"Bakit?"
After a long silence ay ayon lang ang lumabas sa bibig niya. My smile faded and tilted my head, searching for the right words to say.
"Uh... Mommy wants you to be my bodyguard..."
Huminga siya ng malalim at tumingala habang nakapikit. Nakatingala ako sa kanya, bukod sa matangkad siya ay nakatayo siya sa mas mataas na baitang sa'kin.
"Sinabi ko nang hindi ako payag." Aniya at nilagpasan ako kaya hinabol ko siya pababa at hinila sa kamay.
"Hey!"
He tsked and stared at me. He just stared and didn't say anything, nakaka kaba tuloy.
"Tobias—"
"Miss." Nag iwas siya ng tingin at nilagay ang kamay sa kanyang bulsa.
"Ayoko ng sakit sa ulo." Mahinang sabi niya at binalik ang tingin sa'kin. "Naiintindihan mo? Ayoko ng may iniintindi bukod sa sarili ko."
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko ay sobrang pabigat ko naman at sakit sa ulo kaya dapat intindihin ng sobra. Ayokong pansinin ang sinabi niya, gusto kong lunukin ang pride ko. Dahil kapag hindi siya pumayag, no allowance! Wala akong kalayaan at habang buhay na lang akong ganito.
"But..." Frustrated na sabi ko. "I'll be a good girl! Hindi ako magiging sakit sa ulo, promise!"
He licked his lower lip. He stared at me once again, konti na lang ay maiilang na ako dahil titig siya ng titig. May mga tumitingin pa sa'min mula sa baba ng hagdan.
"Please?" I assured that he can hear the desperation in my voice. "Hindi ako magiging sakit sa ulo. I promise you! Just give me a chance, please?"
"Hindi ko magagawa ang trabaho ko, nag aaral ako at malayo ang lugar kung saan ako nakatira." Huminga siya ng malalim. "Maghanap ka na lang ng iba."
"But mommy only wants you..." Pagpipilit ko. "Please? Pumayag ka na."
Lumingon siya sa baba ng hagdan kaya napalingon ako ro'n. Nakita ko si Gideon na nakatingala sa'min mula sa baba, nakakunot ang kanyang noo habang pinapanood kami.
"Kari, let's go." Aniya at humakbang paakyat, tumingin siya kay Tobias at hinawakan ako sa pulso saka hinila pababa.
"Wait!" Kumapit ako sa hawakan ng hagdan kaya napatigil si Gideon at nilingon ko si Tobias na bumaba na rin at nilagpasan ako.
"Hey! Tobias!" Nag echo ang desperadang boses ko sa hallway kaya napatingin sa'kin ang lahat ng nandoon. "Just give me a chance! Please!"
Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Gideon sa pulso ko pero ayaw niyang bitawan.
"Tobias! Please!" I pleaded, pero hindi siya lumilingon. Tanging ang mga estudyante sa paligid ang nakatingin.
"You're making a f*****g scene, Kari." Galit na sabi ni Gideon kaya napapikit na lang ako at napahawak sa buhok ko habang sinusundan ng tingin ang likod ni Tobias.
Damn it!
"Gosh, nakakahiya ka!" Hindi makapaniwalang sabi ni Cade nang ikwento ko sa kanila ang nangyari kinabukasan.
Sinubsob ko ang ulo ko sa lamesa. "I know."
Nagsisisi na ako sa ginawa kong pag sigaw sigaw doon sa hallway ng school kung saan nag aaral si Tobias. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon! Sobrang desperada na lang talaga ako na hindi ko na naisip kung anong pinag gagagawa ko. Gosh, i hate myself.
"Ipaliwanag mo na lang kay tita na ayaw talaga nung tao. Wala naman kayong magagawa, Kari."
Nag angat ako ng tingin. "That was the first thing that i told her last night, pero mukhang wala siyang pakialam. All she wants is Tobias as my bodyguard!"
"That sucks." Halakhak ni Nigel kaya tinignan ko siya ng masama.
"So, what's your plan?" Tori asked.
Nagkibit balikat ako. I don't know, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Mukhang ayaw kasi talaga no'ng tao, anong magagawa ko kung ayaw niya? Ayaw niya ng may ibang iniintindi bukod sa sarili niya, ayaw niya rin ng sakit sa ulo. Hindi naman kami close para pagtiisan niya ako.
Uh. I don't know anymore!
"Kung desperada ka na talaga, pilitin mo siya ng pilitin hanggang sa pumayag." Ani Cade. "Pero kung ako, i won't bother anymore.."
"Try it again, Kari." Sabi naman ni Tori. "Kilala ko si tita, kapag sinabi niyang magiging grounded ka forever dahil lang sa hindi mo napapayag 'yung tao—magiging grounded ka talaga habang buhay.."
"Sabagay..." Tumango si Cade. "Then try it again, ligawan mo! He seems like a nice guy naman, kahit one month mo lang siyang maging bodyguard ay baka makuntento na si tita."
Pinasingkit ko ang aking mata. "Paano ba manligaw?"
"Ask this guy." Tinuro ni Cade ang katabi na si Nigel at kinagat ang labi. "He's very good at it."
Umirap ako dahil halatang kinikilig siya pero binaling ko pa rin ang tingin kay Nigel na halata naman na nahihiya sa sinabi ni Cade.
"So, paano mo niligawan si Cadence?"
His mouth puckered. "It's not easy."
"How, Nigel?" Naiinip na tanong ko.
Sumandal siya sa kanyang upuan at pinahinga ang braso sa sandalan ng inuupuan ni Cade.
"I brought her flowers everyday, i was picking her up whenever she wants to go, i bring her foods when she felt hungry, texting her everyday and asked how her day went, i always make sure that she's okay and not having a bad day—"
"What? I will do all of that?"
Tumaas ang kilay niya. "Tinanong mo ako kung paano ko niligawan si Cade at sinagot kita, hindi ko sinabi na ayon ang gawin mo."
I made a face. May mga nanligaw na sa'kin at magkakaiba sila ng style lahat pero halos kapareho lang ng ginawa ni Nigel kay Cade, para lang siyang better version. Nakita ko rin naman kung paano siya nanligaw dahil palagi kong kasama si Cade kahit dati pa.
"Hindi mo kailangang gawin ang ginawa ni Nigel, nanligaw siya dahil gusto niyang maging girlfriend si Cade. Magkaiba kayo ng sitwasyon, Kari..." Sabi ni Tori.
Huminga ako ng malalim.
"I'll do it my own way."
"That's my girl!" Halakhak ni Cade at nag thumbs up.
So, bumyahe ulit ako ng malayo the next day. Si Mang Raul lang ang kasama ko na pinag hintay ko lang sa labas ng school.
"Sino po ulit kailangan niyo, ma'am?" Tanong ng school guard.
"Same person." Sagot ko.
"Pero..." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Bawal po ang suot niyo sa loob ng school, ma'am."
Tinignan ko ang sarili ko. Nagsuot ako ng ripped maong na high wasted shorts at white crop top off shoulder, pula ang ginamit kong lipstick para bumagay sa kulay ng balat ko.
"What's wrong with this?"
"Uh.." Napakamot siya sa ulo. "Okay siya, ma'am. Pero masyadong sexy kaya hindi namin pinapayagan sa school ang ganyan."
"What?" Inis na tanong ko. Napahigpit ang hawak ko sa hawak kong isang pirasong sunflower na nasa maliit na paso. "Hindi na ako magsusuot ng ganito next time, pagbigyan mo na ako ngayon."
"Hindi po talaga pwede, ma'am—"
"Please?"
"Pasensya na, ma'am. Mapapagalitan ako—"
"Sa gilid lang ako dadaan para hindi ako masyadong mapansin!"
"Ma'am, hindi talaga pwede..."
Napahinga ako ng malalim. Nauubusan na ako ng pasensya lalo pa't naririnig ko ang sinasabi ng mga estudyante.
"Diba siya 'yung kahapon na humahabol kay Tobias?"
"Balita ko ay girlfriend siya ni Tobias pero nakipag s*x ang babaeng 'yan sa ibang lalake kaya siya hiniwalayan..."
What the hell? Napanganga ako at nilingon ang 'nagbubulungan', gulat na napaiwas sila ng tingin kaya lalapitan ko na sana sila para komprontahin nang dumaan sa harap ko ang taong pakay ko rito.
"Tobias!" Maligayang bati ko at agad na nag jog palapit sa kanya.
Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa'kin kasama ang dalawa niya pang kaibigan, naramdaman ko ang maingat na pag hawak nung guard sa braso ko pero hindi ko pinansin.
"You just got here?" Tanong ko kay Tobias at hinila ang braso ko kaya nabitawan nung guard.
"Ma'am, bumalik na lang po kayo—" Napatigil sa pagsasalita 'yung guard nang bumaling ang tingin ni Tobias sa kanya.
"Uh, Tobias. I've got a flower for you." Matamis akong ngumiti kaya bumaba ang tingin niya sa sunflower na hawak ko.
Huminga siya ng malalim at hindi tinanggap ang sunflower. "Bakit mo ginagawa 'to?"
"I told you, i need you to be my bodyguard—"
He muttered a curse under his breath. Bigla siyang tumalikod at naglakad palayo kaya humabol agad ako.
"Just accept the flower, instead!" Hinila ko ang palad niya at nilagay doon ang binibigay ko.
"Miss..."
"Karisma." Pagtatama ko. "Call me Karisma..."
He sighed. "Miss.."
Sumimangot ako. "Oh?"
He then just stared at my face again, for about ten seconds. Unti-unti nang nawala ang ngiti ko dahil nangalay ako.
"Hmm?" Tanong ko pa at tinaas ang dalawang kilay pero hindi pa rin siya sumagot, kinagat ko ang aking labi at yumuko. "I'll be back tomorrow, wait for me.."
Hindi na talaga siya sumagot. Kumaway na lang ako sa kanya after a minute at tumalikod dahil pinag titinginan na talaga kami, hindi na ako lumingon. But i can feel his eyes, staring at my back.