kabanata 14

1187 Words
V. "Anong nangyari, tol?" Nakayuko lang ako habang nakatingin sa'kin ang tatlong lalake na nakatayo sa harap ko ngayon. Nandito na kami sa labas, may konting tao rito pero wala naman silang pakialam. Nilingon ko si Tobias, nakatingin lang siya sa'kin at hindi sinagot ang nagtanong sa kanya. I can see his tounge moving inside his mouth while both of his hands are on his waist, probably thinking of something. "Ayos ka lang, miss?" Tanong nung guy na buzz cut ang buhok. I nodded, then looked at Tobias again. "Y-yes, i'm okay..." I saw the other guy on the side of my eye quietly shook his head with a grin on his mouth. "Pauwiin mo na lang muna, Tobi." Tobias, being an eerie human being didn't say anything again. "Uh... You come with me!" Mabilis kong sambit kaya kumunot ang noo nila. "I am currently grounded because you didn't come with me, Tobias. I called the number you gave me but it was unavailable, mommy thought i was lying and—" I stopped talking when he heaved a deep sigh and tsked. Napatahimik ako, pakiramdam ko ay nasigawan ako ng maraming beses dahil lang sa ginawa niya. "Kari?!" Napalingon ako sa may pinto nang marinig ang boses ni Cade, nakakunot ang kanyang noo habang lumalapit sa'kin. She stroke my hair, looking at me. "Oh, my goodness. What happened to you? I've been looking for you!" "Why?" "Tita's very mad right now, Kari! She was calling me earlier and told me to bring you home!" Oh, s**t. Binalik ko ang tingin kay Tobias at nagpaawa, he looked at his friends obviously asking for help to make a decision. "Please, i won't bother you again after this..." I pleaded. He gazed at me then faced his friends again. "Mauna na kayo.." Mahina niyang sabi. Napangiti ako at nilingon si Cade na kausap ang dumating na si Nigel. "If mommy called again, tell her that i'm on my way." Bilin ko kaya tumango siya at tinitigan ang kabuuan ni Tobias. "Okay, ingat." Tinignan ko ulit si Tobias na nag hihintay, sinenyasan ko siya na sumunod sa'kin pero nauna pa siya. Pinara niya agad ang taxi at binuksan ang pinto sa likod at nilingon ako, kinagat ko ang aking labi at naunang sumakay. Pakiramdam ko ay sobrang tagal ng biyahe. He was just leaning at the backrest with his eyes closed and never said anything. Dumilat lang siya nang huminto ang taxi sa bahay namin. My heart was throbbing so fast when we came in at the front door, nilingon ko si Tobias na pinagmamasdan ang paligid. "Kari." Mabilis akong napalingon sa hagdan nang marinig ang boses na iyon. "Mommy—" Napayuko ako nang mag echo ang malakas na sampal na tumama sa pisngi ko. "Kailan ka matututo, Kari?! Nauubos na ang pasensya ko sayo!" Sigaw niya. "You thought i was a joke, huh?! Hindi ka ba natatakot sa'kin?!" Nag angat ako ng tingin. Her face is very red, halatang galit na galit siya. Hindi ko alam kung anong ire-react ko, may ibang tao sa bahay na ito ngayon and i just got a slap in front of him. I feel so damn small. "Mommy..." She breathed. "Go to your room.." "But—" "Go to your room, Kari!" Tumango ako at umakyat ng hagdan, ni hindi ko nilingon si Tobias dahil hiyang hiya ako sa kung ano man ang reaksyon niya. Dumating ako sa room ko na hindi ako umiyak, umupo lang ako sa bed ko at nag isip. Tulala dahil sa nangyari, what just happened? "Damn it..." I muttered under my breath. Kausap ni mommy si Tobias at hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila. Napasabunot ako sa buhok ko at sumigaw sa unan, this is so frustrating! Naligo muna ako at nagpalit ng komportableng damit habang nag hihintay, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Naalala ko na naman ang Dice Ferrer na iyon, that good for nothing pervert! Sana talaga ay napuruhan siya ng pinalong bote sa ulo niya. Napangiwi ako nang humapdi ang pisngi ko, bakat na bakat ang daliri ni mommy. I can't believe this. Humiga muna ako sa bed dahil ayokong bumaba ng ganito ang itsura ko. Kinabukasan ay tahimik si mommy pagkababa ko ng hagdan, nakatulog na lang ako kagabi nang hindi ko nalalaman ang pinag usapan nila. "Morning..." Walang ganang bati ko pagkakita ko kay mommy sa kitchen pagkababa ko. Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pag-inom ng coffee niya. I know she's still mad, galit din naman ako dahil sinampal niya ako. Alam kong wala akong karapatan magalit dahil kasalanan ko but i can't help it! Bakit ba ayaw niya kong hayaan na magpakasaya?! I toasted two breads and get a glass of fresh milk. Walang nagsasalita kaya huminga ako ng malalim at umakyat ng hagdan dala ang pagkain ko. "Kari." Napatigil ako sa pag akyat nang marinig ang boses ni mommy, lumingon ako pero hindi ako bumalik. "Why?" Mahinang tanong ko. I'm mad but i don't want to disrespect her, takot pa rin naman ako sa kanya. Uminom siya sa coffee niya at sinuot ang kanyang silk cardigan. "Let's talk." Tumango ako. "I'll just eat—" "Right now." Nag buntong hininga ako at mabibigat ang paa na bumaba ulit ng hagdan. Umupo ako sa sofa sa salas at siya naman ay sa tapat ko pumwesto. "What is it? I need to get ready for school." Naiinip na sabi ko dahil tinitignan niya lang ako, hindi tuloy ako makakain. Nakakainis talaga! "Nagkausap kami ni Tobias Ortega last night." That caught my attention. "Anong pinag usapan niyo?" "Well..." She paused. "I want him to be your personal bodyguard." I scoffed. "What? Why?!" Hindi ako makapaniwala. I don't need a freaking personal bodyguard! Hindi naman ako kilalang tao, i'm not a well known person or something. Ano bang iniisip nito ni mommy?! "You know to yourself why, Kari!" Medyo galit na ang kanyang tono. "You got almost rape, twice! And you don't even know who did it to you!" Hindi ako sumagot. Hindi ko sinasabi sa kanya ang pangalan ni Dice Ferrer, sabi ko ay hindi ko alam ang may gawa no'n kung sino. "He refused." She said coldly. "I offered him a big amount, i even asked him what he wants but he declined every single thing i offered." "Alright." I shrugged. "Then why are we talking about this? He declined. Ayaw niya, so why bother?" "You're still grounded, Kari." Kinagat ko ang aking labi. I know, alam kong wala akong freedom ngayon lalo pa dahil sa ginawa ko at nangyari kagabi. f**k, i freaking hate Dice Ferrer! Hindi naman masisira ang lahat kundi dahil sa taong 'yon. "I want you to force him to be your bodyguard. Wala akong ibang gustong pagkatiwalaan kundi ang taong iyon, do everything in order for him to take my offer.." Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag. "You know the rules, no Tobias Ortega as your bodyguard—no parties." Hindi ako nakapagsalita. Napanganga na lang ako at sinundan siya ng tingin na lumalabas ng bahay. No way... No freaking way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD