Sa pagkarinig ni Deyanira sa sinabi ng bata ay agad na itong pumatakbo papalabas sa pribadong resort na iyon hawak hawak ang laylayan ng kanyang damit. Nagdirediretso siya sa parking area na tamang tama naman ay may pumarada na isang sasakyan. Agad siyang nakiusap sa mag-ari na hihiramin lang ang sasakyan nito at ibabalik rin agad agad. Hindi pa man pumapayag ang babae ay agad nang hinablot nito ang susi sa kamay nito, pumasok sa loob ng car at mabilis na pinaandar iyon. Samantalang mula sa likuran nito ay ang humahangos na dumating si Copper. Sa kabila ng kalagayan ni Deyanira na medyo malaki na ang tiyan sa anim na buwang dinadala ay mabilis pa rin itong nakatakbo. “Sh*t!” napamura si Copper ng hindi naabutan ang babae. “Keys!” saad nito sa paparating na rin na tauhan. “Sundan ninyo s

