PROLOGO
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PROLOGO
Nagmamadaling ibinaba ni Deyanira ang kanyang suot na pantalon noong mga oras na iyon. Pagkatapos ay isinunod ang kakarampot na maliit na telang tumatakip sa kanyang kaselanan. Pagkuwan ay kumandong patalikod sa lalaki, kumapit sa sandalan ng upuang nasa harapan. Doon ay nagsimulang itaas-baba ang katawan.
Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan ng lalaking kakikilala lang kanina. Nakapalagayan niya ito ng loob habang nasa training sila ng pagiging isang pulis. Isa ang lalaki sa nagpapakita ng motibo sa kanya na medyo natipuhan niya naman kaya nang magkayayaang mag-usap in private ay nauwi na sa ganito ang lahat.
Sa mga nakalipas na mga minuto ay paulit ulit niyang iginiling ang katawan sa ibabaw ng lalaki na parang bihasa na sa ganitong bagay. Alalay pa nito sa paghawak ang kanyang balakang habang salitan ang impit na pag-ungol na lumalabas sa kanilang mga bibig. Maya maya ay napakapit na siya ng mahigpit sa kinakapitang sandalan ng front seat ng sasakyan. Naramdaman niya na rin ang pagsalubong ng katawan ng lalaki sa bawat mariin na pag-upo na ginagawa niya sa pang-ibabang parte ng katawan nito. Ilang sandali pa ay halos sabay silang nagpakawala ng mahabang pang-ungol. Nag-pause sandali at nang bumalik na sa kamalayan ay agad na kumilos upang makaalis sa kinapupwestuhan, pumaupo sa upuang nasa backseat, katabi ng lalaki. Iniangat niya ang kanyang panloob na suot na pagkuwan ay isinunod ang pantalon at inayos ang sarili.
“Ahh, that was good,” sambit ng lalaki na kasalukuyang ibinabalik na rin ang pagkakaayos ng suot na pantalon. “Can I have your name and phone number?” dugtong pa nitong tanong sa babae habang may ngiti sa mga labi.
“Uh, no! Bakit ko naman ibibigay sa iyo ang pangalan ko? You are not my type!” irap niya dito habang inaayos ang pang-itaas na suot na blouse.
Mula sa pagkakangiti ay napasimangot ang kausap na lalaki.
“Then bakit ka sumama sa akin at makipa-s*x kung hindi mo ako type?” may pagsalubong ng kilay na saad nito.
“Out of boredom? Hindi ka ba na-bored sa klase natin kanina?” sambit niya na hinarap pa ito.
Napaawang lang ang mga labi ng lalaki sa mga naririnig sa kanya. First time nitong makakilala ng babae na kagaya ng kaharap. Yung tipong makikipag-s*x sa totally stranger guy.
“Don't judge me, may taste rin naman ako kahit papaano. At ikaw ang pinakagwapo sa mga kumausap sa akin kanina so ikaw ang sinamahan ko. Siguro kapag medyo binago mo na ang ayos ng buhok mo, pati pananamit mo ay pwede na kita matipuhan. Sa ngayon mukha kang totoy. Inutusan ka lang yata ng nanay mo na bumili ng suka sa kanto. But in fairness, ang ganda ng sasakyan mo ha,” saad niya habang tinatapik ang pisngi nito. Pagkatapos ay binitbit ang bag, binuksan ang pintuan ng sasakyan at tuluyang lumabas mula roon.
Naiwan namang nakatulala lang ang lalaki na kalaunan ay napailing ng tatlong beses. Napasadahan nito ang kabuuang ayos ng suot. ‘Totoy?’ tanong nito sa sarili na isinuklay pa ang hanggang kilay na bangs ng buhok. Oo nga at hindi ito maporma, pero yung sabihan itong mukhang totoy? Napahugot na lang ito ng malalim na buntong hininga.
That was the last time na nagkita sila ng lalaki. She didn't know kung na-offend ba niya ito at dinibdib ang kanyang mga sinabi kaya hindi na ito nagpatuloy sa pag-attend ng training sa pagiging pulis. Hindi niya lang akalain na pagkatapos ng pitong taon ay makikita ulit ito, na iba na ang itsura, mas gumwapo, mas naging mature tingnan, at may pormahang nakakalaglag ng salawal.