"Hindi ako pumunta ng rooftop kanina, wala akong matandaan na magkikita pala tayo doon Clij," paliwanag ko kay Clija habang nakadungaw parin sa pinto. "Pero sinabi ko yun sayo kanina lang," hindi parin maalis ang pagkunot ng aking nuo. Binuksan ko na nang tuluyan ang pinto and I stepped forward. "Pero, wala talaga akong matandaan Clij na sinabihan mo ako." "Nag-usap tayo sa loob ng room ni Trixie, sabi ko pumunta ka ng rooftop around eight p.m. and you agreed with it," he explained. Teka, sinong Trixie? "Kanina? Nandito lang ako buong araw sa room ko," nagulat siya sa sinabi ko at napaatras. Then he looked disappointed. "Ganon ba. Sige, sabi mo eh," he heaved a deep sigh at yumuko. "Punta na lang tayo ng rooftop ngayon, kung okay lang sayo," tapos tumingin siya sa akin. Nag-isi

