para kay Shamari but for the poor guy.
"Who told you that I already accepted it?"
"Bakit suot mo ang engagement ring?"
"Ipinilit niya, sa harap ng mga magulang niya, hindi ako sumagot! But next thing I knew nagkakasiyahan na sa paligid!"
Hmn... Something is wrong and missing. May hindi siya nasabi sa akin. Pero ano pa nga ba, may pagkamasikreto siya. Nakapagtataka kasi na naging sunud-sunuran si Shamari sa sitwasyon. Kung kasama niya ako ay hindi ako magugulat na ipapahiya niya si Drake at magwo-walk out siya nang nakataas ang noo. Hmn... something must be missing in the scene.
"So bakit mo nga suot pa ang singsing kung ayaw mo pala?"
"Sinabi ko bang ayaw ko?"
"What?!" Ang g**o ah.
"Tss... mind your own business, Dollar, we have our own fuckedupness to deal with."
Tameme ako. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang sitwasyon ko. Wala nga naman akong karapatang kontrahin siya dahil kasinggulo din ng buhok ko sa umaga ang sitwasyon at nararamdaman ko ngayon. Pero kasi, sino pa ba ang makikisawsaw sa buhay ng may buhay kundi kami rin lang dalawa?
"Okay, one more thing, ano ang nangyari sa kotse mo?"
"Asking the obvious again!" Lalong uminit ang ulo ni Shamaw.
"Sino ang may gawa niyan?" Tanong ko ulit.
Akala ko hindi ako sasagutin ni Shamari dahil papasok na siya sa kabahayan pero narinig ko pa din ang pabulong na sinigaw niya.
"Macario!"
As expected. Surname 'yon ni tatay Zilv.
Hmn... Shamari got engaged the other night. At ngayon ay may gasgas ang kotse niya. There seems an unhappy man in the background.
Tama talaga si Lolo, my friends are getting married.
******************
"How are you and Rion?" Tanong ni Shamari at marahang binaba ang mug ng kape.
"Mind your own business, Shamari we have our own fuckedupness to deal with." Gaya ko sa kaninang sinabi niya atsaka sinubo ng malaki ang nag-uumapaw na kutsara na may kanin, tapa at itlog habang nagduduling-dulingan.
Shamari uttered something in disgust. At napangiti ako habang ngumunguya, pinabukol ko pa ang mga pisngi ko. Irritating her is my favorite habit. At way na rin ng pagganti ko. Dahil alam ko namang kaya niya ako niyayang mag-almusal pagkatapos ko siyang sundan kanina at usisain ng walang humpay ay dahil iniisip niyang kapag kumakain lang ako tahimik. Tahimik naman nga ako but that doesn't stop me to make my most favorite frenemy mad and disgusted.
"Gusto kong malaman para hindi ako magugulat sa mga masasaksihan kong kadramahan ninyong dalawa sa mga susunod na araw na nandito ako."
"Hindi mo naman kasi kailangan masaksihan, Shaw. Pumikit ka na lang, medyo private din kasi eh, hehehe!" Napangisi ako.
"Ano nga?" Pilit niya, hawak ang mug na parang handang ipukpok sakin.
"Kindly be informed that Rion and I reunited and we'll be having a press release about it. Charing!" Panloloko ko pa din.
Bumuntong-hininga siya at hindi na nagpilit, senyales na nauubusan na siya ng pasensya.
Uminom ako ng tubig at pinilit na magseryoso. "Well, textmate na kami ngayon."at nagkibit ako ng balikat.
Tiningnan ako ni Shamari at kinukumpirma kung seryoso nga ako. "What? Kung kelan pa kayo tumanda ay saka pa kayo naging textmate? At ang babaeng nagmo-move ay ka-text ang lalakeng dahilan ng pagmo-move on niya?"
Napatawa ako sa pinapamukha niyang katangahan ko. Ayoko siyang kontrahin dahil baka lumipad na talaga ang mug. Baluktot naman talaga ang mga pangyayari. Ewan ko nga ba. Pero pinilit ko pa ding magpaliwanag.
