Nasa loob ako ngayon ng kwarto at kaharap ang laptop ko. Nasa kabilang linya ngayon si Rems. He was conducting an online check-up to me. Sabi niya tapos na daw siyang mag check-up kay Knixx. Hanggang ngayon ay parang hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Tanggap ko na, pero ang sakit lang, masakit parin. Matapos ang burol ng araw na yon ay sabay din kaming umuwi ni Knixx. Syempre uwmuwi na naman kami sa kinagisnan naming tahanan, ang ospital. Bago ako pumasok ng kotse ay inilagay ko muna sa wallet ang plane ticket na ibinigay sa akin ni tito Daniel. Pagpasok ko sa sasakyan ay nandoon si Knixx at nakaupo. Mukhang hinihintay ako. "Uwi na tayo," sabi ko sa assistant ko at maya-maya lang ay umandar na ang sasakyan at umalis na kami doon. I was thinking so deeply during the ride. The pl

