"I don't like this." Reklamo ni Gideon habang nakatuon ang tingin sa daan, he's currently driving right now. Papunta na kami sa address ng school na sinend sa'kin ni Tori.
Sinubuan ko siya ng french fries na tinatamad niyang nginuya, dumaan kami kanina sa drive thru dahil malayu-layong byahe ang mararanasan namin.
"Don't worry, hindi na ako magpapasama sayo next time. If only i have my own car, i won't bother you..." I sighed.
Tinignan niya ako sa gilid ng kanyang mata. "Then, be a good girl."
"I'm already a good girl!" Agap ko.
"No, you're not."
I glared at him. Kinagat ko ang vegetarian burger at tumingin sa labas ng bintana. Kumunot ang noo ko, this area looks like a dangerous place.
After a long drive, tumigil kami sa isang malaking school. Mataas ang itim na gate, ang mga buildings ay napapalibutan ang isang malawak na field.
Nagkalat ang mga estudyante kaya bumaba agad ako ng kotse at nilingon si Gideon na nakakunot ang noo dahil natatamaan siya ng sinag ng araw.
"Ask for the guy." Sabi niya matapos tumingin sa kanyang wrist watch.
Hindi na ako nagsalita. Pumasok kami sa gate pero hinarang kami ng guard.
"Ano po iyon, ma'am?"
Ngumiti ako. "We're looking for a person, sandali lang kami. Don't worry, manong.."
Tinitigan niya ako at tinignan din si Gideon sa likod ko.
"Iwan niyo na lang po ang I.D ng isa sa inyo bago kayo pumasok sa loob, ma'am."
"Any I.D?"
Tumango siya kaya nilingon ko si Gideon. Nag buntong hininga siya at iiling-iling na kinuha ang school I.D niya sa wallet. That will do. Kinuha ko iyon at binigay sa guard.
"Wag po kayong masyadong magtagal dahil mag sisimula na ang klase ng ibang estudyante."
"Okay, thank you."
Pagkapasok namin ay nilingon agad kami ng mga estudyante.
Gideon bit his lower lip. "God damn, there's a lot of ladies.."
"Calm yo' ass, brother."
He chuckled. "I will."
Napailing na lang ako. He won't. If someone here threw her body to him, he will definitely grab it. That's how uncalm he is.
"Hi!" Napalingon kami sa babaeng biglang sumulpot sa tabi ni Gideon. "May hinahanap kayo?"
Tumaas ang kilay ko. "Yes."
"Uh.." Ngumiti siya. "I'm Erlyn, the president of student council. How may i help you?"
"We're looking for Tobias Ortega." Sagot ko, mula kay Gideon ay lumipat ang tingin niya sa'kin.
"Uh, si Tobias Ortega?" Bumalik ang tingin niya kay Gideon. "Pwede ko kayong samahan.."
I bit my lower lip. Halatang nagpapapansin lang siya sa kapatid ko!
"Just tell us where he is." Malamig na sabi ko, tumingin siya sa'kin at mabilis na napalitan ang emosyon sa kanyang mukha.
"Malaki ang school na 'to, siguradong maliligaw kayo—"
"It's okay, sigurado naman na makakalabas pa rin kami kahit maligaw kami." Ngumiti ako ng matabang. "So where is he exactly?"
"Uh.. doon sa second building."
Gideon brushed his hair. "Thank you, Erlyn."
She smiled sweetly.
I scoffed. Iniwan na namin 'yung babae doon at nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pag irap na ginawa niya bago kami makaalis sa harap niya.
"Stop eyeing everyone!" Sermon ko kay Gideon dahil pagkapasok namin sa building ay may lumilingon sa kanya at tinitignan naman niya pabalik.
Humalakhak siya. "It's alright, i'll behave for today.."
"You should."
Umakyat kami sa hagdan bago kami nagtanong sa isang estudyante. Everyone knows who Tobias Ortega is, mukhang pagala-gala nga lang siya dahil magkakaiba ang lugar na tinuturo ng lahat. Damn, ang sakit na ng paa ko!
Tapos naiirita pa ako dahil kinukulit talaga si Gideon. Alam kong alam nila na magkapatid kami dahil magkamukha kami, kaya naman ang lakas ng loob nila na guluhin si Gideon dahil i don't mind naman. I just wish na akalain nila na girlfriend ako ng kapatid ko para tumigil sila pero halatang iisa ang dugo namin.
"Hey, just sit over there. I'll find him myself." Sabi ko sa kanya habang tinuturo ang mahabang bench sa gilid ng field.
Kumunot ang noo niya. "Are you sure?"
"Yeah, please just sit over there."
So, talagang ginawa niya ang sinabi ko. Alam kong naboboring din siya dahil ayaw niya ng mga ganito kaya mas gusto kong ako na lang mag isa dahil mas madali.
"Miss.." Nilingon ko ang lalake sa gilid na tumawag sa'kin, tumingin siya sa gilid ko na parang may hinahanap. "Kanina pa kita gustong lapitan kaso may kasama ka, sinong hinahanap mo?"
"Tobias Ortega." Sagot ko.
Saglit siyang natigilan at lumayo ng konti sa'kin. "Boyfriend mo?"
Huminga ako ng malalim. Ngayong hindi ko kasama si Gideon ay ako naman ang ginugulo.
"Do you know him personally? Where is he?" Tanong ko.
"Kilala lang siya sa school na 'to, tignan mo na lang sa taas kasi nakita ko kanina na umakyat."
Ngumiti ako. "Thank you."
Paakyat na ako ng hagdan pero pinigilan niya ako, kinuha niya ang phone niya at inabot sa'kin.
"Pwedeng makuha number mo?"
Naboboring na tinignan ko siya. "He's my boyfriend, Tobias is my boyfriend."
"Oh..." Tumango siya ng maraming beses at tumalikod.
I shrugged at umakyat na ng hagdan. Tobias' name is pretty powerful here.
So i spent fifteen more minutes finding that guy. Nabibwisit na talaga ako, ang sakit na ng paa ko pero hindi ko pa siya nahahanap. Umuwi na ba siya kaya hindi ko siya makita? Nakakainis!
"Si Tobias Ortega, do you know where he is?" Tanong ko sa isang matangkad na babae, mahaba ang kanyang light brown na buhok at natatakpan ng full bangs niya ang kanyang noo.
"Uhm, i just saw him passed by this hallway a minute ago." Sagot niya habang tinuturo ang hallway. Nanlaki ang mata ko at nagpasalamat.
Lakad takbo kong tinahak ang hallway dahil baka makalayo pa siya. Pero nasa dulo na ulit ako at hagdan na ulit ang nasa harap ko pero hindi ko pa siya makita, sinilip ko naman ang bawat rooms!
"Hey, nakita mo ba si Tobias Ortega?" Tanong ko sa estudyante na nakatayo sa hagdan.
"Huh? Umakyat siya sa taas—"
"Okay, thank you." Umakyat agad ako ng hagdan kahit hinihingal ako.
Pero wala pa ako sa kalahati ng hagdan ay napatigil na ako dahil sa lalakeng pababa. Nagkatinginan kami bago kumunot ang kanya noo, nakatingala ako sa kanya at nakatungo siya sa'kin.
He is wearing a uniform and i swear to God, his hair looks so good pushed back! Napatitig lang ako sa kanya bago siya humakbang pababa at tumigil sa harap ko.
Napakagat ako sa aking labi, i've never been so happy to see someone.
"Anong ginagawa mo rito?" Halata ang pagtataka sa kanyang boses.
"Finally!" I smiled. "I've been looking for you, Tobias."