After we eat, we went back to the hospital. Habang nasa byahe ay pareho kaming tahimik, walang umiimik. Alam kong nago-over think na siya kung bakit ko nasabi ang mga salitang 'yon kanina. Halata sa mukha niya, hindi siya mahirap basahin, pero may mga bagay parin siya na ginagawa na labis 'kong ikinakagulat. This guy is unpredictable. Inihatid muna niya ako sa room kasama ng mga pinamili ko kanina. Napaka gentleman talaga ng lalaking ito. Gawin ko kayang security guard or house boy ito, charot. Pagkapasok ko ng room ay agad akong umupo sa couch at sumandal, napagod ako, sobra. Kung gano'n lang ang mga ginawa ko kanina ay napagod na ako agad, ano na lang kaya si Clija. Kaya tumayo ako para magpalit ng damit, the usual. Tapos humiga ako sa kama at tinignan ang mga pinamili ko kanina sa

