Pagkagat ng dilim, pagkatapos ng kanilang briefing sa gagawing raid ay dumiretso na sila sa lumang bodega na kung saan usap-usapan daw na lagakan ng mga parapernalia sa paggamit ng droga maging ang ilang pake-pakete ng shabu. Doon din daw mismo nanunuluyan ang mga taong nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot pati na ang iba pang mga taong pumayag na magpagamit sa mga ganitong illegal na gawain. Tatlong palapag ang lumang bodegang iyon ngunit hindi rin tapos ang pagkakagawa. Ang third floor nito ang ginagawang tambayan at pahingahan dahil nagsisilbing rooftop na iyon ng building. Ang second floor, bagamat may dingding ay hindi rin tapos kung kaya lahat ay naglalagi sa pinakaunang palapag. Marami ang look-out na nagkalat sa iba’t ibang sulok ng establisyemento. May mga bitbit ang mga iton

