Makipot ang hagdan na nagsisilbing lagusan papalabas sa vault na iyon kung kaya nagdesisyon si Copper na ito muna ang mauna. Tamang tama dahil pagdating sa pinakapintuan nito sa itaas ay isang mabigat na bakal ang kailangan niyang buhatin at itulak. Sa tagal na panahon na hindi iyon nabubuksan ay natabunan na iyon ng lupa at makapal na tuyong dahon galing sa mga punong nakapalibot doon. Pagkalabas nila mismo doon ay bumungad sa kanila ang madilim na parte ng likuran ng planta. Kasalukung nasa labas na sila ng establisyemento. Agad na isinarado ni Copper ang mabigat na bagay na iyon. Magkatulong na tinabunan ulit nila iyon ng lupa at ibinalik ang mga tuyong dahon para hindi mahalata na may nakatagong lagusan doon papunta sa vault. Maya maya pa ay may narinig silang putok ng mga baril s

