Lunch time nang idismiss kami ng professor namin, nagmamadali akong lumabas ng school at mabuti na lang ay nakita ko agad si Mang Raul.
"Doon po ba ulit, ma'am?"
Tumango ako. "Tigil muna tayo sa madadaanan natin na drive thru, bili tayo ng kakainin."
"Okay, ma'am."
Marami ang binili ko ngayon. Ayoko naman gutumin si Mang Raul habang nag hihintay siya sa labas ng school nila Tobias, halos paubos na 'yung money na binigay sa'kin ni Gideon.
Pagkatapos ko kumain ay saktong malapit na kami, inayos ko ang sarili ko. Tinali ko ang kalahati ng buhok ko sa taas at hinayaan bumagsak sa balikat ko ang nasa ilalim, naka-uniform pa rin ako ng school namin dahil ayoko naman magpalit ng damit sa harap ni Mang Raul. And of course, the red lipstick.
"Nandito na po tayo, ma'am."
Bumaba agad ako ng kotse at hindi na siya sumunod. Malayo pa lang ay nakatingin na sa'kin ang guard at napailing.
"Ma'am, hindi pa dumarating ang pakay niyo. Baka gusto niyong dito muna kayo mag hintay sa labas para hindi kayo magkasalisi?"
Tumango ako. "That's a great idea.."
So, nag hintay nga ako sa labas ng gate ng school. Halos isang oras na ay hindi pa rin siya dumarating, binalewala ko ang mga bulungan ng mga estudyante. Ang mga kumakalat na tsismis na tungkol sa'min ni Tobias ay nagpanggap akong hindi ko naririnig.
"Manong, anong oras siya darating?" Tanong ko sa guard na nagmamasid sa mga estudyante.
"Naku, ma'am. Hindi ko alam, hindi ko kabisado ang schedule ng mga estudyante rito."
Nag buntong hininga ako at sinandal ang kanang bahagi ng katawan ko sa dingding habang nagmamasid sa mga pumapasok na estudyante, pinaglalaruan ko lang ang sapatos ko gamit ang paa ko dahil sa kaboringan.
Fourty more minutes has passed.
"Ma'am, wala pa ba?"
Nilingon ko si Mang Raul na nakatulog na sa loob ng kotse at nagising na ulit.
"You can sleep again, gigisingin na lang kita mamaya."
Napapakamot sa ulo na tumango siya at bumalik sa loob ng kotse. Kanina pa nakakunot ang noo ko, nauubusan na rin ako ng pasensya.
"Manong, sigurado ka ba na hindi pa siya dumadaan dito? Baka naman nasa loob na siya!"
"Sigurado ako, ma'am. Kahit papaano ay tanda ko naman ang itsura ng mga estudyante.."
Pinasingkit ko ang mata ko sa kanya. "Siguraduhin mo ha, dahil ang sakit na talaga ng paa ko kakatayo rito."
"Ito, ma'am. Gamitin niyo na 'yung upuan ko.." Aniya at nilabas ang mataas na upuan niya mula sa guard house.
Ngumiti ako. "Thank you."
Umupo na agad ako. I just crossed my legs at the knees, kalahati ng hita ang skirt ng uniform ko kaya mas maiksi ito kumpara sa uniform ng school na 'to. Hanggang above the knee ang skirt ng uniform nila, may iba lang na slacks ang suot.
Tinataasan ko ng kilay ang mga tumitingin sa'kin. Bahala sila sa buhay nila, wala silang pakialam kung para akong guard na nakaupo rito sa tapat ng gate ng school nila.
"Hey!" Nagmamadali akong tumayo at muntik pa akong matumba nang makita ang isang guy na laging kasama ni Tobias na buzz cut ang buhok.
Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako ng nakakunot ang noo, pero nang mamukaan niya ako ay ngumisi siya at pinasadahan ako ng tingin.
"Nasaan si Tobias?"
"Si Tobi?" Kinamot niya ang kanyang kilay. "Wala siyang klase kaya wala siya rito sa school ngayon.."
"What?!" Napanganga ako. "Two hours akong nag hintay sa wala?"
"Dalawang oras ka na rito?" Bumungisngis siya habang umiling-iling. "Ibang klase..."
Tinignan ko siya ng masama at hinila sa gilid. "Anong pangalan mo?"
"Domino."
Tumango ako. "Okay, Domino. I am Kari, i wanna ask many things about Tobias."
Humalakhak siya. "Oh, sige sige.."
He looks like he's looking forward, he was grinning like crazy—finding this whole situation funny, ano bang nakakatawa sa ginagawa ko?
Umupo ako sa upuan at tumayo naman siya sa gilid ko habang nakasandal sa dingding, sinisilip ang mukha ko. Nilabas ko ang phone ko at nagpunta sa notes para ilista ang magiging sagot niya.
"Uh, anong gusto niya? Like, what's his favorite thing to eat?" Seryosong tanong ko.
"Ano pa ba? Babae.."
Inambahan ko siya kaya lumayo siya ng konti. "I'm serious!"
"Hindi naman siya mapili sa pagkain, basta kasali talaga 'yung babae.." Sagot niya kaya umirap ako at naglista sa notes ko.
He's not picky at foods.
"What's his favorite color?" Tanong ko ulit.
"Anak nang, ano 'to slam book?" Pag ngiwi niya.
"Just answer me, Domino." Mariin na sabi ko.
He snorted. "Itim yata ang paborito niyang kulay.."
"Okay..."
He likes color black.
"When is his birthday?"
"March 19."
Nanlaki ang mata ko at muntik nang mapatayo. "Seryoso?!"
"Oo, bakit?"
"Nothing.." Umiling ako.
We have the same birthdate.
"Anong hilig niyang gawin? Hobbies?"
"Uh..." He crossed his arms, thinking. "Mario kart, mag punta sa clubs, mang babae, mag lasing—"
"Sinisiraan mo ba siya?" Pag singit ko.
Tumawa siya. "Galit ka?"
"No." Agap ko. "May bisyo ba siya?"
Tinaas niya ang dalawa niyang daliri at tinapat sa bibig niya na parang nag sisigarilyo.
"Yosi." Aniya.
Napatango ako. Oo nga pala, nakita ko nga pala siya na gano'n. Noong unang beses ko siyang nakita.
He smokes.
Inabot yata kami ng lagpas thirty minutes dahil lang sa pagtatanong ko. Habang tumatagal ay parang naboboring na siya dahil bumabagal siyang sumagot.
"Ako naman ang may itatanong sayo." Bigla niyang sabi sa seryosong tono kaya kumunot ang noo ko.
"What is it?"
Humarap siya sa'kin. "Alam mo ba kung anong klaseng tao si Tobi?"
Natigilan ako. Tobias seems like a nice guy, they seem like a nice guys. They go to school and talks to other people with respect.
"What do you mean?"
Ngumisi siya at umiling. "Tinanong ko lang.."
"Uh..."
"Papasok na ako, late na ko ng ilang minuto.." Paalam niya at itinaas ang kanyang palad kaya nagtatakang nakipag high five ako sa kanya.
"What's that for?"
"Apir!" Halakhak niya.
Napailing na lang ako at nagpaalam ako sa kanya nang magpaalam siya. Napahinga ako ng malalim at nilingon si Mang Raul na natutulog sa loob ng kotse.
In the end, hindi ko pa rin nakita si Tobias.