Kanina pa paikot-ikot si Kali sa kanilang bahay, inaasikaso niya kasi ang mga gamit at damit na dadalhin ng bunsong kambal na kapatid. Bukas ng gabi na ang full moon kaya naman hinahanda niya na ang pag-alis ng dalawang kapatid.
Mula sa backpack ay nilipat niya ang tingin sa mga kapatid na ngayon ay naghahabulan sa kanilang kwarto.
“Elijah.” Pagtawag niya sa isa sa mga ito, agad itong tumigil sa pagtakbo at lumingon sa kanya. Hinintay niya itong lumapit bago siya muling umupo, hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at tinitigan.
Hindi tulad niya ay singkit ang mata ng mga kapatid na namana ng mga ito sa kanilang ama, ang mga labi ay makakapal na maliliit. Hindi tulad niya na morena ay maputi naman ang mga ito na namana sa kanilang ina.
Ngumiti siya. “Ikaw na ang bahala kay Isaiah, ha?”
“Opo, ate.” Tipid nitong sagot at nilingon ang bumalik na si Isaiah na kanina ay tumakbo palabas ng kwarto dahil akala niya’y hinahabol pa rin siya ng kapatid.
Kahit na kambal ay may pagkakaiba ang dalawa, mas kalmado at mas madaling pagsabihan si Elijah. Samantalang si Isaiah ay may pagkapasaway.
Walong taong gulang pa lang ang mga kapatid at hindi pa nagpapalit ng anyo tuwing full moon, kaya’t dinadala nila ito sa siyudad isang beses sa isang buwan para iiwas sa kanilang lahat. Ang mga nagbabantay sa mga bata na dinadala nila roon ay ang mga buntis na werewolves, dahil kapag buntis ang uri nila ay hindi nag-iiba ang mga anyo nila.
During a full moon, werewolves are unwillingly transformed from their human form into their wolf form. Ngunit, kung ang babaeng werewolf ay nagbubuntis, they will not turn for nine months as the transformation would kill the baby. Pregnants are lucky enough to not change forms in nine months, no bones changing shape or stretching skins for months.
“Huwag kayong masyadong makulit doon.” Pinanlakihan niya ng mata si Isaiah ngunit pilyo lang itong ngumiti. “Baka mamaya ay kung anong mangyari sa mga baby sa tiyan nila Beatrice doon dahil sa kakulitan ninyo.”
“Ako na ang bahala ate,” sabi ni Elijah kaya’t nginitian niya ito ng matamis at hinalikan sa ulo.
Binigay niya ang bag nito. “Bitbitin mo na ito,” aniya at nagbuntong-hininga bago tinawag ang isang kapatid na nawala na naman. “Isaiah! Halika rito at aalis na!”
Hindi pumasok sa kwarto si Isaiah kaya’t hinila niya na si Elijah palabas ng kwarto, nang makita ang pilyong kapatid sa labas ay agad niya itong hinawakan sa damit nang magtangka na naman itong tumakbo palayo.
Yumuko siya rito habang sinusuot dito ang bag nito. “Ayokong may magrereklamo na naman sayo pagbalik niyo rito, ha? Patay ka na naman kay tatay.”
Ngumuso lang ito at umismid, ngumiti na lang siya at hinalikan ito sa ulo saka niya pinanood ang mga ito na nagpaalam sa mga magulang nila. Matapos ay tumakbo na ang mga ito palabas na agad niyang sinundan, nandoon na ang sasakyan na susundo sa mga ito.
Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Gaios na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito, nang lumingon ito sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na lumapit ito sa gawi niya ngunit nagpanggap siyang hindi niya alam.
“Kali.” Hinawakan siya nito sa braso ngunit hindi niya ito nilingon, naramdaman niya na humigpit ng kaunti ang paghawak nito sa kanya. “I’m sorry about last time, galit ka ba?”
Lumingon siya rito ngunit agad din na nag-iwas ng tingin para kumaway sa mga kapatid na paalis na ang sinasakyan. Sinundan niya ng tingin ang sasakyan at nang mawala na sa paningin niya ito ay muli niyang nilingon si Gaios na tahimik na naghihintay sa gilid niya.
“Ano iyon, Gaios? Anong mayroon at matapos ng dalawang araw ay nagparamdam ka na ulit?” Hindi niya maitago ang inis sa boses, simula kasi nang nagkausap sila sa labas ng kampo ni Lionel ay hindi na muli ito nagparamdam sa kanya.
“Kali..” Kumunot ang noo nito. “Full moon’s coming, alam mo na marami akong inaasikaso.”
Alam niya naman iyon, ganito naman na ito dati ngunit naiinis siya dahil ang huli nilang pagkikita ay hindi sila nagkaunawaan. Nakakunot ang noo na nilingon niya ito at nagbuntong-hininga.
“I wish you understand me, Gaios—”
“No, you’re right. I was being childish, i won’t force you with this thing anymore.” Seryoso ang tono nito, pinagmasdan niya ito ng mabuti at sinalubong lang nito ang kanyang tingin.
Kali smiled. “We will tell everyone after full moon.”
“Talaga?” Ngumiti ito ng malawak kaya’t tumango siya, niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan sa sentido.
“Ano ang mayroon diyan?” Agad na naitulak ni Kali si Gaios nang marinig ang boses na iyon, nakalimutan niyang nasa labas sila at nakikita ng maraming tao.
“Pinapalakas lang ni Gaios ang loob ko para sa paparating na full moon, nay.” Pagdadahilan niya kay Lucilia, ang kanyang ina.
Tumango ito. “Nako kayo, hindi sana tama ang iniisip ko. Para na kayong magkakapatid, ha!”
Nagkatinginan na lang sila Gaios at Kali at hindi na nakapagsalita. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit natatakot siya na sabihin sa lahat ang kanilang relasyon, ang tingin ng iba sa kanila ay parang magkakapatid na lang. Sa tingin niya ay hindi ito matatanggap ng lahat, lalo na ng kanyang mga magulang.
Kinabukasan nang magsimula nang magkagulo ang lahat dahil ilang oras na lang ay darating na ang full moon. Hinahanda na ni Kali ang sarili para sa mararamdaman niyang sakit mamayang gabi, kahit na buwan-buwan niya itong nararamdaman ay hindi pa rin siya masanay-sanay sa sakit nito.
“Lionel!” Sa hindi kalayuan ay nakita ni Kali ang kanilang alpha na kinakausap ang mga kasama nila sa pack, agad itong lumingon sa kanya at lumapit.
“Nakapaghanda ka na ba?” tanong nito.
Tumango siya. “Kayo na ni Gaios ang bahala sa’min, ah? Ipapaubaya ko na sa inyo sila tatay.”
“Kami na ang bahala ng kapatid ko.”
Ngumiti siya kaya’t aalis na sana ito nang may maalala siya. “Teka, Lionel.”
Lumingon ito at kumunot ang noo.
“Yung tungkol sa humahamon sa iyo,” aniya. “Matutuloy ba iyon?”
Tumango ito. “Bakit hindi?”
“Mag-ingat kayo ni Gaios, hindi talaga maganda ang kutob ko roon.”
Tumawa ito at hinawakan siya sa may ulo, ginulo nito ang kanyang buhok. Ang ngiti ay hindi pa rin nawawala.
“Wag kang mag-alala, mahalaga sa’kin ang pack na ito kaya hindi ako papayag na matalo lang ako ng kung sino.”
Tumango si Kali. “May tiwala ako sa’yo.”
Tatlong oras bago ang full moon ay nagsimula nang magpunta sa underground ang lahat, dito nakalagay ang mga kulungan at ang mga bakal na kadena na gagamitin nila para sa kanilang lahat. Bawat isa ay may sari-sariling kulungan, dahil kung dalawa ang nasa loob ay maaaring masira ang kulungan kapag nagtulong ang dalawang werewolf. Ang mga posas na may kadena ay ginagamit para sa kanilang mga paa at kamay, nakakonekta ang mga ito sa dingding na bato.
Tahimik lang na pinapanood ni Kali si Gaios na sinusuot ang posas sa kanyang mga paa at kamay, hindi siya nagsasalita. Iniisip niya pa lang ang sakit na mararamdaman mamaya ay para na siyang nanghihina.
Pumikit siya nang hawakan siya ni Gaios sa mukha. “You can do it, Kali. It'll hurt in just three minutes.”
“Three minutes that feel like forever,” sagot niya.
Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi. “I love you.”
Napanganga si Kali dahil sa narinig, mula nang magkaaminan sila ng gabi na iyon ay hindi na muli nito sinabi ang mga salitang iyon sa kanya. Napapangiting tumango siya at niyakap ito ng mahigpit.
“I love you, too.”
Nang makaalis ito ay sumandal na lang siya sa batong dingding at pumikit. Ginagawa nila ito para hindi sila makasakit ng mga tao, dahil kapag nasa wolf form sila ay hindi na nila alam ang ginagawa nila. Hindi sila tulad nila Gaios at Lionel na nako-kontrol ang mga ginagawa.
Bukod doon ay wala rin silang naalala na nangyari buong gabi. Nagbuntong-hininga siya at nilibot ang tingin sa paligid, tahimik lang ang mga kasama niya na nasa sari-sarili nitong mga kulungan.
Just three minutes, Kalista, sabi niya sa sarili. Pagkatapos ng tatlong minuto ay wala na siyang mararamdaman na sakit dahil sa mga oras na iyon ay tumaas na ang kanilang pain tolerance. At kapag nasa wolf form na sila ay wala na lang silang gagawin kundi ang magwala, dahil gugustuhin nilang tumakas ng kulungan na ito para maghanap ng aatakihin.
Tatlong oras ang nakakaraan nang makarinig si Kali nang mga pagsigaw, napadilat siya ng mata nang maramdaman ang matinding sakit sa kanyang ulo.
Kali screamed when she felt her hands peel away like a banana, a large clawed hands coming out of it. Her eye pupil’s dilate, and the color changed into yellow. Ang mga malalakas na daing na lamang ang naririnig sa buong paligid. Their entire body starts molding itself into its new werewolf shape, their bones begin to snap, lengthen, and pop through their skin.
“Ah!” Daing ni Kali.
Their skin shred in some places and stretch in others, the ears stretch up out of the side of their head. As the transformation nears its completion, wala nang ibang maririnig pa kundi ang mga pag-ungol ng lahat.
Kali’s jaw dislodges to make room for a massive, deadly maw. Ngunit wala na siyang nararamdaman pa na sakit, matapos ng limang minuto ay napalitan ang mga daing at ungol ng mga nagwawalang werewolves. Her werewolf form stopped hitting the railings when another werewolf from outside stopped in front of her.
It was Gaios. He was observing her, wanted to know if she was okay. Ngunit hindi niya ito natatandaan at wala siya sa kanyang normal na pag-iisip.
Seconds later, everyone heard their alpha’s low pitch howl. The whole pack started howling along, singing in unison at a beautiful multiple pitches.