Chapter 11

2835 Words
Nakaupo ako ngayon sa isang couch dito sa loob ng isang silid habang nakatitig sa isang babae na mahimbing na natutulog sa kama. Isang oras na itong tulog, at hindi niya alam na nandito parin ako sa loob ng kuwarto niya at tinititigan siya. Sabi niya kanina sa akin ayaw niyang matulog dahil natatakot siya na baka bukas ay wala na naman siyang maalala at makalimutan niya daw ako. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na kailangan niyang matulog at magpahinga, dahil bawal siyang mapagod at magpuyat sa kondisyon niya. Tapos natigilan ako sa isa niya pang dahilan kung bakit ayaw niyang matulog. Muntik na akong maluha dahil dun. Sabi ni Rems bawal na maging emosyonal ako sa harap ni Knixx dahil makasasama yun sa kondisyon niya. So I contain all my emotions after hearing her reason. Maliban sa dahilan na baka wala siyang maalala sa paggising niya, ay baka raw iwasan ko na naman siya. She said, why do I always avoid her instead of reaching her out and take some risk to remind her about our memories together. Nasasaktan raw siya sa tuwing iniiwas ko ang paningin ko sa kanya. Hindi naman daw nakasasama na ipaalala ang mga nakalimutan niya. As long as I will take it slowly and step by step. Para hindi mabigla ang utak niya sa mga nalalaman. So para makumbinsi siyang matulog, sinabihan ko siya na. 'Hindi ako mapapagod ipaalala sayo ang lahat-lahat. Hindi ako mapapagod ipakilala ang aking sarili kahit paulit-ulit na lang'. She cried after that, pero randam kong kampante siya sa sinabi ko, at natulog na siya. Siguro iniisip niyo na puwede ko namang hindi gawin ang pangakong yun sa oras na makalimot na naman siya. Pero hindi lang siya basta ibang tao na pinangakuan ko. Siya si Knixx, at siya ang dahilan kung bakit ako nangangako. I heave a deep sigh, ang lalim na pala ng iniisp ko, kanina pa. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Nginitian ko ang babaeng pumasok sa kwarto. Siya ang dahilan kung bakit nabuhay ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Ang nanay ni Knixx, si tita Crezelda. She checked her daugther, after she entered the room. I saw her sitting on the chair, beside the bed of her child. She gently hold her hand and raised it. I saw her giving a gentle kiss on her child's hand. This scene is heart warming, yet gloomy. I saw tita closed her eyes, at may tumakas na isang patak na luha mula sa kanan niyang mata. Nanikip ang dibdib ko sa nasaksihan. So I divert my gaze to the floor, para hindi tuluyang maiyak. "You've done enough today, you may now leave," I heard what she said. Kaya tinignan ko siya agad. Gusto ko pang manatili hindi para lang obserbahan si Knixx. Kundi masagot ang mga katanungan sa aking isipan. "Tita, I need answers. I want to ask you something," I asked and looked at her while asking. Pero nakatingin parin siya sa anak niya. "I dont ha-" she looked at me, but I cut her off. "I deserve to know something, you know I deserve it, tita!" Hindi ko na mapigilan na pataasin ang boses ko. Kaya sabay kaming napatingin kay Knixx ng bigla itong umungol ng mahina. Mabuti na lang at hindi siya tuluyang nagising. Lumipas ang kalahating minuto at wala parin akong sagot na nakuha. Still, I waited patiently, I looked at her intetly, at alam kong ramdam niya yun. I saw her gently put down the hand of her child. At tumayo siya, I didn't cut off my gaze. She walked towards me, at napaayos ako ng upo. Nakita ko siyang umupo sa tabi ko, pero hindi niya ako tinignan. Nakatingin siya kay Knixx. She sigh, then looked at me then smile. "Saan mo gustong simulan?" Finally, mukhang masasagot na ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Alam kong hindi rin ako makakatulog mamaya pag umalis ako ng silid ng walang nalalaman. Kaya nilakasan ko ang loob na magtanong, at hinanda ang sarili sa puwedeng malaman mamaya. "Sa simula, kung kailan nagsimulang makalimot siya," then my gaze transfixed to Knixx. "Noon pa man, alam na naming mangyayari to sa kanya," napalunok ako ng sariling laway nang marinig yun kay tita. "Anong ibig niyong sabihin?" I asked without cutting my gaze at Knixx. Parang natatakot akong mawala siya sa paningin ko ano mang oras. "You know that she has this ability that is something incredible. She has this kind of gift that's unnatural to a normal person. She holds a lot of data and memories inside her brain, na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong tao. She can clearly remember everything and anything kahit na ilang taon na ang lumipas. She's observant and very detailed on everything. She can clearly state something with full of conviction, dahil matalas ang utak at memorya niya. Alam na alam mo yun Clij, yun ang dahilan kung bakit kayo naging rival ng anak ko in terms of academic." Mahabang paliwanag ni tita sa akin, at nakinig ako ng mabuti. Takot na may makaligtaan kahit na kaunting detalye. "At first we thought it was a gift, not until we've noticed that she endure a consistent headache. Sabi niya noon, siguro dahil lang yun sa sobrang pag-aaral. Kaya sumasakit ang ulo niya. Hanggang sa nilagnat siya ng matindi at pinacheck- up siya namin sa ospital," she paused and trying to conatin all her emotions. "Ang akala namin ng tito mo ay regalo sa kaniya ang ganong kakayahan , nagkamali kami ng akala. Kaakibat ng regalong yun ay ang isang sumpa. Sabi ng doktor na darating ang panahon na magkaka alzheimer's disease siya kahit sa murang edad. Becuase it's hereditary. At namana niya yun kay mama," napahagulgol na siya sa tabi ko habang nakatakip ang dalawang palad sa kaniyang mukha. Inilabas ko ang panyo mula sa bulsa ng hospital gown ko. Mabuti na lang at may bulsa ang mga hospital gowns dito. She accpet it and wipe her tears. "Kailan po nagsimula yun?" "Nung first year high school siya," napasinghap ako sa narinig, kung ganun ang bata pa pala ni Knixx ng magsimula yun. "Pero ng magsimula siyang makalimot, mga isang buwan yun ng iniwan ka niya," wala ng bakas ng luha sa mukha niya, pero namamaga parin ang mata. Kung ganun, iniwan ako ni Knixx dahil alam niyang sa sarili niya na anytime ay magkaka alzheimers siya. Alam kong iniwan niya ako ng walang paliwanag, pero ang akala ko ay- Naputol ang pag-iisip ko ng bigla siyang ulit magsalita. "At dun nagsimula ang lahat Clij," then he reached out my right hand, and gently squezed it. "May tanong ka pa ba?" She added. "Meron po, pero huling tanong na to," I answered. Nakita ko siyang tumango. Mukhang pagod na ito sa kakaiyak. Kaya kahit ang dami ko pang tanong, minabuti ko na lang na isarili. "Sabi niya ay kilala niya na daw ako, dahil ipinaliwanag niyo ang lahat, gusto kong magpasalamat sayo tita," she smiled genuinely after hearing that. "Kung ganun, bumalik na ba ang ala-ala niya?" Inalis niya ang kamay niya sa kamay ko, at tumingin sa kanyang anak na natutulog nang mahimbing. "Maliwanag ang pagkakasabi niya sayo Clij, 'kilala' ka na niya, wala siyang sinabing, 'naalala'," at ang isang porsyentong pinanghahawakan ko ay biglang naglaho. I find myself walking on the hallway of the fourth floor. Matapos naming mag-usap ni tita ay umalis na ako para magpahinga. I entered the elevator to descend me to the third floor. I was walking in the hallway, at parang walang katapusan na paglalakad. Hindi ko ba alam, kung ang paghinig ko ng kasagutan ay natuldukan ang mga katanungan ko, o mas lalo lang