kabanata 3

1154 Words
Masakit ang katawan na nagdilat ng mata si Kali kinabukasan, nilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa loob pa rin siya ng kulungan at ang mga kamay at paa ay naka-kadena pa rin. She’s back in her human form, and she’s naked. Nagmamadali siyang tumayo at kinuha ang kanyang damit sa gilid na hinanda niya na kagabi pa, kinapa niya ang bulsa ng pantalon para kunin ang susi ng mga kadena at ng kulungan. Kinalagan niya ang sarili at mabilis na sinuot ang mga damit habang nililibot ang tingin sa mga paligid, bukod sa dalawang kulungan sa harap niya ay hindi na niya nakikita ang iba pa. At ang dalawang nakakulong doon ay tulog pa rin at tulad niya ay mga nakahubo’t hubad, sila Winona at Petra. Inayos niya ang kanyang buhok bago binuksan ang kulungan at lumabas, ngunit napatigil siya nang makita ang ibang kulungan na mga wala nang nakakulong at ang mga rehas ay sira-sira. Halatang ang mga sira ay galing sa kagat ng mga werewolf. May mga nakatakas? Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Ngunit naisip ni Kali na iyon ay imposible, tanging ang alpha lang nila ang may kakayahan na sirain ang kanilang kulungan. Hindi ito magagawa ng mga pangkaraniwang werewolf na tulad niya, dibale na lang kung may katulong ang mga ito. Napahawak siya sa kanyang noo at kinalabog ang kulungan nila Winona at Petra upang magising ang mga ito. Nagtatakang nagdilat ang mga ito ng mata at agad na tinakpan ang mga sariling katawan nang makita siya. “Bilisan niyo! Mukhang may nangyari kagabi.” Natatarantang sabi niya kaya binalot ng kaba ang dibdib ng mga ito. “Mauuna na ako sa labas!” Nagmamadali siyang umakyat ng batong hagdan para makalabas. Agad siyang napatigil nang makita ang mga nagkalat na dugo sa buong paligid, hindi niya mabilang kung ilan ang nakikita niyang nakahandusay na bangkay sa sahig. Ang mga dugo nito ay nagkalat. Ang iba ay may butas sa dibdib, ang iba ay nakahiwalay ang mga ulo at ang iba ay kung hindi kamay ang putol ay paa naman. Tumutulo ang luha na mabagal siyang naglakad, isa-isang tinitignan ang bawat bangkay. Nagdadasal na hindi niya makita sa isa sa mga ito ang kanyang mga magulang, ngunit huli na ang lahat. Napaluhod na lang siya nang makita niya ang magkatabing bangkay ng kanyang mga magulang, nanlumo siya at nanghihinang napaupo sa mabuhangin na sahig. Nag-unahan tumulo ang kanyang luha habang nakahawak sa kanyang dibdib, ni hindi siya makahikbi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. “A-anong nangyari?” Gulat na gulat na tanong ni Petra na nasa likuran niya na pala, si Winona ay tahimik na umiiyak habang nakatakip ang kamay sa bibig. Napapikit ng mariin si Kali. “Bakit… bakit naman ganito?” Walang nagsalita sa mga kasama niya at tahimik lang na umiyak lahat, hindi nila mabilang kung ilan ang patay na nakikita nila ngayon at ang nanay ni Winona ay hindi pa nila nakikita. “Kali.” Mabilis na napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses na iyon. Agad siyang napahagulgol ng iyak nang makita ang mukha ni Gaios— kasama ang mga ilang kasama sa pack nila, may mga tuyong dugo sa buong katawan nito ngunit ang mga sugat ay halatang gumaling na. Mabilis siyang nilapitan ng kasintahan at mahigpit na niyakap. “G-gaios, anong nangyari? B-bakit ganito?” Hindi ito sumagot at pinunasan lamang ang kanyang luha, kitang-kita ni Kali ang lungkot sa mga mata ng binata ngunit ayaw nitong ipahalata. Lalong tumulo ang kanyang luha. “B-bakit patay na sila nanay?” “Ang daming nangyari, Kali.” Mahina nitong sagot at nag-iwas ng tingin, naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. “Si Lionel ay wala na rin..” Nanlaki ang mata ni Kali at hindi nakapagsalita dahil sa sobrang gulat, pinagmasdan niyang mabuti ang binata at tinatantya kung nagbibiro lang ito ngunit hindi. “A-ang ibig mong sabihin ay natalo si Lionel ng humamon sa kanya?” Tumango ito. Hindi makapaniwalang napasinghap si Kali. “And that bastard did all of this?” Nag-iwas ng tingin si Gaios at hindi agad sumagot, ngunit maya-maya ay matipid itong tumango. Napahawak si Kali sa kanyang buhok, pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay. Sa tingin niya ay mawawala na siya sa sarili, para na siyang mababaliw. Gaios held her shoulders to calm her down, hinawakan nito ang likod ng kanyang ulo at dinikit ang mukha niya sa dibdib nito. “Sorry, i couldn’t do anything.” Mahinang sabi ng binata at nagbuntong-hininga. Pinunasan ni Kali ang kanyang luha. “Do you know where he is? The beast who did all of this?” “Kali.” May babala ang tono nito. “He was dangerous, he’s way more powerful than my brother and I combined. I.. i couldn’t do anything in front of him, for the first time in my life— i felt… weak.” Mas malakas ito kahit pagsamahin pa si Lionel at Gaios? But they were the strongest in our pack! Hindi maiwasan na kilabutan ni Kali dahil doon, ngunit hindi niya ito pinahalata. Pinunasan niya ang kanyang luha at diretsong tinitigan ang mata ni Gaios. “Because it was a full moon, his strength will be reduced in his human form. Aatake tayo kapag—” “No, no, Kali. You don’t understand.” Kumunot ang kanyang noo. “Ano ang hindi ko naiintindihan? Werewolves are stronger in full moon, kaya nga aatake tayo hangga’t hindi pa— “Kali, he wasn’t even in his werewolf form.” Natigilan siya at nalilitong pinagmasdan ang binata. “A-anong ibig mong sabihin?” “He was in his human form the whole time, he didn’t change form.” Nagbuntong-hininga ito. “And yet, kinalaban niya kami ni Lionel na akala mo’y nakikipaglaro lang siya sa isang tuta. He is a beast, Kali.” Napalunok si Kali at binalot ng matinding takot ang kanyang dibdib. It’s not even possible, paanong hindi ito nagpalit ng form sa full moon? Hindi naman nila nakokontrol lahat iyon. Is he even a werewolf? Hindi pwedeng mangyari na iyon ang maging alpha nila, gagawin lang silang mga alila nito. Sigurado siya na kaya sila gusto sakupin nito ay gusto nitong mag-hari. He is a beast, a murderer and a freaking evil! He ruined our pack and killed our family! He don’t deserve to be an alpha! Kunot ang noo na nag-angat muli ng tingin si Kali sa binata na tahimik siyang pinagmamasdan. “Gaios,” she said and her jaw clenched. “We need a plan.. a plan to destroy him.” Kumunot ang noo nito. “Why?” “Because,” she paused and her eyes lit fire. “The beast must die.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD