kabanata 19

1185 Words
Ilang na araw akong hindi nakakapunta sa school nila Tobias, naging busy ako dahil hell week at literal na wala na akong pera ngayon. Three hundred pesos ang binibigay sa'kin ni mommy bawat araw at kulang na kulang iyon sa'kin, hatid–sundo ako ni Mang Raul. Halos gabi na ako nakakauwi kaya wala akong time para magpunta sa ibang lugar. I skipped three parties so far. At sobrang sama ng loob ko dahil doon. "How's the princess?" Tanong ni Tori at umupo sa harap ko rito sa table ko sa kiosk. Hindi ako sumagot at iminuwestra ang mga papel sa table ko. She made a face at binagsak din ang mga aasikasuhin niya kaya hindi ko maiwasan na matawa, mas marami pa pala siyang gagawin sa'kin! "Hell freaking week, son." Sabi niya, grinning like a man. We spent the whole day sa kiosk, tuesday ngayon at sa friday ko balak magpunta kay Tobias. "Karisma!" Bati ng isang kakilala habang palabas ako ng school. "Hey." Bati ko pabalik, i know her face. Madalas ko siyang nakikita sa mga parties na pinupuntahan ko. Ngumiti siya. "Haven't seen you in parties! Bagong buhay na?" Napangiwi ako. No, hindi ako nagbabagong buhay. Hindi ko 'to pinili, at kapag napilit ko na si Tobias na maging bodyguard ko ay papayagan na ko ni mommy na kahit saan ako magpunta dahil may magbabantay na sa'kin. "I'm just busy." "Really? If you have time tonight, we're having a party at Rock'n." Ngumiti siya. "It just feels weird that i haven't seen you in parties, you're like always everywhere e!" "Not sure." Ngumiwi ako. "May i know your name?" Nilahad niya ang kanyang kamay. "Benyse Cervantes.." "Karisma Basco." Pakilala ko at tinanggap ang kamay niya. "I already know you, Karisma." "Really? How?" "Uh..." Ngumiti siya. "Sa parties lang din, kapag nakakarinig ako ng party ay ikaw ang naaalala ko." "Oh, that's over reacting!" I joked. Her eyes got widen. "I'm telling the truth!" Benyse is pretty okay. Nagkausap kami hanggang sa makarating kami sa parking lot, hindi tulad ko ay dala niya ang sarili niyang kotse. Gosh, i miss my car so much. Natulog ako ng dalawang oras at nagising ng madilim na sa labas. Hindi ako mapakali rito sa kwarto ko, namimiss ko nang maki-party ng sobra at may nag imbita sa'kin! Lumabas ako ng kwarto ko at sinilip ang labas, nang makita na paakyat si mommy ng hagdan ay nagmamadali ulit akong humiga sa kama at nag panggap na tulog. "Kari?" Narinig ko pag katok niya. "Hindi ka ba kakain ng dinner?" "What?" Pinilit kong gawing inaantok ang boses ko. "I'm tired, i want to sleep more.." "Okay, bumaba ka kapag nagugutom ka. I'll go to my room.." "Okay!" Nang maramdaman na wala na siya sa pinto ay mabilis akong tumayo. Nagmamadali akong naligo at naghanap ng susuotin, nine o'clock palang at marami pa akong time. Simpleng itim na sequin dress na fitted sa katawan ko ang napili kong suotin. Nag make up ako na babagay sa isang night party at saka ko tinawagan si Nathan na nalaman ko kanina na pupunta rin doon. Susunduin niya ako. Hinawakan ko lang ang heels na gagamitin ko at walang ingay na lumabas ng kwarto, wala nang tao sa labas. They're probably resting sa sari-sarili nilang mga kwarto, pati ang mga maid ay wala. Nakapatay na rin ang ilang ilaw. "Perfect." Bulong ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan na naka-paa. Sumilip ako sa kitchen at salas pero walang tao kaya tumakbo agad ako papunta sa pinto. Dahan dahan kong isinara ang pinto at napangiti ng malawak nang makita ang kotse ni Nathan na tumigil sa tapat ng bahay. "Hey." Natatawang bati niya nang makita akong parang ninja na tumitingin sa paligid habang tumatakbo. Binato ko ang heels at pouch ko sa kabila at umakyat sa fence dahil makakagawa ng ingay ang gate kapag binuksan ko. Tumalon ako sa kabila at lumingon muna sa bahay habang dinadampot ko ang heels at pouch saka nagmamadaling sumakay sa kotse ni Nathan. "That was intense!" He chuckled while driving fast. I breathed so hard habang sinusuot ang heels ko. "That was not easy!" "Be home before midnight, baka mahuli ka na naman!" Paalala niya kaya tumango ako at ngumuso. "I know." Dumating kami sa Rock'n na marami nang tao. Inayos ko ang buhok ko bago bumaba ng kotse. "Karisma, long time no see!" Bati ng kung sino na hindi ko kilala sa pangalan. "Hey!" Ngiti ko. Hinila na ako ni Nathan sa loob na agad na humingi ng dalawang tequila sa bartender at inabot sa'kin ang isa. "I freaking missed this!" Maligayang sabi ko at nagpunta sa dance floor para sumayaw. Hindi nagtagal ay nawala na rin sa paningin ko si Nathan, he probably went somewhere. Napalingon ako nang maramdaman na may humawak sa bewang ko, a face of an attractive guy greeted me. He smirked. "Hey." "Oh, hi." I smiled sweetly. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko para bumulong. "You alone?" "I'm with a friend!" Sagot ko sa malakas na boses para marinig niya ako. He chuckled. "Yeah? You don't mind me accompanying you, right?" "I don't mind at all!" He never left me alone the whole night. Nagkahiwalay lang kami nang lumapit sa'kin si Nathan at sinabing may 'emergency' kaya kailangan na namin umuwi. Almost one o'clock na dahil hindi ko namalayan ang oras. "I was looking for you for like an hour!" Sigaw niya para marinig ko siya. Napangiwi ako. "I'm sorry okay!" Hawak niya ako sa kamay at hinihila niya ako, maraming tao kaya hindi kami makausad masyado. Mabuti na lang ay malaking tao ang Nathan na ito, kung hindi lang talaga siya gay—he would be a very attractive man, hanggang ngayon ay lalake pa rin siya kung pumorma kaya may mga nagkakagusto pa rin sa kanya. "Karisma! Uwi ka na?" Nakasalubong pa namin si Benyse na nag imbita sa'kin. Tumango ako. "Urgent." Tumingin siya kay Nathan at ngumiti. "See you next time!" Hinila na ako lalo ni Nathan. Nakayuko na lang ako dahil tinitignan ko ang dinadaanan ko, mahirap na. Ayokong madapa at naka heels pa ako. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalabas na kami, may mga ilang tao sa labas pero hindi marami at malamig pa ang simoy ng hangin. "Oh, i'm sweating!" Reklamo ko at binitawan ang kamay ni Nathan para paypayan ang sarili ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid at bigla na lang tumigil ang mata ko nang makita ang pares ng mata na nakatingin sa'kin. Tumigil ang kamay ko sa ere at parang biglang nilamig ang buong katawan ko. "Tobias?" Mahinang tanong ko kahit alam kong hindi niya maririnig, nagmamadali akong humakbang palapit sa kanya pero napatigil dahil may babaeng biglang yumakap ng braso niya. Nabaling ang tingin niya roon at hindi na ulit lumingon sa'kin kahit saglit. Sino ang kasama niyang babae? "What's wrong, Kari?" Tanong ni Nathan. Kinagat ko ang aking labi at umiling. "Nothing, let's go home!" "Yeah, sure." Nagmartsa na ako papuntang kotse habang magkasalubong ang kilay. Damn, hindi ko alam kung bakit nag iinit ang ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD