"Hija," napatingin si Clija sa nagsalita, ang sarili nitong ina. Tapos titig na titig ang nanay niya sa kamay naming dalawa ni Clija. Magka-holding hands kasi ito. "Hi, po tita, at good afternoon po sa inyong lahat," bati ko at nginitian ang mga taong nasa harap namin. "Umupo na kayong dalawa, at nang makapagsimula na tayong kumain," sabi ng ginang sa aming dalawa. Habang tinuturo niya ang dalawang magkatabing upuan sa gilid ng mesa. Tumango naman kaming dalawa ni Clija bilang tugon. Kaya pumunta na kami sa upuan at naupo. "Teka, si Rems, tatawagan ko muna bago tayong magsimula," biglang sabi ni Clija. Nakita ko naman si Clover na kukuha na sana ng isang piraso ng pizza. Kaso natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Clija at napakamot ng ulo kaya bumalik siya sa kanyang upuan. M

