Agad pinulot ni Clija ang plastic bag. Pumasok siya ng kwarto at ibinigay ito sa akin. "Kumain ka nang mabuti, mauna na muna kami," natulala ako sa nangyari. Wala akong nagawa kundi hawakan ang plastic bag na may lamang siopao at Real Leaf. Hinablot niya ang kamay ng dalawang lalaki at agad silang umalis. Mag-isa na lang ako sa Children's Room kaya nagdesisyon akong bumalik ng room ko. Kinain ko ang ibinigay na pagkain sa akin ni Clija. Doon napawi ang gutom ko kahit papano. Pagktapos kong kumain ay nagsimula akong magbasa ng libro na hiniram ko sa kanya. I enjoyed the book, may mga tula lang na hindi ko maintindihan pero dahil sa tulong ng sticky notes ni Clija naintindihan ko naman kahit papano. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. Nakaupo ako sa kama habang nagbabasa ng libro

