Pagkatapos ng operasyon ay lumabas ako ng observation room. Pumunta ako sa room ko nang maramdaman kong tumunog ang aking tiyan. Gutom na ko. Pagkapasok ko ng room ay nagulat ako sa mga taong nandoon, sina mama at papa. Sabay nila ako tinignan at nginitian nang makita ako, hindi rin maitago sa mata nila ang pagkagulat nang makita ang suot ko ngayon. "Anak, bakit suot-suot mo yang uniporme mo?" Tanong ni mama sa akin. "Puwede ka na bang bumalik sa trabaho?" Dag-dag na tanong sa akin ni papa. Nagpabaling-baling ang tingi ko sa kanila. I was about to answer them nang tumunog ulit ang aking tiyan. Tumawa kaming tatlo ng dahil don. "Kain ka muna, tapos magkuwentuhan tayo," nakangiting tugon sa akin ni mama. Nakaupo na kami sa kanya-kanya naming upuan at may table sa harap namin. Mukha