"Siya naman ang nauna ah! Atsaka hindi kami nagpapalitan ng love quotes no, tungkol sa pagpe-prepare sa fiesta ang pinag-uusapan namin sa text." Inalala ko kung meron nga ba kaming palitan ng text tungkol sa seryosong pagtutulungan para sa fiesta. Hmn... parang wala. Ang malinaw sakin ay ang pagkapahiya ko kahapon na nahuli niya akong inaabangan ang text niya. Hindi ko na sasabihin iyon kay Shamari dahil lalaitin na naman niya 'ko.
"As if, walang organizer para sa fiesta." Bulong ni Shamari.
Nagkibit ako ng balikat. "Since nandito ka na, ikaw na mag-assist sa kapatid mo, moral support na lang ako."
"No ikaw na lang, may aasikasuhin din ako. Bahala kayong gamitin ang fiesta na dahilan para mag-patintero kayo."
Again, pinilit kong hindi sumagot. Pero hindi ko mapigilang hindi umalma. "Siya nga ang nauna." Sabi ko na lang habang nginunguya nang may tunog ang tapa.
"So anong balak mo ngayon?" Pag-iiba ni Shamari ng topic. Pero kahit ano naman kasing topic na simulan niya ay hindi ko gusto. Lalo na't ang pupuntahan noon ay ang pagsisiwalat ng walang direksyon kong buhay.
"Saan?"
"Sa buhay mo. Anong balak mong pasukin ngayon. Anong trabaho ang gagawin mo pagkatapos mong iwan basta ang pagmomodelo?" Wala sa mukha ni Shamari na interesado siyang malaman. Siguro alam niya din ang sagot.
"Wala. Hindi muna ako magtatrabaho." Medyo proud kong sagot.
"How irresponsible." Nadidismaya niyang sabi.
"Nagmo-move on nga kasi ako di ba? Mahirap din kayang trabaho iyon." Proud na proud kong pahayag.
Napailing-iling na lang si Shamari at tinapos ang pagkain na hindi na ako kinibo.
*****************
Dahil ayaw daw ni Shamari ng istorbo sa buong maghapon at dahil nakakaumay din namang makita ang madilim na aura niya, naisipan ko na lang lumabas ng villa at pumunta sa bayan.
Nakalabas na 'ko sa property ng mga Flaviejo at matiwasay na nagmamaneho nang maisipan ko na pagkakataon ko ng tumakas at bumalik sa bahay namin dahil wala si Rion...
Ilang minuto ding lumutang iyon sa isip ko.
At pagkatapos ng ilang beses kong pagliko sa kurbado at matarik na daan na dati kong nilalakaran ay d-in-ismiss ko na ang ideya.
Masyado namang kaartehan kung gagawin ko iyon. Isa pa ay hiniling ni Lolo na tumigil muna ako at ayoko namang bigyan siya ng alalahanin. Isa pa ulit, nandyan si Shamari na pwedeng maging source ng entertainment ko. Yup, those are the reasons. Walang kinalaman ang presensya ni Rion.
Napanguso ako at inirapan ang Iphone na nasa dashboard.
****************
Pagkatapos kong magdasal sa harap ng puntod ng mga magulang ko ay sandali pa 'kong tumayo doon.
Umuusal ng paghingi ng tawad sa mga ito dahil nahihiya ako na malaman nila sa langit na ang nag-iisa nilang magandang anak ay walang balak ngayong gawin sa buhay niya.
Irresponsible daw sabi ni Shamari. Totoo naman.
Napabuntong-hininga ako at umusal ng pamamaalam sa mga ito. Nangako na sa susunod na pagdalaw ko ay may magandang balita na 'ko na makukwento sa kanila.
Sasakay na sana ako sa kotse ko nang malingunan ko ang isang babaeng naglalakad sa direksyon ng puntod ng mga magulang ko.
Kahit nakatalikod ay sigurado akong hindi ko siya kilala na isa sa mga kaibigan ng mga magulang ko. The woman must be in her late forties, petite and glamorous, kahit pa nga simple lang ang yari ng dress nito.
There was a nagging feeling that I've met the woman before. Hindi ko lang maalala kung saan lalo pa't hindi ko nga nakita ang mukha niya.
Napakibit-balikat na lang ako at tuluyang pumasok sa sasakyan. Baka naman hindi sa puntod ng mga magulang ko ang pupuntahan niya. Baka lalagpas lang siya at sa southern part pa ng memorial park ang pupuntahan niya.
*****************
Kahit medyo umaambon ng konti ay pinasya ko pa ding maglakad-lakad sa plaza sa bayan, with my knee length coat with hood.
Kahit papaano ay naaliw naman ako sa pagmamasid sa mga stalls ng iba't ibang paninda na lalong dumami lalo na at malapit na ang fiesta. Pagkatapos kong bumili ng sapin-sapin para pasalubong kay Shamari at Lolo ay naglakad naman ako sa tahimik na parte ng plaza kung saan din located ang mga kilalang kainan at coffee shops.
Napangiti ako nang maalala ko ang ang kabataan namin ni Moises dahil kung hindi kami laman ng gubat dati ay laman naman kami ng lansangan.
Huminto ako saglit at pinagpipiliian kung anong papasukin ko at bibilhing inumin.
"Miss Dollar?!"
Lilingunin ko na sana ang tumawag sakin nang bigla akong matigilan sa nahagip ng paningin ko sa loob ng Charonte coffee bar...
Oh...
Pakiramdam ko ay biglang nagdilim ang buong paligid at ang spot light ay nakatutok lang sakin. Ang ambon lay naging ulan pero sakin lang bumubuhos...
I suddenly felt cold. And numb.
Alam ko namang may ugnayan ang dalawang taong nakikita ko sa loob na magkaharap na nakaupo at nagka-kape. Sinabi mismo iyon ni N-Nyssa...
That she and Rion have been together for years now... Pero ang makita silang magkasama...
Kaya ba hindi siya umuwi kagabi? Kapag wala ba sa villa si Rion ay kay Nyssa siya pumupunta? Surely, it wasn't my damn business.
But...
"Miss Dollar?"
"Y-Yes...?" Wala sa sariling napalingon ako sa tumawag. Nagpapasalamat na inagaw niyon ang atensyon ko sa nakita.
Tinungo ko ang dalawang dalagitang nanlaki ang mga mata nang lingunin ko. At sandaling nagsikuhan nahihiya sigurong sabihin ang gusto.
"P-Pwede pong magpa-picture?"
Napangiti ako. "Sure."
Strange. Hindi naman pala umuulan at hindi naman madilim ang paligid. Katunayan ay humihina na ang ambon at sumisikat na ng maganda ang araw at dumadami na ang mga taong namamasyal sa plaza.
Naka-ilang shots ang magkaibigan bago natutuwang nagpasalamat at nagpaalam. Pero nasundan pa iyon nang lumapit ang ilang mga nakakilala sa akin. I obliged to all of them.
Iniiwasang mapadako ang tingin sa loob ng coffee shop kung saan kami nakaharap habang nagpapakuha ng picture. Totoong ngiti ang binigay ko sa harap ng iba't ibang camera. I gave all of them my signature smize.
Nang humupa ang tao ay nagpaalam na ako at binilisan ang paglalakad pabalik sa parking. Tuluyang kinalimutan ang pagbili ng inumin at ang nakita kanina.
**************
Rion's POV
Having Dollar around is too much. And having her around without the right to talk to her is making me insane.
Well, pitong taon ko din siyang hindi nakausap at ganoon na din ako katagal na wala sa katinuan. Pero ngayong nasa paligid lang siya ay lalo lang dumoble ang kaguluhan sa sistema ko. The price I'm paying...
Umusal ako ng mahinang pasasalamat nang ibaba ng crew ang in-order kong kape. Pero sa halip na damputin iyon ay ang mobile na nasa ibabaw din ng lamesa ang kinuha ko at nag-tap para lumabas ang numero ni Dollar.
Wala akong naiisip na sabihin kung sakali mang sagutin niya. Everything is set for the fiesta at may mga organizers namang dati nang nag-aasikaso niyon at ang ibibigay ko lang ay opinyon at pagpayag ko sa mga bagay-bagay. Pero kahit naman may dahilan na mapag-usapan kami tungkol sa fiesta ay hindi iyon mahalaga. Marinig lang ang boses niya ang importante...
Muli kong nakipagtitigan sa numero.
Just a tap on the call button and I'm sure I'll be holding my breath for anticipation if she'll pick up or not.
Pero bago ko pa man maigalaw ang daliri ko ay may kumilos sa harapan ko at naupo sa katapat kong upuan.
I turned off the screen of my phone and didn't hide my dim expression at the woman.
"I miss you," Nyssa whispered seductively.
Like I care.
At humigop ako ng kape.
Hindi ako nag-abalang tanungin siya kung bakit siya nasa Flaviejo. The woman has stalking tendencies even before.
At ayoko mang umalis kagabi sa villa at matulog sa sarili kong bahay na nasa dulo ng bayan ay isa siya sa mga dahilan. Nalaman ko na darating siya ngayong umaga. At kung ako ang una niyang lalapitan ay mas mabuti nang wala ako sa mansyon at malayo kay Dollar.
"Hindi mo ba 'ko iimbitahan sa villa nyo? O... sa sariling bahay mo kaya?"
I pretended not to hear her.
Nang mapalingon ako sa labas ng coffee shop ay napakunot-noo ako sa nakita.
"Sabagay... makakapasok din naman ako sa villa sa fiesta. I'm still your employee after all."
Dollar...
She's smiling at the camera like in a real photoshoot. And it's mesmerizing...
Ilang araw na kaming magkasama sa bahay at hindi ko pa nakikita ang ngiti niya ng personal. Not when I'm around. And again that was expected.
I was alarmed when I saw the mounting people around her. Nag-aalala sa kaligtasan niya.
Pero mayamaya lamang ay magalang at nakangiti siyang nagpaalam sa mga tao. And walked gracefully away from them. Away from me...
Hinila ko ang paningin mula sa labas ng glass wall pabalik sa lumalamig na kape.
"She'll be out of the modeling scene soon, Rion at ako ang papalit sa lahat ng iiwanan niya." I don't need to see the disgusted and envious look on Nyssa's face. Nasa tono at paraan ng pagsasabi niya iyon.
That reminds me na kailangan kong kausapin si Shamari. My hell of a sister just made an insane offer to Nyssa despite my disagreement. At dahil lang sa gusto ni Shamari na magalit at bumalik si Dollar sa kompanya nito. But she failed. Dahil ang pagbabalik na 'to ni Dollar at mga pinaggagawa niya ay ebidensya na hindi niya minasama kung sinuman ang pumalit sa kanya. Pero ang bluff ni Shamari sa pagkuha kay Nyssa ay tinuloy pa din niya para naman ako ang bigyan ng sakit ng ulo.
But what will be Dollar's plan after quitting her job? If only I can ask her that...
I exhaled and eyed Nyssa.
"Even Dollar doesn't care whoever succeeded her, why should I?"
Ang sinabi kong iyon ay hindi madaling tanggapin ng taong katulad ni Nyssa. At hindi ako magugulat kung anumang sandali ay ilalabas niya ang galit sa mga mata niya sa pamamagitan ng pagwawala.
"You're mine, Rion." She whispered in controlled anger. At pagkatapos akong tingnan ng matagal ay tumayo na at lumabas ng coffee shop.
Ilang minuto ang pinalipas ko bago tumayo at nag-iwan ng bills sa lamesa.
Naglakad ako at humalo sa maraming taong namamasyal sa plaza.
Uncaring if it is raining.
How could she think that I can be possessed by anyone?
I've created my fate some years ago. Na pinagbabayaran ko ngayon...
I'm still the Jaguar.
The solitary beast...