Morning Agenda

997 Words
Dollar's POV "How did you know where to look for me?" Sinundan ko ang pagbaba ng babae sa hagdan na animo lumulutang ang mga paa. Damn. I will never be that graceful. Animo nang-aakit na agad ito sa paglalakad pa lang. And I want to hate her for that. Pero ayokong iyon ang maramdaman lalo na at hindi ko naman siya kilala personally. We just met in the island and she said things about her relationship with Rion, mean things. Malay ko ba kung totoo iyon? Pero ano ang magiging dahilan niya para magsinungaling? Nakasama niya si Rion sa loob ng pitong taong nakalipas. Isa pa kahit magbait-baitan ako sa sarili ko at pigiling hindi manghusga ay sigurado naman akong may kasamaan sa katawan ang babaeng papalapit... Okay, I hate her. "I grew up in this town," that answers her question. I sipped my tea and waited until she's sitting in front of me. "You must be surprised to found out that I'm staying in this place," Nyssa said the last word disgustedly while rolling her eyes. Nagkibit-balikat lang ako. Sandali lang akong nagulat kanina na malaman na sa isang bed and breakfast inn nakatigil si Nyssa. Progresibo na ang bayan ng Flaviejo at ilang high end hotels na ang naitayo sa iba't ibang parte lalo na at ang lokasyon ng bayan ay pinagaagawan ng tanawin ng bundok at dagat. She could afford to stay in one of the hotels here or in the nearby towns. "Well, this is how your ex welcomed me," Nyssa said with disgust again on her face, eyeing me intently as if catching my reaction. Nagkibit-balikat lang ulit ako. That is a hint that she and Rion are not in a good term. Though nakaka-curious kung ano ang ginawa ng babaeng ito kay Rion para i-ban siya nito sa mga hotels sa bayan sa pamamagitan ng koneksyon and of course am I forgetting that the Flaviejos almost monopolizing its namesake town? Hindi siguro naisip ni Rion na magtyityaga si Nyssa sa isang simpleng B&B. Kung malalaman siguro ni Rion at magpadala ng mga tao dito para kausapin ang may-ari ay malamang na ihahagis palabas ng may-ari si Nyssa, it's an honor to make favors for the younger Flaviejo. But what's Nyssa's reason to stay? Bakit siya nandito? Ahh, so many questions to answer. Kailangan kong mag-focus sa pakay ko. "I want to ask you information about someone." Inunahan ko siya bago pa man niya itanong ang pakay ko. Nyssa's face darken. Dahil siguro sa gulat. O sa tono ng salita ko na parang wala siyang karapatang tumanggi, as if I'm doing her a favor. Ha! Of course, hindi kumukupas ang angkin kong kamalditahan kahit may kailangan ako kahit pa sa mga taong hindi ko gusto. Iyon malamang ang nakapagpalukot ng mukha niya. "What? Your ex boyfriend's not willing to provide the information you want? Bakit nga naman siya magsasabi ng tungkol sa sarili niya? You are not the seven-year ghost, baby, turn the calendar and it'll be eight years turn it again and you will be neither a ghost nor a memory." She rants evily. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. It just confirmed that what I said ticked her off for her to say several sentences to try to hurt me back. "Not about Rion." I said cooly and sipped my tea. "Oh, interesting." But Nyssa's face is far from being interested. Gustong ipahalatang wala siyang pakelam sa hinihingi ko. "About Miranda." It was my chance to watch her reaction intently and I just caught something on her facial expression that she quickly manages to hide. She knows who I'm talking about. At hindi katulad sa blangkong mukha ni Rion nang sinabi niyang business partner niya ang babae. Nyssa knows something. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pagkagising ko kaninang umaga pero matinding damdamin ang nagtulak sa akin para alamin ang tungkol sa babaeng nagngangalang Miranda. Siguro ay dala pa din ng mga damdamin kagabi sa parke na hanggang nakatulugan ko na. Ni hindi ko alam kung saan nanggagaling ang damdaming iyon. Siguro ay tungkol pa rin ito kay Rion. Siguro ay humahanap lang ako ng dahilan dahil hindi ko maamin sa sarili ko na gusto kong malaman ang mga nangyari kay Rion sa mga taong lumipas, at naniniwala akong si Miranda ang makakapagbigay niyon. I want to talk her personally and spend time with her. I think she'll be a good friend. Pero habang pini-picture ko sa utak ko iyon ay wala namang puwang na may kinalaman si Rion kung bakit gusto ko siyang makilala. And that is weird. Sa susunod na makita ko sa paligid ang babae ay sisiguraduhin kong hahabulin ko na ang babae at kakausapin. Maybe we'll start from there. Pero hindi ko na mahintay iyon. I'm that impatient as ever. Kaya nagsimula akong magplano kung paano makipag ugnayan sa babae. Ni hindi naikonekta ng receptionist ang long distance call ko sa mga opisina niya sa na nakakalat sa America at Europe. Nabasa ko na ang tungkol sa kanya na nasa public information at mas lalo ko lang gustong alamin ang ibang bagay pa sa kanya. Hindi ko naman maabala ang mga kaibigan ko at humingi ng tulong sa pangamba na baka makarating iyon kay Rion. I don't know where's the loyalty of my friends anymore. And to make this even a lot weirder, I thought of Nyssa. "You know her, right?" I tried to smile. Tinaasan niya lang ako ng kilay bilang sagot habang parang may malalim na iniisip habang tinititigan ako. Parang may niluluto na agad na hindi maganda. She's naturally evil. Alam kong hindi siya dapat pagkatiwalaan. Kung ibibigay niya o hindi ang hinihingi ko, may isip pa rin naman ako para timbangin ang mga bagay-bagay. "So... is it my turn to tell you what I want in return?" Tuluyan ng bumalik ang ekspresyon ni Nyssa na nakilala ko sa isla. "Of course, I know the rule. What is it?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD