"Dr. Osmeña informed us, that Trixie's cancer was in stage four," parang nabingi ako sa mga sinabi ni Mr. Rojas sa akin. Hindi ako nakapag-salita o kahit nagbago man lang ang ekspresyon ng mukha. Wala ako naging tugon sa naging rebelasyon. "Narinig mo ba ang sinabi ni tito Daniel, Clij?" Napukol ang tingin ko kay Knixx nang magsalit ito at hinawaka niya ang kaliwang kamay ko gamit ang dalawa nitong kamay. Tumango ako sa naging tanong niya sa akin. Tapos tinignan ko ang mag-asawa. "Does she know?" I asked them both. Pero sabay silang umiling sa akin. I heave a deep sigh, tapos yumuko ako. "Alam kong wala akong karapatang sabihin sa inyo to, bilang isang magulang," tapos tinignan ko sila nang seryoso. "But she deserves to know," napalunok ako ng sariling laway matapos kong sabihin yon

