Rekindling the flame

2570 Words
Dollar’s POV Halos lahat ng trabahador na nakatira sa lupain ng mga Flaviejo ay nandito, nasa kani-kanilang pwesto pero konti pa lang ang mga nakaupo. Karamihan ay nakatayo, nakatingin sa’kin, natutuwa, nasa mga mata ang paghanga. Naglakad ako sa gitna ng mga hile-hilerang upuan, binabati sila at nginingitian. Noong huli kong pinangarap na makita ang ganito karaming tao na inaabangan ang paglalakad ko ay hindi ko naisip na mapapansin ko sila, sigurado kasi ako na nasa isang tao lang ang atensyon ko kung dumating ang araw na ‘yon. I dreamt of this… Ang makeshift altar ay itinayo sa loob ng gazebo sa burol na malapit sa villa. Nandoon na din si Father Insha sa unahan. At si Rion. He is silently watching me make my way through between the row of seats. He’s dashing and handsome. Kinakausap siya ng isang empleyado, tumatango na parang nakikinig pero ang mga mata ay nasa akin. Gusto kong matuwa, maging proud sa sarili ko, ganda ko kasi. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil bumabalik na naman ang mga itinanong ko sa sarili ko noong kasal ni Moi at Gracy. Na naisip kaya ni Rion na ikakasal kami, na mangyayari pa kaya ang pangakong sinabi niya sakin dati? Gusto kong mapailing. Kailangan kong ipaalala sa sarili ko na misa ito para sa fiesta ngayong araw at ito na siguro ang huling malaking selebrasyon na na makikita kong ginanap sa lugar na’to. ********** Pati panahon ay nakikiisa sa masayang selebrasyon ng fiesta ng bayan ng Flaviejo. Lumagpas na ang oras ng tanghalian pero ang mga pagkain na para sa lahat ay hindi nawawala sa limang hilerang buffet table sa ilalim ng malalaking toldang tinayo malapit sa villa, hindi din maubos ang buhos ng mga tao. Nang matapos ang misa kaninang umaga sa burol at maikling programang inihanda ng mga tao sa hacienda ay sumunod naman ang pagtugtog ng mga bandang inimbita ng pamilya, mostly youth bands playing country music. Ang mga gustong kumanta o mga grupo ng kabataang gustong sumayaw ay binigyan din ng pagkakataon. Ang ibang mga empleyadong karamihang galing sa ibang lugar ay mas ginusto namang libutin ang buong villa. Ang family room na may mga billiard tables, dart at table tennis pati na rin ang malaking library na hindi lamang mga estante ng mga libro ang makikita kundi ang mga antigong painting at vase na koleksyon ng pamilya ay binuksan din para sa mga bisita. Masaya si Don Marionello sa nakikita. Mag-iisang dekada na nang huli silang magdaos ng ganito ding kalaking selebrasyon ng fiesta. Noon ay siya mismo ang ang namahala niyon katulong ng mga apo.  At ngayon ay hindi siya nagduda sa panganay na apo sa pangunguna sa preparasyon para sa araw na iyon. Hinayon ng matandang Don ang paningin sa isa sa mga umpok ng lamesa, napangiti nang makitang lumalapit ang apo sa dalagang para sa kanya ay nag-iisang babaeng nararapat sa buhay nito. Ang babaeng susunod na kilalanin ng lupaing ito bilang katuwang ng apo niyang si Rion. Sinenyasan niya ang nurse na itulak ang wheelchair palapit sa mga bisitang nasa hardin.  Katulad niya ay nagpahayag ang mga ito ng katuwaan na muling nagdaos ang pamilya ng ganito kalaking selebrasyon. Don Marionello assured his guests that it won’t be the last, that soon they will be invited again to an event larger than this. Imbitado ang lahat ng mga empleyado at buong bayan ng Flaviejo. All will be asked to come dressed in white… ********** Dollar’s POV Wala akong masabi sa nakikitang kasiyahan ng mga tao sa paligid. Everyone is celebrating the day by enjoying the food, the music, and the grandiose villa. Masaya man pero hindi ko pa din mapigilang hindi ma-miss ang pamilya at mga kaibigan ko. Napakaraming masayang alaala ng kabataan ko tuwing fiesta ng bayan na nadagdagan pa nang makilala ko ang pamilya Flaviejo, si Lolo, si Shamari at si Rion. Ang pagiging ulila ko sa mga magulang ay napalitan ng mas malaking pamilya kasama sila… I let myself smiled at the memories while scanning the pages of the song book. Kanina pa ‘kong iniimbitahan ng mga tao na kumanta. Bukod sa malakas lang talaga ang loob ko kahit alam kong hindi ako singer ay ayoko ding isipin nila na KJ ako. Tama na na sa isip ko lang ako nagpapaka-killjoy dahil sa pag-iisip at pagkokompara ng nakaraan at ngayon. I’m still flipping the pages when I felt someone sit on the chair beside me. Bago ko lingunin ang lalake ay nakita ko pa ang lihim na ngitian ng mga taong kasama ko sa lamesa. Rion has a dim expression on his face. Iba sa aura niya habang nakikipagkwentuhan sa mga empleyado noong huli ko siyang makita kanina. And it made me think that I’m the reason of his change of mood. “I’m sorry I have to stop your guest from stepping to my land, baby.” that was said in a cold tone far from being sorry.  Nakahawak ang isang kamay niya sa likod ng upuan ko, nakaharap ang buong katawan niya sa’kin at nilapit ang mukha para ibulong iyon sa’kin. Ang ganoong kalapit na distansya niya ang dahilan kung bakit hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya. “W-What…? N-Nyssa?” “Ahuh.” Hindi pa din inaalis ni Rion ang kamay sa likod ng upuan ko. “O-Okay. Kung ayaw mong papasukin eh di ‘wag.” Hindi ko nailapat ang katarayan sa sagot ko dahil sa pagkabulol. Padabog kong nililipat ang mga pahina ng song book dahil sa inis. “Why do you have to invite her?” mas kalmado na ang tono ni Rion. Dahan-dahan ko siyang nilingon. “Akala ko ba sabi ninyo ni Lolo ay pwede akong mag-imbita kahit sinong taong gusto ko?” mataray kong balik-tanong. “She’s not your friend,” Rion said darkly. Kasingdilim ng mensaheng gustong iparating na hindi ko pwedeng maging kaibigan si Nyssa. It was part of our deal. Iyon ang sinabi ni Nyssa na gustong kapalit ng impormasyong hinihingi ko sa kanya tungkol kay Miranda. Pumayag ako. Kahit naisip ko na din na imposibleng makalagpas sa kaalaman ni Rion iyon. Siguro gusto ko ding malaman kung ano talaga si Nyssa kay Rion, tatangapin kaya niya ito sa bahay nito kahit alam niyang nandito din ako. But what about Nyssa? Siguro naman naisip niya din iyon o ganoon lang talaga siya kadesperada na makalapit kay Rion. Ah, bahala siya sa buhay niya, isa pa, ayoko din namang nandito siya, pero nakakapanghinayang lang ang mga impormasyong ibibigay niya tungkol kay Miranda. “Sorry, Rion. Hindi ko naisip na ayaw mo pala ‘kong maging kaibigan ng girlfriend mo.” I said sarcastically. Then I heard him groaned. Naramdaman din yata ng mga kasama namin sa lamesa ang tensyon sa pagbubulungan naming dalawa at isa-isang nagpaalam na kukuha ng pagkain o kaya ay gagamit ng wash room. I gave him the look implying that I don’t care. Pero sa loob ko ay gusto kong matuwa na nanggaling mismo iyon kay Rion. “What’s your reason of inviting her here?” kunot-noong tanong niya sa’kin. Ang mga matang nakatutok sa’kin ay parang hinahalukay ang kaluluwa ko malaman niya ang lang ang sagot. At naalala ko ang mga sinabi ng mga kaibigan ko na si Rion ang dapat kong tanungin sa mga bagay na gusto kong malaman, ang tungkol kay Nyssa at ang pag-alis niya.  And I’m so tempted now. Pero hindi ngayon ang tamang oras. At natatakot pa din ako na hindi niya ‘ko sagutin sa marami kong tanong dahil nararamdaman kong hindi niya pa din sasabihin lahat. I don’t think I’m ready to know that half of his world still remain hidden from me.. I bravely lift my chin and meet his gaze. “And why will I tell you?” I said bitchily at inirapan siya. Hindi lang siya ang may karapatan na magtago ng isang libong sikreto. I heard Rion faked a cough. Hindi siguro inaasahan ang pagtataray ko. Nang tingnan ko siya ulit ay nasa mga mata ang amusement. What the--? Naramdaman kong umayos siya sa pagkakaupo at nakitungo sa song book na kanina ko pa pinagdidiskitahan. “Can I suggest a song?” he said in a warm tone. Napatigil ako sa paglipat ng pages. Nangungunot ang noo ko sa pagbabago ng mood ni Rion, from being brooding to being playful. Hindi ako handa doon dahil feel ko pang magtaray. Pero hindi ba’t dati ay siya talaga ang nag-aadjust ng mood kapag pareho kaming naiinis? Okay, I’ll play along. Hinarap ko siya. “Sige, pero may kapalit.” He raised his brows. “Sure.” I tried hard not to smile at the turn of events. Nag-isip ako ng hihingiing kapalit. Dismayado ako dahil wala akong nalaman tungkol kay Miranda mula kay Nyssa. And maybe I can still do something about that by asking Rion’s help. Alam kong kung magtatanong ako sa kanya tungkol sa babae ay limitado na naman ang isasagot niya katulad noong nasa sasakyan kami. “Imbitahan mo dito si---” “Not Nyssa.” “Not her!” At ilang minuto kong pinag-isipan kung sasabihin ko ang pangalang nasa isip ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ni Rion sa sobrang interes ko sa babaeng ilang beses ko pa lang nakikita. “Tell me,” he urged. “Miranda…” bulong ko, pailalim na tinitingnan ang magiging reaksyon niya. At nakita ko mismo ang paglambot ng ekspresyon sa mukha niya na agad ding tinago. There wasn’t a surpise look on Rion’s face. Parang nauunawaan niya na nasabi ko ang pangalang iyon kahit ako mismo sa sarili ko ay naguguluhan. “She’s your business partner and she’s in town so why don’t you invite her over.” I shrugged, kunwari ay balewala lang pero lihim na umaasa na gawin niya sana. “I did.” Napatingala ako sa kanya. Sigurado ako na totoo ang sinabi niya at inimbitahan niya nga ang ginang. At ang hindi pagpunta ni Miranda dito ngayon sa kabila ng imbitasyon ni Rion ay nangangahulugan na tumanggi ito mismo. Maybe she’s leaving the town today or she gave in to another invitation. I shrugged again. “So, what song do you want me to sing?” I asked while flipping the pages. “Anong gusto mo kapalit ng request ko?” balik-tanong ni Rion. Wala na akong maisip. Parang iyon lang talaga ang gusto ko. Then I looked up at Rion again. At katulad noong isang gabi sa amusement park, ang mga mata niya ay nangangako na ibibigay niya ang lahat ng hilingin ko. As if he’s ready to answer all my unasked questions. “Sing with me, Rion.” ********** Rion’s POV I am sure something happened that night in the amusement park. Siguro ay naawa na ang langit sa akin kaya hinayaan nang mangyari ang ganito sa amin ni Dollar. To talk and be ourselves. Totoong nagulat ako sa pagtataray at paghahamon niya kung bakit nga naman niya sasabihin ang dahilan ng pag-iimbita niya kay Nyssa. To see that part of her is a privilege. Mula sa mga pag-iwas sa akin nitong mga nakaraang araw ay mas gugustuhin ko pang tinatarayan niya ako at harapang pinapakita ang galit niya dahil iyon ang kaya kong pakibagayan. At tatanggapin ko lahat ng iyon kahit alam kong hindi iyon sapat para makabawi ako sa kanya. Then she became vulnerable when she asked about Miranda. And God knows how I want to bring the woman here myself if that could make her happy. Pero pagkatapos ng pagkikita namin sa simbahan ay naitawag na sa’kin ng mga tao ko na lumipad na pabalik sa Manila si Miranda nang hapon ding iyon sa kabila ng pagpapadala ko sa kanya ng imbitasyon. Maybe Miranda sensed that I’ll be going to introduce them to each other to feed Dollar’s curiosity. At hindi gusto ni Miranda na gumawa ako ng hakbang para malaman o magkaroon man lang ng ideya ang kahit na sino sa sikretong daladala niya. Napangiti ako nang makita ang mga taong nagpalakpakan nang makitang umakyat sa stage si Dollar. Hindi niya hinintay ang kantang gusto kong kantahin niya. At hindi din ako nakasagot agad nang yayain niya ‘kong kumanta kasama siya. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan iyon. Or I am too overwhelmed to the idea of us singing side by side in the stage, just like the old times. Natakot akong hawakan ang ganoong pagkakataon. And next thing I knew, naglalakad na si Dollar papunta sa stage. Nagsimulang tumugtog ang banda ng mga kabataang lalake sa kantang binulong ni Dollar sa mga ito. It was an awesome sight of her smiling while waiting for the notes. Close your eyes, give me your hand, darlin' Do you feel my heart beating Do you understand Do you feel the same Am I only dreaming Is this burning an eternal flame She still remembers. Iyon ang kantang sasabihin ko sana sa kanya dahil iyon din ang kantang alam kong kaya niyang kantahin na nasa tono. I believe it's meant to be, darlin' I watch you when you are sleeping You belong with me Do you feel the same Am I only dreaming Or is this burning an eternal flame Dollar is not a singer but she still managed to charm the crowd. At nang bumaba siya sa stage habang kumakanta pa din ay nagpalakpakan ulit ang mga tao. She’s walking in my direction while still singing. Ang mga mata ay kumikislap sa kapilyahan, naghahamon. And I can’t help a smile forming my lips while meeting her eyes. Nitong mga nakaraang araw ay nasaksihan ko ang mga pinaggagawa niya para baguhin ang mga alaala ng mga lugar at bagay na binuo namin pareho. And I am so thankful that Dollar spared this moment. Ang alaala namin tuwing may masayang okasyon at hihilahin niya ko sa stage para samahan siyang kumanta… Dollar extended her hand in my direction. Say my name Sun shines through the rain A whole life so lonely And then come and ease the pain I don't want to lose this feeling, oh Inabot ko ang kamay niya at sumunod sa marahang paghila niya. The cheering of the crowd becomes louder. Close your eyes, give me your hand, darlin' Do you feel my heart beating  Do you understand Do you feel the same Am I only dreaming, ah Is this burning an eternal flame We never made it to the stage. Tumigil din si Dollar sa unahan sa ibaba ng stage at tinapos ng maaga ang kanta habang nakatingala sa’kin. Her eyes are full of emotions I never thought would see again after what I’ve done. And with those emotions are a million questions demanding to be answered. I pulled her closer to me and claimed her lips gently. Halik na may kasamang tahimik na pangako na ibibigay ko ang lahat, ang lahat ng sagot na hinihiling niya sa tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD