Lumipas pa ang ilang araw at nanatili lang sila sa loob ng kuwartong iyon. Napagpasyahan nilang huwag munang lumabas sa public lalo na si Copper na mukhang pinupuntirya na ni Mr. X. Nagtaka kasi ang matanda ng hindi na ito bumalik sa loob ng tea house noong makita nitong pasimple itong umalis. Ang buong akala nito ay si Copper ang tumawag ng mga pulis kung kaya dali dali itong pumuslit ilang segundo lang bago pinasok ng mga kasamahan ni Yani ang loob ng restaurant na iyon. Mabuti nga at hindi rin nito namukhaan ang babae na pinapatay nito noon. Kung hindi ay parehas na silang nasa hunting list ng matanda kapag nalaman nitong pineke ng lalaki ang pagkamatay nito. Sa mga araw na nandoon ang dalawa ay walang ginawa ang mga ito kung hindi kumain, at manood ng telebisyon. Bukod pa sa tila na