itong nadagdagan. Pagkapasok ko ng kwarto, ay wala akong lakas para i-on ang switch ng ilaw. Humiga ako sa kama at ipinikit ang dalawang mata. Lumipas ang ilang segundo, isang minuto, hanggang sa naging isang oras na ay hindi pa rin ako makatulog. Idinilat ko ang mga mata at pinailaw ang lamp sa tabi ng kama ko. Nakatulala lang ako sa kawalan, gusto ko ng magpahinga, ang bigat-bigat na ng mata ko, gusto ko ng matulog, pero ayaw akong payagan ng utak ko. Iniinsomnia na naman ako. Pero hindi ako puwedeng uminom ng sleeping pills dahil matatagalan na naman bago ako magising o matuluyan na. Naging ganun lang ako makalipas ang limang minuto, hanggang sa tumayo ako at kinuha ang acoustic guitar. I was about to sit on my bed, nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Malakas ang pagkakabukas nito, na para bang may humahabol sa taong nagbukas ng pinto. "Flynn! I'm scared!" Boses yun ni Trixie, kaya binitawan ko ang gitara sa ibabaw ng kama at dali-daling binuksan ang ilaw, para maaninag ang bata. Pagkakita ko sa kanya ay umiiyak siya at nanginging, mukhang takot na takot. I bend my knees to level her height. I wiped her tears using my hands, and calm her down while rubbing her back, gently. "Shhhh, don't cry Trix, tell me what happened," I asked her and still trying to calm her down. "T-h-ey were chasing me! They want to hurt me so bad, I was running so fast but I'm not moving from my place," at mas lalong umiyak ang bata. Sa tingin ko nagkaroon siya ng masamang panaginip. I've experinced the same thing, yung may humahabol sayo at ginagawa mo ang lahat para bumilis ang takbo mo subalit hindi ka naman umaalis sa kinatatyuan mo. I was terrified way back then, at kapag nangyayari yun, ay tumatabi si mama sa akin at yinayakap ako hanggang sa makatulog. "They're not real, it's just a bad dream, they won't hurt you. I'm here," sinabi ko yun sa kanya at mukhang humina na ang pag-iyak niya. Still she's sobbing. "Do you want to stay here instead?" I asked her. Nakita ko siyang tumango habang nakayuko. "I will sing a song for you, do you want that?" Marahas siyang umiling sa sinabi ko at nagsimula muling umiyak. "Why?" I asked her, nalilito ako kung bakit. "If you will sing, I might fall asleep, then I wil see them again!" Sumigaw siya at namamaos na ang boses niya. "Then let's pray before you sleep, is that okay? So that they will not visit you in your dreams," nakita ko siyang tumingin sa akin at tumigil na sa pag-iyak. "O-kay" "Dear Almighty, please let me sleep safely. Please don't allow those monsters to invade my dreams. I wanted to rest for a bit so that I will have the energy to face the new beginning. Amen," nakaupo na kami ngayon sa ibabaw ng kama ko. Napangiti ako sa laman ng dasal ng bata. Napaka inosete at may iisang layunin. Ang makatulog sana siya ng payapa. After that ay nahiga na siya sa tabi ko. Napakapit pa siya sa braso ko habang nakapikit ang dalawa niyang mata. Nilagyan ko siya ng kumot at inadjust ang aircon sa 35°C. Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Lumipas na ang limang minuto, kaya akala ko ay tuluyan na siyang nakatulog. "Please sing me a song," she said softly at nakapikit parin ang mata. Hindi ko ba alam kung gising pa siya, o nasabi niya lang yun dahil nananaginip siya. Pero alin man dun ang dahilan, kakantahan ko parin siya. Marinig niya man to o hindi, ay okay lang. Inabot ko ang gitara sa gilid ng kama. Inilagay ko ito sa gilid ng kama kanina ng buhatin ko si Trixie kanina para ihiga siya sa kama. I strum the guitar for fifteen seconds, then started to sing. Sa mundong walang katahimikan Nagtatanong kung bakit nawala ang paghinto Palaging bukas ang mata Ang tao raw, lahat ay may hangganan Madalang na tumingin sa kawalan at magtanong Kung bakit ginagawa Magpahinga ka na, sinta Huwag matakot Maramdaman mo ang sariling lungkot Huminga (ka) Huminga (ka) Bakit ba kailangang mahirapan? Walang alam, 'di maintindihan ang kwento ng Tadhana sa buhay na 'to Sino ba'ng may kayang manindigan? Kailan ba mapapansin lahat at matanto Ang mahalaga ay ang ngayon? Magpahinga ka na, sinta Huwag matakot Maramdaman mo ang sariling lungkot Huminga (ka) Huminga (ka) Laman at buto, naramdaman ko Ngayo'y tatakbo pabalik sa 'yo Laman at buto, naramdaman ko Ngayo'y tatakbo pabalik sa 'yo Magpahinga ka na, sinta Huwag matakot Maramdaman mo ang sariling lungkot Huminga (ka) Huminga (ka) Huminga (ka) Huminga ka "Sleep well, our Angel. You may now sleep safely, for your guardian angel is here." Pagkatapos ko yung sinabi ay dahan-dahan kong inalis ang dalawa niyang kamay sa braso ko, at inadjust siya ng maayos sa pagkakahiga para hindi siya mangalay. Ibinalik ko sa dating lalagyan ang gitara ko. Umupo ako ng sofa, at ipinikit ang mata. Doon ko lang naramdaman ang antok na gusto ko sana ay kanina pa ako dinalaw. Dumating ang umaga, alam ko sa sariling kulang ang tulog ko. Ramdam ko rin ang bigat ng talukap ng mata ko pero pinilit ko pa rin itong idilat. Nagising ako kasi ramdam kong kanina pa may nakatingin sa akin. At hindi nga ako nagkakamali, tinitignan ako ni Trixie. Naka indian seat siya habang tinitignan akong nakahiga rito sa sofa. Ang pagkakaala ko ay nakaupo ako kagabi nang makatulog. Siguro dahil sa sobrang pagod ay napadausos ako, at tuluyang nahiga. The moment I open my eyes she immediately smiled at me. "Good morning Flynn!" She exclaimed while raising her two hands above the air. I can't help not to smile. May kumawalang ngiti sa mga labi ko matapos niya akong batiin ng magandang umaga. Hard work paid off, sobrang worth it ang pagpupuyat ko kagabi dahil nakatulog ng mahimbing ang bata at maganda ang kanyang gising. I saw her gently rub her tummy. Mukhang gutom na ito. "Good morning Trix, do you want a breakfast in bed?" She immediately looked at me, at tumango ng dalawang beses. Kaya bumangon ako ng sofa at pumunta ng comfort room. "Just stay here, okay? I'll buy your breakfast down there, or do you want to eat your breakfast in your room?" Tanong ko sa kanya sa loob ng banyo habang naghihilamos at nakabukas naman ang pinto ng C.R. "No!" Mabilis niyang sagot sa akin, at umiling ng paulit-ulit. Natakot ata sa ideya na kakain siya sa sariling kwarto. "Okay, okay just promise me that you will stay here and behave inside my room." "I promise, I will behave here, just don't let me go back inside my room. I'm scared Flynn," mukhang namamasa na ang gilid ng mukha niya. Nakita ko pa siyang hinarap ang kanang palad niya sa akin, na naka level sa tenga niya, as if it was a 'promise' sign. So I walk towards her, at lumuhod ako sa tabi ng kama at hinawakan ang kaliwa niyang kamay. "I promise, I will not allow you to go back in your room, if you're alone," then I smiled at her to convince her. She paused for a second then looked at me in the eyes, intently. "Promise?" She asked. "Promise!" I raised my right hand and level it into my ear to make a promise sign. Then I saw her curving her lips to form a smile. Pagkarating ko sa canteen ay umorder ako ng makakain namin ni Trixie. I ordered, one egg, two bacons,white rice and a glass of milk for Trixie. One rice and two piece of beef steak with mushrooms, and a glass of milk also, for me. Sabi ko sa cashier na hihiramin ko muna ang tray dahil sa third floor ako kakain. Pumayag naman siya, at ipinaalala niya sa akin na sa susunod raw ay sabihin ko sa kanya na gusto kong humiram ng tray, at hindi basta-basta na lang tatakbo ako ng mabilis. Natawa ako kasi naalala ko kung gaano ako ka engot noong dalawang linggo ng tumakbo ako ng mabilis at tinakpan ang mukha gamit ang tray para hindi ako makita ni Knixx. I leave the canteen at paglabas ko nakita ko ang mag-asawa na nagwawala sa information's desk. Ang mag-asawang yun ay ang mommy at daddy ni Trixie. Kaya kahit nahihirapan sa pagbitbit ng tray ay pinuntahan ko pa rin sila. I'm really trying my best not to fall down or get tripped. So I slow down my pace while approaching towards them. Ramdam ko na ang ngalay at pagod sa dalawa kong braso at kamay. Pinagpapawisan na rin ako ng matindi dahil sa mga namumuong butil sa nuo ko at pawis na nararamdaman kong unti-unting dumadaloy pababa sa batok at gilid ng mukha ko. "Nasaan ang anak ko! Wala siya sa kanyang kwarto! Anong klaseng ospital to at hinahayang makalabas ang pasyente o mawala sa silid nito ng hindi man lang namamalayan ng kahit na sino!" Narinig ko ang malakas na sigaw ng ginang sa isang nurse. Mukhang si Michaela pa yata ang nurse na sinisigawan. Sinusubukan siyang patahanin ng asawa niya at mga nurse na nadoon pero hindi siya mapigilan. Lahat ng taong nandoon ay napatingin na sa gawi nila. Hanggang sa ako na ang kusang lumapit at nagbitiw ng salita na nagpatahimik sa kanya. "You're daughter is in my room. She slept there last night. She can't sleep in her own room, for she had a nightmare last midnight. So I let her in there. And we will have a breakfast, later. So if you don't mind ma'am, kindly lower your voice and don't make a scene here." I calmly stated. At napatingin silang lahat sa akin. Nakita kong kumalma ang ginang at tuluyang naupos sa kinatatayuan niya. Mabuti na lang at sinalo siya ng kanyang asawa at inalalayan para makatayo ulit ng maayos. Napahimas siya ng sintido niya at makikita ang mga sumisilay na ugat roon. Mayroon din sa gilid ng leeg niya, dahil siguro yun sa kasisigaw niya kanina. Nakita ko namang ngumiti sa akin si Michaela na nagpapasalamat sa ginawa ko. Tumango lang ako bilang tugon. Pumasok na kami ng elevator para pumunta sa room ko. Bit-bit ko pa rin ang tray at namamanhid na ang buong braso ko. Pagkarating namin sa harap ng pinto ko ay dali-daling pinihit ng ginang ang seradura. Ang tatay ni Trixie ang huling pumasok para isarado ang pinto. Pinuntahan ko ang lamesa at nilatag sa ibabaw ang tray doon. Sa wakas ay naipatong ko na rin ito. Nakita kong niyakap nilang dalawa ang anak. "We're here Trix, I'm sorry we left you all alone," she was brushing the hair of her daughter. So I decided to leave the room to give them some time. Mamaya ko na lang kakainin ang pagkain ko pag umalis na sila sa kwarto ko. Maaga pa naman mga around 7:00 a.m. Habang naglalakad ako sa hallway ng third floor ay naalala ko si Rems. Ngayon pala ang alis niya. Kaya dali-dali akong nagpunta ng opisina niya para makapag-paalam sa kanya ng maayos. Hindi kasi naging maganda ang pag-uusap namin noong na sa rooftop kami. Kaya gusto kong makapag paalam man lang ng maayos bago siya umalis. Pagkalabas ko ng elevator ay halos tumakbo ako ng opisina niya sa second floor. Wala akong alam kung anong oras ang alis niya sa ospital pati na rin ang flight niya papuntang states. Pagkarating ko sa harap ng pinto ay pinihit ko ang seradura hindi ko ito mapihit, na ka lock ang pinto. Kumatok ako ng malakas at paulit-ulit at nagbabakasakaling nandoon pa rin siya. Pero walang Rems na lumabas. Napahilamos ako ng mukha sa pagkadismaya. "Si Doc po ay umalis na kanina lang, para magpunta ng states sa kanyang Clinical Trials," sabi ng babaeng nurse sa akin. Natauhan ako at dali-daling