kabanata 42

1082 Words
Lumalalim na ang gabi pero hindi ko pa rin kinakausap si Jupiter. Hindi ko alam kung bakit ayoko siyang kausapin ngayon, hindi naman ako galit o naiinis. Ewan ko ba. Nandito ako sa labas ng bilyaran, at pasikretong nagsisigarilyo. Pumikit ako at pinakiramdaman ang simoy ng hangin nang biglang may kumuha ng sigarilyo sa kamay ko. Kunot-noo na napadilat ako at nakita ang nakatayo na si Jupiter. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa ilaw ng poste, pero ramdam ko ang pagtitig niya. "Hindi ka talaga marunong makinig." Mahinang sabi niya at siya naman ang humithit sa sigarilyo kaya nag-iwas ako ng tingin. "Pakialam mo ba?" Tanong ko na agad ko rin pinag-sisihan sa isip ko. Gusto ko sanang bawiin iyon pero nahihiya ako. Hindi siya sumagot at ang tanging paghinga niya lang ang naririnig ko. Sumandal din siya sa dingding kaya nakita ko ng malinaw ang mukha niya, tumingala siya at pumikit na parang nag iisip. "Kung alam mo lang.." Mahinang sabi niya na halos ayaw niya nang iparinig. Nag-iwas ako ng tingin at huminga ng malalim. "Iiwan mo rin ako sa huli, tulad nila." Narinig ko ang marahan niyang pagtawa kaya tinignan ko siya ng masama. Kinagat niya ang kanyang labi. "Anong dahilan para iwan kita?" "Maraming dahilan." Tumango siya. "Sobrang dami nga." "Alam ko." Mapait na sagot ko. "Wala naman akong maipagmamalaki, matagal nang sira ang buhay ko. Wala nang magbabago doon, kaya hindi na ako magugulat kung magising na lang ako isang araw na wala na kayo lahat." Hindi siya sumagot kaya pasimple ko siyang nilingon. Nakatitig pa rin siya sa'kin, napakalalim ng tingin niya na para bang may gusto siyang sabihin. "Ano?" Inip na tanong ko kaya nagbuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang buong mukha ko. Nag papawis ang palad ko at hindi ko alam kung bakit. Kinamot niya ang ibabaw ng kilay niya at nilagay ang isang kamay sa bulsa ng pantalon na suot niya. "Hindi ko rin naman kailangan ng maraming rason para manatili. Sabihin mo lang, Jack. Sabihin mo lang na wag kitang iwan, hinding-hindi ako mawawala." Nanginginig ang boses niya. Parang tumigil ang pag hinga ko sa aking dibdib. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, unang beses mula nang magkakilala kami ay kinausap niya ako ng ganito. Ang kanyang mata ay kundi malamig ay lagi naman walang emosyon. Kaya hindi ko alam kung masasanay ako sa mata niya ngayon na mapungay at mahinahon. "Jupiter.." Yumuko ako at kinagat ang aking labi. "Wag mo akong iiwan hangga't hindi ko sinasabi." Nakapangalumbaba na nakatingin ako sa labas ng bintana, naririnig ko na naman ang malalanding mga kaklase ko na kinukulit 'tong katabi ko na si Rigo. "May girlfriend ka na ba, Rigo?" Narinig kong tanong no'ng isa, lumingon ako sa gawi nila at nakita ang maliit na pag-iling niya. Humalukipkip ako at lumingon sa pinto kung saan pumapasok ang prof namin ngayon. "Okay, class. Put out your magazine that i've told you to bring last week." Agad na nagbulungan ang iba dahil mga walang dala. Samantalang ako ay tahimik lang dito, wala akong dala dahil nakalimutan ko. At wala naman akong madadala talaga, wala akong magazine sa bahay. Alangan naman na dalhin ko 'yung mga magazine nila Joaquin doon na punong-puno ng mga hubad na babae. "Rigo, you don't have magazine ba? Here oh, dalawa talaga ang dinala ko para sayo." Sabi ng isa dito at pinatong ang isang magazine sa lamesa ni Rigo na ni hindi man lang iyon dinaanan ng tingin. Ang swerte rin ng isang 'to, kahit yata tuition fee niya ay babayaran ng mga ito—mapansin lang niya. Tumingin ako sa prof na malapit na rito, iniisa-isa niya ang lahat ng upuan at pinapalabas ang mga walang dala bilang parusa. "Lumabas na ang mga walang dala para mapabilis tayo." Nagbuntong-hininga ako at tumayo na para lumabas pero napalingon ako kay Rigo nang ipatong niya 'yung magazine na binigay sa kanya sa lamesa ko. Likod na lang niya ang nakita ko na naglalakad palabas. Anong kalokohan 'to? "Oh. Himala yata at may dala ka ngayon, Sy?" Nakangiting tanong ng prof na hindi ko pinansin. Nararamdaman ko kasi ang masamang titig ng mga babae dito kaya mabagal na tumayo ako. "Hindi sa'kin 'to." Sabi ko sa prof kaya kumunot ang noo niya. "So, bakit nasa iyo? Take it back to the owner." Sabi niya kaya tumango ako at dinampot 'yung magazine. Lumingon ako sa babae na nagbigay ng magazine na 'to kay Rigo na ngayon ay masama ang tingin sa'kin. "Sayo 'to, diba?" Tanong ko at binato sa mukha niya 'yung magazine at naglakad palabas. Narinig ko pa ang gulat na sigaw niya at pagtawa ng iba naming kaklase. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumingin sa apat na estudyante na naka-squat sa tapat ng room. Kasama si Rigo. Tumabi ako sa kanya at masama ang loob na nag-squat habang nakataas ang kamay. "Bakit nandito ka?" Narinig kong tanong ng katabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Hindi naman siya sa'kin nakatingin kaya hindi ko alam kung ako 'yung kinakausap niya. Hindi ako sumagot dahil baka hindi naman ako 'yung kausap niya, lumingon ako sa loob ng room kung nakatingin ba 'yung prof. Nung nakita ko na hindi nakatingin ay umupo ako sa sahig at sumandal sa dingding. Si Rigo naman ay umayos lang ng tayo habang nakasandal rin sa dingding, ganoon din ang ginawa ng iba. Pumikit ako dahil inaantok ako pero agad akong napadilat nang maalala 'yung nangyari kagabi. Umiling-iling ako, sinabi ko ba talaga 'yon? Hindi ako makapaniwala na lumabas 'yon sa bibig ko. Hindi ko namalayan. Kinagat-kagat ko ang kuko ko habang nakatingin sa kawalan. "Jackeline Sy." Agad akong napataas ng tingin nang marinig 'yon. Tumambad ang umuusok na ilong ng prof namin habang nakapamewang. Tinatamad na tumayo ako para mag-squat na pero pinigilan niya ako. "No, stop that. Iba na ang parusa mo." Sabi niya at pumasok sa room, pagkabalik ay dala niya ang isang mop. "Clean all the hallways of this building, from first floor to fifth floor." Sabi niya at inabot sa'kin 'yon pero hindi ko tinanggap. "Hindi ko trabaho 'yan." "Well, trabaho mo ito ngayon dahil pinaparusahan kita. Pinalagpas ko kanina ang pagbato mo ng magazine sa mukha ng kaklase mo. And now, makikita kita rito na hindi ginagawa ang simpleng parusa. Now clean the hallway! You ask for it, Sy. Do it or ibabagsak kita." Huminga ako ng malalim at inis na kinuha 'yung mop saka tumalikod. Nakakabwisit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD