Dollar's POV
I stepped out of the shower and covered my body with a towel. Konting punas at hinayaan ko nang tumutulo ang tubig sa buhok at katawan ko.
Nang makalabas ako ng banyo ay nilakasan ko pa ang volume ng radyo at umiindayog ng konti habang namimili ng susuotin sa walk-in closet ko.
Then there came a knock on the door.
Nabitin sa ere ang tinitingnan kong sleeveless tops at lumingon ako sa direksyon ng pintuan. I counted one to three to confirm who's behind the door. At narinig ko uli ang katok kaya na-siguro ko na si Shamari ang nasa labas. Kailangan ko pa bang sabihin na si Shamari ang babaeng de-numero yata ang kilos? Kaya ayoko mang ma-memorize ang mga habits niya ay kusa kong na-aabsorb sa tagal naming nagsama sa trabaho.
Inayos ko ang pagka-ipit ng twalya sa katawan ko at binuksan ang pinto.
"Whuuut?" Tinatamad kong tanong sa kanya. After yesterday, nawalan ako ng ganang makipag-usap sa mga tao sa bahay. Except for Lolo na hindi rin naman masyadong lumalabas ng kwarto niya.
Binigyan muna ako ng disapproving look ni Shamari. "Alam mo bang ilang kwarto lang ang pagitan ninyo ni Rion?"
Binusangot ko ang mukha ko, and gave her the look that says 'So what?'
Ginaya ko ang pagko-cross arms niya. "Ano bang pakay mo my-never-to-be-sister-in-law?"
Hindi siya sumagot at may mahinang sinipa sa sahig na kung ano kaya napasunod doon ang tingin ko.
And I gasped!
"Anong... ginagawa dito niyan?"
Ang chest na nahulog sa balon!
"Paanong..."
Nag-uunahan ang mga gusto kong itanong sa kanya. Lumuhod ako at hinawakan ang kahon na kahoy na parang nawalang gamit na ang tagal kong hinanap. Weird. Dahil ako mismo ang nagtapon nito. I shouldn't be missing the craps inside. Yeah, they're only craps now.
Tiningala ko si Shamari.
"Found it inside my property kaya binabalik ko sayo."
Naguluhan ako. "Sinabi ko bang ibalik mo sakin? T-Teka anong property ang sinasabi mo?"
Shamari rolled her eyes. At sandaling tinitigan ako na parang pinag-iisipan kung dapat nga bang sabihin sakin ang nasa isip niya.
"Matagal ko ng nabili ang lupa sa likod ng University kung nasaan ang wooden bleachers." Balewala niyang sabi.
That is news.
"Okay..." iyon lang ang nasabi ko at tinungo ulit ang kahon. Still feeling weird by just looking at the chest. "Eh bakit pa kailangang ibalik mo 'to sa akin? Hindi ba pwedeng hayaan na lang natin ito doon?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya pero namimilog ang mga mata ko na nakikiusap sa kanya.
Pero ginantihan lang din ako ni Shamari ng pandidilat. "I told you it's my property, at ayoko ng kung anu-anong nandoon! I'm preserving the tranquility of the place at walang puwang ang mga kadramahan mo sa lupain ko!"
Ang harsh... Typical of her.
Napakamot ako sa ulo. "Oo na nga." Hinila ko ang mabigat na chest papasok sa kwarto bago pa mapadaan at makita ni Rion iyon. At syempre hindi man lang ako tinulungan ni Shamari.
Nang makalagpas sa pintuan ang chest ay hinarap ko ang reyna ng lagim.
"Kapag nalaman ko pang pumunta ka doon, kakasuhan na kita ng trespassing." Poker face si Shamari, di ko alam kung nagbibiro o ano, pero malamang hindi.
"Oo na po." Itataboy ko na sana siya nang may maalala akong itanong. "Matanong ko lang... bakit mo binili ang lupang iyon?"
Base sa pagkakakilala ko kay Shamari, alam kong marunong siyang pumili ng good investment, so why an abandoned piece of land far from road? O may mga moments ba siyang iniingatan doon?
Mukhang pinag-isipan na ulit ni Shamari kung sasagutin ang tanong ko. Pero sa huli ay nag-roll eyes din. "It's my first purchase when we were still in college. Inunahan ko si Rion na bilhin ang lupang iyon dahil alam kong bibilhin niya iyon mula sakin kahit mas mahal pa."
I can't believe them... Lupa ang pinag-uusapan namin right? Bakit may pag-uunahang nangyari na akala mo ay simpleng gamit lang ang bibilhin? They must really be that rich even when we were still teenagers.
But I can't deny the underlying thought that Rion really wanted to buy that land. Bakit? Good investment din ba para sa kanya? O may mga iniingatan din siyang alaala?
Iniwas ko ang tingin ko kay Shamari bago pa niya mabasa ang iniisip ko at pinilit kong maging masigla.
"So... is your land still up for sale?" Tanong ko kahit hindi naman ako interesadong bilhin iyon. Not because of financial issues but I just can't find a reason to buy the place I intended to forget. Shit... I'm dying to know Rion's reasons.
"Hindi na. Kay Rion ko lang naman gustong ipagbili kung sakali. But since Rion seems not interested anymore..."
I know that Shamari was not being a b***h because there's no sorry look on her face. She's just being honest. And I wanted to thank her for that and for sharing the glimpse of Rion's side now. Pero paano ko magagawa iyon kung gusto ko din siyang sakalin dahil sa sinabi niya na nakapagpa-kapos sa hininga ko.
Wala na bang iniingatang memories si Rion kaya hindi na siya interesado sa lupang iyon. Ang bleachers... Kung saan siya dating nangako sakin...
Napatangu-tango ako at humawak sa hamba ng pinto para makaramdam si Shamari na isasarado ko na at wala na kong balak makipag-usap sa kanya.
"Here."
Mula sa bulsa niya ay inabot niya sakin ang bagay sa palad niya.
Napasimangot ako pero dinampot pa din ang lighter na inaabot niya.
"Kahit saan mo sila dalhin, they would still physically exist, why not try burning them? You're a pyromaniac, right?"
Kunsintidor.
"Sige na, ba-bye." At sinarado ko ang pintuan.
Ilang minuto akong nakipagtitigan sa kahon bago naupo sa ibabaw niyon at sumandal sa dingding, hindi inintindi kung lumaylay na at nawala sa pagkaipit ang twalya. Half of my upper body is exposing. Ang basang buhok na hindi pa nasusuklay ay magulo at buhol-buhol pa na nakalaylay sa balikat ko. My face bare from make-up seems too pale now. That was my reflection in the mirror from across the room.
Pinasindi ko ang lighter at tinitigan ang apoy niyon.
Right... bakit nga ba hindi ko unang naisip na sunugin na lang ang mga gamit na 'to? Hindi ba dapat iyon ang una kong ginawa katulad ng mga nasa pelikula? Katulad ng ibang taong broken-hearted at ayaw ng balikan ang mga alaala? Lalo pa't hindi ko lang habit kundi sakit ko na ang pagiging pyromaniac. But why can't I make myself burn these craps?
I wish I can burn myself. I wish I am a phoenix that after burning myself, I will be reborn from fire.
I exhaled.
Shamari really knows how to ruin my day.
***************
"Oh, look who has a date now." Shamari tried hard to sound like she was joking.
Pero alam kong half-biro at half-insulto 'yon. Hindi ko pinansin ang bruha at bumaba na ng hagdan.
This is not a date! Damn.
Naramdaman kong sumabay din sa pagbaba si Shamari. And she's humming a song about reconciliation. Kung hindi ba naman talaga nang-iinis.
Dahan-dahan ko siyang nilingon sa naniningkit na mata. "Hindi 'to date." Nanggigigil kong bulong.
"Okay..." Kibit-balikat niya pero obvious pa din na hindi naniniwala.
"Narinig mo si Lolo di ba? Kailangan naming puntahan si Father Insha para personal na mag-request ng misa dito sa fiesta."
"Yeah... pero hindi sinabi ni Lolo na kailangan mong mag-bestida at mag-braid ng buhok."
"Ha! Ano bang pakelam mo sa get-up ko? Mas gusto mo bang basta na lang ako pumorma? Inaalagaan ko ang reputasyon ko at pati din ng kompanya mo." At binilisan ko ang pagbaba ng hagdan para hindi siya makasabay.
I swear, bago lumagay sa tahimik si Shamari, guguluhin ko muna ang buhay niya one of these days, makaganti lang.
Nang pumasok ako sa garahe ay nakita ko si Rion sa tabi ng sasakyan. In a moss green polo shirt, khaki pants, and leather sandals. I never saw a man who's as relaxed as the color of what he is wearing.
Nang ilang hakbang na ako ay binuksan niya ang pinto ng passenger seat.
How polite.
Naalala ko tuloy noong nasa isla kami at hindi ako magkaintindihan sa pagpasok sa sasakyan niya. I suddenly erased those silly memories. Today, it will be just another ordinary scene in a car with him. Kailangang maging normal.
Pinigilan kong huminga nang dadaan ako sa harap niya dahil hawak pa din niya ang nakabukas na pinto ng sasakyan. But I forget the idea. Rion will surely notice. Huminga ako ng normal, sumakay ng normal, walang pagmamadali and very poised like a celebrity I was.
Hmn. Same scent, same nearness just like seven years ago when he wants to open the car door for his powerpuff.
Matiwasay akong nakaupo bago pa mapunta ang isip ko sa taniman ng amplaya.
Wala ring pagmamadaling umikot si Rion at umupo sa driver's seat. Nagkabit ng seatbelt at pinaandar ang sasakyan. All in swift movements. Parang normal lang, walang problemang iniisip, parang ordinaryong tagpo na ang ganito. But a glance or two at my direction gave away that he's not completely oblivious to my presence.
Of course wala akong balak magsimula ng usapan.
Ilang minuto na kaming nasa highway nang magulat pa ako nang magsalita siya. "H-Ha?" Lumingon ako sa kanya, iniisip na baka gawa-gawa lang ng isip ko ang narinig.
"I said we can stop by at a fast food so you can have your breakfast."
I was processing his sentence for two minutes. Akala siguro ni Rion ay hindi na ako sasagot. "'Wag na."
And so we're talking now ha? Hindi na kami textmate. Pero alangan namang asahan kong ite-text niya pa ako habang nag-da-drive siya? Ah, there is always an exemption to the rule.
Alam niya bang kape lang ang pinaakyat ko sa kwarto ko kaninang umaga dahil nga nagmamadali ako sa pag-aayos nang malaman kong may lakad kami?
And fast food? Another hassle. Uupo pa kami doon at baka maghintay pa ng order and that would be another awkward moment for us.
"Okay." Tumango siya at nag-menor.
Humarap siya sakin at nilapit ang katawan kaya ganoon na lang ang pagsinghap ko, pagsinghap ko na nilunok ko din dahil pinihit ni Rion ang katawan sa likurang upuan at may kung anong kinuha, one hand on the steering wheel.
It just happened in a split second, but his nearness is still causing my nerves to panic.
Umayos si Rion ng pagkaka-upo at marahang pinatong ang brown paper bag sa ibabaw ng mga hita ko.
"If ever you get hungry."
Mula sa pagkaka-maang sa kanya ay tinungo ko at sinilip ang laman ng paper bag, may clubhouse sandwich sa loob.
Ilang minuto kong pinag-isipan kung kukunin ko iyon. Sa totoo lang nagugutom na 'ko at alam ko mayamaya pa ay kukulo na ang sikmura ko. If the offer came from another person, I'll grab it gratefully. But it's from Rion. At may binubuhay siyang alaala. This was also his habit years ago when he's fetching me from our house and he'll drive me to school. Sinisiguro ni Rion na siya ang unang mag-po-provide ng almusal o merienda ko bago si Zilv na dati na ding nagpapabaon sa 'kin ng pagkain. At ipapatong niya ang paper bag sa hita ko para na rin takluban daw ang hita ko na nahahantad dahil umurong ang palda ko sa pagkaka-upo. Then I'll eat the food he personally prepared with all his delight, gutom man ako o hindi.
Ayokong isipin na hindi nawala ang habit na iyon ni Rion, o na sinasadya niya ito, o na concern siya sa kalagayan ng tiyan ko. Because he was never these past years.
Kinuha ko ang clubhouse sandwich. "Thanks." Mahina kong usal bago tahimik na kumain.
Maganda na din 'tong kumakain ako para hindi kami mag-usap.
Nakita ko siyang tumango at lumipat ang kanang kamay mula sa steering wheel papunta sa pagitan ng upuan namin. He pointed to his water tumbler while eyes still fixed on the road, "Water is here."
****************
Sampung minuto lang at pinaparada na ni Rion ang sasakyan sa malawak na parking ng simbahan. Walong minuto ko din yatang kinain ang sandwich, sinadyang bagalan para lang hindi ma-obligang magsalita.
Busog, kuntento at masaya dahil walang kung anong nangyari kaya nangingiti kong nilibot ang paningin sa simbahan.
Dahil weekday at tanghali na kaya siguro mangilan-ngilan lang ang nakikita kong mga tao. Maganda ang panahon at namumulaklak ang mga halamang nasa magkabilang gilid ng malawak na pathway na tumutumbok hanggang sa mataas na hagdanang entrada ng simbahan na yari sa bato ang kalahati at solidong kahoy naman sa ibabaw, ang pinaka-dome ay yari sa salamin ang ilang bahagi kaya maliwanag sa loob. Bukod pa sa walang dingding ang simbahan kundi mga poste lamang kaya maaliwalas dahil sa hanging pumapasok mula sa dagat na matatanaw mula sa mataas na lokasyon ng simbahan.
"Father Insha!"Nilakihan ko ang mga hakbang papunta sa kanya, iniiwasan talagang makasabay sa paglalakad si Rion.
Nilingon ako ni Father at magiliw na ngumiti. The priest is in his mid-fifties. He's on the heavy side. Maputing makintab ang balat, manipis ang buhok na malapit na sa pagkakalbo at maaliwalas ang bukas ng mukha at palangiti. He is known for his wisdom. At pagbibigay ng magandang sermon na hindi nakakaantok.
"Dollar, hija."
B-in-ow ko ang ulo ko at hinintay na lumapat ang palad niya. Rion also did the same thing.
"Magpapalista na ba kayo sa kasal?" Masigla at nakangiti at umaasang tanong ni Father Insha.
Muntik na 'kong masamid sa narinig. Pero mas nakakagulat na automatic kaming nagkatinginan ni Rion. Me with wide eyes, while he seems unamused.
"Ah, n-nandito po kami para imbitahan kayong mag-misa sa rancho..." pag-iwas ko sa tanong.
"Oh! Of course, hija. Naitawag na sa'kin yan ni Don Marionello. Pero mabuti na ding nakapamasyal kayong dalawa." Natutuwang sabi ni Father, parang hindi napansin na hindi sinagot ang birong tanong niya. Pinagsalikop pa ang mga kamay at nakangiting pinagmasdan kaming dalawa.
Ah... that hopeful look.
Habang parang tuwang-tuwa si Father sa view naming dalawa ni Rion na magkasama ay nilingon ko ang lalakeng nasa tabi ko, confirming if he knows what Father Insha just said. Pero wala akong mabasa sa ekspresyon niya, nakapamulsa lang at mukhang relaxed na relaxed sa atmosphere ng simbahan. A dangerous man inside a church...
"Ah ganoon po ba. Oo nga po, mabuti na din pong nakadalaw kami..." Si Lolo talaga, pasimuno. Naitawag niya na pala ang request na magmisa si Father Insha.
Sandali pa kaming nag-kwentuhan at sinagot ang pangungumusta ng masayahing pari. Sumunod ako sa marahang paglalakad niya habang nagsasalita hanggang humantong kami sa unahan ng simbahan kung saan nagpa-practice ang mga choir na mga bata.
Kanina ko pang naramdaman na wala sa tabi namin si Rion at nang mapalingon ako ay nakasandal ang mga kamay niya sa barandilya na tumatanaw sa dagat. Ang bawat poste ng barandilya na paikot sa simbahan ay mga stations of the cross. Sa di kalayuan sa kanya ay may ginang na nakatunghay sa fourth station at parang nagdadasal.
I frowned. The woman is somewhat familiar. Lately, napapansin ko na parang palage kong nakikita ang iisang pigura ginang. Hindi ko naman ma-confirm kung iisang tao nga. Hindi ko naman kasi makita ang mukha niya. Pero ang babae sa exhibit, sa sementeryo noong isang araw at ngayon ay dito sa simbahan ay iisa ang tindig, magkakaiba man ng ayos ng buhok ay parang iisa din ang shape ng mukha.
May significance ba siya sa buhay ko. Sino siya? Does Rion know the old woman?
Gusto ko sanang bumalik sa pwesto ni Rion para mabistahan ang babae pero giniya ako ni Father palapit sa mga bata na natapos ng mag-practice...
*****************
Rion's POV
"I adore your patience, Rion."
Bahagya kong nilingon ang babaeng tumigil sa tapat ng poste ilang dipa ang pagitan sa kinatatayuan ko.
I didn't move when I feel her presence. And neither did she. Mukha lang siyang nagdadasal. Hindi kailangang humarap ako sa kanya para makausap siya nang maayos. Dollar is just nearby and I don't want to introduce her to the woman. At kahit mangyaring lumapit si Dollar ay hindi ko din alam kung paano ko ipapakilala ang dalawa nang hindi nagsisinungaling o nagtatago ng katotohanan, just like what I've been doing all these years.
Gusto kong magalit sa babae. Pero hindi maibabalik ng galit ko sa babae ang mga lumipas na taon sa amin ni Dollar. She may have a big role in what happened to us but I'm still the one to blame.
Hindi ko sinagot ang babae. Alam kong hindi siya pumunta dito para makipag-usap sa akin. She has been tailing Dollar since she resigned.
"Why don't you tell her, Rion?"
Hindi iyon tanong kundi hamon para sa akin. Binalik ko sa kanya ang tanong. "Why don't you tell her first?"
Narinig ko siyang mahinang tumawa at sa gilid ng mga mata ko ay lumingon sa akin. Hinanap ng mga mata ko si Dollar at nang makitang nakatalikod siya sa direksyon namin ay saka ko hinarap ang ginang.
"Rion, kung gusto kong pumasok sa buhay niya ay matagal ko na sanang ginawa. Hindi mo ba naisip na pwede kayong bumalik sa isa't isa at mabuhay nang maayos nang hindi na kailangang makilala niya ako? Anong inaalala mo? Vladimir is dying and I can get hold of Nyssa."
"Yeah... and forever keep the truth from her." I mocked.
Dollar's trust in me played a big role in our relationship. Kahit bata pa lang siya noon ay hindi kailangang maya't maya niya akong i-check kung anu-anong ginagawa o pinupuntahan ko. Hindi ko tinatago o sinasabi sa kanya kung naiinis, nagagalit o anumang emosyon ko, she just know. Dollar knew everything and trusted the things she didn't know about me. At ang sinukli ko sa lahat ng pagtitiwala niyang iyon ay ang limitahan ang pagsasama namin ng isang taon. From the start until the end I lied and hide things from her. The last summer of our relationship was the worst. Tinago ko ang plano kong pag-alis. I left her in pieces without saying goodbyes, without telling her the reasons...
"Sorry, Ma'am, but I've started and ended our relationship with lies and I don't want to rebuild it still with lies," I said coldly.
The woman eyed me thoroughly. "Pero kung ang pagtatago sa kanya ng lihim ang magpapasaya sa kanya, sa 'yo... bakit hindi? Or are you still enjoying yourself in your miseries? You're enjoying yourself seeing her in miseries?" That was said in a control tone of anger.
Napailing ako. "Wala akong balak na ulitin ang pagkakamali ko. So it will either you tell her about you or she learns about you by herself. Don't underestimate her, you are exposing yourself too much, baka mamaya ay ikaw na ang sinusundan niya." Tumalikod ako sa kanya at napahinto din ng tawagin niya.
"You promised me... You promised that you won't tell her about me."
Kiniling ko ang ulo sa direksyon niya, my hands still on my jeans pockets. "I never promised anything to anyone since I live my life like this. As far as I remember, you made sure that I will feel indebted to you. And I am. Wala akong pinangako. But I always remember and I always pay my debt. Me living alone in misery is the proof that I'm paying..."
Tuluyan na 'kong tumalikod at hindi na lumingon ng tawagin niya.
I want to hate the woman. Pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil nakilala ko siya. And I've learned about her when I left the girl I love.
Tumigil ako ilang hakbang mula sa nakatalikod na si Dollar na masayang nakikipag-kwentuhan sa mga bata.
Kung hindi ko sana siya iniwan noon....
"H-Hindi ka pa umaalis? Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagkikita nating 'to, Rion? You ended the deal. At ibig sabihin nito na hindi mo na 'ko iiwan kahit kailan. Now made your promise, Rion..."