kabanata 15

1085 Words
"Are you serious?" Umirap ako nang tumawa si Cade matapos kong ikwento sa kanila ang gustong mangyari ni mommy. I'm so mad that i would literally punch anyone who will bother me. "Ang cute ni tita!" She chuckled. "Stop laughing the hell around!" Inis na sabi ko kaya lalo siyang tumawa. "So, you're still grounded and you need to force that guy to be your bodyguard in order for you to get back to your life?" Tumango ako sa tanong ni Tori, tumawa rin siya kaya napapikit ako ng mariin. Ano bang tinatawa nila?! I am serious! Nag iinit talaga ang kaloob looban ko dahil sa inis! Dahil unang una, pangalan at itsura lang ang alam ko sa lalakeng iyon. Pangalawa, paano ko siya hahanapin kung wala akong pera at kotse? Pangatlo, bakit kailangan na siya pa? Pwede naman na mag hire kami ng mga totoong nag train bilang bodyguard! I mean, Tobias seems like a decent guy but i don't know him well. Balak akong ipagkatiwala ni mommy sa taong tatlong beses ko pa lang nakikita? "It's your fault." I glared at Cade. "What?!" "I said it's your fault!" Pag uulit niya. "You like parties, i know that and i understand. But you were grounded, Kari—" "Para kang si mommy. Stop it." Ngumiwi ako. Binelatan niya ako at uminom sa milktea niya kaya pinasingkit ko ang mata ko sa kanya. Sinara ni Tori ang kanyang laptop. "When do you plan to start?" "I won't do it." "Then you'll be grounded forever.." Napasabunot ako sa buhok ko at tinignan ang pagkain sa harap ko. Hindi ko nakain kanina ang toasted bread ko sa bahay, pati ngayon ay hindi ako makakain dahil doon. "But in all seriousness.. do it, Kari. Tutulungan ka naman namin e." Seryosong sabi ni Cade. Tumango si Tori. "Yes, i'll do research for you. Tutal ay alam na natin ang pangalan niya, mas madali nang hanapin siya ngayon. Internet, duh..." I sighed. "Let's start tomorrow." Sinundo ulit ako ng driver namin ngayong araw. Hindi tulad kagabi ay sumakay agad ako sa kotse, and i swear i just saw the relief on Mang Raul's face when i did that. Mukhang napagalitan siya ng husto ni mommy dahil sa ginawa ko kagabi. "Opo, ma'am.. nandito na po si ma'am Kari." Napalingon ako sa maid sa may hagdan nang marinig ang sinabi niya, may kausap siya sa phone na sigurado ako na si mommy. Umirap ako sa hangin, bantay sarado talaga bawat galaw ko. I spent the whole night browsing in social media, i was so freaking bored that i fell asleep so early. Nagising na lang ako nang may humila ng kumot na nakapulupot sa katawan ko. "Goodmorning, brat." Bati ng baritonong boses. Inaantok na nagdilat ako ng mata para makita ang mukha ng kakambal ko. Nakatayo siya sa paanan ng higaan ko habang nakalagay ang isang kamay sa kanyang bewang. Umungol ako at pumikit. "What are you doing here?" Inis na umupo ako nang hilahin niya ang paa ko, humalakhak siya kaya tinignan ko siya ng masama. "What do you want, Gideon?" Tumayo ako at nagpunta sa banyo para mag hilamos. Mabuti na lang ay wala akong klase ngayon. "I just heard that you're currently in trouble.." Sumandal siya sa pinto ng banyo at pinanood ang reflection ko sa salamin. "Paano mo nalaman?" "Kuya Felix.." Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pag hihilamos, matapos ay kinuha ko ang towel na nakasabit sa gilid. "Chismoso ka." Humalakhak siya at binagsak ang katawan sa higaan ko. Napailing ako, nagpunta pa siya rito dahil lang doon. Hindi na naman siya rito nakatira dahil niregaluhan siya ni daddy ng condo unit nung birthday niya, he barely go here. Naaalala ko pa kung paano niya ako inggitin nung mga oras na 'yon. "Help me." Sabi ko. "I can't, i don't want my credit cards to be cancelled too.." I scoffed. I can't believe this! Pati siya ay pinagsabihan na ni mommy na wag akong tulungan, balak niya ba talaga akong pahirapan ng husto?! Nilahad ko ang aking kamay. "Give me money instead." Umiling siya kaya mabilis akong lumapit sa kanya at kinapa ang mga bulsa niya para kunin ang wallet niya. He bit his lower lip. "Oh, damn..." Ngumiti ako habang kinukuha ang pera sa loob, nag iwan pa ako ng two thousand pesos para naman may magamit pa siya. Tumayo siya nang makitang pati ang isa niyang card ay kukunin ko, bigla akong napatingala sa kanya nang mabilis niyang kunin ang wallet niya sa kamay ko. "Alright, you get all the money." Aniya at kinuha ang natitirang pera sa loob at binigay sa'kin. I smiled sweetly. "Thank you, brother." "Stop getting in trouble, Kari." Seryosong sabi niya kaya nawala ang ngiti ko. "You're a lady now so act like one, stop being a brat." Ngumuso ako. Mapang-asar si Gideon at happy go lucky, pero kapag seryoso siya ay seryoso siya. He is sharp with his words you know, there was a time that he made me cry without hitting me when we were just kids. He scare me sometimes too. "Last na 'to." Mahinang sabi ko. Pinasingkit niya ang kanyang mata. "I won't give you even a single penny next time." "Fine!" Tinulak niya ang noo ko. "Brat." Inambahan ko siya pero hindi siya gumalaw at nakatingin lang sa'kin kaya tumingkayad ako at tinuloy ang sapok sa ulo niya. "Jesus Christ..." Daing niya habang hinihimas ang ulo niya. Binelatan ko siya kaya magsasalita na sana siya pero tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Tori sa screen kaya nagmamadali kong kinuha. She doesn't like to call kaya kapag tumawag siya, ibig sabihin ay mahalaga. "Kari!" "Hey, what is it?" Tanong ko. Nilingon ko si Gideon na sinubsob ang mukha sa higaan ko. "Alam ko na kung saan siya nag aaral.." Nanlaki ang mata ko. "Who?! Tobias?!" "Uh-huh." "Let's go there!" "I'm sorry, may klase ako ngayon." Bumagsak ang balikat ko. "Wala akong kasama?" "Uh, contact someone else.." May narinig akong tumawag sa kanya mula sa kabilang linya. "Oh, shoot. I need to go, bye! I'll text you the school's address.." Bago pa ako magsalita ay naputol na ang call. Napapikit ako at napatingala. Napalingon ako kay Gideon na humikab, nakapikit siya at nakadapa sa higaan ko. Nakalimutan ko na nandito pa ang isang 'to. "Hey, may lakad ka ba ngayon?" "None." Inaantok ang kanyang boses. "You have your car with you?" Nagdilat siya ng mata. "Of course." I smiled. "Come with me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD