Dumating ang gabi, nasa loob kami ngayon ng kwarto niya. Nakahiga na ako sa kama niya at ramdam ko ang pagod kanina at alam kong mamaya ay dadalawin na ako ng antok. Nagpapasalamat talaga ako na pumayag siya sa sinabi ko, dahil kung hindi abay pipilitin ko talaga siya, charot. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupulutin kinabukasan. While I was comfortably sleeping here in his bed. He was lying down on a small sofa, doon na dapat ako matutulog, ayos din naman sa akin, kasya ako at malambot naman, but he doesn’t like the idea of me, sleeping on a sofa chair, mangangalay daw ang likod ko at sasakit kinabukasan. But the spaces remaining on his bed are enough for one person at maslalong ayaw niya ang idea na magkatabi kaming matulog kahit magkatalikod pa. Conservative ang lolo niyo