bumaba ng second floor. Hindi ko man lang siya tinignan at pinasalamatan dahil sa kagustuhang maabutan si Rems sa airport. Ginamit ko ang hagdan para bumaba dahil atat na atat na ako. Pagkarating ko ng parking lot ay nagpasalamat ako ng makita na nandoon pa rin ang sasakyan ko. Isa itong Ducati na color black. Dali-dali akong pumasok at pinaharurot ang sasakyan papuntang airport. Hindi ko na namalayan na naka tyenelas lang ako at nakasuot pa rin ng hospital gown, wala akong pakialam ang importante sa akin ay maabutan ko ang best friend ko. Pagkarating ko ng airport ay ayaw pa ko papasukin ng guard na nagbabantay. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at nakalusot ako sa kanya. Pero alam kong mamaya lang ay pasusundan na ako ng ibang guards para hulihin ako at ilabas sa loob ng airport. Takbo ako ng takbo, hanggang sa narinig ko na tinatawag na ang mga passengers ng eroplano na mayroong flight papuntang U.S; dali-dali akong tumakbo sa linya ng mga taong pumipila. Nangingilid na ang luha ko sa mata. Dahil hindi ko pa rin siya makita. Anytime puwede akong umiyak rito. Para akong batang iniwan ng magulang dahil may business trip ito sa ibang bansa. Hanggang sa naisipan kong isigaw ang pangalan niya. "CLYDE!" tama kayo ng pagkakabasa, Clyde ang pangalan ng best friend ko. Rems Clyde. Second name niya ito. And he hate it when I call him using his second name. Agad napatingin ang mga taong pumipila ng isang linya, sa akin. Including him. Nakita ko siyang napahimas ng sintido niya habang nakapikit ang dalawang mata. Alam kong nahihiya siya sa pinggagawa ko sa buhay. Pero wala akong pakialam. I run toward him and hug him so tight. Halos maiyak na ako. Hindi ko kasi alam kung kailan siya ulit babalik ng Pilipinas. He doesn't hug me back. Kaya nagsalita na ako. "Ganon ka ba kagalit sa akin, at hindi mo man lang nagawang makapagpaalam bago ka umalis?" Gusto kong magalit pero lamang parin ang lungkot. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. "Pag ako hindi makaalis ngayon papuntang states lagot ka sa akin Clija," he warned me, pero hindi man lang ako natakot. "Ayun siya!" Sabi ng isang guard at nakaturo pa ito sa amin. Agad nila akong nilapitan at kinuha mula sa pagkakayakap kay Rems. "You don't have to force him, he will leave this airport immediately," at pinandilatan ako ni Rems ng mata. "Can you please send him in this hospital," nakita kong ibinigay ni Rems ang calling card niya. "He's not allowed to stay here for a long period of time, makasasama yun sa kondisyon niya," at tumango naman ang isang guard, ngumiti ng matipid si Rems sa kanya. "Sorry for the inconvenient. I'll send an apology letter to the Head," at binaling niya ang tingin sa akin. "Umalis ka na at sumama sa kanila, at huwag na huwag kang mag d-drive ulit nang mag-isa," mahinahong niyang sinabi pero alam kong nagtitimpi siya nang galit. "I'm sorry Rems hindi na mauulit, gusto ko lang naman na maging maayos tayo bago ka umalis papuntang states," malungkot kong sabi. Dahil kesa magkaayos kaming dalawa mukhang nadagdagan lang ang galit niya sa akin. Tatalikod na sana ako para sumama sa mga maghahatid sa akin pabalik ng ospital nang bigla siyang magsalita. "Mag-ingat ka palagi Clij, ikaw na lang ang natitirang mahal ko sa buhay, hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sayo," after that hindi ko na napigilan ang umiyak sa harap ng best friend ko at sa maraming tao. Pagkaharap ko sa kanya ay may namumuong mga luha sa gilid ng dalawa niyang mata. I run towards him and hug him so tight. To assure him that I will be okay and I promised to never leave him in this life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD