Rion's POV
"Do you know her?"
Napigil ako sa pag-start ng sasakyan nang lingunin ako ni Dollar at itanong iyon.
I exhaled and started the engine and backed out of the parking.
Hindi kailangang itanong kung sino ang tinutukoy niya, nalingunan siguro niya kami nang nag-uusap kami.
"Yes."
"You seem to know each other well."
Bulong niya, nasa tinig ang kuryusidad. Pero bago siya pumaling at tumanaw sa labas ng bintana ay nakita ko pa ang dumaang bagabag sa mga mata niya. In her eyes were sadness and confusion from the unknown.
As much as I want us talking now but the topic about the woman could get tricky. Ayokong magsinungaling sa kanya pero ayoko ding ako mismo ang magsabi ng tungkol sa pagkatao ng babae at anong kaugnayan nito sa kanya. Bukod sa ayokong sumira sa salita ko ay wala din akong karapatang ipaalam sa kanya.
"She's a business partner." That is true anyway.
Sandali niya 'kong nilingon. "What's her name?" The emotions were still in her eyes.
And s**t but she looks fragile! Parang wala siyang ideya o wala siyang pakialam na nakikita ko ang kahinaan niya. Parang kung hindi kami mag-uusap ay mahuhulog siya lalo sa malalim na pag-iisip tungkol sa taong wala naman siyang ideya kung sino.
"Miranda." And steal a glance in her direction.
Nakasandal ang siko niya sa bintana while softly biting her knuckle.
Naniningkit ang mga mata na parang may pilit na inaalala. "Are you okay?"
Napalingon siya sa akin na parang ngayon lang naalala na kasama ako kahit kanina pa kaming nag-uusap.
"O-Of course." And she's back in her usual self.
*****************
Dollar's POV
Pinilit kong matulog kahit nasa tabi ko si Rion. Pero ilang minuto na 'kong nakapikit at isang imahe lang ang nakikita ko. Ang likod ng babaeng kausap ni Rion at mahaba at alun-alon nitong buhok...
Paulit-ulit na nagsasalit-salit ang imaheng iyon sa mga lugar na nakita ko siya... sa exhibit, sa sementeryo at kanina sa simbahan.
Hindi ko masyadong pinag-iisipan kung anong kaugnayan ng babae kay Rion nang makita ko silang nag-uusap kanina.
The woman is old enough to be his mother. Pero kahit ngumingiti ang babae kanina ay parang halata na hindi sila magiliw sa isa't isa. Mas parang ilag pa nga si Rion dito.
But who is she aside from her name Miranda and a business partner of Rion?
Bakit parang hindi lang sa tatlong lugar ko siya nakita?
Naramdaman kong nag-menor si Rion nang dumadaan kami sa bayan.
Maraming tao ang naglalakad sa gilid at ang iba ay nakakalat kaya marami ang madalas na tumatawid. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit ito sa bagong bukas na amusement park.
Nang tuluyang ihinto ni Rion ang sasakyan para pagbigyan ang isang buong mag-anak na tumatawid ay lalong tumindi ang kanina ko pang nararamdamang pagkabalisa.
Ayokong ipahalata kay Rion ang nangyayari sa akin. Pero talagang nasu-suffocate ako at may sumisingit sa isip ko na nakapagpapahilo sakin.
I know I need to get out. So I did.
Mabilis kong inabot ang button para i-unlock ang pinto at bago pa makakilos si Rion ay nakababa na agad ako.
"What the-"
"Uuwi na lang akong mag-isa mamaya. I-I'll be fine." I added the last sentence unnecessarily.
"Dollar!"
Of course, I'll be fine.
Gusto ko lang ipayapa ang p*******t ng ulo ko at ayokong makita ako ni Rion sa ganitong sitwasyon. Hindi ko nilingon ang sasakyan niya na naipit na sa gitna ng mataong kalsada ng bayan kasama ang ibang motorista.
Humalo ako sa maraming tao at naglakad sa direksyon na hindi ko alam. I can see everything but my mind is not into them. Nilikuan ang mga makikipot na eskinita pero humahantong pa din ako sa mataong lugar. There must be a big show somewhere. O fieldtrip ba ng mga bata sa bagong amusement park na iyon kaya ang dami nila kasama ang mga magulang nila.
I suddenly felt a pang of deep sadness. Sa mabagal kong paglalakad ay ilang beses akong napapatigil at nafi-fix ang tingin sa kung anong bagay. Na para bang makakakuha ako ng sagot kung saan nanggagaling ang kalungkutan ko sa mga bagay na tinitigan ko.
Sa isang paglingon ko ay nakita ko ang pagtaas ng apoy sa isang barbecue stand. Pero kung gaano kabilis tumaas ang apoy ay ganoon din kabilis nawala. And I almost lost myself in a trance while staring blankly at the fire that quickly vanished. Nang magsalubong kami ng paningin ng matandang lalakeng nagtitinda at tinaas nito ang hawak na barbecue para ialok ay saka ako humakbang paatras at naglakad na naman sa ibang direksyon.
Fire.
Bigla kong naramdaman ang matinding pangangailangan na makakita ng apoy. Hindi ko maintindihan pero sigurado ako na malaki ang koneksyon ng apoy sa mga gumugulo sa utak ko. And it's been a while...
Sa minsan at saglit na pagpikit ko ay muntik pa 'kong matumba nang may mabangga akong teenager na lalake. I uttered 'Sorry' and walked past the group.
Kinapa ko ang bag ko para hanapin ang kanina pang tumutunog kong phone pero iba ang nahawakan ko, hindi ko kailangang makita kung ano iyon. Alam ko ang hugis at maraming beses na naramdaman ko sa daliri ang nakadisenyo sa katawan nito, ang lighter. For seconds I can't take my hand off that thing. The urge is building inside me. Pero nang muling tumunog ang phone ko ay nagawa kong bitiwan ang lighter at nilabas iyon sa bag.
There were five missed calls from Rion's number. Number ni Rion na hindi ko sinave sa phonebook ko. At ang dalawa at huling missed calls ay kay Vaughn.
I dismissed the call logs and typed a message to Vaughn.
***************
Rion's POV
It was only eight in the evening and the amusement park is almost deserted. Konting tao na lang ang nasa paligid na karamihan ay tinutumbok na ang exit ng pasyalan.
Ang karamihan sa mga stalls ay sarado na o kaya ay hindi pa talaga operational dahil bago pa lang ang parke. There were places not properly lit. O sadyang mga poste lang ng main pathwalk ang inilawan tanda na closing time na.
It was my sixth sense especially for Dollar that told me where to look. At sa isang paglingon ko nga ay nakita ko siya... She was silently sitting on one of the corner benches and looking at the sky.
Simula nang umalis ako ay hindi ko na kahit kelan pinaliwanag sa sarili ko ang mga emosyon ko at pinilit ko na lang pakibagayan. But this sight of her really tugged my heart. It was a relief to have found her but it pains me to witness her like this.
Sa maraming ulit ay pinaranas na naman sakin ang kahulugan ng ginawa kong pag- iwan kay Dollar. I forgot how to function earlier when I saw her climbing out of the car as if the very devil is after her. And I f*****g deserve all of this. The price I have to pay...
I am only seeing the shadow of her face from this distance. Nakatingala sa madilim na langit nang hindi ko mabilang na mga minuto at kapagkuwa'y inalis ang mga mata doon na parang nabigong makita ang hinahanap.
It was my first time seeing her like that.
Sa mga alaala niyang iniingatan ko ay lage siyang nakangiting nakatingala sa langit, naghihintay ng pagbaba o pagsikat ng araw, nagbibilang ng mga bituin o kaya ay hinihintay ang mga fireworks na sorpresa ko para sa monthsary namin o kaya naman ay dinadamay lang ang langit, may bituin man o wala sa mga halakhak na pinagsaluhan namin at saka ibabalik ang tingin sa akin, nakangiti...
I started walking in her direction while trying hard to breathe.
***************
Dollar's POV
I already felt his presence even before he sits beside me. And strange that I welcome the familiar feeling, unlike these past few days.
From the corner of my eyes, I saw him sat on the corner side of the bench, one hand on the arm and the other on the backrest. Nakalingon siya sa akin at sigurado akong tinititigan niya ako. Halos sabay pa ang paglingon ko sa kanya at ang marahang paglapat ng kamay niya sa balikat ko.
Our eyes locked.
Nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa mga mata niya. And I was surprised to see the familiar emotions in his eyes, the emotions of a nineteen-year-old Rion. Mga emosyon na nakasentro sa akin. I must be dreaming...
O namaligno yata ako.
Pero ang init na mula sa mga daliri ni Rion na nakapatong sa balikat ko at tumatagos sa tela ng damit ko ay tanda na totoong katabi ko siya, buhay at humihinga.
How I long for his touch... Pinigilan ko ang sarili kong abutin ang kamay niyang nasa balikat ko at ikulong sa mga kamay ko. How I wanted to feel his calloused hands on my cheeks.
His fingers are slowly moving, parang kinukulbit ako. His old habit when he wants to get my attention. And he's succeeding now if that is his purpose now.
Humarap ako sa kanya at sumandal sa kabilang dulo ng bench. He landed his hand on the middle of the bench and that's where I fixed my eyes, refusing to meet his gaze. Refusing to see those emotions in his eyes. Baka kasi nagkakamali lang ako. Baka umasa na naman ako.
There was a silence for minutes. But not for me. Hindi matalo ng malakas na kabog ng dibdib ko ang mga panggabing huni ng mga insekto o ang mga hampas ng alon sa malapit na dagat. Nasa madilim kaming parte ng parke pero tila nagliliwanag si Rion dahil sa nakatanglaw na buwan, para bang inaanyayahan ako na tingnan siya ng diretso. Mula sa pagkakatungo ko ay alam kong nakaharap pa din sa 'kin si Rion. I can feel the weight of his stare. And I wonder, what is he thinking right now? Pinipilit niya na ba uling itago ang mga emosyong pinakita ng mga mata niya kani-kanina lang?
How I need him now. Kailangan ko siya, kailangan ko siya ngayong nagdidigmaan ang isip ko sa mga alaalang hindi ko mahagilap. I need him to assure that everything will be okay.
"Rion..." it sounded like a cry for help.
At binibigkas ko pa lang ang pangalan niya ay nakatungo na ulit sa akin si Rion. His eyes demanding to tell him what I want. Mga mata na nangangako na ibibigay niya lahat ng kailangan ko sa sandaling ito. I know he can. I know that if ever I lift my head a little higher, he will kiss me as if welcoming me home. Na kung isusubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya ay dobleng higpit ng yakap ang isusukli niya. God, I want those things. I want him. But I want more...
And I'm sure that he cannot give me the things I want more. Explanation. Sa mga nakalipas na araw ay sigurado akong walang balak si Rion na ipaliwanag ang pag-alis nya o ang pitong taong lumipas. If the problem can be solved by telling me everything then I'm sure Rion would have done that years ago. But he didn't.
Gusto kong umiyak sa pagpipigil na banggitin ang pangalan niya ulit. Pero tama na ang na-realize ko na siya pa rin si Rion. Of course, he will always be Rion as I am Dollar.
I know Rion too much... I know him too much that I am sure he is hiding too many things.
Marahan akong umiling at ngumiti ng tipid. Gusto kong iparating sa kanya na hindi ako ang Dollar na kani-kanina lang ay nasa mga mata ang desperasyon ng paghingi ng tulong sa kanya. I tried to regain my composure and hide the helplessness in my face. And I did that by turning my gaze away, lifting my proud chin up, pretending to be looking at the dark sky.
Kailangan kong ipaalala na ako lang ang makakatulong sa problema ko. I have to convince myself. Hindi ko pwedeng tanggapin ang tulong ni Rion mag-alok man siya dahil alam kong hindi ko na ulit magagawang tumayo sa sarili kong paa pag pinayagan ko iyon. I have to be the Dollar who survived the seven years.
Bigla akong tumayo at humarap kay Rion, hinaharangan sa paningin niya ang madilim na langit.
"Let's go home, Rion. I'm hungry."